Home / All / PILOSOPO / Chapter 14

Share

Chapter 14

last update publish date: 2020-09-07 14:32:32

Louissana's P.O.V

"Surprised?" ani ni Franz

"W-Why are you...here?" i asked him with confusion in my eyes.

"Hey bro, welcome." saad ni kuya saka lumapit dito sumunod din si Charrie at Charlie kaya ako na lang ang naiwan dito sa may pinto.

Ano ba kasing ginagawa nya dito?

Nakita kong sumenyas si Charrie na lumapit napahinga na lang ako ng malalim bago tuluyang lumapit sa mga ito.

"Hey mom,tita." nakangiting bati ko sa mga ito.

Inilapag ko muna yung mga dala ko sa sahig saka umupo sa tabi ni Charrie na tahimik na nakaupo at kuya na ngayon ay nakasandal at nakapikit sa sofa. Pagod na pagod.

"So, anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Franz habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito. Tinampal naman ni Charrie yung braso ko.

"i mean buti nandito ka?" pag-iiba ko ng tanong. Ngumiti ito sa'kin bago sumagot. "Gracey's father invited us." so si Uncle Jack pala, "I see" tatango tangong sagot ko.

"Kumain muna kayo dito" wika ni tita Melba habang nakasilip sa kusina. Umalingasaw ang bango ng niluluto nito.

Dahil sa amoy na iyon tumunog ang tyan ni kuya kaya natawa kami. "I'm hungry" saad nito habang nakahawak sa tyan nya.

"Kakakain lang natin ah, anaconda ata yang nasa tyan mo" biro ko na tinawanan naman nila.

"Alam mo namang hindi agad nabubusog ang kuya mo" sambit ni mom.

"wait! Smell... " saad ni Charlie

"Teriyaki!" sabay sabay na sambit namin nila Charrie, kuya at ako kaya nag-unahan kaming pumunta sa kusina.

Nakita ko din mabilis na bumaba si Gracey at Gerphil at nagmadaling pumunta ng kusina.

"Ay talagang mga bata kayo magdahan dahan kayo at baka kayo'y mga dapa" saad ni Tita Melba

Narinig namin ang mga yapak nila tita Ash,mom at Franz na papunta sa kusina. Narinig pa namin silang nagtawanan.

"Oh hali na kayong tatlo at tikman nyo ang niluto ko" sambit ni tita Melba kila mom saka inihain sa haoag ang niluto nitong teriyaki. Nakakapanglaway at nakakagutom ang amoy nito.

"Most handsome first." ani ni kuya nakukuha na sana pero pinigilan ito ni Charlie at Gerphil

"Patawad ginoo ngunit ako ang tinutukoy mo." nakangising sambit ni Gerphil.

"Bro, ako yon wag assuming." sambit ni Charlie. Natawa kami sa pagtatalo nila kung sino ang mas gwapo sa mga ito.

Habang nagtatalo sila dahan dahan kaming kumukuha nila Charrie at Gracey ng teriyaki.

"Hoy anong ginagawa nyo!" saad ni kuya.

"Anak ng, yan tuloy nakakuha na sila." gatong ni Charlie.

"Ngunit— ay kayo kase eh yan tuloy." wika ni Gerphil. Natawa na lang kami sa mga reaksyon ng mga ito lalo na ang kay Gerphil dahil hindi ito gumamit ng malalalim na salita.

Bilang punishment ng tatlo ito sila ang pinaka huling nakakuha ng teriyaki.

"Nasaan sila Francine?" tanong ni mom kay Franz habang kumakain. Si tita Francine yung mom ni Franz.

"On the way pa lang po sila kasama si Althea, pinauna na po nila ako dahil may pinapabigay po sila sa'kin kay lolo" sagot nito saka uminom ng tubig.

Tapos ng kumain sila Franz, tita Ash, tita Melba at mommy. Nahuli kaming anim sa pagkain.

"Mahuli sya maghuhugas ng plato" sambit ni Gracey kaya nag unahan kaming matapos, naunang natapos si kuya sumunod si Charrie, ilang sandali na tapos na si Charlie at syempre hindi ako papatalo kaya sa huli natalo si Gerphil.

Tawa lang kami ng tawa dahil di maipinta ang mukha nito dahil sya ang natalo. Parang bumalik kami sa pagkabata, ganyan kase yung ginagawa namin nag-uunahan pumunta sa kusina kapag naka amoy ng teriyaki at nag-uunahang kumain ang mahuli ay maghuhugas ng plato.

