Home / All / PILOSOPO / Chapter 15

Share

Chapter 15

last update publish date: 2020-09-07 14:33:35

Charlie's P.O.V

Nandito akong mag-isa sa kwarto na tinutuluyan namin ni Louis. Naka earphones habang nagsa-soundtrip mag-isa at nakahiga sa kama habang nakatulala sa ceiling.

Ang sakit tang*na! Yung babaing mahal mo na akala mo solo mo ay pagmamay-ari rin pala ng iba!

Paulit ulit sa tenga ko yung sinabi ng lalaking kasama nya, paulit ulit na parang sirang plaka.

"Bro ang lawak ng daanan talagang dito ka pa talaga dumaan sa gitna namin ng girlfriend ko!"

Yung salitang GIRLFRIEND KO, ang sakit pvta! Paano nya nagawang lokohin ako? Bakit nya ginawa? Hindi ko namalayang tumutulo na pala yung mga luha ko, ang dami kong tanong na gustong gusto kong masagot.

May mali ba sa'kin? Nagkulang ba ako? Fuck! Sobrang sakit! Ngayon na nga lang ako nagseryoso eh, karma ko na ba 'to? Bakit ganito naman? Yung girlfriend ko, girlfriend din ng iba. Yung babaing minahal ko ng totoo ayun ginago ako. Sobrang sakit bakit ganito pa? Cheska paano mo nagawa sa'kin 'to?

Hinayaan ko lang na tumulo yung mga luha ko mula sa mga mata ko, hinihiling ko na sana mapagod na yung mata ko na umiyak. Kapag masaya ka naeenjoy mo yung kanta pero kapag malungkot ka naiintindihan mo ang bawat lyrics nito.

Tahimik lang akong umiyak ng umiyak, kinuha ko yung phone ko. Pumunta ako sa gallery ko tinignan ko yung mga pictures naming dalawa.

Naalala ko yung mga masasayang alaala namin, yung mga kulitan, asaran, tawanan, iyakan, murahan, naalala ko lahat.

"Cheska?" tawag ko dito habang nakatingin ako rito.

"Yes?" nakangiti nyang sagot saka tumingin sa'kin nandito kase kami sa rooftop, may year end party kami.

"Anong pangarap mo?" tanong ko rito habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Maging successful sa buhay, matupad lahat ng goals and dreams ko..." nakangiting sagot nya "at magkaroon ng masayang pamilya kasama ng taong pinakamamahal ko." dugtong nito saka muling tumingin sa kalangitan.

"ikaw, anong pangarap mo?" tanong nya sakin saka muling tumingin sa'kin ng diretso, sa oras na ito aaminin ko na sa kanya yung nararamdaman ko.

Ngumiti muna ako saka hinawakan ang kamay nito "pangarap ko na matupad lahat ng dreams and goals ko at pangarap ko rin na..."

"Na?" curious na tanong nito.

"Na makasama ka hanggang sa tumanda, makasama ka habang buhay." sagot ko rito habang diretso sa mga mata nito, nakita ko kung paano manlaki ang mga mata nito.

"A-Ako? Bakit naman?" uutal utal nyang tanong.

"Cheska, since the first day you caught my attention kahit weird ka—"

"Hoy anong weird!?" sabat nito saka pinagtaasan ako ng kilay.

"Oh i mean hays fine you're manang na lang." natatawa tawa kong saad agad nyang binawi yung kamay nya at hinampas ako ng pagkalakas lakas.

"H-Hey tama na, m-masakit." saad ko habang umiiwas sa mga hampas nito. May lahing pagka-amozona kase ang isang 'to. Nang hindi sya tumigil hinuki ko ang mga kamay nya at hinapit ito papalapit sa'kin. Gahibla na lang ang layo ng mga mukha namin.

Napatingin ako sa mga mapupulang labi nito na ang sarap halikan.

Dumistansya ako dito dahil kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.

