Home / All / One World Apart / Chapter 1: First Encounter

Share

Chapter 1: First Encounter

Author: Maria Elena
last update publish date: 2020-07-29 14:40:24

NOELLE would never think that one accident can take away her parent’s lives. Hindi niya lubos inakala na sa isang iglap ay mawawala ang buhay na masaya kasama ang kanyang mga magulang. She was about to celebrate her graduation in Elementary but then, a car accident happened and she was the sole survivor.

Lalong lumakas ang pag-iyak ni Noelle nang makita niyang ibinababa na nila ang kabaong ng kanyang mga magulang. Nasa tabi niya ang kanyang Lolo na umiiyak din kanina pa.

She wanted to blame herself. Sana hindi na lang siya nabuhay, sana namatay na lang din siya kasama ng mga magulang niya. Now she is all alone. Hindi na niya makikita ang ngiti ng kanyang Mommy and hindi na niya mariirnig ang pagtawa ng kanyang Daddy.

“Noelle” pumaharap naman sa kanya si Robin, ang kapatid ng kanyang Daddy sa ama.

“From now on, we will take care of you” Napansin ni Noelle ang malungkot nitong mukha.

“Yes. We are your family too” linapitan din siya ng asawa nitong si Lina. Isang mestisang babae na puno ng burloloy sa katawan.

Napatitig lamang si Noelle sa mukha ng mag-asawa’ng ito. Napansin ni Noelle ang bibig ni Robin na para bang nagiging-straight ito. Nakita niya rin ang labi ni Lina na parang may pinipigilan ito.

When she tried to lock her eyes on them, she couldn’t. Dahil malikot ang kanilang mga mata at mistulang wala na ring luhang lumalabas dito.

‘Liar.’

Umatras ng umatras si Noelle mula sa kanila. Sa likod ng dalawang mag-asawa ay nakita niya rin si River, ang bunsong kapatid nila. Medyo may kabataan pa ito ngunit nakapag-asawa na rin siya.

Noelle was sure that it wasn’t her illusions that she is seeing. She is seeing a hidden smile beneath these faces. Ang mga mukhang ito ang pinagkatiwalaan ng kanyang mga magulang ng mahabang panahon. Paanong hindi niya makita ang tunay na pag-luluksa nila?

“Stay away from me!” Napasigaw si Noelle at tinakpan ang kanyang mga tenga. Dahil parang nawawala na siya sa sarili ay hindi na niya namalayaan ang kanyang ginagawa. Dahil masyado siyang napaatras, ay napaupo ito sa kaputikan.

Tumingala ito sa langit. It was raining very hard. She didn’t even notice it. Napakabigat ng mga ulap at parang galit ito. Somehow, her heart and the clouds feels the same way.

Lalo pa siyang napaiyak nang makita niya ang mga dumi sa kanyang katawan. She should be screaming for his Mom to come. Pero wala nang lalapit sa kanya. His Dad was supposed to be here to help her stand up. Ngunit wala na ang dalawang taong inaasahan niyang magliligtas sa kanya sa kahit anumang oras.

***

“DOROTHY! Cristy! Pearly!” Umalingaw-ngaw ang boses ni Noelle sa buong mansion. Tumakbo kaagad ang tatlong kasambahay ni Noelle na lagi niyang kasama papunta sa kanyang silid.

“Miss Noelle!” hinihingal na saad ni Dorothy nang makapasok ito sa kanyang silid.

“Bakit iba ang brand ng dried mangoes na binili ninyo? I don’t like this one!” iritang sabi naman ni Noelle.

“Miss Noelle, brand lang naman po ang iba. Pare-parehas lang po ang lasa niyan” Napayukong saad naman ni Pearly.

“Nasaan ang kasambahay na bumili nito?” Tanong naman ni Noelle.

“Ma’am” Napalingon ang tatlo sa isang babaeng pumasok ng silid.

“Wala na po kasi akong mahanap na katulad ng brand na pinapahanap ninyo.” Bakas naman ang takot sa boses ng babaeng kakapasok pa lang ng silid.

