LOGINDAHAN-dahang iminulat ni Noelle ang kanyang mga mata. Nakaramdaman siya ng kakaibang sakit sa kanyang ulo at hilo nang sinubukan niyang bumangon.
“Shit.” Napahawak siya sa kanyang noo. Npatingin siya sa kanyang side table. Handa na pala ang tatlong klaseng kape na pagpipilian niya ngayong umaga. Mukhang ito nga rin ang gumising sa kanya.
“I’ll have black coffee…” bulong naman nito sa kanyang sarili at kinuha ang tasa ng kape sa mesa.
Para siyang nahimasmasan nang maramdaman niya ang init ng kape sa kanyang tiyan.
“Miss Noelle, are you feeling better now?” Narinig naman ni Noelle ang pagbukas ng kanyang pintoan at ang boses ni Saber.
“Yes. But my head hurts. Nalasing ba ako kagabi?”
“Opo. Mukhang namali po yata kayo ng ininom na wine kaya biglaan na lang kayong nalasing. “
“Yeah maybe. But I remember something that smells like pepper mint? May wine bang gano’n? I think do’n ako nalasing” ang sabi naman ni Noelle at tumayo mula sa kanyang higaan.
Binuksan naman ni Saber ang malaking glass windows sa kuwarto ni Noelle. Umupo naman si Noelle sa maliit na couch sa tapat ng bintana. Dito kasi nagpapalipas ng oras si Noelle tuwing umaga habang ineenjoy ang kanyang kape.
***
“I told you, I tasted a peppermint wine last night. I couldn’t get over about it. The smell is still fresh to me. Wala ka pa bang balita sa mga wine na sinerve kagabi?” ani naman ni Noelle.
Nang umabante si Noelle upang tignan ang ibang halaman ay sumunod si Saber habang hawak-hawak ang payong para kay Noelle. Hindi naman mainit sa Garden dahil may roof naman ito ngunit ayaw ni Noelle na nasasagi siya ng sinag ng araw mula sa malalaking pintoan na binubuksan para may hangin na pumasok para sa mga halaman.
“Nakuha ko na po ang list ng bawat uri at bawat brand ng wine na sinerve kagabi. Wala pong peppermint na wine.” Pahayag naman ni Saber.
“Dorothy and friends?” bigla namang nag-iba ang tono ng boses ni Noelle.
“Nasaan ang pamaypay ko?” Kaagad naman na ibinigay ni Pearly ang malaking pamaypay ni Noelle na hawak-hawak nila habang nakasunod sa kanya.
“So mali ako? Ako ‘yong nagkamali?” Pinagtaasan naman ni Noelle ng kilay si Saber kaya napayuko ito
“No. Hindi ko po siguro na-check ng maayos. Sorry Miss Noelle”
“Noelle!” Biglang lumawak ang ngiti ni Noelle nang marinig niya ang boses na iyon. Walag pasabing tumakbo si Noelle palapit sa kanyang Lolo.
“I missed you, Princess.” Napakahigpit ng yakapan ng mag-lolo.
“I missed you too! Bakit ang dalang mo dumalaw?” She pouted. And she’ back to being a bratty princess.
“I just have to work on something sa Malacanang. How is your castle? I can’t wait to see it.”
“I’ll show you the design! Pero wala pa kaming nahanap na construction company na gagawa ng project. “
“Saber!” tuwang-tuwa naman si Henry nang makita niya si Saber na lumapit sa kanila.
“Magandang araw po, Senator. “ bati naman ni Saber sa kanya.
“Sana mahaba pa ang pasensya mo para sa prinsesa ko.” Napatawa ng mahina si Senator sa sinabi ni Henry.
“I won’t give up on my job, Sir.” Ang sagot naman ni Saber upang ibsan ang pag-aalala ni Henry.
“Bakit nakatitig lang kayo sa akin?” Napatigil naman si Noelle sa pag-subo ng kanyang favorite cheese cake na pinaserve niya rito rin mismo sa garden niya.
“Habang tumatagal paganda ka ng paganda. You resemble your Mom so much.” Ang sabi naman ni Henry.Natahimik naman si Noelle dahil naalala niya ang kanyang mga magulang. Somehow she still feels lucky since Henry is on her side. Mahihirapan nga lang siyang kumbinsihin ito na may kinalaman ang dalawang anak niya sa pagkamatay ng mga magulang niya lalo na’t wala pa siyang sapat na ebidensya.