"Cheska, since the first day you caught my attention... As the days, weeks and months have been passed, my feelings for you become deeper than that Ocean deep. Cheska i'm here infront of you confessing my feelings for you. Hindi man ikaw ang ideal girl ko pero nagawa mo namang maangkin ang puso ko." pag-amin ko rito. Tangena ang korny pero ayos na yon atlis naka-amin na ako.

"korny pero ang sweet." natatawa nitong saad.

Lumapit ako dito at hinawakan ang mga kamay nito at muling tumingin sa mga mata nito. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Cheska, I like you." seryosong pag amin ko habang nakatingin pa rin sa mga mata nito. Nakita ko naman kung paano sya magulat at mamula.

"E-Eh? Charlie." parang hindi nya alam ang isasagot.

"It's okay you don't have to answer that, i... Understand." pilit na ngiti ko.

"Let's go? Balik na tayo sa ibaba." yaya ko dito saka hinawakan ang kamay nya pero hindi sya gumalaw kaya tinignan ko ito.

"Cheska—"

"I like you too." sambit nya para matigilan ako. Ano daw? Tama ba ang narinig ko?

"A-Ano?"

"I said i like you too." nakangiting sambit nya kaya diko na napigilan ang sarili kong yakapin ito hindi ako makapaniwala geez. Hindi naman sa nakakabakla pero tangena kinikilig ako, pinapatibok nya ng mabilis yung puso ko.

Napabuga na lang ako ng hangin ng maalala ko yung gabi kung saan umamin ako sa kanya, sobrang saya ko nun kase gusto din ako ng taong gusto ko.

Nakita ko yung picture namin yung nasa basketball court kami laban namin 'to tapos nandun sya kasama yung kaibigan nya yata yon habang nagchi-cheer sa'min...sa'kin.

"Go Noriel! Go Noriel! Go Go Go!" hiyaw nito habang may hawak na banner. Mas lalo akong ginanahan sa paglalaro mahaba haba pa ang oras pero lamang na lamang na kami sa kalaban pero syempre wag pakampante.

Nasa akin na yung bola at isho-shoot ko na lang ito ng biglang may tumulak sa'kin kaya ang ending lumanding ako sahig.

Fuck yung napaka-gwapo kong mukha!

Tinulungan naman ako ng mga kateam ko. "Cap, ayos ka lang?" alalang tanong ni Jake ng makarating kami sa upuan kung nasaan ang mga kasama namin.

"Ayos lang ako, ikaw na pumalit sa'kin mamaya na lang ako." sambit ko rito. Lumapit naman si Coach sa'kin kasama yung babae at ginamot yung natamo kong gasgas sa mukha.

"Jake ikaw na muna pumalit kay Noriel." saad nito na agad namang sinunod ni Jake.

Noriel, ano may masakit pa ba sayo?" tanong ni coach umiling na lang ako saka tumingin kung nasaan si Cheska.

Nagsalubong ang mga mata namin at halatang alalang alala sya kaya ngumiti na lang ako at nagfinger heart dito saka sinabayan ko na ng flying kiss para dama na ayos lang ako.

Nakita ko naman kung paano ito mamula at kung paano sya hampasin ng kaibigan nyang kilig na kilig.

Natapos yung game na kami yung nanalo pero yung lalaking tumulak sa'kin ay hindi man lang humingi ng sorry.

Nang matapos ay agad akong pumunta kung nasaan sila Cheska.

"Congratulations Mr.Noriel!" masayang bati nito sa'kin. Hindi na ako nakapagpigil kaya niyakap ko ito ng mahigpit.

"Thank you." masayang tugon ko dito.  "Thankyou dahil nanood ka...kayo, kahit busy masyado yung sched ngayon." sambit ko habang nakayakap pa rin dito.

"Hay nako Mr.Noriel basta ikaw" sagot nito. Umubo ubi naman kunwari yung kaibigan nya kaya agad akong kunalas sa pagkakayakap dito.

Natatawa namang umakbay si Cheska sa kaibigan nito.

"Mukhang nakalimutan nyo na ako eh masyado na kayong sweet kulang na lang langgamin na kayo." nakabusangot na saad nito kaya natawa kami.