Parang nakakatakot ang lagapak ng heels ni Noelle habang papalapit ito sa kanya

“Kapag may mahanap akong kaparehas sa brand na pinapabili ko, sesesantihin kita agad-agad” pagbabanta naman ni Noelle dito.

Nang makaalis si Noelle ng silid niya at napasapo sa kanyang dibdib ang isang kasambahay na mukhang bagohan pa rito.

“Nako. Diyos ko, Gina. Lagot ka na kay Miss Noelle” parang naiiyak naman si Cristy.

“Okay lang. Mag-eempake na lang ako” Bagsak ang balikat nitong umalis ng silid.

Dali-dali namang inayos ni Cristy at Pearly ang mga nakakalat na dried mangoes sa sahig.

Si Dorothy, Cristy at Pearly ang personal maid ni Noelle. Sila lamang ang nakapag-tagal na kasambahay dito sa mansion niya. Dorothy wears read uniform for maid, Si Cristy naman ay Yellow, at si Pearly naman ay Blue. Noelle thinks it’s easy to distinguish them when they use these colors. Binansagan ni Noelle ang tatlong personal maid niyang ito na ‘Dorothy and friends’.

“Miss Noelle will leave in 5 minutes. Dorothy, Ikaw na ang sumama” Napatingin naman silang tatlo kay Saber na kakapasok lamang ng silid.

Saber is Noelle’s Assistant in legal matters and in business. Kasa-kasama niya rin ito sa lahat ng lakad niya.

***

NANG makarating sa Mall si Noelle ay napansin niyang napapatingin ang mga taong nakakasalubong niya sa kanya. Dahil sa Floral Dress nitong hitsura pa lamang ay may kamahalan na, at kahit nakabalabal ito at naka-shades ay hindi maitatago ang kagandahang taglay nito. Well she looks like a celebrity kaya naman siguro nakaka-agaw siya ng atensyon.

“Miss Noelle, puwede naman po na ako na lang ang mag-hahanap.” Nag-alanganin pa si Dorothy na lumapit sa kanya.

“Ipapamukha ko sa maid na iyon na mayroong pa ring tinda rito at magkaiba ang lasa!” Nagmatigas naman si Noelle at tuloy-tuloy itong pumasok sa supermarket.

Habang tumitingin si Noelle sa mag shelves ay nag-spary ito ng kanyang pabango. Hindi pa rin niya maiwasan na maamoy ang mga nakaksalubong niya.

‘That smells like a fastfood..’ Napapikit si Noelle Nang maamoy niya ang isang babaeng may tulak-tulak na cart.

Kaagad siyang lumipat sa kabila dahil hindi na niya matiis ang amoy.

Napatakip naman si Noelle nang may dumating na lalakeng may hawak na basket at biglang tumighay.

‘Mang Inasal? Seriously!’ Lalo namang nainis ito at mabilis na lumipat sa ibang shelves at medyo nakalayo na siya doon.

Nang makarating siya sa shelves ng mga delata ay kaagad itong nag-spray ng kanyang pabango.

“Miss, baka naman puwedeng tama na ‘yan?” sita naman ng isang babaeng kagaya rin niya ay nag-shoshopping.

“Eh kung maligo ka nang maayos hindi na ako mag-sspray ng pabango ko” masungit naman si Noelle na sumagot sa babae. Napailing-iling na lang ang babae at umalis na rin ito kaagad.

“Miss Noelle!” Napalingon si Noelle nang marinig niya ang boses ni Dorothy.

“What took you so long!? Hindi mob a alam na ang dami ng pawis at baho ng ibang tao ang naamoy ko?” Bungad naman ni Noelle kay Dorothy.

Bigla namang nakarinig si Noelle ng isang mahinang pag-tawa. Nang lumingon ito sa kanyang likod ay napansin niyang may lalakeng nakatayo doon at may hawak na basket. Parang hindi niya namalayaan na may tao pala sa likoran niya.

“Why are you laughing!?” mataray na tanong ni Noelle sa kanya. Pero parang nagkunwari lamang ang lalake at tumingin na lamang sa mga rack ng canned milk.

“Hey you lowly man!” dahil palaban si Noelle at parang naiinsulto siya tuwing pinagtatawanan siya ay lumapit ito sa lalake. But she maintained a distance, since he is just a stranger.