***
“Kinakabahan ako p’re,” habang kinakalikot ni Ian ang kanyang cellphone dahil abala ito sa panonood ng ‘Raffy Tulfo in Action’ ay napansin niyang kanina pa hindi mapakali si Eugene sa kanyang tabi.
“Ano ka ba? Ngayon lang ba tayo sasali sa bidding? Parehas lang naman ito, kaso iba lang proseso. Parang hindi ka na sanay” Napailing-iling naman si Ian sa kanya.
“Nakikinig ka ba? tatlo na ang sumalang. Hindi nga sila nagkaroon ng chance na magpresent kasi nga ayaw daw niya ng mabaho. “
Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay ay nagsawa rin si Ian sa paggamit ng kanyang cellphone.
"Bakit tulala ka?" Nabulabog ang pagmumuni muni ni Ian nang lumapit si Eugene sa kanya. Kanina kasi ay nagpaalam ito na pupunta sa CR dahil malapit na silang sumalang.
"Papasok na ba tayo?" tanong naman ni Ian sa kanya.
"Mamaya pa. May nakasalang pang Construction company doon. Medyo strikto talaga si Miss Tan. Dami na niyang nirereject." Napailing iling na saad naman ni Eugene.
"Pasensya ka na. Alam ko na ninenerbyos ka at gusto mo talagang makuha itong project. Hindi man lang kita madamayan sa pag-aalala mo" Ian taps Eugene's shoulder but he just simply smiled.
"I'm not bothering you because I know it's a girl. " He smirked.
"At mahirap kapag babae ang problema. " dugtong pa nito.
"I feel like, I'm not the usual me" Ian sighed. Pansin naman ang dismayadong boses nito.
"Masyado ko’ng pinagsasamantalahan ang sitwasyon. Nagiging mayabang ako dahil malakas masyado ang loob ko na mas sasaya siya sa akin. Kaya gusto ko siyang agawin."
"Sino bang ayaw mahalin ng mahal nila? Syempre gagawin mo lahat para makuha sila. You are just right to think that you might be the better one for her. That's the spirit." pagsasang-ayon naman ni Eugene sa kanya.
"Pero sa itinagal ko sa mundong ito. Naniniwala ako na kahit ikaw iyong best option kung hindi naman ikaw iyong nakatadhana sa kanya. Malakas pa rin ang paniniwala ko sa tadhana." Napatingin naman sa malayo si Eugene.
"Lahat tayo may taong nanatili sa puso natin ng mahabang panahon kahit wala na sila sa atin. "
Napayuko naman si Ian sa sinabi ni Eugene. He thinks that maybe, Lyan will stay for a while in his heart.
"Masakit na hindi tayo pinipili. Pero gano’n talaga. "
"Ikaw ba 'yan?" Ian tried hard not to laugh.
"Oo naman. Matino ito no." depensa naman ni Eugene.
"Grabe naman. Sayang itong report ko"
"Bakit ka ba kase sobrang nag-pabango!"
"Sabi nila ayaw niya ng mabaho"
Naagaw naman ang atensyon nila Ian at Eugene nang may marinig silang sigawan ng dalawang engineer na kagaya nila.
"Boss. ano nangyari-" Nagulat naman si Eugene nang makita niyang naka mask pa ang dalawa at baka lab gown.
"Boss pahirapan. Masyado silang strikto. pinagsuot pa nga kami ng ganito akala mo naman may sakit kami" padabog na tinapon ng lalake ang mask na suot niya kanina.
"Ha? Hindi naman tayo doctor" Napatayo si Eugene
"Maarte si Miss Tan. Ayaw niya nakakaamoy ng kahit na anong baho o pawis. "
"Ayaw niya iyong pabango ko kaya pinalabas niya kami agad " Dismayadong saad pa ng isang kasama ng lalakeng pinagtanongan ni Eugene kanina.
Hindi na nakaimik si Eugene at Ian habang pinagmamasdan ang dalawang iyon na bagsak ang balikat habang naglalakad palayo.
"Royal Builders? Next na po kayo. Please proceed to the clearance area for sanitation" Nag-tinginan naman si Ian at Eugene nang makompirma nga nila ang sinabi ng dalawa kanina.
***
“Para namang may virus tayo,” natatawang saad pa ni Eugene.
Nang pumasok si Eugene sa silid ay sumunod din si Ian. May malaking screen sa harapan at may long table sa tapat ng screen, mga 5 meters away. Napansin ni Ian ang babaeng nakatingin sa kanila. Siya nga ang ‘Miss Tan’ na tinutukoy nila. Huwag mo lang tatangkahing tignan ang mga mata niya dahil mapapasok ka sa lamig nito.