"Akala mo naman mag-jowa kayo eh wala naman kayong label." bulong nito pero hindi ko masasabing bulong dahil malakas ang pagkakasabi nya dahil sa tinuran nya binatukan sya ni Cheska.

"Son/Charlie!" lumingon ako sa tumawag sa'kin nakita ko sila mom and dad of course my twin papalapit sa lugar namin. Anong ginagawa nila dito? Kanina pa ba sila nandito? Tinignan ko naman si Cheska na ngayon ay gulat din dahil nakita ang pamilya ko.

"Congratulations, son." saad ni dad nang makalapit. "Thankyou, dad." sagot ko saka nakipag fist bump.

"Congratulations, anak!" masayang bati ni mom saka yumakap din sa'kin. "Thankyou mom"

"K-Kanina pa kayo nandito?" tanong ko sa mga ito ngumiti lang sila bilang tugon. Edi nakita nila kung paano ako bumagsak sa sahig at yung pagheart finger ko tsaka flying kiss? Oh shit no way!

Tumingin ako kay Charrie na ngayon ay nakikipagtitigan kay Cheska pero agad namang umiwas ng tingin si Cheska nakita ko namang ngumisi si Charrie, may naisip na namang kalokohan 'to.

"Congrats, babe!" sambit nito saka hinalikan ako sa pisngi, aba loko 'to ah! Nakita ko naman na naguluhan din sila mom and dad sa inakto ng kambal ko pero unti unti din silang ngumiti alam na nila kung ano ang tumatakbo sa utak ng kambal ko.

Nakita ko naman kung paano kumuyom yung kamao ni Cheska. Hindi pa nakuntento si Charrie pinalupot nya pa ang mga braso nya sa'kin. Kaya agad naman akong umiwas dito, narinig ko namang natawa ito kaya sinamaan ko ito ng tingin.

Yari ka sa'kin mamaya sa bahay!

"Oh common, babe! You don't love me na?" arte nito. Kaya mas lalo ko syang sinamaan ng tingin at ng makita ko si Cheska na hanggang ngayon ay nakayuko at nakakuyom ang mga kamay unti unti syang nag angat ng tingin, walang ekspresyon ang mukha.

"Excuse us, we need to go." sambit nito saka yumuko ng kaunti tumingin muna sya sa'kin saka tuloy tuloy na umalis kasama ang kaibigan nya at ang halos mapunit ng banner sa sobrang higpit ng pagkakahawak.

Napapikit na lang ako sa inis. "Yari ka sa bahay mamaya." inis na sambit ko kay Charrie.

"Excuse me." saad ko saka sinundan si Cheska. Nakita ko sila sa may waiting shed naghihintay ng masasakyang jeep.

Nakita ko kung paano nya punasan yung mga luha nya habang nakayuko. Lumapit ako dito saka inabot yung towel ko. Nag angat naman sya ng tingin sa'kin, nagpalipat lipat yung tingin nya sa towel saka sa'kin.

Bigla syang tumayo at aalis na sana kaso hinwakan ko sya sa pulsuhan nya.

"Hindi ko sya...girlfriend." saad ko rito habang nakatingin sa kanya yun na lang ang nasabi ko.

Pilit nyang binabawi yung kamay nya sa'kin pero mahigpit kong hinawakan yon.

"Ano ba Charlie! Bitawan mo'ko nasasaktan ako!" inis na sabi nya kaya niluwangan ko ang pagkakahawak ko sa kanya pero ginamit nya ang opportunity na yon para mabawi ang kamay niya.

"Tara na, Joy!" yaya nito sa kaibigan nya saka mabilis na sumakay sa jeep. Sinubukan ko syang habulin pero wala nakaalis na yung jeep.

Kaya pag-uwi ko badtrip na badtrip ako kay Charrie, ilang weeks din akong hindi kinausap ni Cheska dahil sa kalokohang ginawa ng kambal ko.

"Kuya sorry..." saad ni Charrie, nandito kami ngayon sa sala. Tumango na lang ako saka umalis ng sala at nagkulong sa kwarto.