“You should your place! Kung ako ang pinagtatawanan mo, prepare for consequences because—“

“Sorry. I don’t know you. I’m just doing what I am supposed to do here.. Shopping” itinaas naman ng lalake ang kanyang basket at nagkibit balikat pa ito.

“Miss Noelle, tara na po. Dala na po naming ang dried mangoes niyo” ang sabi naman ni Dorothy sa kanya.

***

“OH, Ikaw pala.” Masayang sinalubong ni Laida ang kanyang anak na si Ian. Nang tangkahin ng kanyang Mommy na bitbitin ang kanyang mga ecobag na hawak ay inilag niya ito.

“Ako na. Bakit ko naman pabubuhatin ng mabigat ang pinakagamandang babae sa buhay ko.” Inakbayan naman ni Ian si Laida at hinalikan sa kanyang buhok.

“Ikaw talaga taga-gilberts. Bolera ka talaga” Inalalayan naman ni Ian si Laida na umupo sa bench.

“Kumusta naman ang buong linggo ng dyosa ko?” Kinilig naman si Laida at napatakip sa kanyang bibig.

“Okay na Okay. Kaso wala na iyong drama na sinusubaybayan ko. Iyong ‘Crash Landing on You’. Mamimiss ko si Captain Ri” Hindi naman napigilan ni Ian ang mapatawa nang dahil sa pinahayag ng kanyang Ina.

“Good Morning Sir, dadalhin ko na po ba ito sa room ni Mommy Laida?” lumapit naman sa kanya ang isang lalakeng nurse na in-charge sa kanyang Mommy. Tinanguan lang naman ni Ian ito .

“Manood ka na ulit ng iba. Ako naman nag-babayad sa month ng Netflix mo” saad naman ni Ian.

“Oo nanonood ako ulit ng bago”

Nang makita ni Ian ang maliit na basket ng orange na nalapag lamang sa lamesa ng bench ay nagbalat ito ng isang piraso at ibinigay niya ito kay Laida.

Habang ngumunguya si Laida at nakamsid lamang si Ian sa kanya.

Ian was just 16 years old when his Mother was diagnosed with Alzheimer’s. At ito ang pinakamasakit na nangyari sa kanya—ang hindi na siya maalala ng kanyang sariling Ina. Matagal na ring namalagi ang kanyang Mommy dito mismo sa home for the agents. Naisipan niyang ilipat noon dito ang kanyang Mommy dahil mas masaya siya rito. Hindi na rin siya naasikaso ng kanyang Daddy at maging ang kanyang kapatid.

Sa ngayon ay parang siya na lamang ang nakakaalalang bisitahin ito.

“BInili kita ng poster ni Ri Jeong Hyeok. Alam kong crush na crush mo siya” Kinuha naman ni Ian ang isang paper bag na naglalaman ng mga posters na ipinagawa niya. Nang inalis niya ang goma na nakatali sa poster na nai-roll ay unti-unting gumuhit ang ngiti ni Laida nang makita niya ang larawan ng kanyang iniidolong koreano doon.

“Captain Ri!” galak na saad nito at inagaw pa kay Ian ang poster.

“Sana ako rin, naalala niyo pa” Napabulong naman si Ian sa kanyang sarili. But seeing her mother smile is already enough to him.

***

“ITO na po ang design para sa expansion ng palasyo ninyo” Napakunot noo naman si Noelle na napatingin sa Projector.

Bago pa man maubos ang pasensya ni Noelle ay nagtapang ang Architect na naatasang mag-plano sa disenyo ng expansion sa bahay ni Noelle. Kanina ay nababalot sila ng katahimik dito sa Conferrence Hall ng mansion ni Noelle.

“I like it. It’s refreshing” Parang nabunutan naman ng tinik sa dibdib si ang Architect na nagprepresent ng design sa mansion ni Noelle.

Parang katulad na rin ng isang palasyo ang bahay ni Noelle dahil sa hilig nito na mag-expand at i-renovate ang ibang parte nito. Malawak ang lupa na kinatatayuan ng mansion ni Noelle. Dahil mayaman naman sila at spoiled siya sa kanyang Lolo ay lahat ng hinihingi nito ay binibigay niya.