“Goodafternoon, Miss Tan,” Eugene’s voice was cheeky. Medyo natakot yata ito sa mga titig ng babae. May isang lalaki sa likod niyang nakatayo, mukhang ito ang assistant o body guard nito. Ang mediator ng bidding naman ay nasa likod din ng babae.
“Ang hirap magsalita ng naka-mask” bulong ni Eugene sa kanya.
Pinaliwanag naman ng nag-assist sa kanila kanina na importanted isuot ‘yong mask dahil malakas nag aircon sa silid at maaring maamoy niya ang hininga nila.
“You… kagagaling mo lang sa CR?” Nagtinginan si Eugene at Ian nang itinuro siya ng babae.
“O-Opo…” nauutal na sagot naman ni Ian.
“And you used the lemon flavor hand soap? Pagkatapos ay pinunas mo sa likod ng pants mo.”
Napatakip naman si Eugene sa kanyang puwetan.
“Hindi maganda ang amoy ng alcohol ang ng hand soap. Nakakasuka” Napapikit naman ang babae.
Unti-unting lumawak ang ngiti ni Ian habang nakamasid sa babae.
‘Ikaw pala si Miss Tan’ ani nito sa kanyang isip. Kung titignan mo, napaka elegante ng dating niya at napakaganda niya sa kaniyang kasuotan.
She is currently wearing ‘All-black’ attire. Maksi ang shorts nito na itim at nakasuot ito ng boots na hanggang sa ibaba ng tuhod. Naka-tuck in ang tube na leather nito na kulay itim din ngunit makinang at nakasuot ito ng black na coat.
“Ito na po ang overview ng project proposal” Nang mag-salita si Ian ay bumalik sa wisyo si Eugene at binuksan ang kaniyang laptop at sinet-up para sa malaking screen. Si Ian naman ay nagtangkang lumapit kay Miss Tan ngunit pinigilan siya ng lalaki sa kanyang likod dahil may markings pala doon, na hindi siya puwedeng humakbang at lagpasan ang spot na iyon.
“Akin na po” nilapitan naman siya ng babaeng mediator kaya nagawa pa rin niyang iniabot ang folder kay Miss Tan.
Nang tumalikod si Miss Tan ay napatigil siya nang biglang nagsalita ang babae.
“Wait. Stop”
Dahan-dahan namang lumingon si Ian sa kanya.
“Are you…using a perfume na mint flavor? Or pepper mint?”
Unti-unting gumuhit ang nakakapanlokong ngisi sa mga labi ni Ian.
“My perfume is Mint Blue… and my mouth wash and even my oral spray is pepper mint. Miss Tan”
“Fine.”
***
Parang nag-alanganin naman si Techie na sabihin ito kay Noelle matapos lahat ng presentation ng mga companies. Maramia ng nag-risk sa bidding ng project ni Noelle pero sobrang dami rin niyang ni-reject. Now that it has come to choose, medyo hirap sila dahil wala nang maraming option.
“I can confidently say, na kung pipili ka sa dalawa, It should be Royal builders.” Saber chimed in.
“Why?” Noelle asked him.
“Sila ang gumawa ng RosaKing. Hindi lang sa mall, pati na rin ang amusement park at iba pang building ng RosaKing Land. “
Noelle was amused to hear that. Kilala naman kasi niya ang may-ari nito. And that owner isn’t an easy person to deal with.
“May mga project na rin sila rito sa Serina“
Kanina pa napapaisip si Noelle, it’s not just about the project. Something is very weird. Lalo na nang maamoy niya ang pabango ng isang myembro ng Royal builders kanina. Sila kasi ang huling nag-present. She couldn’t focus on their presentation because she keeps smelling that mint scent coming from that guy… Isa pa, ayaw naman niyang mag-assume pero napapansin niyang most of the time at tinitignan siya ng lalaking iyon.
“Where did I smell that?” Napasandal naman si Noelle sa kanyang upuan. Napatingin si Techie at Saber sa kanya dahil kasalukuyang nag-eexplain si Saber pero parang iba ang inisiip ni Noelle.
“Smell what?” napakunot noo si Saber.
Napapikit si Noelle at inalala niya ang nakalipas na araw. Nagtagal ang kanyang pag-reminisce sa gabi ng party ni Ciarra dahil iyon naman ang araw na maraming ganap..
I was drunk? Uminom ako ng wine na sinerve ng waiter tapos gumala ako sa garden?
Then, I talked to plants… like seriously?
