Home / Lahat / PILOSOPO / Chapter 17

Share

Chapter 17

last update Petsa ng paglalathala: 2020-09-18 10:24:57

Louissana's P.O.V

"Loui," tawag ng kung sino kaya naman nilingon ko ito. Nakita ko si Chnadut na todo ang pagkakangiting nakatingin sa'kin. 

Nandito ako sa table namin nag-iisa, yung mga matatanda kase nandun kasama mga ka business partners nila habang sila kuya at Charlie ay naduon sa mga girls at nakikipag fling, si Charrie naman ay kasama si Gretchen yung kaklase nya nung nasa gradeschool pa lang sya. 

"Hey, upo ka," saad ko rito kaya naman umupo ito sa tabi ko. 

"Bakit ka nag-iisa dito?" tanong nito saka umakbay sa sandalan ng upuan ko. 

"Hindi naman ako nag-iisa dito, nandyan ka so hindi ako nag-iisa," nakangiting saad ko rito i heard him chuckled.

"Madaming stars at full moon ngayon, star gazing?" tanong nito habang nakangiti kaya pumayag ako. 

"Let's go?" sambit nito saka inilahad ang kamay kaya malugod ko namang tinanggap yon. 

"Hoy saan kayo pupunta?" tanong ni Charrie ng makasalubong namin ito. 

"Star gazing," sagot ko, "Sama ka?" tanong ko rito umiling na lang ito saka tinapik ang balikat ko, 

"Kayo na lang," sagot nito, "enjoy," saad nito saka ngumiti ng nakakaloko kaya inirapan ko ito at ang bruha tatawa tawa lang. 

"Tara na nga," yaya ko kay Chandut saka hinila sya palabas at dahil sa pagmamadali muntik na akong matumba buti na lang at agad akong nasalo ni Chandut. 

"Aray ko," inda ko dulot ng pagkatapilok ko. 

"Yan kase, bakit hindi ka kase tumitingin sa dinadaanan mo?" medyo pagalit nyang tanong saka lumuhod para tignan ang paa ko. 

"Kaya mo pa maglakad?" tanong saka tumingala sa'kin tumango naman ako dito. Tumayo ito saka inalalayan akong pa-ika-ikang lumabas. 

"Dito muna tayo," saad nya ng may makitang upuan kaya inalalayan nya akong umupo. Lumuhod ito sa harapan ko saka kinuha ang paa ko at tinanggal ang sapatos saka dahan dahang minasahe. 

"Masakit pa rin ba?" tanong nito kaya umiling ako bilang tugon habang sya pinagpatuloy ang pagma-massage sa paa ko, medyo nakaramdam ako ng hiya dahil sa ginagawa nya. 

"Hoy upo ka na dito, hindi naman na masyadong sumasakit," saad ko rito kaya tumingin ito sakin. Tinapik ko yung space sa tabi ko para paupuin sya.

"Wag! ako na," saad ko dito ng isusuot nya na sa'kin yung sapatos ko.

"Ako na," pagpupumilit nya kaya naman hinayaan ko na lang ito, nang matapos ay umupo na sya sa tabi ko at tumingala sa kalangitan. 

Tinitigan kong mabuti ang mukha nya, ganito din ang nangyari nung una kaming magkatabi sa upuan. 

"Stop staring at me, Loui." saad nito kaya naman napapahiya akong yumuko, ramdam kong nag-init ang magkabilang pisngi ko na tanda na namumula na ako. 

Ramdam ko pa rin yung tingin nya sa'kin kaya naman nag angat ako ng tingin dito pero laking gulat ko ng gahibla na lang ang layo nito sa mukha ko, nagulat din siguro ito kaya mabilis itong lumayo kaya naman nahulog ito sa upuan. 

Gusto kong pigilan ang pagtawa ng malakas pero bigo ako, malakas ang pagtawa ko habang pinagmamasdan itong pinapagpagan ang damit nyang nadumihan. 

"Ikaw kase bakit ka nanggugulat," saad nito habang nagpapagpag pa rin ng damit. Ako pa talaga sinisi mo? 

"Ako pa talaga sinisi mo 'no? Sino ba may kasalanan?" tanong ko rito saka pinagtaasan ito ng kilay. 

"Ikaw," saad nito na mas lalong ikinataas ng kilay ko. Natatawa kong itinuro ang sarili ko, "Ako pa talaga may kasalanan?" di makapaniwalang tanong ko dito. 

"Oo ikaw," sagot nito. Aba loko ka ah! 

"May ubo ata utak mo!" saad ko dito, ako pa talaga sinisisi ah! Sya nga itong sobrang lapit ng mukha sa'kin eh! 

"Walang ubo, sipon lang," pamimilosopo nito, natawa naman ito sa sarili nito saka umupo sa tabi ko, naiiling iling ko naman itong pinagmasdan. 

"A-Ahm Loui," saad nito saka nagkamot sa batok nya. 

"Oh napano ka?" tanong ko dito. 

"Yung sa twitter..," panimula nito, ay oo nga! Nakalimutan ko na eh pinaalala pa, hays! 

"Oh napano?" 

"Kase ano..," pabitin pa nito. 

"Ano nga? Pabitin amp," natatawa kong sagot. 

"Totoo kase yon," kamot ulo nyang saad saka yumuko na parang nahihiya. Ang cute nya UwU! 

"Weh?" 

"Oo ng—"

"Wehteng," tatawa tawa kong saad. Natawa lalo ako ng maningkit ang mga mata nyang singkit.

"Seryoso nga kase ako," nakangusong saad nito.

