Home / Lahat / One World Apart / Chalter 6: Two Meters Away

Share

Chalter 6: Two Meters Away

Author: Maria Elena
last update Petsa ng paglalathala: 2020-07-29 14:45:38

NABULABOG ang lahat ng mga staffs na in-charge para sa photoshoot ni Harlet nang dumating si Noelle. Ang venue kasi ng photoshoot ay sa Tan Building. Nang malaman ni Noelle na tuloy na nga ang debut ni Harlet para sa pagiging ballerina at gustong gamitin ni Harlet ang image ng Tan Brothers upang mabilisan ang pagsikat ay hindi n’ya ito ginusto. As far as Noelle is concerned, she is the image of Tan Brothers and she has the control equivalent to her father. Sa madaling salita, hindi ito mangyayari kung walang pahintulot ni Noelle.

“Noelle!” Ngumiti naman si Harlet nang sinalubong n’ya ito ngunit humarang si Saber dahil mayro’n yatang balak na yumakap ito. Noelle knows it was just for a show. Na kunwari ay si Harlet ang inaapi n’ya. Magaling na actress si Harlet, madali n’yang nakuha ang sympathy ng mga tao sa kumpanya nila. She was able to turn Noelle as the local enemy number one.

“Who told you that you can have your photoshoot here? Alisin mo lahat ng mga gamit n’yo at paalisin n’yo lahat ng staffs ninyo ngayon din!” Napasigaw si Noelle at lahat ng mga tao sa venue ay napatingin sa kanya. Narinig n’ya ang mga bulongan tungkol sa kanya. Hindi rin nakaligtas ang mga pag-irap ng mga tao sa kanya. But Harlet just smiled and faked her politeness.

“Noelle naman…” Kunwari ay nagpaawa pa ito. Pumaharapa si Noelle kay Saber. Nandilim lalo ang tingin ni Noelle kay Harlet nang kunwari ay naluluha pa ito.

“Huwag kang umiyak sa harapan ko dahil alam nating dalawa na pinepeke mo lang ‘yan. Umalis ka rito at isama mo ang mga magulang mong magnanakaw at mamatay tao!”

A thin line formed from Harlet’s lips. Napakunot ang noo ni Noelle dahil dito.

“Bakit ba Noelle? Hindi mo pa ba tanggap na wala naman kayong lugar ng mga magulang mo rito?”

Hindi na nakapag-pigil si Noelle at nasampal n’ya si Harlet. May mga staffs naman si Harlet na lumapit kaagad sa kanya. Lahat ng tao sa loob ay napakasama na ng tingin sa kanya.

“Okay lang ako. Hindi ito sinasadya ni Noelle.”

Tumalikod na lang si Noelle dahil lalo lamang s’yang naiinis kapag nakikita n’ya ang kapekehan ni Harlet.

“What’s happening here?” Nagtama naman ang paningin ni Noelle at ni River nang makapasok si River dito. Hindi naman n’ya aasahang makikita n’ya ito. Si River lang naman ang walang interest sa negosyo noong nabubuhay pa ang kanyang Daddy. But after that, River gained a position in here.

“Tito! I missed you!” Tumakbo naman si Harlet at nilagpasan si Noelle upang yumakap kay River. Tuwang-tuwa naman si River na makita ang kanyang pamangkin.

They are such a happy family. Lahat naman sila magkakasunod, It’s just Noelle who distanced herself dahil wala s’yang tiwala sa mga tao’ng ito. She still believes her hunch that these guys may have something to do with the death of her parents.

“You can proceed to your photoshoot, sige na.”

Napakuyom ang palad ni Noelle dahil sumunod silang lahat kay River. Para s’yang pader at dinedma ng lahat.

Si Robin ang CEO ng Board of Directors sa kasalukuyan at dikit si River sa kanya. Ang Daddy ni Noelle ang CEO noon ngunit si Robin na ang pumalit dahil wala pa sa kakayahan si Noelle maging CEO.

Napapansin naman ni Noelle na mukhang wala nang balak si Robin ibigay ang posisyon n’ya sa kanya.

