LOGIN"Aba ang sexy ni beshy ngayon!" Bungad ni Cherry pagkakita nito sa akin habang nagtitimpla ako ng kape.
"Ha? Seryoso?" Tinignan ko ang sarili. Hapit na hapit kasi ang pencil cut skirt ko na dark gray at white short sleeves blouse na nakatuck-in. Binagayan ko pa iyon ng nude na tip toe heels na katamtaman lang ang taas.
"Promise! Parang pumayat ka? Lumabas ang curves mo eh!" Sino ba naman kasi ang hindi papayat, eh halos malibot ko na ang Luzon kasama si Mr. Montano.
"Thank you sa pambobola!” Natatawa na lang ako sa kaibigan.
Ngayong araw ay may importante akong misyon. Dahil pagkatapos kong magnilay nilay kagabi ay nakapagdesisyon na ako. Iignore ko na si Mr. Montano! Ibabalik ko ang dating ako, tulad ng dati nung hindi pa ako nagtatrabaho bilang secretary nito. Na parang hindi ito nageexist, na walang effect ang kaguwapuhan nito sa akin.
Magiging manhid na ako sa mga tingin at charm nito. Hindi na ako pwedeng magpaapekto. Ibabaon ko na sa limot ang gabing iyon.
"Kaya mo yan, Jenna!" Pageencourage ko pa sa sarili bago tuluyang pumasok na sa opisina.
"Good morning, sir!" Masayang bati at ubod tamis pa akong ngumiti sa boss ng pumasok ito sa opisina.
Ito naman ay natigilan at nangunot ang noo.
Tinignan ko siya ng diretso sa kaniyang mga mata. Hmm, ano ba ang pangit kay Mr. Montano? Sinuri ko ang mukha nito... ang gwapo! Okay wala, next.
Binababa ko ang tingin sa mga balikat nito, nakasuot lang ito ng white polo, suit at slacks na dark blue. Litaw na naman ang magandang pangangatawan nito. Naalala ko bigla nung gabing makita ko ang hubad na katawan nito. Yung tipong ang sarap sandalan, napakasarap siguro makulong sa mga bisig nito?
Bumababa pa ang mga tingin ko sa... may umbok! Ay, bastos.
Mahahaba ang mga binti nito at pagbaba ko pa ng tingin ay ang kaniyang sapatos. Itim iyon na nangingintab pa. Mahaba ang paa ng boss, mahaba din kaya ang kaniyang?
"Hala, huwag ngang magimagine ng kung ano-ano, Jenna!" Sita ko sa sarili.
Nakalimutan ko ata na naghahanap ako ng pangit sa boss. Sa totoo lang ay para kasing wala akong makita.
Siguro ay naweirduhan ito sa akin kaya agad na tumalikod at pumasok sa kaniyang opisina.
"Failed ako dun ha?" Sabi ko sa sarili at nagisip. Ano pa nga ba ang sabi ni mama? Ah, maghanap daw ng pangit na ugali at dun ako magfocus para makaramdam ng inis sa kaniya. Eh, kung sa ugali lang naman ay tiyak na maraming hindi maganda.
Kumuha ako ng papel at nagumpisang magsulat. Mas magandang isulat ko iyon para lagi kong mababasa at maalala.
Una, hindi ito marunong ngumiti.
Pangalawa, parang laging mainit ang ulo.
Pangatlo, parang walang pakielam.
Pangapat, napakatipid magsalita.
"Ay sandali, masamang ugali ba yun? Parang hindi?" At in-erase ko.
Pangapat, hindi gentleman.
Panglima, walang pakiramdam.
Hay, ang dami nga! Biglang tumunong ang telepono na agad kong sinagot. May meeting nga pala ang amo sa head ng mga suppliers ngayong araw. Ito ang magpoprovide ng mga materials na kailangan namin sa mga events na darating.
Agad ko namang niremind ang boss tungkol dito.
