LOGINHOW TO IGNORE AN ATTRACTIVE BOSS?
Google search result: 10 Ways to Fight Attraction In The Workplace
Una, acknowledge the problem. Ang problema ay nagkakaroon na ako ng malisiya kay Mr. Montano dahil sa simpleng halik na yun.
Pangalawa, talk to a friend about your love dilemma. No, hindi ko pwedeng ikwento iyon kay Cherry dahil malamang sa malamang ay headline na ko ng chismis kinabukasan.
Pangatlo, get a copy of your company's rules and regulations from HR. Parang hindi na kailangan yun, aware ako na bawal ang romantic relationship sa loob ng opisina. Malinaw na malinaw yun sa akin.
Pangapat, realize you might be the target of manipulation. Hmm, hindi ata applicable sa akin ito.
Panglima, acknowledge: "The Grass is Always Greener". Ano daw? Anong ibig sabihin nun?
Hay, sinara ko na ang laptop dahil parang wala naman itong maitutulong sa akin. Hindi siguro lahat ng bagay ay kayang sagutin ni Google.
Napasandal ako sa aking upuan at tumingala. Ganito din ba ang pakiramdam ni Mary noong nagtatrabaho pa ito kay Mr. Montano? Parang laging kabado, naiilang o kaya naman ay natutulala? Hindi pala biro ang magtrabaho sa isang lalaking kagaya nito, ang hirap pala.
Akala ko ay manhid na ako pagdating sa mga lalaki. Simula kasi ng naghiwalay kami ng ex ko ay hindi na ata ako nakaramdam man lang ng kilig. Pero bakit sa boss ay para akong...
"Hindi! Please wag, Jenna. Yan ang magiging katapusan ng career mo kapag nagkagusto ka kay Mr. Montano!" Paalala ko sa sarili.
Kailangan kong tandaan na kaya lang naman ako napili sa posisyon na ito ay dahil isa ako sa mga immune na sa kagwapuhan nito. Pero parang nagkamali ata sila ng pagpili sa akin.
Buti na lang at hindi na nagbalik ang amo, dahil sa totoo lang ay parang hindi ko pa rin alam kung paano dapat umakto pag nasa paligid ko ito. Masiyado akong halata na ilag at ilang sa harap nito kaya naman dapat kong kontrolin iyon. Pero paano nga ba?
Pagbaba ko sa building ay nakita ko ang pamilyar na sasakyan na nakaparada. Sasakyan ni Mr. Fuentez! Agad akong umiba ng direksyon, buti pa ay sa likod na lang ako dadaan.
"Hi, Jenna!" Masayang bati ng nabosesan ko ng si Mr. Fuentez. Huli na pala at nakita na ako nito.
"Hello po, sir. Kumusta po?" Pilit ko na lang na sagot, wala pa naman ako sa mood ngayon.
"I am great. I told you that we will see each other soon. How have you been?" Ubod tamis na ngiti nito. Mukhang galing ito sa meeting at nakapormal pa na damit.
"Ahm, okay naman po." Matipid kong sagot at balak ko na sana magpaalam.
"Come, let's have dinner together." Aya nito na parang wala lang. Dinner daw eh alas-5 pa lang.
"Hindi na po sir, sa bahay na lang po ako kakain. Mauuna na po ako." At tatalikod na sana ako.
"No, please. Why are you so shy?" Pagpupumilit pa nito.
Ano bang akala nito, na sumasama lang ako kung kani-kanino at isang aya lang ay oo na agad? Hindi ako ganun klaseng babae noh!
"Sorry po talaga sir pero nagaantay po kasi ang mama ko sa bahay. Kailangan ko pong umuwi ng maaga." Pagdadahilan ko dito na ngayon ay nawala na ang ngiti.
Magsasalita pa sana ito pero hindi ko na ito hinayaan pa.
"Sige po sir, bye!" At nagmadali na akong naglakad palayo.