“What about my own museum?” Nataranta naman ang Architect na ilipat ang slide ng presentation upang ibigay kaagad ang hinihingi ni Noelle. He is aware of Noelle’s temper.

“Your Museum will look like this. Inspired noong Renaissance period.”

A thin line formed from Noelle’s lips. Medyo nagugustohan niya ang mga idea na ipinapakita sa kanya.

“Then we will start the bidding right away” Tumayo naman si Noelle.

“We have list of Construction Companies na naka-line up para sa Bidding.” Sumunod naman si Saber sa kanya na palabas na ng silid at may hawak na folder at ipapakita sana niya ito kay Noelle ngunit tinabig ni Noelle ang kamay nito.

“Just prepare everything. I’ll attend the bidding. “

“Okay Ma’am. I’ll just remind you, invited po kayo sa part ni Miss Ciarra. Kapatid po ni Mr. Buenavista” Napatigil naman si Noelle sa ipinakita ni Saber sa kanya.

“Hmm. I like this one” Napangiti naman si Noelle. Because the theme is Royalty and she thinks of herself as one, ay napupusuan niya ang mga ganitong bagay.

“I’d like a sexy royalty dress for that event. Make sure to prepare my most expensive gloves. “

“Okay Ma’am”

“Oo nga pala, sinesante mo ba ‘yong bagong kasambahay na iba ang biniling brand na dried mangoes? Isabay mo na rin iyong guwardiya sa gate, nakita kong humatsing siya kanina. “

“Nag-resign na po silang dalawa sa akin” Parang nag-dalawang isip naman si Saber na sabihin ito kay Noelle.

“Good. Dapat lang na umalis ang mga hindi marunogng sumunod sa mga gusto ko” Tass-noo’ng saad naman ni Noelle at nagmartsang tuluyan upang makaalis sa harapan ni Saber.

Napailing-iling na lamang si Saber habang pinagmamasdan ang kanyang amo na papalakad palayo.

“Parang Job Fair lagi ang mansion na ito. Laging may recruit” Napatingin pa nga si Saber sa mga folders na hawak niya na naglalaman ng mga bagong resumes mula sa mga applicants.

***

“Miss Noelle, nasa labas po sila Mr. Robin at ang pinsan niyo pong si Harlet” Habang ineenjoy ni Noelle ang kanyang tsaa ay pumasok ng silid si Dorothy.

“Huwag mong papasukin”

“Pero nagpupumilit pong pumasok—“

Nakarinig naman si Noelle ng pagbukas muli ng kanyang pintoan. Nakita naman niya ang kanyag tiyo na si Robin. Inilapag naman ni Noelle ang kanyang hawak na tsaa. Panigurado ay magbabangayan na naman silang dalawa.

“Ikaw ba ang nagkumbinsi kay Dad na huwag isali si Harlet sa Ballet competition ngayong taon?” Napansin ni Noelle ang galit sa boses nito. Nang lumingon siya kay robin ay inilabas niya ang kanyang metro o ang lagi niyang dala-dalang retractable measuring tape. Hinatak nito ang tape ng hanggang sa isang metro at itinutok niya ito sa harapan ni Robin kaya napatigil ito sa paglalakad.

“Stay one meter away from me” Nagdilim kaagad ang aura ni Noelle kaya maski si Dorothy ay natahimik.

“Grabe. Napakamaldita mo talaga” Napailing-iling na lamang si Robin. Bakas pa rin ang frustration sa kanyang mukha.

Robin and River are Noelle’s mortal enemy. Bata pa lamang siya ay napakalaki na ng galit niay sa kanila. Maski sa ibang kamag-anak nila o sa mga pinsan nila. Syempre damay na rin ang mga asawa nila Robin at River.

Noelle thinks it’s vice versa. Dahil paborito siya ng kaniyang Lolo at madalas mas pinapakinggan siya nito.

“Nandaya ang anak mo, Robin at hindi ko na kasalanan kung hindi iyon pinalampas ng Administrator. Get out of my house” galit na saad naman ni Noelle. Hindi na nag-abala pang sumagot si Robin at tuluyang umalis ng study room ni Noelle.