"Sir, you have a meeting with Mr. Trias at 11am today." Walang kautal-utal at confident na sabi ko dito. Oh, dba improving na ako.
"Yes, thanks." At binababa na nito ang telepono.
10am pa lang ay naghanda na ako, malamang maya-maya ay dadaan na ito sa harap ko, tanda na aalis na kami na wala man lang sabi-sabi. Mas magandang handa na ang mga gamit ko.
"Hello, Kuya Den!" Masayang bati ko sa personal driver ni boss.
"Kumusta, Jenna?" Na ngumiti din.
"Buti po at bumalik na kayo." Mabuti talaga yun atleast hindi na si Mr. Montano ang katabi ko. At hindi na mapapanis ang laway ko, hindi na din ako maiinip. Kahit hanggang Mindanao pa ang byahe naming ay okay lang.
Tahimik naman na sumakay ang boss sa likod at umandar na ang kotse.
Sa isang malaking showroom sa Quezon City and opisina ng CWZ Interiors. Pagdating namin doon ay agad na iginiya kami ng receptionist sa conference room para simulan na ang meeting.
Habang tumatakbo ang kanilang usapan ay hindi naman ako mapakali sa upuan. Sikip na sikip kasi ko sa suot na palda. Kakabili ko lang nito last week at ngayon ko lang naisuot, pero parang masiyado ata itong maliit para sa akin.
Panay ang pihit ko sa upuan dahil hindi ako kumportable. Nagsisi tuloy ako na iyon ang isinuot ko. Sa kakapihit ko ng upo ay naramdaman kong may parang napunit.
Hindi ako nagpahalata at pasimpleng sumulyap sa aking palda. At yun na nga ang kinakatakutan ko, may punit na sa gilid ito. Pero okay lang, maliit lang yun at hindi naman halata.
Nagaya si Mr. Trias na iikot kami sa loob ng showroom para ipakita ang ilang materials na gagamitin sa venues.
Dahan-dahan naman akong tumayo, buti ay hindi naman na lumaki ang punit nun.
Nauna ng lumabas ang lahat, maliban sa akin at Mr. Montano dahil may biglang tumawag sa cellphone nito.
Paghakbang ko ay… “Sh*t!” Tuluyang napunit ang aking palda at litaw na ang kaliwang legs ko! Napabulalas ako dahil sa gulat at agad na napasulyap ang boss sa akin.
Sinubukan kong takpan ito ng aking mga kamay pero hindi yun sapat. Huli na ang lahat, kita na nito ang nakabuyangyang kong hita.
Napalunok ako habang ito naman ay gulat na nakamasid sa punit kong palda.
Gusto kong magpalamon ng buhay sa lupa ng mga oras na yun dahil sa sobrang hiya.
“Mr. Montano, we are waiting for you outside.” Biglang pumasok ang babaeng assistant ni Mr. Trias.
Nagulat ako ng biglang umakbay sakin si Mr. Montano para matakpan ang tagiliran ko. Hindi ako nakapagsalita at napatingala na lang sa mukha nito. Bahagyang nakadikit ang baba nito sa aking noo na naghatid ng kiliti at parang kuryente sa buong katawan ko.
“We will be out after a while.” Sagot nito sa babae na halatang nagulat din sa nakita at agad na lumabas na lamang ito. Sino ba naman ang hindi magugulat, nakaakbay ang CEO sa kaniyang sekretarya!
Agad nitong inalis ang pagkakaakbay sa akin pero hindi pa rin ako makamove-on, masarap pala talaga ang makulong sa mga bisig nito.
“Take this.” Naputol ang pagiimagine ko ng iabot nito sa akin ang kaniyang suit.
Nagaatubili pa kong kunin yun ng nagsalita itong muli.
“Use it. Next time do not wear such tight clothing in the office.” Masungit pang habol nito bago tumalikod.
Hindi ko napigilan ang pagngiti habang binabalot sa katawan ang suit nito. Hmm, concern ba sa akin si sir? Dapat na ba akong kiligin?