Kung wala ang kanyang Lolo baka matagal na s’yang inabandona ng pamilyang ‘yang ito.

***

NATAPOS na kahapon ang ginagawa nila na pagbubungkal ng lupa. Dalawang tractor ang kinailangan upang tapusin ang trabahong iyon. Ngayon naman ay abala ang mga trabahador sa pagbubungkal ng lupa para sa mga poste and there are holes everywhere.

“Binalewala n’ya ako dahil sa ‘yo…” Napangiti na lang si Ian habang tumutulong na mag-pala ng mga lupa at ilagay sa kartilya.

Iyan si Diggie, ang kanilang foreman a.k.a ang singer ng grupo. Marami silang singer pero si Digger siguro ang pinakamagaling. May dala-dala itong radio at sasabay s’ya sa mga kanta na naipapatugtog doon. Ito naman ang nagsisilbing libangan nilang mga construction workers habang nagtratrabaho sa ilalim ng matirik na araw.

“Gusto ko na mag-yosi. Ang hirap magtrabaho ‘pag walang yosi.” Nakapamaywang na saad naman ni Amang, isang trabahador.

“Kapag nag-yosi ka, wala na tayong trabaho…” sita naman sa kanya ng kasamahan n’yang si Erwin na dala ang isa pang kartilya na lalagyan ng mga nabungkal na lupa para sa butas na pagtatayuan nila ng poste.

“Sagot ko na ang tig-iisang kaha ng yosi ninyo, pero huwag dito,” sumali naman sa usapan si Ian nang mapuno n’ya ang  kartilya ng lupa.

“Salamat Sir Ian. Napakabait n’yo talaga” masayang sabi naman ni Erwin.

“Hindi na rin naman tayo talo dahil mataas ang daily na binibigay ni Miss Tan. Doble pa nga.” Napatango-tango naman si Amang.

“At saka napaka-ganda ni Miss Noelle. Parang reyna talaga. Masungit nga lang” dag-dag pa ni Amang.

“Ang iksi ng pasensya. Ang sarap ubusin,” napahalak-hak naman si Ian. Hindi naman lingid sa kaalaman ng kasamahan ni Ian na nagiging ugali na ni Ian ang pang-aasar kay Noelle tuwing bibisita ito rito. Nakikitawa na rin sila tuwing naiinis si Noelle kay Ian. Iyon na lang ang pambawi sa pagsusungit ni Noelle sa kanila.

“Kumusta ka na d’yan Mitabi? Okay na ba ‘yan?” Sumigaw naman sa baba si Ian upang kamustahin ang kasamahan n’yang nagbubungkal ng lupa sa mga malalaking butas.

“ Malapit na  rito, Sir” sagot naman sa kanya ni Mitabi.

Tumalon naman si Ian upang makababa. Maigi n’yang sinuri ang butas para sa concrete foundation ng mansion.

“Magpahinga ka muna pagkatapos mo rito, pagod ka na” ani naman ni Ian sa kanya.

“Oh—oh Naku! Miss Noelle!” Napa-angat ng tingin si Ian nang bigla s’yang makarinig ng sigawan sa itaas. Sakto namang mahuhulog na si Noelle nang tumingin s’ya sa itaas. Hindi naman puwedeng hayaan lamang n’ya na mahulog ito lalo na’t may oras pa s’yang salauhin ito.

Noelle had no choice but to wrap her hands around Ian’s neck. Nabuhat naman s’ya ni Ian sa kanyang baywang kaya hindi s’ya na hulog sa lupa.

“Nakakagulat ka naman, Kamahalan. Bigla-bigla ka na lang bumabagsak sa akin.” Napansin naman ni Ian ang panginginig ng mga paa at kamay ni Noelle. Mukhang hindi n’ya napansin ang butas habang nagiinspeksyon.

“I hate you… I hate you.” Mariing napapikit si Noelle ang bumulong kay Ian.

“Eh ba’t ka nakayakap sa akin? Ayaw mo na akong pakawalan?” Napangisi ng todo si Ian. Noelle’s irritated voice is becoming music to his ears.

