Home / All / PILOSOPO / Chapter 16

Share

Chapter 16

last update publish date: 2020-09-18 09:58:15

Louissana's P.O.V 

"Mukha ka ng tao," tatawa tawang wika ni Franz habang nagmamaneho. Well sa kanya ako sumabay papunta sa venue kung saan ginaganap yung party ni Gracey. 

"Ikaw din, mukha ka din tao," gatong ko sa kanya nakita ko naman kung paano maningkit ang mga mata nya. Ako pa talaga binubusit mo ah tsk! 

"Mukha naman talaga akong tao," saad nito habang diretsong nakatingin sa daanan. 

"Bakit hindi halata? Mukha ka kaseng..," pinabitin ko muna bago tumingin sa kanya. 

"Mukha akong baby mo," pagtutuloy nito. Ano daw? Baby ko? 

"Ano? Baby ko? Kailan kita naging anak aber?" mataray na tanong ko rito saka pinagtaasan sya ng kilay, narinig ko naman syang tumawa.

"Hindi mo ako anak dahil ako ang magiging ama ng mga anak mo," nakangisi nitong saad kaya sinulyapan ko sya sa rear mirror, nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ang ibig nyang sabihin. Sumulyap ito sa rear mirror na may nakakalokong ngiti saka kumindat sa'kin.

Nag-iwas ako ng tingin dito dahilan kung bakit natawa sya, hindi ko mapaliwanag kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko, gosh ano bang meron sa lalaking ito!

"—Pessoa," 

"H-Huh? Bakit?" tanong ko rito saka tinignan ito. Ngayon ko lang narealize na huminto na kami, tumingin ako sa paligid at nakita kong nandito na kami sa Venue @Grand Palazzo Royale, ganun ba talaga ako ka pre-occupied para hindi mapansin na nandito na kami? Hays kasalanan 'to ni tukmol eh kung ano ano kaya pinagsasabi nya.

Napabuga na lang ako ng hangin saka napsandal sa kinauupuan ko.

"Pessoa, okay ka lang?" tanong nito sa'kin kaya binalingan ko ito, ngumiti ako rito saka tumango. Lumabas ito sa kotse saka pinagbuksan ako ng pinto, tinanggal ko na yung seatbelt ko saka tinanggap ang nakalahad nitong kamay.

Ng makababa na ako sinara nya yung kotse saka magkahawak kamay kaming naglakad. 

"Sigurado kang ayos ka lang? Ang tahimik mo, dahil ba sa sinabi ko kanina?" tanong nito kaya tinignan ko sya nanduon na naman ang nakakaloko nyang ngiti yung tipong ang sarap burahin. 

"Ulol mo," sambit ko saka binitawan ang kamay nya saka nagmadaling pumasok sa loob. Tatawa tawa naman syang naglalakad na animo ay parang isang modelo. 

"Good evening Ma'am," masayang bati nung guard sa entrance ngumiti ako sa tinanguan ito. 

"Loui?" tawag na kung sino kaya tinignan ko ito, "Chandut!?" hindi makapaniwalang saad ko natawa naman ito sa reaksyon ko.

"Para ka namang nakakita ng multo," natatawa nitong saad sa kalumapit sa'kin. "Eh kase naman hindi ko in-eexpect na nandito ka," saad ko rito. 

"Well, escort ako ni Gracey. Hinihintay ko lang talaga sya, on the way na daw eh," saad nito habang nakangiti, " Ikaw, sinong kasama mo?" tanong nito. 

"Si—"

"Pessoa, let's go?" saad ni tukmol na ngayon ay naglalakad na palapit sa pwesto namin. 

"Dapat dumiretso ka na sa loob, naghihintay na duon sila tita," seryosong saad nito saka pinasadahan ng tingin si Chandut. 

"Hey dude, long time no see," saad ni Chandut saka matiim na nakatingin kay tukmol. 

May kakaiba sa tinginan ng dalawa 'to.

Tumango lang si tukmol saka inilagay ang braso sa bewang ko na ikinagulat ko pero hindi ko pinahalata. 

"Let's go, mauna na kami sayo," paalam ni tukmol kay Chandut kumaway naman ako dito bago tuluyang pumasok sa loob. 