“Noelle?” tawag ni Saber sa kanya dahil nakapikit ito at parang may binubulong.
I met a guy… we talked… and he…came closer to me…
Wait nga nasaan ang measuring tape ko? Nasa sahig!
And then he touched me and then… he kissed me!?
“WHAT THE HELL!”
Napakapit si Techie sa mesa nang biglang tumayo si Noelle at sumigaw ng pagkalakas-lakas Napasapo naman si Saber sa kaniyang dibdib sa sobrang nerbyos.
“Shit! Is that why he was smiling? Wait siya ba talaga ‘yon? But the smell is so similar! And the smile! Wait I remember that grin. SHIT!” Nagugulat naman si Saber at Techi kay Noelle dahil parang nababaliw na itong nakasabunot sa kaniyang buhok at kausap ang kaniyang sarili.
“Saber, I need you to find every man na nakausap ko sa party ni Ciarra. That is the only way I can confirm it.” Noelle sounded with full of determination.
“Bakit po? Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Saber.
“Someone just… stole my first kiss! I need to find him! Hindi puwede! Ayoko makipaghalikan! It’s a direct transmission of bacteria and virus! I can’t! No~”
***
“Kailangan makuha natin ang project na ito.” Napatingin naman si Ian kay Eugene na mukhang kanina pa problemado.
“P’re huwag mo nang asahan, mukhang malabo,”Napabuntong-hininga naman si Ian.
Kanina pa kasi siya hindi mapakali. Ilang beses na niyang tinangka na sabihin kay Eugene ang gusto niyang sabihin pero pagkatapos ng presentation ay problemado na ito.
“Bakit? Susuko ka na ba!” Pinihit naman ni Eugene si Ian paharap sa kanya at hinawakan ang magkabilang braso nito.
“H-Hindi naman kaso, mukhang… may dali na kasi tayo eh. Pasensya ka na hindi kasi ako nag-iingat.”
“Ano? Bakit may ginawa ka ba? Wala naman ah. Ako ang may kasalanan sana hindi na lang ako nag-CR” mangiyak-iyak na sabi naman ni Eugene.
“Kasi, may nagawa akong…basta may ginawa ako. Hindi ko sinasadya!” Inalis naman ni Ian ang dalawang kamay ni Eugene na nakahawak sa kanya. He is feeling guilty because he had a hunch that he might have screwed this plan from the start.
“Ano ‘yon? Sabihin mo sa akin nang magawan natin ng paraan” Eugene pleaded, but Ian keeps avoiding his eyes.
“Lasing kasi ako ‘di ba? Tapos syempre wala ako sa katinuan…” napatigil naman si Ian nag maalala niya ulit ang gabing iyon. Hindi siya puwedeng magkamali. The lips that he enjoyed that night is similar to Miss Tan’s.
“Ano nga!” Napasigaw na si Eugene.
“Nilaplap ko si Miss Tan.”
***
NABULABOG ang lahat ng mga staffs na in-charge para sa photoshoot ni Harlet nang dumating si Noelle. Ang venue kasi ng photoshoot ay sa Tan Building. Nang malaman ni Noelle na tuloy na nga ang debut ni Harlet para sa pagiging ballerina at gustong gamitin ni Harlet ang image ng Tan Brothers upang mabilisan ang pagsikat ay hindi n’ya ito ginusto. As far as Noelle is concerned, she is the image of Tan Brothers and she has the control equivalent to her father. Sa madaling salita, hindi ito mangyayari kung walang pahintulot ni Noelle.“Noelle!” Ngumiti naman si Harlet nang sinalubong n’ya ito ngunit humarang si Saber dahil mayro’n yatang balak na yumakap ito. Noelle knows it was just for a show. Na kunwari ay si Harlet ang inaapi n’ya. Magaling na actress si Harlet, madali n’yang nakuha ang sympathy ng mga tao sa kumpanya nila. She was able to turn Noelle as the local enemy number one.“Who told y
"HUWAG kang mag-alala, Harlet. Ikaw ang magmamay-ari ng mansion ni Noelle. Bilang na ang mga araw n'ya sa kanyang trono," Hinawakan ni Robin ang balikat ni Harlet habang nag-aayos ng kanyang sarili sa harapan ng salamin. Mayroon kasi itong performance ngayon dahil sa Charity Project ng Tan Brothers. Si Harlett ang gustong maging modelo ng Tan Brothers ngunit si Noelle ang model sa kasalukuyan. Batid ni Robin na paboriti talaga ng ama n'yang si Henry ang anak ng kanilang kuya na namatay na."Albert is Dad's favorite. Now that he is dead, I will be his successor and you, my darling... You will take Noelle's place,"Hindi naman napigilan ni Harlet ang mapangiti sa ideya ng kanyang ama. Bata pa lang sila ay nakakatanggap na si Noelle ng special treatment. Lumaki s'yang nainggit sa atensyon na nakukuha ni Noelle."Just focus on your dream. Si Daddy ang bahala okay?" Robin kissed Harlet's hair before leaving the room.