Hindi naman sa ayokong makipagkaibigan, pero sa ngayon ay mas mabuti na ang umiwas. Tama na muna ang nangyari sa amin ng boss, iiwasan ko na munang madagdagan ang problema ko sa issue naman kay Mr. Fuentez.
Paguwi sa bahay ay nadatnan kong naghahain na si mama. Ang aking papa ay isang OFW sa Qatar at si mama ay plain housewife naman. Tatlo kaming magkakatid at ako ang panganay. Nasa salas naman ang kapatid kong babae na si Julie, 11 years old at ang kapatid kong si Junie ay 18 years old naman.
Simple lang ang aming pamumuhay dito sa Bulacan. Swerte din ako dahil hindi naman ako inoobliga ng magulang na magbigay. Pero dahil gusto ko silang tulungan ay ako na lang ang nagbabayad ng kuryente at tubig buwan buwan. Dun man lang ay may maiambag ako. Ang sobra sa sahod ko ay iniipon ko naman sa banko. Naniniwala kasi ako na wais ang taong marunong magsinop at kapag may emergency ay may madudukot.
Naupo na kami sa lamesa at sabay-sabay na kumain.
"Mama, si kuya nahuli ko na may kachat na babae!" Sumbong ni Julie sabay turo pa sa kapatid na lalaki.
Natawa lang si mama at ako naman ay nacurious.
"Sino yung kachat mo? May girlfriend ka na ba ha?" Pangaasar ko sa nakababatang kapatid.
"Ha? Wala ate, Maniwala ka naman dyan kay Julie!" May halong maktol pang tanggi nito.
"Bakit naman? Wala namang masama dun ah. Aminin mo na." Dagdag ko pa at halatang naasar na ito.
"Wala nga, ate. Isa pa yung kachat ko kaibigan ko lang yun."
"Kaibigan? Eh nakita ko sabi mo, baby!" Sabat naman ni Julie.
Nanlaki ang mga mata ni Junie sa kapatid. "Sa susunod na pakielaman mo ang cellphone ko ay lagot ka talaga sa akin!"
Kami naman ni mama ay natatawa na lang sa dalawa at nagpatuloy na sa pagkain.
Habang nagliligpit ay bumalik naman sa sala ang mga kapatid para manuod ng tv.
"Ma, may itatanong lang po ako.”
"Ano yun, Jenna?" At nagumpisa ng maghugas ng plato si mama.
"Diba nung nangliligaw pa sayo si papa, ayaw mo kamo sa kaniya?"
"Oo, anak, Bakit mo natanong?"
"Wala lang po, Ma. Eh bakit nyo siya biglang nagustuhan?" Tumingin pa muna si mama sa akin bago sumagot.
"Kasi matyaga ang papa mo, panay suyo at punta sa bahay yan. Pati ang lola mo ay binibigyan ng chocolates." Mahinang tawa pa nito.
"So, naging kayo na po agad nun?"
"Hmm, hindi naman. Noong una ay iniwasan ko talaga ang papa mo. Ayoko pa kasi talagang magboyfriend nung panahon na yun. Kaya kahit nagugustuhan ko na siya, pinilit ko talaga na itago."
"Paano po?" Curious na tanong ko. Buti ay hindi nagtaka si mama na out of the blue ay nagtanong ako ng ganun.
"Kapag nakikita ko siya, pinapansin ko yung mga pangit sa kaniya. Saka yung mga hindi ko gustong ugali niya, yun yung iniisip ko para mainis ako sa kaniya."
"Hindi po ba mahirap gawin yun, lalo na kung gusto mo na pala siya nun?” Hmm, masubukan nga yun kay Mr. Montano.
"Hindi naman, pero depende kung gaano na kalalim ang nararamdaman mo sa kaniya." Diretsong sagot at sabay pa kaming napalingon ng biglang sumigaw si Julie.
"Maaaa, si kuya oh!" Mukhang nag-aagawan na naman ng remote ng tv ang dalawa.