"Tukmol?" tawag ko dito habang naglalakad kami, kanina pa kase sya tahimik at diretsong nakatingin sa daanan namin napansin ko din na umiigting ang kanyang panga habang seryoso sa kung anong iniisip nya. 

"Hoy tukmol," medyo nilakasan ko yung pagtawag ko sa kanya dahil sobrang lakas ng tugtog dito. 

Sa pagkakataong ito nilingon na nya ako. "Oh?" tanong nito saka muling bumaling sa dinadaanan namin. Napano naman 'to? Parang kanina lang naman tawa sya ng tawa ngayon naman akala mo nasa paglilitis sa korte sa sobrang seryoso. 

"Ayos ka lang?" ngayon ako naman ang nagtanong sa kanya, tumango lang ito saka binitawan ang bewang ko. 

"Mauna ka na sa kanila may pupuntahan lang ako," sambit nito saka diretsong nakatingin sa'kin tumango na lang ako bilang tugon, nauna syang umalis at lumapit sa isang grupo ng kalalakihan na may kasamang magagandang babae. 

Nakita ko pa kung paano sya makipag fist bump sa mga lalaki at nakioag beso sa mga babae kesa naman tumunganga ako ay dali dali akong pumunta sa table kung nasaan sila kuya. 

"Hey kuya!" bati ko rito saka nakipag beso, "Bakit ang tagal nyo? By the way where is Franz?" tanong nito habang sumisimsim sa wine glass nya, lumingon ako kung nasaan siya saka umupo sa tabi nito. 

"Hmm someone is jealous," saad ni Charrie habang nakatingin sa pwesto nila Franz habang sumisimsim sa wine glass nito. 

"Sino?" tanong ko rito, tumingin ito sa'kin "Ika—"

"Kausap mo," natatawa kong saad kaya natawa din si kuya, ang sama naman ng sa'kin ng bruha. 

"Mukha pinagtutulungan nyo si Charrie ah," napalingon kami sa nagsalita. 

"Yes tita, binubully nila ako," pagsusumbong ni Charrie kaya natawa lalo kami ni kuya dahil parang batang nagsusumbong ito. 

Natatawa namang umupo sila mom tsaka tita Ash napansin kong wala sila dad, tito Charles at Charlie. 

"Mom, nasaan sila dad?" tanong ko dito, "Ayun kasama mga bussiness partners nila," sagot nito saka uminom ng wine. 

Natigilan kami ng bumukas ang pinto ng venue at lahat ay puno ng paghangang nakatingin kay Gracey ng dahan dahan itong naglalakad kasama si Chandut na escort nya. 

"Woah, ang ganda nya," komento ni kuya, totoo ngang ang ganda ni Gracey, simpleng babae lamang kase sya hindi nya type yung make up tsaka may pag boyish sya, minsan naman nagiging girly sya pero madalas abnormal yan, just kidding! 

Tinignan ko si kuya na ngayon ay nakanganga kaya naman hinawakan ko ang baba nito saka ang ulo para isara ang bibig nito tumingin naman sila mom sa'min.

"Bibig mo baka pasukan ng langaw," natatawa kong saad narinig ko namang natawa sila mom. 

"Chill, Louis. Pinsan natin yan," natatawang saad ni Charrie na mas lalo naming kinatawa. 

"Ewan ko sa inyo," saad nito saka uminom ng wine. Napailing na lang ako at tumingin muli kay Gracey na ngayon ay kasalukuyang nakaupo sa stage na parang prinsesa, hindi naman sadyang nagtama ang paningin namin ni Chandut kaya nginitian ko ito ganun din sya. 

Ilang sandali lang ay tinawag na isa isa ang mga kalalakihan para sa 18 roses. Habang nagsasayaw ang mga ito lumapit na sa'min sila dad.

"Dalaga na talaga sya," natatawang saad ni tito Charles.

"Oo nga eh, parang dati napagkamalan pa nating tomboy ang batang yan," saad naman ni dad saka iniakbay ang kamay kay mommy.

How sweet! 