Sa tuwing nagkikita o nag-uusap kami mas pinipili ko na lang na magkulong sa kwarto o iwasan sya, hindi ako masamang kakambal pero hindi pa rin maalis yung inis ko sakanya dahil sa ginawa nya.

Ilang beses kong tinatawagan si Cheska pero unaattended sya, nagtext ako pero hindi sya nagrereply, nagflood message na din ako sa kanya pero sa tingin ko naka ignore message din ako sa chat, lahat ng social media nya hinanap ko para makausap sya. Nagmessage ako sa IG acc nya pati na rin sa tweeter pati sa telegram nya pero wala man lang sagot, halos mabaliw na ako kakaisip sa kanya.

Ilang araw akong nagkulong sa kwarto ko lumalabas lang ako kapag kakain na o di kaya kapag kailan talaga. Sa loob ng dalawang linggo kong pagkukulong sa kwarto nagparamdam na din sa wakas si Cheska.

Dalawang linggo, dalawang linggo bagi ako kinausap ni Cheska. Dalawang linggo ako nagkulong sa kwarto. Dalawang linggo na halos mabaliw sa kakaisip sa kanya.

Nung nagkita kami nag-explain ako sa kanya pero sabi nya "okay lang" nag-explain at nag-sorry na din daw sa kanya si Charrie. Ayos na kami ngayon ni Charrie at sinabihan ko ito na wag ng uulitin yung ginawa nya.

Kaya ayun back to normal na naman kami ni Cheska, sweet kahit walang label pero napag-isipan ko na din liligawan ko na sya.

Natawa ako ng makita ko yung epic picture nya sa'kin habang kumakain kami ng exotic food.

"Ano ba naman yan, Charlie! Ayaw ko na, pass nakoooo" pagmamakaawa nya habang tinitignan yung pusit na hindi luto pero nalinisan na at patay na.

Tawa ako ng tawa ng unti unti nyang kainin ito habang sya hindi naman maipinta ang itsura nya, vinedeohan ko at picturan habang nilalantakan yung pusit.

Halos isumpa nya na ako sa lahat ng santo sa sobrang inis, bandang huli isinuka nya din yung kinain nya. Nilamon tuloy ako ng guilt ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko dito habang nakaupo kami, tumango lang ito bilang sagot, dapat talaga diko na sya pinilit kumain ng exotic food.

"Wait lang, wag kang aalis dyan, bibili lang ako" sambit ko dito pero pinigilan nya ako.

"Dito ka lang, please." saad nito kaya nagstay na lang ako, nagpakuha na lang ako ng tubig at ipinainom yon sa kanya.

"Sorry Cheska" naiusal ko na lang, nakokonsensya tuloy ako.

"Mr.Noriel duh i'm a strong woman, besides i'm okay because you stay beside me." nakangiting saad nito.

Eto talagang babae na'to! Hays ang cute nya.

Nakita ko naman yung picture namin sa Arcade eto yung time na nagyaya syang magmall dahil may bibilhin daw sya, eh 6 months na akong nanliligaw that time akala ko mamasyal lang yun pala sasagutin na nya ako.

"Tara sa book store." sambit nito saka hinawakan yung kamay ko at kinaladkad papasok ng book store.

"Anong bibilhin mo?" tanong ko dito habang busy sya sa kung anong libring hinahanap nya.

"About Vampires." sagot nito saka lumapit sa isang libro at tinignan ito.

"Che, duon lang ako ah." turo ko sa mga libro about history, tumango naman ito kaya pumunta na ako duon.

Tumitingin tingin lang ako ng libro pero wala akong balak na bumili, may nakapukaw ng atensyon ko. Ang daming wattpad books, naalala ko tuloy si Charrie, kaya pinicturan ko yon tas isinend dito.

Agad naman itong nagreply na gusto daw nya, kaya bilhan ko daw sya. Kumuha ako ng limang Iba't ibang wattpad books.

"Got it! Charlie, hoy lalake!" saad nito sa'kin kaya lumapit agad ako sa kanya. Nakataas na naman yung kilay na animo'y handa ng manapak ng di oras.