Nang matapos kumain umakyat muna ako sa kwarto para maka-ligo at makapagpalit tunulungan din ako ni kuya sa pagbuhat ng binili namin, nagtaka pa nga sila tita tsaka mom kung bakit ang dami naming pinamili nginitian ko lang sila saka ako tumuloy sa kwarto ko.

"Nandito na si Franz mo, ngayon mo ba ibibigay yung couple nyo?" tanong ni kuya habang inilalapag ang mga gamit ko sa sahig.

Anong sabi nya? Franz ko?

Nilingon ko ito habang nakataas yung isa kong kilay.  "Anong Franz ko?" sambit ko rito.

"Why? Bago na ba? Si Chandut na ba?" nakangising saad nito saka pinakadiin yung Chandut.

"Sira! Bakit nasali sa usapan yon? Lumabas ka na nga lang!" pagtataboy ko rito kahit kailan talaga hays.

Tatawa tawa naman itong lumabas ng kwarto ko, dali dali akong pamalit na damit saka mabilis na naligo. Naglagay na lang ako ng powder saka nagliptint para di maputla syempre nagpabango ng bench baby cologne.

Nagsuklay muna ako saka tinignan ang repleksyon sa salamin ng makitang ayos na ay bumaba na ako.

Nang makarating akong sala nakita ko sila na naglalaro ng uno. Habang sila tita Melba, Tita Ash at mom ay naroon rin habang nanonood ng teleserye.

"Mom nasan pala yung iba?" tanong ko rito saka umupo sa tabi nya

"Nandun sila sa Venue pinuntahan nila, dun muna daw sila." nakangiting sagot ni mom kaya tumango tango na lang ako.

Mamaya pa namang 6 start nung party ni Gracey dahil may night swimming mamaya.

"Bal, join ka!" saad ni Charrie habang tutok na tutok sa paglalaro.

"Uno!" sambit ni Gerphil na kumendeng kendeng pa.

"Andaya naman eh!" reklamo ni Gracey.

"Hindi ako mandaraya aking kapatid sadyang mahusay lamang ako sa paglalaro nito." depensa ni Gerphil eto na naman sya hays!

"Mom sa tree house muna ako" paalam ko rito tumango naman ito kaya agad akong pumunta sa tree house.

"Hoy sama kami!" wika ni Charrie

"Hintay naman!" saad ni Kuya habang nililigpit yung uno. Huminti ako saka humarap sa mga ito.

"Mahuli panget!" saad ko saka tumakbo papuntang tree house agad naman nagtakbuhan ang mga ito nakita ko pa si kuya na basta basta na lang nilagay yung uno sa lalagyan niti hindi man lang inayos.

Nauna akong nakarating, pangalawa si Gerphil, pangatlo si Franz, pang apat si Charrie, panglima si Gracey at huli si kuya.

Tatawa tawa kaming umakyat sa taas ng puno habang inaasar namin si kuya.

Malaki yung tree house meron ding mga instrumento dito, may keyboard, dalawang acoustic guitar, dalawang electric guitar at beatbox. May mga gamit din dito tulad ng electric fan, maliit na sofa at iba pa.

Presko dito sa tree house dahil nasa lilim itong bahagi ng parte kaya hindi masyadong naarawan.

"Kanta tayo" suhestyon ni Charlie saka kinuha yung electric guitar, kinuha naman ni kuya yung beatbox habang si Gracey ay sa keyboard, si Gerphil naman ay sa electric guitar at kaming dalawa ni Franz ay sa acoustic habang si Charrie yung vocalist. Oh diba pang banda na HAHAHAHA

"Anong song?" tanong ko habang tinotono yung gitara.

"Nakatono na'to." abot ni Franz sa'kin nung gitara na hawak nya habang kinuha nya yung hawak ko at sya na ang nagpatuloy sa pagtotono.

Nakita ko naman ang nanunuksong mga mata ng pinsan ko kaya sabay sabay ko silang inirapan. Habang nagtawanan naman ang mga loko.

"Dali na ano ng song?" pagtatanong ko ulit. "Kathang isip yung sa Ben&Ben" sagot ni Charrie na sinang ayunan namin.