“Ayaw kong tumapak sa lupa. What if my uuod? Itaas mo na ako!” Hinampas ni Noelle ang likod ni Ian. Napatigil naman ito nang mapansin n’yang batak ang katawan ni Ian. Hindi naman na siguro iyon  nakakapagtaka dahil tumutulong ito sa mga trabahador niya, isa pa naka suot lamang si Ian ng manipis na itim na t-shirt at pantalon.

Itinaas nga siya ni Ian ngunit hindi naman n’ya kayang itaas ito sa ibaba mismo. Napasandal na ang dalawang kamay ni Noelle sa balikat ni Ian at napayuko s’ya sa kanya dahil mas mataas na si Noelle kaysa kay Ian ngayon.

“Hindi kita kaya itaas. Ang bigat mo…” bakas namang nahihirapan ang boses ni Ian.

Dahil parang nangiinsultosi Ian at hinampas n’ya ang balikat nito. Nanginginig naman ang mga binti ni Ian dahil gumalaw si Noelle. Kamuntikan na silang na-out balance kaya napayakap si Noelle sa kanyang ulo.

Natahimik si Ian nang dumikit sa kanyang mukha ang dibdib ni Noelle. Nag-init ang buong mukha ni Noelle nang maramdaman n’ya ang mukha ni Ian sa kanyang dibdib.

“Ahhhhhhhh!” Napakalakas nang pagsigaw ni Noelle at nabulabog n’ya halos ang buong compound.

Napatalikod na lamang si Saber dahil ayaw n’yang masaksihan ang nangyari sa kanyang amo.  Maghahanda na lang siguro s’ya sa mahabang sermon nito mamaya.

***

“PUWEDE mo na siguro ipacheck ang mga ito kay Miss Noelle para maumpisahan na natin kung approve ba s’ya.” Nang makalabas sa CR si Ian dahil kakatapos n’yang naligo ay ito kaagad ang bungad ni Mina sa kanya.

Bukod sa pantry, mayroong ding sariling opisina sina Ian malapit lang rin sa site. Ginamit din ito ng previous contractors ni Noelle.

Ngunit hiwalay sa mansion ni Noelle ang opisina nila at ang pantry’ng kung saan nagtiitpon-tipon ang kanilang trabahador tuwing kakain.

“Ito na ba ‘yung proposal sa ilalagay na portrait ni Noelle sa museum n’ya?” tanong naman ni Ina nag mahawakan n’ya ang folder na iniabot ni Mina.

“Oo, hindi ba galing sa ‘yo iyang ideya ng picture ni Noelle diyan? Eh ‘di pakita mon a kung gusto n’ya rin ‘yung location at size.”

Ian just nodded and he puts down the folder on his desk. Inabala naman nito ang sarili sa pagpupunas ng kanyang ulo. It’s already afternoon at natapos na rin ang trabaho ng kanilang mga workers sa araw na ito. Ian always prefers to take a bath after working for the entire day.

“Alam kong wala ka nang dapat pakialam pero nabalitaan kong bumagsak na si Hana. Hindi na rin raw nila mahanap ito sa Gilberts.” Napatigil naman si Ian sa pahayag ni Mina.

Ian knows this coming. Ngunit nakapagdesisyon na si Hana at batid ding niyang alam ni Hana na mangyayari ito. Hindi man maganda ang naging wakas ng kanilang samahan ngunit hindi rin naman ikinasasaya ni Ian ang pagbagsak nito.

“Bakit parang nag-aalala ka diyan?” and regardless what he feels, Ian still smiled to Mina.

“Baliw na baliw ka kay Hana noon. Baka hanggang ngayon gano’n pa rin?” Nagtaas naman ng kilay si Mina.

“Ah, naka-move on ka na pala do’n. Si Lyan na pala” Napatango-tango naman si Mina at umupo ulit sa kanyang swivel chair. Magsasalita pa lang sana si Ian pero hindi n’ya ito naituloy.

“Anyway, may kaibigan ako galing spain. Magsesettle na s’ya rito. Baka gusto mong i-arrange kita sa blind date?”