“NILAPLAP ko si Miss Tan”Nanatiling tahimik si Eugene nang marinig n’ya ang sinabi ni Ian. Napapikit si Ian dahil nakaramdam ito ng kaba sa anumang gagawin ni Eugene sa kanya. Ngunit nakarinig siya nang pag-hikbi, kaya binuksan siya ang mga mata n’ya.“Eugene…” tawag n’ya sa kaibigan n’ya pero tumalikod lang ito. Nang sinundadn ni Ian ng tingin ang kanyang kaibigan ay nagulat siya.Napatakip si Eugene sa kanyang bibig at tuloy-tuloy ang kanyang pag-iyak . Napasandal siya sa kanyang kotse at napaupo na lang sa sahig na para bang nabagsakan na siay ng buong langit.“Uy, Eugene tumayo ka nga d’yan!” Tinangka naman ni Ian na itayo si Eugene pero tumanggi naman ang kaibigan n’ya.“Sa lahat ng puwede mong laplapin bakit si Miss Tan pa? Bakit!? Saan ba ako nagkulang sa pagpapaalala sa ‘yo? Na huwag k
DAHAN-dahang iminulat ni Noelle ang kanyang mga mata. Nakaramdaman siya ng kakaibang sakit sa kanyang ulo at hilo nang sinubukan niyang bumangon.“Shit.” Napahawak siya sa kanyang noo. Npatingin siya sa kanyang side table. Handa na pala ang tatlong klaseng kape na pagpipilian niya ngayong umaga. Mukhang ito nga rin ang gumising sa kanya.“I’ll have black coffee…” bulong naman nito sa kanyang sarili at kinuha ang tasa ng kape sa mesa.Para siyang nahimasmasan nang maramdaman niya ang init ng kape sa kanyang tiyan.“Miss Noelle, are you feeling better now?” Narinig naman ni Noelle ang pagbukas ng kanyang pintoan at ang boses ni Saber.“Yes. But my head hurts. Nalasing ba ako kagabi?”“Opo. Mukhang namali po yata kayo ng ininom na wine kaya biglaan na lang kayong nalasing. ““Yeah
“RETURN everything” nabitawan naman ni Dorothy ang hawak-hawak niyang gown na kakatapos lang isukat ni Noelle.“A-Alin po sa mga ito?” tanong naman ni Cristy.“From the first gown to the last that I just tried. Wala akong nagustohan,” naghalukipkip naman si Noelle at umupo sa kanyang royal chair.Bagsak ang balikat ni Dorothy, Cristy at Pearly na nagbalik ng lahat ng mga gown sa rack. It’s been 4 hours since they started. Twelve gowns na ang naisukat ni Noelle at mula pa ito sa mga kilalang brand na tumatanggap ng project sa ibang customer na gustong magpagawa ng special gown.Ngayong gabi na ang Party ni Ciarra kung saan imbitado si Noelle. Nang malaman niya na kasama si Harlet sa mga dadalo ay nainis ito. She always wanted to look better than Harlet.“Ms. Noelle ano ba ang gusto niyo talaga?” halos mangiyak
NOELLE would never think that one accident can take away her parent’s lives. Hindi niya lubos inakala na sa isang iglap ay mawawala ang buhay na masaya kasama ang kanyang mga magulang. She was about to celebrate her graduation in Elementary but then, a car accident happened and she was the sole survivor. Lalong lumakas ang pag-iyak ni Noelle nang makita niyang ibinababa na nila ang kabaong ng kanyang mga magulang. Nasa tabi niya ang kanyang Lolo na umiiyak din kanina pa. She wanted to blame herself. Sana hindi na lang siya nabuhay, sana namatay na lang din siya kasama ng mga magulang niya. Now she is all alone. Hindi na niya makikita ang ngiti ng kanyang Mommy and hindi na niya mariirnig ang pagtawa ng kanyang Daddy. “Noelle” pumaharap naman sa kanya si Robin, ang kapatid ng kanyang Daddy sa ama. “From now on, we will take care of you” Napansin