Nagsimula ng kumanta si Charrie at nagsimula na kaming tumugtog, sa bandang chorus sinabayan na namin ito. Talagang napakaganda ng boses ni Charrie dahil isa ito sa mga lumalaban noon ng singing contest pero ngayon tumigil na ito.

"Next song naman, Make it with you by Ben&Ben" suggest ni Kuya.

Nagsimulang magstrum ng gitara si Franz saka sinabayan na naming tumugtog at nagsimula na si kuya na kumanta habang sinasabayan nito ng beatbox habang si Charrie ay sinabayan ito sa pagkanta.

Nang matapos ang kanta biglang nagring yung phone ni Charrie.

Tumayo ito saka lumayo ng konti sa'min ilang minuto lang bumalik na agad si Charrie.

"Sino yon?" tanong ko

"Si Mom may pinapaayos lang sa'kin, babalik ako. Tuloy nyo lang." sambit nito saka bumaba papuntang bahay.

"Oh wala na yung vocalist natin, si Loui na yung kakanta." wika ni Gracey.

"Hala bakit ako? pangit kaya boses ko, Ikaw na lang." angal ko dito. Ayokong kumanta maririnig ni Franz eh nahihiya ako!

"Bilis na kase ikaw na lang." pamimilit ni kuya.

"Kaya nga, ang ganda kaya ng boses mo." sambit ni Charlie

"Bilis na kase, Pessoa. Hiya ka pa si Franz lang yan." tatawa tawang saad ni Gerphil nagtawanan naman ang mga ito, tsk kahit kailan talaga loko ang isang ito!

"Oo na, next song  Someone you loved." saad ko na sinang ayunan nila. Nagsimula ng um-intro si Gracey ganun din si Gerphil at Franz, nagsimula na akong kumanta at sinabayan na ng beat ni kuya. Sa huling chorus sinabayan na nila akong kumanta hanggang sa matapos ito.

"Hindi pala maganda yung boses ah." rinug kong bulong ni Franz pero diko masasabing bulong ito dahil narinig nilang lahat.

"Pahumble lang yan." nakangising sambit ni kuya. Sinamaan ko ito ng tingin kung pwede ko lang ihampas sa kanya itong gitara ginawa ko na eh.

"Spin the bottle naman tayo." suhestyon ko sa mga ito.

"Sige ba." sang ayon ni Gracey.

"Ano g?" wika ko tumango naman si Franz tsaka si kuya.

"Bote?" tanong ni Charlie. "Meron dito" sagot ni Gerphil habang nililigpit yung e.guitar, inayos na namin yung mga instrument na ginamit namin.

"Anong ganap?" tanong ni Charrie na kaka-akyat lang dito halatang bagong ligo ito dahil umaalingasaw yung amoy ng body wash na ginamit nito.

"Spin the bottle." sagot ni Gracey.

"Oh bote." abot ni Franz sa'kin ng nahanap nyang bote. "Alright! Pwesto na." sambit ko saka umupo sa pwesto ko kanina ganun din sila.

Pinaikot ko na yung bote at huminto ito kay kuya. Hmm?? Evil plan HAHAHAHAHA

"Truth or dare?" tanong ko rito.

"Dare." matapang na sagot nya kaya ngumiti ako ng nakakaloko alright! Yari ka sa'kin HAHAHAHA

"okay, sa tatlong lalaki dito pumili ka ng isa at halikan mo sa...leeg" sambit ko natawa na lang ako sa itsura nito.

"Ano ako bakla?" angal nya.

"Ih bilis na dare pinili mo eh." sambit ko rito, nagtawanan naman kaming babae ng magsimula itong tumayo.

"Ay sinasabi ko sayo bro wag ako, di tayo talo." sambit ni Charlie kaya natawa kami dito.

"Teka wag ako, si Gerphil na lang." saad ni Franz habang tinakpan ang leeg nito gamit ang dalawang kamay.

"Hoy bakit ako? Teka wag po! Childabuse." madramang wika ni Gerphil, hindi naman ma-awat ang pagtawa naming tatlo nila Gracey at Charrie.

Dahan dahang lumapit ito kay Franz habang tawa naman kami ng tawa ng hindi maipinta ang itsura nito. 

Akala namin hahalikan nito si Franz ngunit ang hinalikan nito ay si Charlie. Tawa naman kami ng tawa habang si Charlie masama ang tingin kay kuya.