Ian didn’t answer Mina and he just laughed it out. It’s not the first time Mina offered her a blind date. Alam din n’yang parang kinakabahan ang dalawa n’yag kaibigan dahil nagsiispag-asawa na sila. S’ya na lang ang hindi… not even close…

***

“BUKAS na rin po ‘yung opening ceremony Tan Stadium. Kailangan n’yo pong magpakita doon,” Habang sinasabi ni Saber ang kanyang schedule sa mga susunod na araw ay nag-lalakad lang si Noelle at inaamoy ang mga bulaklak na nasa kanyang garden. Makulay ang iba’t –ibang bulaklak dito dahil namumulaklak na ang karamihan sa kanila. This is Noelle’s favorite place. Ito rin kasi ang bonding nila ng kanyang yumaong ina.

“Gusto ko magsuot ng pula bukas. Ipahanda mo lahat ng mga damit kong pula.”

“Saber, how do I look?” Sandaling nalunod sa curiosity si Saber dahil biglang nagtanong si Noelle ng labas naman sa pinaguusapan sana nila.

“You always look perfect, Miss Noelle.”

“Ngayon? Maganda ba ako ngayon? Hindi ba masyadong plain?”

Napatingin naman si Saber kay Noelle. Naka bestida ng mahapa ito hanggang talambakan ng kulang puti at nakatali ang kalahit ng kanyang buhok gamit ang clamp nito na may kulay pulang rosas. Naka tsinelas lang din ito. But Saber should know it the best, the Noelle looks elegant and beautiful in whatever he wears.

“Hindi po.”

“Okay, you can go now, Saber. Gusto ko munang mapag-isa.”

Katulad ng isang bahay ang lawak ng garden ni Noelle. Marami s’yang halaman at mga bulaklak na nandito. Madalas s’yang nagpupunta rito tuwing gusto n’yang mapag-isa. This has been her comfort place. This garden belongs to her mother and she is taking care of it until now…

“Nakakainggit ang mga bulaklak, Mommy. Tuwing namumulaklak sila parang ang saya nila….” Naagaw ng mga orchids na kulay violet ang atensyon ni Noelle. Napakarami kasi ng mga ito at lahat sila ay namulaklak.

“Sana ako rin, masaya,” She smiled a bit. That was just to hide her bitter feelings. Nakakatawa nga dahil nagagawa rin n’yang magpanggap sa kanyang sarili.

“Kamahalan!” Naistorbo naman ang pagmumuni-muni ni Noelle nang marinig n’ya ang boses na iyon. Bahagyang nandilim kaagad ang paningin ni Noelle nang marinig pa n’yang tumakbo ito palapit sa kanya.

Sirang-sira na ang araw n’ya nang dahil sa taong ito. Puro kamalasan na rin ang inaabot n’ya tuwing nand’yan s’ya. She shooked her head as he remembered what happened a while ago, bukod sa nakakahiya at sobrang natapakan ang kanyang pride nang kumapit s’ya kay Ian.

Noelle got her measuring tape from the pocket of her dress as she felt Ian was approaching. She is about to pull 2 meters of the tape when Ian halted.

“Alam ko ang sukat ng dalawang metro kaya ‘di mo na kailangang ilabas ‘yan” Nang bumaling si Noelle sa kanya ay ngiting-ngiti na naman ito.

Nakasuot na ito ng itim na pants ang black shoes, habang ang pangitaas naman nito ay isa polo shirt lang. Ian is two meters away but she could smell that pepper mint scent of him. It soothes her nose at napapikit s’ya habang inaamoy ito.

“May ibibigay sana ako kaso, paano ko ibibigay? Ihahagis ko ba tapos saluhin mo na lang? Tapos kapag napirmahan mo na, ihagis mo ulit sa akin?” Napairap na naman si Noelle nang iminulat nito ang kanyang mga mata.

“Puwede ba? Kahit isang araw lang huwag ka ngang magpakita sa akin!” iritang saad naman ni Noelle. Pero hindi talaga tinatablan si Ian ng pagsusungit n’ya.