"Kay Charrie pinapabili nya." saad ko ng mapansing nakatingin sya sa mga hawak ko, tumango tango lang ito.

"Tapos kana?" tanong ko dito kaya tumango ulit ito. Kinuha ko na yung hawak nya at ako na nagbayad. Nakipagtalo pa ito na sya na daw magbabayad sa libro na yon pero dahil makulit ako syempre ako na nagbayad.

Nang magutom napagpasyahan naming kumain na sa korean restaurant. Mabilis naming tinapos ang pagkain namin saka pinagpasyahang pumunta sa arcade.

Lumapit kami dun sa cashier para magpapalit ng Tokens nang makuha namin ay mabilis syang lumapit dun sa kung anong mapili nyang laruin.

"Ih nakakainis naman!" inis na sambit nya, tatawa tawa ko namang ginulo yung buhok nya at ako na ang naglaro.

"WaAah bakit sayo nagpapakuha yan? Tapos sa'kin ayaw? Aba aba iniinis ako nyan ah." reklamo nito.

"Oh sayo na para hindi ka na mainis." saad ko rito saka ibinigay yung panda bear sa kanya.

"Sa'kin na lang?" tanong nya kaya tumango ako, mabilis nyang kinuha yung panda bear saka niyakap. Sanaol niyayakap hutek.

"WaAaah thankyou Charlie!" masayang saad nito saka niyakap ako nabigla ako pero agad din akong nakabawi kaya niyakap ko na sya.

"Yes, Charlie." sambit nito, medyo naguluhan ako sa sinabi nya.

"What? Anong yes?" tanong ko rito saka kumalas pagkakayakap nya.

"Yes, sinasagot na kita!" nakangiting saad nya, ano daw? Tama ba ako ng rinig? Baka prank lang.

"Hoy lalake!" nakabusangot na tawag nito.

"H-Huh? Bakit?" tanong ko. "Hindi ka ba masayang sinagot na kita?" nakabusangot pa rin na tanong nya.

"What? No! I'm so happy kaya." sagot ko rito.

"Weh? Bakit parang hindi naman halata?" tanong nya saka ako pinagtaasan ng kilay.

"Hindi ko lang in-expect na sasagutin mo ako ngayon." sagot ko rito. "Hoy baka ginu-good time mo lang ako, o baka mamaya sabihin mo "it's a prank!" please lang wag mo ng it—" hindi ko na natapos yung sinasabi ko ng bigla nya akong siilin ng mabilisang halik.

"Ang ingay para kang babae." wika nito habang ako napahawak pa sa labi ko. Meron na din naman akong nahalikang ibang babae pero iba yung kanya, shit! I want more!

"Charlie!" sigaw nito kaya nagising ako sa reyalidad tumingin sa pwesto nya kanina pero wala na sya. Tinignan ko naman sya sa may basketball area.

"Charlie! Anak ng, ganyan ba talaga kalakas ng epekto ng halik ko?" nakangisi nyang saad iiling iling ko itong nilapitan.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga sa lakas ng katok.

"Charlie! I swear sisirain ko itong pintuan na'to! Buksan mo yung pinto!"

Mabilis kong tinuyo yung mga luha saka huminga ng malalim at ngumiti bago ko buksan yung pintuan.

"Ano ba? Kapag nasira yung pinto yari ka kah lolay!" inis na sambit ko kay Louis ng mabuksan yung pinto.

"Ang tagal mo mag emote, Charlie." sabat ni Charrie.

"Kanina ka pa kinakatok eh." dugtong ni Loui.

"Akala namin nag suicide ka na." wika ni Gerphil kaya tinampal ito ni Gracey.

"Akala ko kailangan ko pang sirain yung pintuan eh." nakapamulsang saad ni Louis.

"Ano pang ginagawa nyo? Magsiligo na kayo." saad ni mom na kakarating lang.

"Oh Charlie, bakit namamaga yang mata mo? Umiyak ka ba?" diretsang tanong nito sa'kin.

"Sige po, magre-ready na po kami." saad ni Gracey saka hinila paalis si Gerphil.