"iww yaakk, tangena mo gago,Lou." sambit nito habang pinupunasan ang leeg nya, halis mangiyak-ngiyak na kami sa kakatawa.

"Babe naman, parang hindi tayo tabi sa pagtulong ah." saad ni kuya sa tonong pambakla sinabayan din nya ito ng paghaplos sa hita ni Charlie.

Kung nakamamatay lang ang tingin ni Charlie paniguradong patay na si kuya sa sobrang talim ng tingin ni Charlie.

"Ay gago, natuluyan na ata 'to. Lou, ganyan na ba ang nangyayari kapag nafriendzone?" nakangising saad ni Charlie kay kuya. Lumukot naman ang mukha ni kuya saka pinakita sa kanya ang kanyang gitnang daliri. Inis na bumalik si kuya sa pwesto nito kanina. Tawa naman kami ng tawa sa pinag-gagawa nilang dalawa.

Pina-ikot ni kuya yung bote at huminto ito kay Charrie.

"Truth or dare?"

"Dare." sagit ni Charrie bigla namang ngumisi si kuya dito.

"Mag sisa ka sa daan." ani ni kuya saka itinuro ang labas. Natawa naman kami dahil ayaw na ayaw nya talagang gawin pero part yon ng game.

Bumaba sya sa tree house kaya isa isa kaming sumunod dito, dinala ni kuya yung bote habang ako pinatay ko yung electric fan para hindi na kami babalik mamaya dito.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni tita Ash ng makita namin ito sa teresita ng bahay.

"Sa labas lang po." sagot ni kuya tumango naman si tita Ash saka muling pumasok sa loob.

Tulad nga ng napag-usapan nag Sisa nga si Charrie sa daan habang kami tawa ng tawa at si Charlie naman vinideohan nya. Ang daming napapatingin sa kanya, yung iba natatawa habang yung iba naman iniisip kung anong nangyayari sa kanya.

Nang matapos na si Charrie ini-stop na ni Charlie ang pag-record nito sa kakambal, patakbong lumapit sa'min si Charrie habang tawa lang kami ng tawa.

"Goodjob!" natatawang sambit ni kuya habang pumapalakpak pinakita naman ni Charrie ang middle finger nito kay kuya.

"Next, dito na lang. Charrie pa-ikot mo na." wika ni kuya saka inabot sa kanya yung bote.

Nang pina-ikot na ni Charrie huminto ito kay Gerphil.

"Truth or dare?" tanong ni Charrie dito.

"Dare." sagot nito. Tumingin si Charrie sa paligid saka tumingin ulit kay Gerphil.

"Nakikita mo yung babaeng yon? Kapag nakalapit na sya sabihin mo, hi miss yun lang." sambit nito habang itinuro yung naka blonde hair.

Napakamot na lang ito sa batok nya, malapit na yung babae sa'min. "Hoy ayan na!" saad ni Charrie saka itinulak si Gerphil.

"Hi miss!" sambit nito kaya lumingon ito sa'min ganun na lang ang gulat namin ng makitang si jayjay yon yung ex ni Gerphil ganun na lang ang gulat nito ng makilala ang babae.

"S-sorry dare lang y-yon." uutal utal na saad ni Gerphil habang si Jayjay nakatingin lang dito saka umalis.

Nang makalayo na ito sa'min nagtawanan kami dahil pulang pula rin ang mukha nito.

"Hoy ex mo yon diba?" tanong ni Franz. "Oo, tangena naman kase bakit sa dinami rami sya pa?" wika nito.

"Malay ko ba na sya yon." sagot ni Charrie.

"Hindi ko sya nakilala ah." sambit ni Gracey.

"Oo nga, mas gumanda sya ngayon." sagot ni Charles.

"Tumangkad din sya tsaka pumuti." puna ni kuya.

"Bilis na paikutin mo na yan Ge." saad ko, pina-ikot nga nito iyon saka huminto kay Franz.

"Truth or dare?" tanong nito.

"Dare." sagot nito. "Yakapin mo si Loui ng limang segundo." nakangising saad nito.

"Hala gag—" diko na natuloy dahil yumakap na sa'kin si Franz.

"Kahit limang segundo lang." bulong nito sa'kin habang mahigpit na nakayakap, parang may kung ano sa'kin na biglang nasaktan sa limang segundo lang.

"3!"

"2!"

"1!"