“Paano ‘yun? Gusto mo AWOL ako?” tinaas-taas pa ni Ian ang dalawang kilay n’ya na lalong ikinainis ni Noelle.

“Kumusta ka pala? Wala ka namang gasgas? Dapat sa susunod mag-iingat ka tuwing bibisita ka sa site.”

“That was your fault! Wala kang sinabing may malalim na butas! Paano kung nasugatan ako? O nabagok ang ulo ko!?” tinuro naman ni Noelle si Ian. Lalo yatang naglagablab ang inis nito nang ipinaalala pa ni Ian ang nangyari kanina.

“There are holes everywhere… makikita mo naman ‘yon.,” depensa naman ni Ian.

“Kahit na! Nanganib ang buhay ko!” Napataas ang tono ng boses ni Noelle.

“Sinalo naman kita kanina kahit mabigat, binuhat kita. Dinaganan mo nga ‘yung mukha ko hindi naman ako nagrereklamo.” Napakamot naman sa ulo si Ian. Bigla na lang napatakip si Noelle sa kanyang dibdib. Even Noelle couldn’t figure out why she did that.

Nagpigil naman ng tawa si Ian nang makita n’ya ang ekpresyon sa mukha ni Noelle. She’s embarrassed, that’s it. But Noelle is trying hard to hide it,

“Sa rib cage mo… tumama ‘yung mukha ko. ‘Wag kang mag-alala” Ian just lied to ease Noelle’s feelings. But that didn't help. Noelle even clenched his fist and she is angrier now.

“Are you saying that I’m flat!?”

Nanatiling tahimik naman si Ian sa katanungang iyon.

“Layas!” she yelled. Napahinga na lang ng malalim si Ian.Daig pa n’ya ang nakikipag usap sa isang bata. Pero ang pagsusungit ni Noelle ay bagay na bagay sa kanya. Lalo lang s’yang natutuwa tuwing nag-aaway silang dalawa.

“Tama na ang pagsusungit. Tinitigasan na ako.” Napahakbang naman si Ian palapit sa kanya.

“What the f—“

“Ang ganda mo lalo ‘pag nagsusungit ka.” Now Ian is just one meter away from her.

“Stay two meters away from me—“

“Ayoko,” maagap na saad ni Ian. “If I stay two meters away from you, then I can’t see your face clearly.”

“Why would you want to see my face?” Napahalukipkip si Noelle at ngayon ay nakipagtagisan na ito ng titig kay Ian.

Noelle is starting to feel uncomfortable as Ian prolongs his stare at her. Hindi naman na ito nagsasalita at nakatitig lang sa kanya.

“Ngayon lang kasi ako nakakita ng prinsesa sa totoong buhay…” Namilog ang mga mata ni Noelle sa sinabi ni Ian. Gusto n’yang hawakan ang kanyang pisngi upang i-check  kung namumula na ba ito dahil nakakaramdam na s’ya ng init mula rito. But Ian would just figure out immediate why would she do that.

“That’s right. I’m a royalty. You should know now. Magkaiba tayo ng mundo” taas noo’ng sabi ni Noelle sa kanya.

“Sasabihin mo talaga ‘yan pagtapos mong nakipaghalikan sa akin, Tell me…” Napaatras naman si Noelle nang humakbang ulit palapit si Ian sa kanya. Parang wala nang pakialam si Ian sa distansya nilang dalawa and she is starting to feel anxious. Kakaiba na ang mga tingin ni Ian! Parang may balak itong iba.

“Do you want more?” Ian was able to corner her on the closed windows. “Should I just seal that lips with my kiss? Baka sakaling mabawasan ang kasungitan mo.”

Napatingin si Noelle sa labi ni Ian. Hindi masyadong makapal ito at medyo mapula. Ito lang naman ang labing lumunod sa kanyang labi nang gabing lasing s’ya. That was her first yet it was too intense to be her first.

“You’re Pervert. Dirty Kisser.” Napaigitng ang panga ni Noelle at buong lakas sana n’yang ituutlak si Ian ngunit hindi n’ya ito nagawa. Nanatali lamang ang palad ni Noelle sa dibdib ni Ian.