"Kami din mom." saad Charlie sumunod naman sa kanya si Loui.

"Magre-ready na din po ako tita." sambit ni Louis saka pumasok sa kwarto.

"A-ah mom, ako d-din." sambit ko. "Charlie, anak. Nandito lang mommy okay? Tell me what is your problem makikinig ako." wika ni mom, tumunago na lang ako saka ngumiti. Pumasok nako sa kwarto namin, narinig ko pang bumuntong hininga si mom bago binuksan ang pinto sa kwarto nila.

Napatalon ako sa gulat ng biglang may kumatok. Narinig kong tumawa si Louis kaya mabilis kong pinakita sa kanya yung middle finger ko.

"Bakit?" tanong ko ng mabuksan yung pintuan. Nakita ko si Gerphil may hawak na dalawang maroon na tuxedo.

"Eto pala yung isusuot nyo." saad nito saka inabot sa'kin yung mga tuxedo.

"May black shoes naman kayong dala?" tanong nito.

"Ako? Oo, ewan ko lang kay Louis." sambit ko rito.

"Hoy ano yan? Eto yung isusuot namin?" sabat ni Louis kaya tumango naman kaming dalawa ni Gerphil.

"May black shoes kang dala?" tanong ni Gerphil kay Louis. "Syempre meron na" sagot nito.

"Good to hear, sige na magready na kayo, baka mamaya ako ang pinakagwapo sa inyo." nakamgising saad nito akmang babatukan ito ni Louis mabilis pa sa alas kwatro itong naka alis sa harap namin.

"Ako muna maliligo." saad ni Louis.

"Sige, nangangamoy ka na eh." tatawa tawa kong saad saka humiga ulit sa kama.

"Gago pasalamat ka broken ka ngayon kundi nabatukan na kita." ani nito saka pumasok sa cr. Ilang minuto lang at sa wakas natapos na din maligo si Louis.

Teka ano yung naamoy ko? Bodywash ko yon ah!

"Hoy ginamit mo bodywash ko!?" tanong ko rito painosente naman itong tumingin sa'kin.

"Sinubukan ko lang kung mabango." nakangiti nyang saad.

"Gago!" mura ko dito saka binato sya ng unan, agad akong pumunta sa cr para maligo na. Mabilis kong tinapos ang pagligo ko.

Nakalimutan kong kumuha ng brief! Hutek yan.

Nagtapis na lang ako saka lumabas ng cr nakita kong nakabihis na si Louis at naga ayos ng buhok. Mabilis akong pumunta sa closet at kumuha ng underware, kinuha ko na din yung susuotin ko at mabilis na pumunta sa cr.

Mabilis kong isinuot lahat maliban lang dun sa coat mamaya ko na lang isusuot.

Paglabas ko ng cr umaalingasaw yung pabango.

"Pinaligo mo naman ata yung pabango sa katawan mo." saad ko kay Louis saka sinimulang patuyuin yung buhok ko.

"Syempre dagdag pogi points." tatawa tawa nyang saad habang nasasapatos, nang matuyo na yung buhok ko dali dali ko itong inayos.

"Teka, kilala mo escort ni Gracey?"  tanong ko dito. "Wala man silang nabanggit kanina." sagot nito saka pinagmasdan ang repleksyon sa salamin.

"Baka si Franz?" tanong ko saka tinignan kung ayos na yung buhok ko ng makitang ayos na saka na ako nagsuot ng medyas at nagsapatos.

"Siguro, selos nyan si Loui." natatawa nitong saad. "Tara na baka nanduon na sila sa ibaba." yaya nito kaya muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Sinuot ko na yung silver watch na galing pang Europe at kinuha ko na yung coat ko saka bumaba na.

Louissana's P.O.V

"Perfect!" nakangiting naming saad ni Charrie ng makita ang repleksyon sa salamin. Nakasuot ako ng maroon dress na may pa shining shimmering splendid pa kapag natapat ng ilaw tapos pa-v neck sya pero di gaano kalalim habang yung suot naman ni Charrie ay backless maroon dress na may pa shining shimering splendid rin.