Totoong napagkamalan ng tomboy si Gracey dahil sa pananamit at ayos nito, dahil sa taglay rin nitong ganda at kabaitan ay talagang masasabi mong ideal girl sya ng karamihan kaya ang dami nitong manliligaw pero lahat iyon ay binusted nya. Kaya nga nung malaman namin na binusted nya lahat iyon ay hindi kami makapaniwala hanggang sa isang araw nung bumisita kami sa kanila ay may lalaking umiiyak sa harap nya, tinanong sya ni kuya kung bakit ganon yun pala ay binusted nito! Naalala ko pa yung sagot ni Gracey sa tanong namin. 

"Hoy babae, bakit mo naman binusted? Ang gwapo pa naman nya sayang," saad ni Charrie habang nakatingin sa pwesto ng lalaki kanina, nandito kase kaming tatlo sa tree house. 

"Edi sayo na lang," walang kwentang sagot nito saka nagsimulang patugtugin ang keyboard. 

"Kung pwede lang," tatawa tawang sagot naman ni Charrie kaya napailing na lang ako, "Pero seryoso, bakit mo binusted?" tanong nito saka tumingin kay Gracey. 

"Hindi ko gusto eh," saad nito saka tinugtog sa keyboard ang spring day na kanta ng kpop boy group na BTS. 

"Bakit ka nagpaligaw?" tanong muli ni Charrie, kahit kailan talaga reporter ang isang 'to. 

"Hindi naman ako nagpapaligaw, sadyang mapilit sila. Ilang beses ko na ngang sinabihan na tumigil na sila sa panliligaw dahil wala akong planong sagutin sila pero dahil matigas ang bungo nila nagpatuloy pa rin sila, kaya hindi ko na kasalanan kung bakit ngumangawa ang mga yan ngayon dahil sa una pa lang sinabihan ko na sila," paliwanag nito, nakatunganga naman kami sa sinabi nito. Like what the hell, kailan pa naging hambog 'to? 

Tumayo na si kuya na may dalang rose para sa 18 roses huminga pa ito ng malalim bago tuluyang naglakad. Nagtatawanan pa ang dalawa habang sumasayaw.

Panigurado kung hindi lang namjn pinsan 'to niligawan na yan, tirador ng kamag anak! WHAHAHAHA 

Nang matapos silang mag sayaw ay halos mapunit na ang mukha nito dahil sa pagkakangiti.

"Reminder lang kuya, pinsan natin yan!" saad ko rito, "Alam ko," nakangiti nyang saad saka sumimsim sa wine glass nito. 

Natapos na ang 18 roses kaya 18 candles naman pero hindi na ako sumama dahil biglang dumating yung kaibigan ni Gracey galing abroad kaso kumpleto na yung 18 candles kasama ako duon kaya pinaubaya ko na lang, matagal silang hindi nagkita kaya sabi ko sya na lang kapalit ko, hindi naman big deal sa'kin yon eh saka magpeperform naman kami mamaya kaya okay na yon. Bait ko kase WHAHAHAHA

"Hoy babaita, una sa lahat kase hindi sa huli happy birthday!" panimula ni Charrie natawa ako sa sinabi nito napapailing na lang ako sa message nya para kay Gracey.

"Gusto ko lang sabihin na, dalaga ka na pala! Kaya magpakababae kana," natatawang dagdag nito, "Papakababae na nga," sagot naman ni Gracey, hindi naman lingid sa kaalaman ng mga bisita na totomboy tomboy ito. 

"Mabuhay ka kahit kailan mo gusto, basta kapag may problema ka tawagin mo lang ang napakaganda mong pinsan na walang iba kundi ako," proud na proud pa nitong saad napailing ako kahit kailan talaga napakahangin nitong babaitang 'to. 

"Ay teka isama mo na din si Loui, ang sama ng tingin sa'kin eh," natatawa nitong saad kaya natuon ang atensyon nito sa'kin natatawa akong napailing dito habang ang loka parang timang sa stage. 

"Pero seryoso na, basta nandito lang kaming mga pinsan mo kapag need mo ng help, kung advice naman sa lovelife pwede kitang bigyan pero si Loui ang expert dyan," sabay tingin sa'kin, "Life is too short so enjoy your life but be practical, hindi porque masaya ay yun na dapat, no! Think wisely, Gracey. And also wag kang papaapekto sa mga sinasabi nilang masama sayo, if meron naman silang mapuna wag mong dibdibin dahil may likod ka pa," natatawa nitong saad.