Unti unti syang kumalas sa pagkakayakap, parang may kung anong kirot sa puso ko. Gusto ko pang matagalan, sana ganun lang.

Nakita ko namang nakangisi si kuya habang parang kinikilig naman si Gracey at Charrie, si Charlie naman ay may hawak na phone habang si Gerphil patay malisya.

"Ikaw naman Franz pa-ikutin mo naman yung bote." saad ni Ge kaya pina-ikot yon ni Franz at huminto ito kay Charlie.

"Truth or dare?" tanong nito. "Dare." sagot nito.

"Nakikita ko yung dalawang mag-jowa na yon? Dumaan ka sa gitna nila." saad ni Franz.

Walang sabi sabi biglang tumayo si Charlie at lumapit sa mag-jowa na iyon at dumaan sa gitna nila kaya nabitawan nila ang kamay ng isa't-isa.

Nagalit naman yung lalaki kase sa linawak lawak ng daan bakit duon pa daw sa gitna ng girlfriend nya. Nakita ko naman kung paano magulat yung babae at matigilan itong si Charlie, sa huli humingi ng tawad si Charlie at nagmadaling bumalik sa'min.

Nakita ko pa kung paanong sundan ng tingin ng babae si Charlie hanggang sa makabalik ito sa'min.

"Don't tell me naiiyak ka dahil pinagalitan ka." natatawang saad ni Charrie. Umiling naman si Charlie saka pinunasan ang nagbabadyang luhang gusto ng tumulo.

"Start na." pumiyok na saad nya, kinuha ko rito yung bote kaya tumingin sila sa'kin.

"Sino yung babae na yon?" tanong ko rito ng nakatingin ng diretso sa mga mata nya.

"Akin na." pilit nyang inaagaw yung bote sa'kin kaya inilayo ko ito.

"Kilala mo sya diba? Kaya ganun na lang yung reaksyon mo tsaka nalukuha ka pabalik." saad ko rito yumuko sya at tuluyan ng tumulo yung luhang kanina pa nya pinipigilan.

"Kilala ko...sya." sambit nya habang umiiyak agad naman syang dinaluhan ng mga kasama namin.

"Sorry, bro." sambit ni Franz habang nakahawak sa balikat ni Charlie umiling naman si Charlie.

"Hindi mo kailangan mag-sorry dahil duon nalaman kong niloloko na ako ng girlfriend ko." wika nya habang nagpupunas ng luha.

"Girlfriend!?" sabay sabay naming tanong dito.

"Akala ko ba ayaw mo sa commitment?" tanong ko.

"Kaya nga, tapos ngayon malalaman namin na may girlfriend ka!" saad ni Charrie sa kakambal.

"Hindi mo man lang sinabi sa'min." wika ni kuya.

"Akala ko ba walang secret ah." saad ni Charrie.

"Wala naman akong balak itago na may girlfriend na ako." sagot nya habang nakatulala.

"Yun naman pala eh pero bakit hindi mo sinabi sa'min agad?" tanong ko rito. Bumuntong hininga ito bago sumagot.

"Ayaw nyang ipaalam kahit kanino yung relasyon namin." sagot nya saka nagbaba ng tingin.

"Ang sabi mo kanina nang dahil kay Franz nalaman mong niloloko ka nung girlfriend mo." saad ni Gerphil tumango lang ito.

"So it means...kabit ka!?" gulat na tanong ni Charrie kaya tinampal sya sa braso ni Gracey.

"Eh yung lalaking yon si Jonathan yon eh yung anak ng mayor dito." sambit ni Gracey.

"At matagal na silang may relasyon, sa pagkakaalam ko ay magda-dalawang taon na sila." dugtong ni Gerphil.

"Ungas dalawang taon na sila ngayon!" pagtatama ni Gracey sa kapatid.

"Kailan naging kayo?" tanong ni kuya.

"Isang taon na...ngayon." sagot nya. Lahat kami nagulat sa sinagot nito.

"Isang taon!?" gulat na tanong ni Charrie.

"Isang taon kana nyang niloloko." sabat ni Franz.

"Ikaw pala ang...kabit, bro." sambit ni kuya kaya sinamaan ko ito ng tingin dahil naiiyak na naman si Charlie.

"Tara na pasok muna tayo sa loob, mainit na dito." yaya ni Gerphil kaya nagsitayo kami at pumasok sa loob.