Nakasuot ako ng stiletto black crystal high heels habang si Charrie ay stiletto crystal red high heels. Syemore naka make up din kami, yung buhok ko naman ay nakacurl at hinayaang nakalugay saka nilagyan ng dalawang silver rose hair clips habang ang kay Charrie naman ay naka pigtail yung kay Ariana Grande style, naka bracelet ako yung gift ni kuya tsaka suot ko din yung necklace na bigay ni Franz at yung earrings na bigay ni dad habang yung ring naman ay yung bigay ni mom. Ganun din si Charrie na nakasuot ng mga accessories.

"Bilis picture muna tayo!" excited na sambit ni Charrie, kaya ilang minuto din kaming nag picture picture para may pang ig.

Kinuha ko yung phone ko saka inilagay sa chanel black mini sling bag. Nang matapos ang kaartihan namin mabilis kaming bumaba.

"Ang tagal nyo ah." sambit ni kuya saka inayos yung damit nya.

"Nauna na yung iba sa venue." saad naman ni Charlie.

"Mga dalaga't binata na talaga kayo." sambit ni Tito Charles kasama si Tita Asheyrie nanduon din mom and dad.

"Picture?" sambit ni tita Asheyrie kaya dali dali kaming umayos at umakto na akala mo nasa photoshoit talaga kami. Ilang saglit lang na matapos kami sa picture picture napagoasyahan na naming umalis papuntang venue.

Paglabas ko ng pinto nagulat ako ng biglang may sumulpot na tao sa harap ko.

"Hey Pessoa." nakangiting sambit nito saka inilahad ang kamay sa'kin.

Ang gwapo nya shit! Bumagay sa kanya yung maroon tuxedo nya owemjii kyah! 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PILOSOPO    Chapter 23

    Franz P.O.VLumipas ang mga araw na hindi ko binibisita si Pessoa sa ospital, ilang araw na din ang lumipas nung mahit and run sya at hanggang ngayon hindi pa rin mahanap ang salarin. Da*n i miss her so much."Hey, ano tutunganga ka na lang dyan?" tanong nitong si Jason.Nag tsk na lang ako at hindi na ito pinansin, dumating na yung teacher namin sa science kahit anong gawin nyang discussion, kahit anong gawin kong pagfofocus sa ginagawa nya nauuwi pa rin ito sa pag-iisip ko kay Pessoa."Mr. Del Fuego!" sigaw nito kaya napatingin ako dito, "Yes, sir?" tamo ko rito."Saan na napunta ang isip mo? Ilang beses ko ng tinawag ang pangalan mo pero parang di mo naririning!" galit na sigaw nito kaya napayuko na lang ako."Stand up, Del Fuego!" utos nito kaya tumayo ako."What is the meaning of Pinocytosis?" tanong nito kaya nag angat ako ng tingin.

  • PILOSOPO    Chapter 22

    Althea's P.O.V"Gaga ka talaga ayaw mo n'on kasama mo si crush?""Manahimik ka nga! Tigilan moko sa crush crush na yan ah," sambit ko dito narinig ko namang tumawa ang bruha."Oo na, oh makakapunta ka ba? Sabihin ko na lang hindi ka makakapunta dahil nasa ospital ka ngayon," saad nito sa kabilang linya."Pupunta ako baka may impirtante kayong gawin, vice president pa naman ako tapos ako yung wala," angal ko, bakit kase biglaan ang meeting?"Wag na, ako ng bahala, enjoy your time with your crush," argghhh! Mapang-asar talaga itong bruha na 'to kahit kailan."Heh shut up, pupunta ako malelate lang ako, start the meeting with or without me," saad ko dito."Yes ma'am, seeyou,""Seeyou," saad ko saka ibinaba ang tawag."Kuya," tawag ko sa kapatid ko, "Why?" tanong nito."I need to go, we