"If meron silang nasasabing masama sayo gamitin mo yon para patunayan na mali sila, na mali ang iniisip nila. Nagsisimula pa lang ang journey mo, Gara. Marami pang darating na problems and challenges sa buhay mo pero tandaan mo nandito lang kaming lahat, tawagan mo lang isa sa'min darating kami."

"Wag kang mahihiya dahil wala ka namang hiya,just kidding, " biro nito na kinatawa naman ni Gracey, "Don't be shy sabi nga natin 'Walang Iwanan Peksman!', we're all here to support and to guide you sa mga decisions mo in life. Again happy birthday more birthdays to come i love you!" saad nito saka lumapit kay Gara—nickname ni Gracey, saka niyakap ito. 

"Abnormal ka 'no!" saad ko rito ng makabalik ito sa upuan. Tatawa tawa namang umupo ang bruha, saka sumimsim sa wine nya. 

Nang matapos ang 18 candles ay syempre chibugan na, may mga waiters dito kaya hindi na kailangan pang tumayo para makipila sa pagkain. 

Habang kumakain kami narinig ko ang tawanan sa gilid ko kaya tinignan ko ito, nakita ko si tukmol at mga kasama nito habang tumatawa tapos yung babae na makahawak sa kanya kala mo naman kung sino! 

Napangiwi na lang ako nung makita kung paano nito yapusyapusin si tukmol habang ito namang isa parang natutuwa pa, nanggigil ako talaga ako gusto ko silang lapitan saka sabunutan yung babae! Naiinis ako kung meron lang talaga akong baril pinutok ko na talaga sa ulo ng babae kanina pa! 

"I smell something fishy," saad ni Charrie kaya napatingin ako dito laking gulat ko ng nakatingin sila mom sakin, "What?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay. 

"I've been calling you 3 times pero nakila Franz pa rin ang atensyon mo at gigil na gigil ka," saad nito habang natatawa.

"Kawawa naman yung steak mo," saad ni Gara na hindi ko namalayang nakalapit na pala kaya tinignan ko yung steak ko, oo nga kawawa parang namurder. 

"After nyo kumain tapos pahinga kayo, kantahin nyo yung Time Machine by Six Part Invention ah, request ko sa inyo, please," saad nito saka nag-beautiful eyes pa, "G ako dyan," saad ni Charrie, tinignan naman kaming tatlo ni Gara.

"Okay okay pasalamat ka birthday mo," saad ni Charlie saka uminom ng tubig. 

"Alright, g ako," wika ni kuya kaya tumingin sila sa'kin, napahinga na lang ng malalim bago tumango para namang batang binilhan ng ice cream si Gara na pumalakpak pa sa tuwa. 

"Alright! Sabi nyo yan ah, sige duon muna ako kila mommy ah, bye," paalam nito saka umalis para puntahan sila tita Melba.

Gaya ng sabi namin nagpahinga kami ng limang minuto, pinuntahan pa kami ni Gara. Nag-thumbs up pa sya kaya may umakyat na lalaki sa stage.

"Ladies and Gentlemen please give them around of applause the N.C Band!" saad nito kaya nagpalakpakan sila. 

"Kailan pa nag karoon ng name at talagang banda ah?" natatawang tanong ni Charrie.

"Kanina lang, sige na punta na kayo sa stage!" excited na saad nito kaya naman pumunta na kami sa stage ng makarating kami sa stage para kaming nasa concert dahil sa mga tao. 

"Alright, this is it!" excited na saad ni Charrie habang lumapit sa keyboard, lumapit naman si kuya sa drums at pareho naming kinuha ni Charlie yung dalawang gitara since na naka heels kami ni Charrie ay binigyan kami ng upuan. 