Sa halip na sa loob ng bahay tumuloy si Charlie ay tumuloy ito sa tree house kaya sumunod sila. Naiwan na lang kaming dalwa ni Franz dito sa ibaba.

"Kumain muna kayo ng meryenda!" saad ni tita Melba kaya kaming dalawa na lang ni Franz ang kumuha non.

Ako sa mga cookies at sya naman ang kumuha sa mga juice in can.

"Kuya!" tawag ko mula sa ibaba kaya sumili ito sa bintana itinuro ko yung box na may lubid. Inilagay ko duon ang mga cookies at yung drinks namin.

"Hilain mo pataas!" sambit ko tumango lang ito saka hinila yung lubid.

Biglang nagring yung phone nya kaya sinagot nya muna ito. Pumasok muna ako sa loob ng bahay para kumuha pa ng cookies dahil paniguradong ubis na yung dinala ko don.

Palabas na sana ako ng bahay ng makasalubong ko si Franz sa pintuan.

"Kailangan ko ng umalis, nakarating na daw sila mommy sa bahay nila lolo kaya pinapauwi na ako." sambit nito medyo nalungkot ako sa sinabi nya pero naiintindihan ko naman.

"Ah ganun ba? Ah sige paalam ka na muna kila tita tsaka mom." saad ko rito.

"Ano yon?" tanong ni mom na nasa sala na pala. "Ano ipapaalam?" tanong muli nya, napailing na lang ako dahil alam ko yung tumatakbo sa isip ni mom.

"Ah tita nakarating na po sila mommy dito sa Pampanga kaya pinapauwi napo nila ako sa bahay ni lolo." sambit nya.

"Ay akala ko pa naman ano na, oh sige pagdalhan mo na lang sila ng cookies na binake namin, sandali lang." saad nito saka pumunta ng kusina at kumuha ng cookies.

"Eto na, masarap yan." nakanguting sambit ni mommy saka inabot yung cookies kay Franz.

"Thankyou tita, lahat naman ng luto nyo ay masarap eh." nakangiting saad ni Franz.

"Ay ikaw talagang bata ka, oh sige na baka hinahanap ka na nila." saad ni mom.

"Ay sya nga pala wag mong kalimutang ikumusta ako sa kanila ah." pahabol ni mom, akala mo naman isang dekadang hindi nagkita eh twice a week pumupunta sila tita Francine sa bahay.

"Sige po, alis na po ako." paalam nito saka yumakap kay mom. Nakita ko naman kung paano yung ngiti ni mom at yung tingin nya sa'kin na nanunukso. Natatawa na lang akong napailing.

"Kuya!" tawag ko mula sa ibaba.

"Bakit? Tawag ng tawag." reklamo nya ng makasilip.

"Yung box!" sigaw ko kaya binaba nya basta basta yung box muntik na akong matamaan pero mabuti na lang at bigla akong nahila ni Franz kaya ang ending yakap nya ako. Agad akong humiwalay ng maibaba ng tuluyan yung box.

Pinakita ko kay kuya yung middle finger ko habang ang loko tatawa tawa lang kaya agad kong nilagay duon yung mga cookies ng mailagay na agad naman hinila agad ni kuya yung lubid pataas natamaan ako sa noo kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Hoy uuwi na daw si Franz!" sigaw ko sa mga ito dahilan para magsisilip silang lahat.

"Hanap na sya ni lolo, pinapauwi na!" sambit ko sa mga ito.

"Ay ganon? Sige ingat ka!" saad ni Charrie saka kumaway.

"Ingat bro!" sabay na wika ni kuya rsaka ni Gerphil. Kumaway naman si Charlie na halatang umiyak dahil namumula ang ilong at namamaga ang mga mata.

"Take care! See you sa party!" saad ni Gracey kaya tumango na lang si Franz at kumaway, inihatid ko ito hanggang sa gate.

"Ingat ka, see you later." nakangiting saad ko rito. Ginulo naman nito yung buhok ko kaya sinamaan ko ito ng tingin habang ang loko tatawa tawa lang tsk.

"Ang cute mo!" saad nya saka pinang gigilan yung kaliwa kong pisngi.

"Aray ko! Makakurot ah, tangena ang sakit!" reklamo ko dito saka hinawakan yung pinang gigilan nyang pisngi ko.

Hinawakan naman yung kamay ko na tinatakpan yung pisngi kong namumula ngla ngayon.

"Masakit?" nakangiting tanong nito.