Laking gulat naman ni Noelle nang gumanti si Ian. He dropped the folder on the ground and he pinned her against the windown as he shortened the distance between them.

Nanatiling matalim ang tingin ni Noelle nang inilapit ni Ian ang mukha n’ya sa kanya. Hindi s’ya makawala dahil unang-una sa lahat, sobrang kinakabahan na s’ya.

Mariing napapikit si Noelle nang makita n’yang inilapit ni Ian ang bibig n’ya sa kanya.

“Bukas mo na lang ibigay sa akin ulit ‘yung folder, kapag napirmahan mo na.” Naramdaman n’ya ang init ng hininga ni Ian sa kanyang tenga na siyang nagpatayo ng kanyang mga balahibo. She smelled her breath with that pepper mint scent. It was refreshing thought pero hindi iyan ang kaso ngayon!

She just closed her eyes with the thought of Ian is going to kiss her pero hindi!

Nang iminulat n’ya ang kanyang mga mata ay nagpipigil na ito ng kanyang tawa sa harapan n’ya!

“Lalaplapin sana kita kaso, mahal ko ang trabaho ko.” Napailing-iling si Ian at napatawa ng mahina.

“Stop, saying laplap” Naging seryoso na ang boses ni Noelle. Nakita naman n’ya sa kanyang gilid ang mga gardening toold. Nakita n’ya ang pala doon so she grabbed it.

Napaatras si Ian nang lumapit ito sa kanya at nakaambang na ihahampas na n’ya ito sa kanya.

“Sandali! Nagbibiro lang ako! Teka lang nakakamatay ‘yan!”

Ian ended up running fast as Noelle is now unstoppable.

***

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • One World Apart   Chalter 6: Two Meters Away

    NABULABOG ang lahat ng mga staffs na in-charge para sa photoshoot ni Harlet nang dumating si Noelle. Ang venue kasi ng photoshoot ay sa Tan Building. Nang malaman ni Noelle na tuloy na nga ang debut ni Harlet para sa pagiging ballerina at gustong gamitin ni Harlet ang image ng Tan Brothers upang mabilisan ang pagsikat ay hindi n’ya ito ginusto. As far as Noelle is concerned, she is the image of Tan Brothers and she has the control equivalent to her father. Sa madaling salita, hindi ito mangyayari kung walang pahintulot ni Noelle.“Noelle!” Ngumiti naman si Harlet nang sinalubong n’ya ito ngunit humarang si Saber dahil mayro’n yatang balak na yumakap ito. Noelle knows it was just for a show. Na kunwari ay si Harlet ang inaapi n’ya. Magaling na actress si Harlet, madali n’yang nakuha ang sympathy ng mga tao sa kumpanya nila. She was able to turn Noelle as the local enemy number one.“Who told y

  • One World Apart   Chapter 5: The Contractor

    "HUWAG kang mag-alala, Harlet. Ikaw ang magmamay-ari ng mansion ni Noelle. Bilang na ang mga araw n'ya sa kanyang trono," Hinawakan ni Robin ang balikat ni Harlet habang nag-aayos ng kanyang sarili sa harapan ng salamin. Mayroon kasi itong performance ngayon dahil sa Charity Project ng Tan Brothers. Si Harlett ang gustong maging modelo ng Tan Brothers ngunit si Noelle ang model sa kasalukuyan. Batid ni Robin na paboriti talaga ng ama n'yang si Henry ang anak ng kanilang kuya na namatay na."Albert is Dad's favorite. Now that he is dead, I will be his successor and you, my darling... You will take Noelle's place,"Hindi naman napigilan ni Harlet ang mapangiti sa ideya ng kanyang ama. Bata pa lang sila ay nakakatanggap na si Noelle ng special treatment. Lumaki s'yang nainggit sa atensyon na nakukuha ni Noelle."Just focus on your dream. Si Daddy ang bahala okay?" Robin kissed Harlet's hair before leaving the room.