"Good evening, everyone! This is our first time na magpeperform sa harap ng madaming tao, we're not totally a band sadyang nabuo lang kami dahil marunong kami sa pagtugtog ng instruments, hindi rin namin alam na meron na pala kaming band name," saad ni Charlie kaya natawa kami, "So sabi nga kanina we are N.C band, by the way nice name Gracey," saad nito saka tumingin kay Gara na Nag-thumbs up pa! 

"As her requested a while ago we're going to sing Time Machine by Six Part Invention, " sambit nito may nakatapat na mic sa sa'kin pati sa kanya sa tingin ko kami yung kakanta, tinignan ko si Charrie dahil bakit ako ang kakanta dahil alam ko guitarist lang ako dito. 

"Paos ako," bulong nito saka may pahawak hawak pa sa leeg nya kaya wala akong nagawa.

"Ready," saad ni Charlie kaya napalingon ako dito. Tumango kami kaya nagsimula na itong tumipa na sinabayan namin bago sya kumanta.

Ang lamig ng boses nya, dama mo yung kanta marahik dahil siguro sa pinagdadaanan nya ngayon. 

I wanna go back to way that we used to be, 

I wanna feel your skin, your lips so close to me, 

I wanna go back when i called you mine all the time, 

Every smile and every moment, 

If only i have ( if only i have) a time machine, 

Hindi ko mawari bakit sa bawat lirika ng kanta ay merong kirot sa puso, iba ang dulot nito. Lahat ng tao ay nasa amin ang atensyon, gayon din sila Franz na kanina ay nagtatawanan, ay napatigil din. 

Ang daming nakatingin sa amin na puno ng paghanga pero isang pares ng mga mata ang nais ko, yun ay ang kay Franz, kay tukmol lang. 

Sa tuwing kumakanta si Charlie puno ng emosyon madadama mo talaga ang hatid nito, lalo na kapag nag sesecond voice na akala mo talaga ay iisa kaming banda, siguro dahil lahat kami ay hilig ang musika kaya siguro nag kakaisa ang bawat puso at isip namin. 

If i could hear and if i could see, 

If i could hold on to your hands once again, 

Sana maulit yung hawak kamay naming dalawa, sana sa lahat ng pagkakataon magkahawak ang mga kamay namin, magka hawak kamay ng mahigpit yung tipong ayaw na nyang bitawan, pero hindi eh. Mahirap na kaseng masaktan ulit, ayoko ng layuan ulit ako ng dahil lang sa pag amin ko, nangyari na ulit yan kaya ayoko ng maulit pang muli. 

Sa pagsabay namin ng pagkanta ni Charlie mas lalong dumagdag ang emosyon na madadama, dahil sa bawat lirika ng kanta ay may kanya kanya kaming pinaghuhugutan. 

If only i have a time machine. 

At sa pagtatapos ng kanta, sana meron din akong time machine. Time machine na sana...na sana maibalik yung panahon na wala pa akong nararamdaman para sa kanya para hindi na ako nahihirapan dahil sa bawat paglipas ng panahon mas lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya. 

Narinig ko ang mga palakpakan ng mga nanonood, napangiti na lang ako. May umakyat sa stage na lalaki tapos bumulong ito kay Charlie.

"Guys, love song daw," pag-iimporma ni Charlie sa amin, "Rock ba? Or yung pwede silang sumayaw sa gitna?" tanong ni kuya. 

Muling bumaling si Charlie sa kausap nitong lalaki habang tahimik akong nakaupo biglang akong tinawag ni Charrie.

"Bal!" kaya tinignan ko ito nginusuan naman nya ako kaya pinag taasan ko sya ng kilay, tignan mo 'to irapan ka ba naman! 

"Si Franz tungek!" saad nito habang nakatingin sa ibang direksyon kaya sinundan ko ang tinitignan nito, ganun na lang ang gulat ko ng diretsong nakatingin ito sa'kin.

Nakipagtitigan ako dito pero ilang sandali lang dumating yung babaing kasama nya kanina, bigla tuloy akong nawala sa mood. Napairap na lang ako kung paano ito ngumiti ng pagkalawak lawak habang kausap yung babae na mukha naman espasol. 

"Loui!" tawag ni Charlie kaya tinignan ko ito, napansin kong wala na si kuya sa stage.

"Marunong kang mag violin diba?" tanong nito kaya tumango ako. 