"Oo, pang gigilan mo ba naman!" sagot ko dito pero tumawa lang sya.

"Mas masakit kung wala kang pisngi" tatawa tawang saad nito.

"Gago!" malutong na mura ko dito. "Umalis ka na nga, shu shu tsupi tsupi!" pagtataboy ko dito.

"Oo na, excited?" tatawa tawang tanong nito. Sinamaan ko ito ng tingin kaya tumawa ito ng tumawa.

"Happy pill moko 'no?" saad ko dito.

"syempre naman, nabusit kita eh" nakangiting sagot nito kaya pinaghahampas ko sya sa balikat nito.

Tuwang tuwa talaga eh 'no! Ay nako nakakagigil ang sarap... Ihampas sa pader!

"Oo na aalis na, masakit ah." wika nito saka hinimas yung pinaghahampas ko.

"Tsupi! tsupi!" pagtataboy ko dito, tatawa tawa lang itong umiling saka tumalikod akmang aalis nako ng tawagin nya ang pangalan ko.

"Yes?" tanong ko rito pero lumapit lang ito sa'kin saka hinalikan ako sa pisngi kung saan yung pinanggigigilan nya kanina.

"See you later." sambit nya saka kumindat sinamaan ko ito ng tingin.

"Umuwi ka na nga!" bulyaw ko dito.

"Bye tita!" sabi nito habang nakatingin sa second floor ng bahay saka kumaway kaya tinignan ko iyon nakita ko si tita Melba, tita Ash at Mom na nakangiting nakatingin sa direksyon namin nakita ko ring nakasilip yung mga pinsan ko sa tree house bumaling ako kay Franz at sinamaan ito ng tingin.

Tatawa tawa naman itong pumunta sa kotse nya ng makapasok ito binaba nya yung bintana ng passenger seat.

Nag-flying kiss pa ang gago saka kumindat mabilis kong pinakita ang muddle finger ko dito saka sinamaan sya ng tingin, tatawa tawa naman nitong pinaandar ang kotse saka tuluyan ng umalis.

Tuluyan akong pumasok ng bahay, diko mapigilang mapangiti.

Five seconds na niyakap nya ako ng mahigpit, hinalikan nya ako sa pisngi at nag flying kiss pa! Grabe daig pa namin magjowa! Kilig akooooo! Landi landi wala namang label HAHAHAHA

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PILOSOPO    Chapter 23

    Franz P.O.VLumipas ang mga araw na hindi ko binibisita si Pessoa sa ospital, ilang araw na din ang lumipas nung mahit and run sya at hanggang ngayon hindi pa rin mahanap ang salarin. Da*n i miss her so much."Hey, ano tutunganga ka na lang dyan?" tanong nitong si Jason.Nag tsk na lang ako at hindi na ito pinansin, dumating na yung teacher namin sa science kahit anong gawin nyang discussion, kahit anong gawin kong pagfofocus sa ginagawa nya nauuwi pa rin ito sa pag-iisip ko kay Pessoa."Mr. Del Fuego!" sigaw nito kaya napatingin ako dito, "Yes, sir?" tamo ko rito."Saan na napunta ang isip mo? Ilang beses ko ng tinawag ang pangalan mo pero parang di mo naririning!" galit na sigaw nito kaya napayuko na lang ako."Stand up, Del Fuego!" utos nito kaya tumayo ako."What is the meaning of Pinocytosis?" tanong nito kaya nag angat ako ng tingin.

  • PILOSOPO    Chapter 22

    Althea's P.O.V"Gaga ka talaga ayaw mo n'on kasama mo si crush?""Manahimik ka nga! Tigilan moko sa crush crush na yan ah," sambit ko dito narinig ko namang tumawa ang bruha."Oo na, oh makakapunta ka ba? Sabihin ko na lang hindi ka makakapunta dahil nasa ospital ka ngayon," saad nito sa kabilang linya."Pupunta ako baka may impirtante kayong gawin, vice president pa naman ako tapos ako yung wala," angal ko, bakit kase biglaan ang meeting?"Wag na, ako ng bahala, enjoy your time with your crush," argghhh! Mapang-asar talaga itong bruha na 'to kahit kailan."Heh shut up, pupunta ako malelate lang ako, start the meeting with or without me," saad ko dito."Yes ma'am, seeyou,""Seeyou," saad ko saka ibinaba ang tawag."Kuya," tawag ko sa kapatid ko, "Why?" tanong nito."I need to go, we