  • PILOSOPO    Chapter 21

    Someone's P.O.VNandito ako sa may puno nanonood ng nangyayari sa ibaba, may mabilis na kotse na bigla na lang sumulpot at nabundol nito si Loui, ang lakas ng impact sapat na siguro para matandaan na nya lahat ng alaala nya. Nagsigawan ang pamilyang Noriel ng masaksihan ang nangyari, nakahandusay ngayon ang duguang katawan ni Loui sa kalsada habang ang nakasaga sa kanya ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan.*Ring*Ring*Ring~*Kinuha ko ang telepono ko at tinignan kung sino ang tumatawag, napangisi na lang ako ng makita ang pangalan nito. "Goodjob, Hector," saad ko dito. "Sa abandunadong building," saad nito saka pinatay ang tawag. "Tara na baka mapansin na nila tayo," saad ni Ion sa akin kaya tahimik kaming bumaba sa puno. Aalis na sana kami ng makita namin si Cyren na diretso ang tingin sa amin habang papalapit. Tsk, tignan mo nga na

  • PILOSOPO    Chapter 20

    Louissana's P.O.VPagkatapos naming maglunch, nag-empake na kami ng gamit dahil uuwi na kami sa Bulacan.Habang nag-eempake ako ng gamit ko may nakita akong pamilyar na papel kaya pinulot ko ito at tinignan kung ano yung nakasulat.Ng buksan ko ay wala namang nakasulat dito pero napansin kong kapag tinapat sa liwanag ay may nakulat na zodiac sign? Teka aquarius to ah!"Hoy ano yan?" tanong ni Charrie saka lumapit sa akin."Aquarius? Saan mo naman galing 'to?" tanong nitong muli."Nakita ko lang dito," sabay turo sa side table "Magic pen yung ginamit nya," dugtong ko."Kaya nga, yun yung binibili natin nung elementary days natin, meron pa ngang barbie, spongebob, spiderman, syempre yubg favorite mong hello kitty," pagpapaalala nito, napa-iling na lang ako sa tinuran nya."Ay naalala ko pa! Nakipag away ka pa n'on kay Carla kase

  • PILOSOPO    Chapter 19

    Charrie P.O.V"Mother f*cker!" ah sh*t! Napabalikwas ako ng bangon ng bigla na namang sumagi sa isip ko yung nangyari kagabi."Ah sh*t!" mura ko ng biglang sumakit ang ulo ko naramdaman ko namang gumalaw itong katabi ko kaya naman napatingin ako dito, ang himbing tulog ah? Anong oras na ba?"Alas otso na pala," bulong ko saka maingat na umalis sa kama at kumuha ng damit para maligo.FlashbackMay naramdaman ako na humahaplos sa paa ko pero hindi ko na pinansin yon baka si Loui lang or pinagtitripan na naman nila ako.Kalaunan tumigil na rin ito saka humiga sa tabi ko syempre akala ko si Loui kaya niyakap ko sya, nangunot yung noo ko ng maamoy yung gamit nyang pabango. Hindi mahilig sa panlalaking pabango si Loui, imposibleng si Charlie 'to dahil hindi naman sya tatabi sa'kin lalong lalo na si Louis.Nagmulat na lang ako ng ma

  • PILOSOPO    Chapter 18

    Louissana's P.O.VNaka upo kaming dalawa ni kuya dito sa sala habang nanonood ng anime. Hindi pa rin mawala sa isip ko si tukmol at yung mga nangyari kanina."I love you,""I love you,"WaAahh bakit ba kase ganon si tukmol ang hilig magbigay ng sakit sa ulo at ang hilig nya akong pinag iisip hays, ay oo nga pala nakita kaya ni kuya yung nangyari kanina? Sana naman hindi jusmiyo baka isumbong ako kila eomma."Gusto mo?" tanong ni kuya saka inabot yung bowl ng popcorn? Teka saan ba nya nakuha yung popcorn eh wala naman ganyan dito sa bahay."Ano titigan mo na lang yan?" masungit na saad nito kaya naman kumuha na ako."Saan mo naman nakuha yung popcorn, aber?" takang tanong ko dito habang nakatingin dito."Secret," sambit nito saka tumawa tss mabulunan ka sanang aso ka!Nagulat ako ng bigla itong umub

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status