“Itapon mo na itong tea. Hindi ko na iinomin ‘yan!” nataranta naman si Dorothy nang mapasigaw si Noelle. Kaagad niyang kinuha ang tsaa nito at dali-daling lumabas ng silid. The best way to do when Noelle is mad is to leave her.

Mula noong namatay ang mag magulang ni Noelle ay hindi na niya pinagkatiwalan ang mga kapatid ng kanyang Daddy. She didn’t want to trust somebody again, maliban na lamang sa kanyang Lolo.

“Noelle” It was Saber’s voice. Kaya hindi na niya ito nilingon.

“Sa tingin ko ay tama na ang ginagawa mong pagpapahirap sa kanila. “ Napakuyom naman ang palad ni Noelle at bumaling kay Saber.

“Bakit? Kapag ititigil ko ba, maibabalik ang buhay ng mga magulang ko? No! I need to see them suffer for lifetime. Hinding-hindi ko babawasan ang galit na nararamdaman ko sa kanila!”

“We are not sure of anything. Ilang taon ka na naghahanap ng rason o ebidensya na may kinalaman sila sa pagkamatay ng Daddy mo, pero wala na tayong nahanap. Maybe it’s about time you let go that hatred” Noelle shook her head as she disagreed to what Saber said.

“What is so wrong with this hatred? This anger is what makes me strong” turo naman niya sa kanyang dibdib.

“That hatred is making you lonely.” Napabunting-hininga naman si Saber.

“My heart has been lonely for a long time and I always long for the feeling of being alone. I forgot the feeling of trusting someone” Napaigting ang panga ni Noelle.

“You don’t have to trust me. I do my job because that is what I am supposed to do” Sabe finally gave up on talking with her. In the end, iniwan niya rin ito sa silid.

***

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One World Apart   Chalter 6: Two Meters Away

    NABULABOG ang lahat ng mga staffs na in-charge para sa photoshoot ni Harlet nang dumating si Noelle. Ang venue kasi ng photoshoot ay sa Tan Building. Nang malaman ni Noelle na tuloy na nga ang debut ni Harlet para sa pagiging ballerina at gustong gamitin ni Harlet ang image ng Tan Brothers upang mabilisan ang pagsikat ay hindi n’ya ito ginusto. As far as Noelle is concerned, she is the image of Tan Brothers and she has the control equivalent to her father. Sa madaling salita, hindi ito mangyayari kung walang pahintulot ni Noelle.“Noelle!” Ngumiti naman si Harlet nang sinalubong n’ya ito ngunit humarang si Saber dahil mayro’n yatang balak na yumakap ito. Noelle knows it was just for a show. Na kunwari ay si Harlet ang inaapi n’ya. Magaling na actress si Harlet, madali n’yang nakuha ang sympathy ng mga tao sa kumpanya nila. She was able to turn Noelle as the local enemy number one.“Who told y

  • One World Apart   Chapter 5: The Contractor

    "HUWAG kang mag-alala, Harlet. Ikaw ang magmamay-ari ng mansion ni Noelle. Bilang na ang mga araw n'ya sa kanyang trono," Hinawakan ni Robin ang balikat ni Harlet habang nag-aayos ng kanyang sarili sa harapan ng salamin. Mayroon kasi itong performance ngayon dahil sa Charity Project ng Tan Brothers. Si Harlett ang gustong maging modelo ng Tan Brothers ngunit si Noelle ang model sa kasalukuyan. Batid ni Robin na paboriti talaga ng ama n'yang si Henry ang anak ng kanilang kuya na namatay na."Albert is Dad's favorite. Now that he is dead, I will be his successor and you, my darling... You will take Noelle's place,"Hindi naman napigilan ni Harlet ang mapangiti sa ideya ng kanyang ama. Bata pa lang sila ay nakakatanggap na si Noelle ng special treatment. Lumaki s'yang nainggit sa atensyon na nakukuha ni Noelle."Just focus on your dream. Si Daddy ang bahala okay?" Robin kissed Harlet's hair before leaving the room.