"Good, mag violin ka, Charrie stay ka lang dyan," saad nito saka ibinaba ang gitara nya at kinuha ang violin, lumapit ito sa'kin at kinuha ang gitara at inabot ang violin. 

"Teka, ano bang tutugin natin?" tanong ko dito. 

"Can't help falling inlove with you," saad nito saka bumalik sa pwesto nya saka muling kinuha yung gitara, nakita ko naman si kuya na umakyat sa stage. 

"Ready na kayo?" tanong ni kuya sa'min kaya nagsitanguan na lang kami. 

Nagsimula na akong tumugtog ganun din ang mga ito saka nagsimula ng kumanta si kuya.

Hindi pa man namin nakakalahati ang kanta may sumasayaw na sa gitna, yung tipong akala mo nasa isa kang pagtitipon sa fairy tale. Ang gandang tignan dahil bukod sa Maroon ang theme color sinabayan pa ng mga ilaw na akala mo sumasayaw din, mabagal lang ang ginawa naming pagtugtog tapos puno naman ng emosyon ang pagkanta ni kuya. Singerist kase yan hays. 

Take my hand,

Take my whole life too, 

For i can't help falling inlove with you,

For i can't help falling inlove with you. 

Sa bawat lirika ng kanta isang tao lang nasa isip ko at sa pagtatapos nito inaamin ko na... 

Mahal ko na ang lalaking kinaiinisan ko. 

Mahal ko na ang lalaking sumisira ng araw ko. 

Mahal ko na ang childhood bestfriend ko. 

Mahal ko na ang Pilosopo kong kaibigan. 

Mahal ko na si tukmol. 

Mahal ko na si Franz. 

Pero dahil ayokong magkasira kami o magka ilangan sa bawat isa, itatago ko na lang 'to. Hindi ko ipapaalam sa kanya, dahil mas importante ang friendship namin at ayokong masira yon dahil sa nararamdaman ko. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PILOSOPO    Chapter 23

    Franz P.O.VLumipas ang mga araw na hindi ko binibisita si Pessoa sa ospital, ilang araw na din ang lumipas nung mahit and run sya at hanggang ngayon hindi pa rin mahanap ang salarin. Da*n i miss her so much."Hey, ano tutunganga ka na lang dyan?" tanong nitong si Jason.Nag tsk na lang ako at hindi na ito pinansin, dumating na yung teacher namin sa science kahit anong gawin nyang discussion, kahit anong gawin kong pagfofocus sa ginagawa nya nauuwi pa rin ito sa pag-iisip ko kay Pessoa."Mr. Del Fuego!" sigaw nito kaya napatingin ako dito, "Yes, sir?" tamo ko rito."Saan na napunta ang isip mo? Ilang beses ko ng tinawag ang pangalan mo pero parang di mo naririning!" galit na sigaw nito kaya napayuko na lang ako."Stand up, Del Fuego!" utos nito kaya tumayo ako."What is the meaning of Pinocytosis?" tanong nito kaya nag angat ako ng tingin.

  • PILOSOPO    Chapter 22

    Althea's P.O.V"Gaga ka talaga ayaw mo n'on kasama mo si crush?""Manahimik ka nga! Tigilan moko sa crush crush na yan ah," sambit ko dito narinig ko namang tumawa ang bruha."Oo na, oh makakapunta ka ba? Sabihin ko na lang hindi ka makakapunta dahil nasa ospital ka ngayon," saad nito sa kabilang linya."Pupunta ako baka may impirtante kayong gawin, vice president pa naman ako tapos ako yung wala," angal ko, bakit kase biglaan ang meeting?"Wag na, ako ng bahala, enjoy your time with your crush," argghhh! Mapang-asar talaga itong bruha na 'to kahit kailan."Heh shut up, pupunta ako malelate lang ako, start the meeting with or without me," saad ko dito."Yes ma'am, seeyou,""Seeyou," saad ko saka ibinaba ang tawag."Kuya," tawag ko sa kapatid ko, "Why?" tanong nito."I need to go, we

