Mag-log inIsang malalim na bunting hininga ang pinakawalan ko ng nasa tapat na ng pinto ng hotel ni Mr. Montano. Pinindot ko ng isang beses ang doorbell nito at naghintay pero walang nagbukas.
Baka naman tulog ito? Aatras na sana ako ng biglang umuwang ang pinto.
Hubad na katawan ng boss ang sumalubong sa akin. At dahil sa nakatsinelas lang ako ay kapantay lang ako ng dibdib nito. Tama nga ako at matipuno ang katawan nito, alagang-alaga siguro sa exercise.
Pero dahil mas nananaig ang kaba at takot ko ng mga oras na iyon ay balewalang nagtaas na lang ako ng tingin na sinalubong naman ng madilim at seryosong mukha nito. Mukhang bagong gising ito at gulo gulo pa ang buhok.
Diyosko po, paano ko ba sasabihin dito na naiwan ko ang tablet sa kotse niya kung ngayon pa lang ay mukha na itong manlalamon ng buhay.
"G-good evening po, s-sir." Mautal-utal na bati ko dito.
"Good evening. Yes, Jenna?" Tanong nito na kumunot ang noo. Nagtataka siguro ito kung bakit ako napasugod sa kwarto nito.
Sasagot na sana ako ng bumukas ang pinto sa katapat na hotel room.
"Come in, please." Tipid na sabi nito at agad naman akong pumasok. Ayaw siguro nitong makita siya ng ibang tao na halos walang damit. Bakit kasi hindi man lang nagsuot ng robe bago nagbukas ng pinto?
Pagpasok ko ay iginala ko ang aking mga mata sa kwarto. Nakita ko ang alak sa lamesa at mukhang umiinom ito bago pa ako dumating.
"Tell me, Jenna." At kinuha pa ang bote ng alak at tinungga iyon.
Paano ko bang sisimulang sabihin sa boss ang nangyari, mukhang lasing na ito. Baka mas doble ito kung magalit pag ganitong wala ito sa sarili. Wrong timing naman ako.
"Ah, kasi po.. Ahmm.." Hindi ko maituloy ang sasabihin. Madilim sa kwarto nito dahil sa lamp shade lang ang nakabukas kaya hindi ko gaanong aninag ang ekspresyon ng mukha nito. Kaya mas lalo akong kinabahan.
Lumapit ito sa akin ng bahagya. "What?" Tanong muli nito at dahil malapit ito sa akin ay amoy ko ang alak na nanggaling sa bibig nito.
Ayoko ng amoy ng alak dahil hindi naman ako umiinom kaya hindi ko namalayan na napaatras ako ng kaunti. Agad nito sigurong napansin iyon at lalong lumapit sa akin.
Nagtaka ako sa kinilos nito kaya naman napatingala ako sa mukha nito. Mataman itong nakatingin sa akin na parang namumungay pa ang mga mata, lasing na nga ang boss ko.
Unang beses kong makita itong ganito. Nagbaba na lang ako ng tingin para makaiwas sa mga titig nito at baka lalo akong magkautal-utal sa pagsasalita.
Kailangan ko ng sabihin ang pakay dahil marami rami pa akong kokontakin na mga kameeting bukas ng boss. Lalakasan ko na talaga ang loob ko...
Pagtingala ko ay... mainit na labi ang sumalubong sa akin! Nanlaki ang mata ko habang ang labi nito ay nasa ibabaw ng labi ko. Damang dama ko ang lambot niyon at init ng hininga nito.
Nanaginip ba ako? Bakit magkalapat ang mga labi namin ni Mr. Montano?
Hindi ko maipaliwanag ang sensasyon na nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Para akong lumulutang.
Pero maya-maya lang ay biglang bumigat at nahulog na pala ang mukha nito sa balikat ko. Buti na lang at mabilis ko itong nasalo at nahatak sa kama. Nakatulog pala ito?
Agad akong napaupo sa gilid ng kama at natulala. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Sandali, ni hindi nga ako sigurado kung ano nga ba ang nagyari at paulit ulit kong binaling ang ulo.