Agad na pinuntahan ni mama ang dalawa kaya naiwan akong magisa sa kusina…
"Aba ang sexy ni beshy ngayon!" Bungad ni Cherry pagkakita nito sa akin habang nagtitimpla ako ng kape."Ha? Seryoso?" Tinignan ko ang sarili. Hapit na hapit kasi ang pencil cut skirt ko na dark gray at white short sleeves blouse na nakatuck-in. Binagayan ko pa iyon ng nude na tip toe heels na katamtaman lang ang taas."Promise! Parang pumayat ka? Lumabas ang curves mo eh!" Sino ba naman kasi ang hindi papayat, eh halos malibot ko na ang Luzon kasama si Mr. Montano."Thank you sa pambobola!” Natatawa na lang ako sa kaibigan.Ngayong araw ay may importante akong misyo
HOW TO IGNORE AN ATTRACTIVE BOSS?Google search result:10 Ways to Fight Attraction In The Workplace
"Good morning, sir." Bati ko sa boss ng tawagan ko ito.Hindi ito agad sumagot pero dinig ko ang hininga nito sa kabilang liniya."Good morning." Tipid at parang wala sa mood nitong bati din sa akin."Sir, your meeting at 10am today is confirmed." Diretso kong sabi dito na pinipigilang mautal. Normal lang dapat ang pakikitungo na parang walang nangyari."That's good." Sagot nito at nagpakawala ng malalim na hininga. Dinig na dinig ko naman iyon bago nito ibinababa.Mukhang normal naman ito at walang kakaiba kaya sigurado na wala itong naalala. Buti naman at ganoon.Nagantay ako sa lobby ng hotel dahil kailangan na naming bumalik sa venue dahil doon din gaganapin ang meeting sa Architect.Maya-maya pa ay nakita ko ng naglalakad ang boss galing sa elevator. Habang papalapit ito sa akin ay hind
Isang malalim na bunting hininga ang pinakawalan ko ng nasa tapat na ng pinto ng hotel ni Mr. Montano. Pinindot ko ng isang beses ang doorbell nito at naghintay pero walang nagbukas.Baka naman tulog ito? Aatras na sana ako ng biglang umuwang ang pinto.Hubad na katawan ng boss ang sumalubong sa akin. At dahil sa nakatsinelas lang ako ay kapantay lang ako ng dibdib nito. Tama nga ako at matipuno ang katawan nito, alagang-alaga siguro sa exercise.Pero da
Pagtingin ko sa oras ay pasada alas-2 na kaya pala nakakaramdam na ako gutom."Sir, your meeting will start at 2:30pm." Pagpapaalala ko dito habang naglalakad kami sa paligid. Tumango ito at nagpunta na kami sa conference room ng lugar.Sa kalagitnaan nga ng meeting ay may dumating na may dalang tray at mga inumin. Ayun naman ang pinakaaantay ko eh, dahil malapit nang magwala ang bituka ko.Biskwit?! Yun lang ang inihain nito at juice. Para akong nanlambot ng dahil dun pero dahil kumakalam na ang sikmura ko ay pwede na sigurong pantawid gutom ito.Magaalas-4 na at may isa pang meeting si Mr. Montano bago
Tulad ng inaasahan ay naging busy ang mga sumunod na araw, napadalas ang pagbisita namin sa mga venues at meetings.Nakakapagod dahil madalas ay naghahabol kami ng oras ni Mr. Montano. Puno ang schedule nito, ibig sahihin ay ganun din ako. Dahil kung nasaan ang boss ay nandun din dapat ako.Nagpapasalamat naman ako at hindi ko nakikita si Mr. Fuentez. Balita ko ay may emergency appointment ito sa Japan kaya naman wala ito ng mga nakaraang araw.Sa totoo lang ay nakakatuwa naman ang lalaki, ang problema lang ay ayoko madumihan ang image ko sa boss. Kakaumpisa ko pa lang bilang secretary niya at ayoko naman magisip ito na nakikipaglandian ako sa tr