  • PILOSOPO    Chapter 21

    Someone's P.O.VNandito ako sa may puno nanonood ng nangyayari sa ibaba, may mabilis na kotse na bigla na lang sumulpot at nabundol nito si Loui, ang lakas ng impact sapat na siguro para matandaan na nya lahat ng alaala nya. Nagsigawan ang pamilyang Noriel ng masaksihan ang nangyari, nakahandusay ngayon ang duguang katawan ni Loui sa kalsada habang ang nakasaga sa kanya ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan.*Ring*Ring*Ring~*Kinuha ko ang telepono ko at tinignan kung sino ang tumatawag, napangisi na lang ako ng makita ang pangalan nito. "Goodjob, Hector," saad ko dito. "Sa abandunadong building," saad nito saka pinatay ang tawag. "Tara na baka mapansin na nila tayo," saad ni Ion sa akin kaya tahimik kaming bumaba sa puno. Aalis na sana kami ng makita namin si Cyren na diretso ang tingin sa amin habang papalapit. Tsk, tignan mo nga na

  • PILOSOPO    Chapter 20

    Louissana's P.O.VPagkatapos naming maglunch, nag-empake na kami ng gamit dahil uuwi na kami sa Bulacan.Habang nag-eempake ako ng gamit ko may nakita akong pamilyar na papel kaya pinulot ko ito at tinignan kung ano yung nakasulat.Ng buksan ko ay wala namang nakasulat dito pero napansin kong kapag tinapat sa liwanag ay may nakulat na zodiac sign? Teka aquarius to ah!"Hoy ano yan?" tanong ni Charrie saka lumapit sa akin."Aquarius? Saan mo naman galing 'to?" tanong nitong muli."Nakita ko lang dito," sabay turo sa side table "Magic pen yung ginamit nya," dugtong ko."Kaya nga, yun yung binibili natin nung elementary days natin, meron pa ngang barbie, spongebob, spiderman, syempre yubg favorite mong hello kitty," pagpapaalala nito, napa-iling na lang ako sa tinuran nya."Ay naalala ko pa! Nakipag away ka pa n'on kay Carla kase

  • PILOSOPO    Chapter 19

    Charrie P.O.V"Mother f*cker!" ah sh*t! Napabalikwas ako ng bangon ng bigla na namang sumagi sa isip ko yung nangyari kagabi."Ah sh*t!" mura ko ng biglang sumakit ang ulo ko naramdaman ko namang gumalaw itong katabi ko kaya naman napatingin ako dito, ang himbing tulog ah? Anong oras na ba?"Alas otso na pala," bulong ko saka maingat na umalis sa kama at kumuha ng damit para maligo.FlashbackMay naramdaman ako na humahaplos sa paa ko pero hindi ko na pinansin yon baka si Loui lang or pinagtitripan na naman nila ako.Kalaunan tumigil na rin ito saka humiga sa tabi ko syempre akala ko si Loui kaya niyakap ko sya, nangunot yung noo ko ng maamoy yung gamit nyang pabango. Hindi mahilig sa panlalaking pabango si Loui, imposibleng si Charlie 'to dahil hindi naman sya tatabi sa'kin lalong lalo na si Louis.Nagmulat na lang ako ng ma

  • PILOSOPO    Chapter 18

    Louissana's P.O.VNaka upo kaming dalawa ni kuya dito sa sala habang nanonood ng anime. Hindi pa rin mawala sa isip ko si tukmol at yung mga nangyari kanina."I love you,""I love you,"WaAahh bakit ba kase ganon si tukmol ang hilig magbigay ng sakit sa ulo at ang hilig nya akong pinag iisip hays, ay oo nga pala nakita kaya ni kuya yung nangyari kanina? Sana naman hindi jusmiyo baka isumbong ako kila eomma."Gusto mo?" tanong ni kuya saka inabot yung bowl ng popcorn? Teka saan ba nya nakuha yung popcorn eh wala naman ganyan dito sa bahay."Ano titigan mo na lang yan?" masungit na saad nito kaya naman kumuha na ako."Saan mo naman nakuha yung popcorn, aber?" takang tanong ko dito habang nakatingin dito."Secret," sambit nito saka tumawa tss mabulunan ka sanang aso ka!Nagulat ako ng bigla itong umub

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status