  • One World Apart   Chapter 4: Blackmail

    “NILAPLAP ko si Miss Tan”Nanatiling tahimik si Eugene nang marinig n’ya ang sinabi ni Ian. Napapikit si Ian dahil nakaramdam ito ng kaba sa anumang gagawin ni Eugene sa kanya. Ngunit nakarinig siya nang pag-hikbi, kaya binuksan siya ang mga mata n’ya.“Eugene…” tawag n’ya sa kaibigan n’ya pero tumalikod lang ito. Nang sinundadn ni Ian ng tingin ang kanyang kaibigan ay nagulat siya.Napatakip si Eugene sa kanyang bibig at tuloy-tuloy ang kanyang pag-iyak . Napasandal siya sa kanyang kotse at napaupo na lang sa sahig na para bang nabagsakan na siay ng buong langit.“Uy, Eugene tumayo ka nga d’yan!” Tinangka naman ni Ian na itayo si Eugene pero tumanggi naman ang kaibigan n’ya.“Sa lahat ng puwede mong laplapin bakit si Miss Tan pa? Bakit!? Saan ba ako nagkulang sa pagpapaalala sa ‘yo? Na huwag k

  • One World Apart   Chapter 3: The Peppermint Scent

    DAHAN-dahang iminulat ni Noelle ang kanyang mga mata. Nakaramdaman siya ng kakaibang sakit sa kanyang ulo at hilo nang sinubukan niyang bumangon.“Shit.” Napahawak siya sa kanyang noo. Npatingin siya sa kanyang side table. Handa na pala ang tatlong klaseng kape na pagpipilian niya ngayong umaga. Mukhang ito nga rin ang gumising sa kanya.“I’ll have black coffee…” bulong naman nito sa kanyang sarili at kinuha ang tasa ng kape sa mesa.Para siyang nahimasmasan nang maramdaman niya ang init ng kape sa kanyang tiyan.“Miss Noelle, are you feeling better now?” Narinig naman ni Noelle ang pagbukas ng kanyang pintoan at ang boses ni Saber.“Yes. But my head hurts. Nalasing ba ako kagabi?”“Opo. Mukhang namali po yata kayo ng ininom na wine kaya biglaan na lang kayong nalasing. ““Yeah

  • One World Apart   Chapter 2: Breaking the Golden Rule

    “RETURN everything” nabitawan naman ni Dorothy ang hawak-hawak niyang gown na kakatapos lang isukat ni Noelle.“A-Alin po sa mga ito?” tanong naman ni Cristy.“From the first gown to the last that I just tried. Wala akong nagustohan,” naghalukipkip naman si Noelle at umupo sa kanyang royal chair.Bagsak ang balikat ni Dorothy, Cristy at Pearly na nagbalik ng lahat ng mga gown sa rack. It’s been 4 hours since they started. Twelve gowns na ang naisukat ni Noelle at mula pa ito sa mga kilalang brand na tumatanggap ng project sa ibang customer na gustong magpagawa ng special gown.Ngayong gabi na ang Party ni Ciarra kung saan imbitado si Noelle. Nang malaman niya na kasama si Harlet sa mga dadalo ay nainis ito. She always wanted to look better than Harlet.“Ms. Noelle ano ba ang gusto niyo talaga?” halos mangiyak

  • One World Apart   Chapter 1: First Encounter

    NOELLE would never think that one accident can take away her parent’s lives. Hindi niya lubos inakala na sa isang iglap ay mawawala ang buhay na masaya kasama ang kanyang mga magulang. She was about to celebrate her graduation in Elementary but then, a car accident happened and she was the sole survivor. Lalong lumakas ang pag-iyak ni Noelle nang makita niyang ibinababa na nila ang kabaong ng kanyang mga magulang. Nasa tabi niya ang kanyang Lolo na umiiyak din kanina pa. She wanted to blame herself. Sana hindi na lang siya nabuhay, sana namatay na lang din siya kasama ng mga magulang niya. Now she is all alone. Hindi na niya makikita ang ngiti ng kanyang Mommy and hindi na niya mariirnig ang pagtawa ng kanyang Daddy. “Noelle” pumaharap naman sa kanya si Robin, ang kapatid ng kanyang Daddy sa ama. “From now on, we will take care of you” Napansin

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status