At nakalimutan ko na naman ang misyon na iignore ang charm ng amo.
Mission Failed!
"Aba ang sexy ni beshy ngayon!" Bungad ni Cherry pagkakita nito sa akin habang nagtitimpla ako ng kape."Ha? Seryoso?" Tinignan ko ang sarili. Hapit na hapit kasi ang pencil cut skirt ko na dark gray at white short sleeves blouse na nakatuck-in. Binagayan ko pa iyon ng nude na tip toe heels na katamtaman lang ang taas."Promise! Parang pumayat ka? Lumabas ang curves mo eh!" Sino ba naman kasi ang hindi papayat, eh halos malibot ko na ang Luzon kasama si Mr. Montano."Thank you sa pambobola!” Natatawa na lang ako sa kaibigan.Ngayong araw ay may importante akong misyo
HOW TO IGNORE AN ATTRACTIVE BOSS?Google search result:10 Ways to Fight Attraction In The Workplace
"Good morning, sir." Bati ko sa boss ng tawagan ko ito.Hindi ito agad sumagot pero dinig ko ang hininga nito sa kabilang liniya."Good morning." Tipid at parang wala sa mood nitong bati din sa akin."Sir, your meeting at 10am today is confirmed." Diretso kong sabi dito na pinipigilang mautal. Normal lang dapat ang pakikitungo na parang walang nangyari."That's good." Sagot nito at nagpakawala ng malalim na hininga. Dinig na dinig ko naman iyon bago nito ibinababa.Mukhang normal naman ito at walang kakaiba kaya sigurado na wala itong naalala. Buti naman at ganoon.Nagantay ako sa lobby ng hotel dahil kailangan na naming bumalik sa venue dahil doon din gaganapin ang meeting sa Architect.Maya-maya pa ay nakita ko ng naglalakad ang boss galing sa elevator. Habang papalapit ito sa akin ay hind
Isang malalim na bunting hininga ang pinakawalan ko ng nasa tapat na ng pinto ng hotel ni Mr. Montano. Pinindot ko ng isang beses ang doorbell nito at naghintay pero walang nagbukas.Baka naman tulog ito? Aatras na sana ako ng biglang umuwang ang pinto.Hubad na katawan ng boss ang sumalubong sa akin. At dahil sa nakatsinelas lang ako ay kapantay lang ako ng dibdib nito. Tama nga ako at matipuno ang katawan nito, alagang-alaga siguro sa exercise.Pero da
Pagtingin ko sa oras ay pasada alas-2 na kaya pala nakakaramdam na ako gutom."Sir, your meeting will start at 2:30pm." Pagpapaalala ko dito habang naglalakad kami sa paligid. Tumango ito at nagpunta na kami sa conference room ng lugar.Sa kalagitnaan nga ng meeting ay may dumating na may dalang tray at mga inumin. Ayun naman ang pinakaaantay ko eh, dahil malapit nang magwala ang bituka ko.Biskwit?! Yun lang ang inihain nito at juice. Para akong nanlambot ng dahil dun pero dahil kumakalam na ang sikmura ko ay pwede na sigurong pantawid gutom ito.Magaalas-4 na at may isa pang meeting si Mr. Montano bago
Tulad ng inaasahan ay naging busy ang mga sumunod na araw, napadalas ang pagbisita namin sa mga venues at meetings.Nakakapagod dahil madalas ay naghahabol kami ng oras ni Mr. Montano. Puno ang schedule nito, ibig sahihin ay ganun din ako. Dahil kung nasaan ang boss ay nandun din dapat ako.Nagpapasalamat naman ako at hindi ko nakikita si Mr. Fuentez. Balita ko ay may emergency appointment ito sa Japan kaya naman wala ito ng mga nakaraang araw.Sa totoo lang ay nakakatuwa naman ang lalaki, ang problema lang ay ayoko madumihan ang image ko sa boss. Kakaumpisa ko pa lang bilang secretary niya at ayoko naman magisip ito na nakikipaglandian ako sa tr