  • PILOSOPO    Chapter 21

    Someone's P.O.VNandito ako sa may puno nanonood ng nangyayari sa ibaba, may mabilis na kotse na bigla na lang sumulpot at nabundol nito si Loui, ang lakas ng impact sapat na siguro para matandaan na nya lahat ng alaala nya. Nagsigawan ang pamilyang Noriel ng masaksihan ang nangyari, nakahandusay ngayon ang duguang katawan ni Loui sa kalsada habang ang nakasaga sa kanya ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan.*Ring*Ring*Ring~*Kinuha ko ang telepono ko at tinignan kung sino ang tumatawag, napangisi na lang ako ng makita ang pangalan nito. "Goodjob, Hector," saad ko dito. "Sa abandunadong building," saad nito saka pinatay ang tawag. "Tara na baka mapansin na nila tayo," saad ni Ion sa akin kaya tahimik kaming bumaba sa puno. Aalis na sana kami ng makita namin si Cyren na diretso ang tingin sa amin habang papalapit. Tsk, tignan mo nga na

  • PILOSOPO    Chapter 20

    Louissana's P.O.VPagkatapos naming maglunch, nag-empake na kami ng gamit dahil uuwi na kami sa Bulacan.Habang nag-eempake ako ng gamit ko may nakita akong pamilyar na papel kaya pinulot ko ito at tinignan kung ano yung nakasulat.Ng buksan ko ay wala namang nakasulat dito pero napansin kong kapag tinapat sa liwanag ay may nakulat na zodiac sign? Teka aquarius to ah!"Hoy ano yan?" tanong ni Charrie saka lumapit sa akin."Aquarius? Saan mo naman galing 'to?" tanong nitong muli."Nakita ko lang dito," sabay turo sa side table "Magic pen yung ginamit nya," dugtong ko."Kaya nga, yun yung binibili natin nung elementary days natin, meron pa ngang barbie, spongebob, spiderman, syempre yubg favorite mong hello kitty," pagpapaalala nito, napa-iling na lang ako sa tinuran nya."Ay naalala ko pa! Nakipag away ka pa n'on kay Carla kase

  • PILOSOPO    Chapter 19

    Charrie P.O.V"Mother f*cker!" ah sh*t! Napabalikwas ako ng bangon ng bigla na namang sumagi sa isip ko yung nangyari kagabi."Ah sh*t!" mura ko ng biglang sumakit ang ulo ko naramdaman ko namang gumalaw itong katabi ko kaya naman napatingin ako dito, ang himbing tulog ah? Anong oras na ba?"Alas otso na pala," bulong ko saka maingat na umalis sa kama at kumuha ng damit para maligo.FlashbackMay naramdaman ako na humahaplos sa paa ko pero hindi ko na pinansin yon baka si Loui lang or pinagtitripan na naman nila ako.Kalaunan tumigil na rin ito saka humiga sa tabi ko syempre akala ko si Loui kaya niyakap ko sya, nangunot yung noo ko ng maamoy yung gamit nyang pabango. Hindi mahilig sa panlalaking pabango si Loui, imposibleng si Charlie 'to dahil hindi naman sya tatabi sa'kin lalong lalo na si Louis.Nagmulat na lang ako ng ma

  • PILOSOPO    Chapter 18

    Louissana's P.O.VNaka upo kaming dalawa ni kuya dito sa sala habang nanonood ng anime. Hindi pa rin mawala sa isip ko si tukmol at yung mga nangyari kanina."I love you,""I love you,"WaAahh bakit ba kase ganon si tukmol ang hilig magbigay ng sakit sa ulo at ang hilig nya akong pinag iisip hays, ay oo nga pala nakita kaya ni kuya yung nangyari kanina? Sana naman hindi jusmiyo baka isumbong ako kila eomma."Gusto mo?" tanong ni kuya saka inabot yung bowl ng popcorn? Teka saan ba nya nakuha yung popcorn eh wala naman ganyan dito sa bahay."Ano titigan mo na lang yan?" masungit na saad nito kaya naman kumuha na ako."Saan mo naman nakuha yung popcorn, aber?" takang tanong ko dito habang nakatingin dito."Secret," sambit nito saka tumawa tss mabulunan ka sanang aso ka!Nagulat ako ng bigla itong umub

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status