  • One World Apart   Chapter 4: Blackmail

    “NILAPLAP ko si Miss Tan”Nanatiling tahimik si Eugene nang marinig n’ya ang sinabi ni Ian. Napapikit si Ian dahil nakaramdam ito ng kaba sa anumang gagawin ni Eugene sa kanya. Ngunit nakarinig siya nang pag-hikbi, kaya binuksan siya ang mga mata n’ya.“Eugene…” tawag n’ya sa kaibigan n’ya pero tumalikod lang ito. Nang sinundadn ni Ian ng tingin ang kanyang kaibigan ay nagulat siya.Napatakip si Eugene sa kanyang bibig at tuloy-tuloy ang kanyang pag-iyak . Napasandal siya sa kanyang kotse at napaupo na lang sa sahig na para bang nabagsakan na siay ng buong langit.“Uy, Eugene tumayo ka nga d’yan!” Tinangka naman ni Ian na itayo si Eugene pero tumanggi naman ang kaibigan n’ya.“Sa lahat ng puwede mong laplapin bakit si Miss Tan pa? Bakit!? Saan ba ako nagkulang sa pagpapaalala sa ‘yo? Na huwag k

  • One World Apart   Chapter 3: The Peppermint Scent

    DAHAN-dahang iminulat ni Noelle ang kanyang mga mata. Nakaramdaman siya ng kakaibang sakit sa kanyang ulo at hilo nang sinubukan niyang bumangon.“Shit.” Napahawak siya sa kanyang noo. Npatingin siya sa kanyang side table. Handa na pala ang tatlong klaseng kape na pagpipilian niya ngayong umaga. Mukhang ito nga rin ang gumising sa kanya.“I’ll have black coffee…” bulong naman nito sa kanyang sarili at kinuha ang tasa ng kape sa mesa.Para siyang nahimasmasan nang maramdaman niya ang init ng kape sa kanyang tiyan.“Miss Noelle, are you feeling better now?” Narinig naman ni Noelle ang pagbukas ng kanyang pintoan at ang boses ni Saber.“Yes. But my head hurts. Nalasing ba ako kagabi?”“Opo. Mukhang namali po yata kayo ng ininom na wine kaya biglaan na lang kayong nalasing. ““Yeah

  • One World Apart   Chapter 2: Breaking the Golden Rule

    “RETURN everything” nabitawan naman ni Dorothy ang hawak-hawak niyang gown na kakatapos lang isukat ni Noelle.“A-Alin po sa mga ito?” tanong naman ni Cristy.“From the first gown to the last that I just tried. Wala akong nagustohan,” naghalukipkip naman si Noelle at umupo sa kanyang royal chair.Bagsak ang balikat ni Dorothy, Cristy at Pearly na nagbalik ng lahat ng mga gown sa rack. It’s been 4 hours since they started. Twelve gowns na ang naisukat ni Noelle at mula pa ito sa mga kilalang brand na tumatanggap ng project sa ibang customer na gustong magpagawa ng special gown.Ngayong gabi na ang Party ni Ciarra kung saan imbitado si Noelle. Nang malaman niya na kasama si Harlet sa mga dadalo ay nainis ito. She always wanted to look better than Harlet.“Ms. Noelle ano ba ang gusto niyo talaga?” halos mangiyak

  • One World Apart   Chapter 1: First Encounter

    NOELLE would never think that one accident can take away her parent’s lives. Hindi niya lubos inakala na sa isang iglap ay mawawala ang buhay na masaya kasama ang kanyang mga magulang. She was about to celebrate her graduation in Elementary but then, a car accident happened and she was the sole survivor. Lalong lumakas ang pag-iyak ni Noelle nang makita niyang ibinababa na nila ang kabaong ng kanyang mga magulang. Nasa tabi niya ang kanyang Lolo na umiiyak din kanina pa. She wanted to blame herself. Sana hindi na lang siya nabuhay, sana namatay na lang din siya kasama ng mga magulang niya. Now she is all alone. Hindi na niya makikita ang ngiti ng kanyang Mommy and hindi na niya mariirnig ang pagtawa ng kanyang Daddy. “Noelle” pumaharap naman sa kanya si Robin, ang kapatid ng kanyang Daddy sa ama. “From now on, we will take care of you” Napansin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status