“Hindi, hindi! Hindi ko dapat bigyan ng kahulugan yun. Lasing ito at dahil siguro wala sa sarili ay nagawa niya yun.” Pagkukumbinsi ko sa sarili at saka tumingin sa tulog ng boss.
Isa pa ay ako ang may kasalanan. Sino ba namang matinong babae ang papasok sa kwarto ng lalaki? Para akong isang manok na nagpaing ng sarili.
Napabuntung hininga ako ng maalalang muli ang pagdampi ng mga labi namin. Segundo lang yun pero bakit parang tumigil ang oras ng mga sandaling yun?
Napakamot ako sa ulo, hindi ko dapat binibigyan ng malisiya ang boss. Lasing lang ito at wala sa sarili. Ang mahalaga ay tulog na ito at... Hindi na niya malalaman na nakalimutan ko ang tablet sa kotse niya!
Agad kong hinanap ang susi nito at dali-dali akong bumababa sa parking.
Success! Nandun nga ang tablet. Nakahinga na ako ng maluwag.
Dahan-dahan kong ibinalik ang susi nito at bumalik na sa aking kwarto. Bukas ay gigising ako na parang walang nangyari...
"Ahhhhhh..." Sigaw ko habang pabaling-baling sa kama.
Alas-5 pa lang at nagising na ako. Gusto ko pa sanang matulog pero hindi ako dalawin ng antok. Mula kagabi ay hirap na hirap na akong makatulog.
Paano ba naman kasi ay paulit-ulit nagrereplay sa utak ko ang nangyari kagabi.
"Akala ko ba Jenna ay gigising ka na parang walang nangyari?" Kinain ko lang ang mga sinabi ko kagabi.
Paano ko ba makakalimutan yun? Nagdampi ang mga labi namin ng boss ko! Si Mr. Montano na kinababaliwan ng mga kaopisina. Ni sa panaginip ay hindi ko man lang naisip na pwedeng mangyari ang bagay na tulad nun. Napakaimpossible!
Ang lambot ng labi niya, parang ang sarap kagatin... Hindi! Hindi ako pwedeng magisip ng ganito sa boss ko. Paulit-ulit kong binaling ang ulo sa isipang iyon.
Anong mukha ang ihaharap ko dito? Sana lang ay wala siyang naalala sa mga nangyari. Dahil kung nagkataon ay baka hindi na ako kailanman makatingin ng diretso dito. Paano na lang ako makakapagtrabaho ng maayos pag nagkataon?
Mabuti pa ay bumangon na ako at magayos. Kahit anong mangyari ay dapat kong harapin ito.
Alas-7 pa lang ng nakatanggap ako ng tawag mula kay Ms. Cruz, maayos na daw ang panahon kaya naman nagumpisa na silang bumiyahe. Bgao magalas-10 daw ay tiyak na nandun na sila.
Idadial ko na sana ang number ng boss ng maalala ko na naman ang pagdampi ng mga labi namin at ang mainit nitong hininga.
"Jenna, magfocus ka nga! Akala ko ba ay hindi mo type si Mr. Montano. Bakit ngayon ay nagkakaganiyan ka?" Sita ko sa sarili, nababaliw na ata ako.
Oo, hindi ang tipo nito ang gusto ko sa lalaki. Masyado itong guwapo para sa taste ko. Pero siguro ay matagal lang ng huli ako mahalikan kaya ako nagkakaganito.
"Huwag ka ngang feeling, Jenna! Hindi ka naman hinalikan ng boss mo, nagkadampi lang ang mga labi nyo. Yun lang yun at isang aksidente lang ang nangyari." Pagkukumbinsi ko sa sarili. Napapadalas ata ang pakikipagusap ko sa sarili, sana ay hindi pa naman ako nasisiraan ng bait.
Kung ano man ang nangyari ay dapat ko na lamang sigurong kalimutan. Isa pa ay lasing ito kagabi kaya panigurado na wala siyang naalala. Nakumbinsi ko naman ang sarili at medyo nakahinga na ko ng maluwag.
"Aba ang sexy ni beshy ngayon!" Bungad ni Cherry pagkakita nito sa akin habang nagtitimpla ako ng kape."Ha? Seryoso?" Tinignan ko ang sarili. Hapit na hapit kasi ang pencil cut skirt ko na dark gray at white short sleeves blouse na nakatuck-in. Binagayan ko pa iyon ng nude na tip toe heels na katamtaman lang ang taas."Promise! Parang pumayat ka? Lumabas ang curves mo eh!" Sino ba naman kasi ang hindi papayat, eh halos malibot ko na ang Luzon kasama si Mr. Montano."Thank you sa pambobola!” Natatawa na lang ako sa kaibigan.Ngayong araw ay may importante akong misyo
HOW TO IGNORE AN ATTRACTIVE BOSS?Google search result:10 Ways to Fight Attraction In The Workplace
"Good morning, sir." Bati ko sa boss ng tawagan ko ito.Hindi ito agad sumagot pero dinig ko ang hininga nito sa kabilang liniya."Good morning." Tipid at parang wala sa mood nitong bati din sa akin."Sir, your meeting at 10am today is confirmed." Diretso kong sabi dito na pinipigilang mautal. Normal lang dapat ang pakikitungo na parang walang nangyari."That's good." Sagot nito at nagpakawala ng malalim na hininga. Dinig na dinig ko naman iyon bago nito ibinababa.Mukhang normal naman ito at walang kakaiba kaya sigurado na wala itong naalala. Buti naman at ganoon.Nagantay ako sa lobby ng hotel dahil kailangan na naming bumalik sa venue dahil doon din gaganapin ang meeting sa Architect.Maya-maya pa ay nakita ko ng naglalakad ang boss galing sa elevator. Habang papalapit ito sa akin ay hind
Isang malalim na bunting hininga ang pinakawalan ko ng nasa tapat na ng pinto ng hotel ni Mr. Montano. Pinindot ko ng isang beses ang doorbell nito at naghintay pero walang nagbukas.Baka naman tulog ito? Aatras na sana ako ng biglang umuwang ang pinto.Hubad na katawan ng boss ang sumalubong sa akin. At dahil sa nakatsinelas lang ako ay kapantay lang ako ng dibdib nito. Tama nga ako at matipuno ang katawan nito, alagang-alaga siguro sa exercise.Pero da
Pagtingin ko sa oras ay pasada alas-2 na kaya pala nakakaramdam na ako gutom."Sir, your meeting will start at 2:30pm." Pagpapaalala ko dito habang naglalakad kami sa paligid. Tumango ito at nagpunta na kami sa conference room ng lugar.Sa kalagitnaan nga ng meeting ay may dumating na may dalang tray at mga inumin. Ayun naman ang pinakaaantay ko eh, dahil malapit nang magwala ang bituka ko.Biskwit?! Yun lang ang inihain nito at juice. Para akong nanlambot ng dahil dun pero dahil kumakalam na ang sikmura ko ay pwede na sigurong pantawid gutom ito.Magaalas-4 na at may isa pang meeting si Mr. Montano bago
Tulad ng inaasahan ay naging busy ang mga sumunod na araw, napadalas ang pagbisita namin sa mga venues at meetings.Nakakapagod dahil madalas ay naghahabol kami ng oras ni Mr. Montano. Puno ang schedule nito, ibig sahihin ay ganun din ako. Dahil kung nasaan ang boss ay nandun din dapat ako.Nagpapasalamat naman ako at hindi ko nakikita si Mr. Fuentez. Balita ko ay may emergency appointment ito sa Japan kaya naman wala ito ng mga nakaraang araw.Sa totoo lang ay nakakatuwa naman ang lalaki, ang problema lang ay ayoko madumihan ang image ko sa boss. Kakaumpisa ko pa lang bilang secretary niya at ayoko naman magisip ito na nakikipaglandian ako sa tr