"Wag ka ngang magpacute," saad ko dito.

"Hindi ako nagpapacute," sagit nito, "Ul—"

"Sadyang cute talaga ako," saad nito sabay kindat. 

"Ay takte, napakahangin mo naman fafs," natatawang saad ko. 

"Ih Loui naman!" sambit nito sa tonong parang bata. 

"Ano? Napano ka ba?" tanong ko rito.

"Seryoso nga kasi ako," saad nito, "Seryoso saan?" inosenteng tanong ko dito. 

"Seryoso nga ako sa sinabi ko kanina," sambit nito saka hinawakan ang kamay ko. 

"Saan nga? Ang dami mo kayang p—"

"Gusto kita." pagpuputol nya sa sinasabi ko, diretso syang nakatingin sa mga mata ko. 

"Seryoso ka?" tanong ko dito, ay gaga ka? Kanina pa nga sinasabi diba? Haler bobita lang ang peg, inday!? 

"Oo, gusto talaga kita," seryosong saad nito. 

"Eh? Ulol, wag mo nga akong pagtripan!" natatawa kong saad dito. 

"Seryoso nga kase ako," naiinis na nyang saad kaya natawa ako. 

"Anong nakakatawa?" kunot-noong tanong nito.

"Wala naman," sagot ko dito. 

"Seryoso ako," saad nito, "Ows talaga? Hindi ako naniniwala," saad ko dito. 

Nagtaka bakit sya biglang tumayo at lumayo sa'kin. Aba talagang! Anlakas ng loob iwanan ako dito! 

Bigla akong tumayo at akmang susunod dito ng bigla itong sumigaw. 

"LOUISSANA! GUSTO KITA! GUSTONG GUSTO KITA MATAGAL NA!" sigaw nito kaya nanlaki ang mga mata at mabilis na tumingin sa paligid baka may makarinig.

"Hoy Chandut! Ano ba pinag gagawa mo!? Sira ka talaga!" sambit ko dito, naloloka ako sa lalaking ito hays! 

Lumapit naman ito sa'kin ng may matamis na ngiti.

"Ano nan— aray ko naman! M-Masakit Loui! Aray ko bakit kaba nang hahampas?" daing nito, nakakainis sya paano kung may nakarinig non? 

"Bakit mo kase sinigaw? Baliw ka ba?" naiinis na saad ko dito. 

"Baliw sayo," saad nito saka kumindat. 

"Nakaka—"

"Pessoa," tawag ng kung sino kaya nilingon ko ito, nanlaki ang mga mata ko ng matanawan si Franz na nakasandal sa may lamp post at diretsong naka tingin sa gawi namin ni Chandut, napalunok ako ng ilang beses ng magsimula na itong maglakad papalapit sa amin. 

Don't tell me narinig nya yung sinigaw ni Chandut? What the— ay teka ano bang pakealam nya? Eh sya nga itong hindi na ako kinausap simula pa kanina eh! 

Naramdaman ko naman na hinawakan nya ang kamay ko pero hinawakan din ni Chandut yung isa kong kamay kaya ang ending pareho silang hawak ang mga kamay inshort pinag aagawan ako.

Bobita ka talaga ganyan na nga ang sitwasyon, halos magsuntukan na nga ang dalawang yan nagawa mo pang magbiro!

Nabalik ako sa reyalidad ng biglang humigpit ang hawak ni Franz sa braso ko at pilit na inaagaw kay Chandut pero hindi nagpapatalo itong si Chandut kaya hinigpitan din nya ang hawak. 

Pilit kong binawi sa mga ito ang mga braso ko pero ang higpit talaga ng hawak nila, shit baka maputol! 

"Ano ba!? Let m-me go! Nasasaktan ako! Ano ba!" sigaw ko pero parang wala silang narinig diretso lang silang nakatingin sa mata ng isa't isa na animo'y sa paraan na iyon sila nag-uusap. 

Mas lalong humigpit ang hawak ng mga ito sa'kin at naluluha na ako sa sakit kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay wala ding nangyayari kaya naman walang alinlangang sinipa ang kanilang junjun dahilan para mabitawan nila ako at lumanding damuhan. 

Napakislot naman sila dulot ng pagsipa ko sa kanilang mga junjun. Habang ako ay nakasalampak dito sa damuhan at mangiyak ngiyak dahil sa hapdi ng mga braso ko at sa biglaang pag-upo sa damuhan. 

Kung minamalas ka nga naman, ang sakit na nga ng mga braso ko dahil sa mahigpit nilang pagkakahawak tapos bigla naman akong napaupo sa damuhan hutek ang sakit sa puwet ah! 

Dahan dahan akong tumayo pero muntik akong matumba pero buti na lang ay may mabilis na mga kamay na humawak sa'kin. Pag-angat ko ng tingin sila Franz at Chandut pala ang mga iyon kaya agad akong tumuwid ng tayo at tinulak sila. 

"Pessoa/Loui," takang tawag nila sa'kin.

"Y-Yung braso mo," saad ni Franz habang nakatingin sa braso ko na sobrang hapdi, "D-Dumudugo," dugtong naman ni Chandut. Napangisi na lang ako ng makita iyon ang mga braso kong namumula at may kaunting dugo dahil sa pagbaon ng mga kuko nila.

"Wag kayong lalapit!" sambit ko sa mga ito ng akmang lalapit sila sa pwesto ko, nakita ko sa mga mata nila ang pag-aalala pero wala na akong pake mabilis kong nilisan ang lugar saka nagtungo sa loob ng venue narinig ko pang tinawag nila ako pero dire-diretso lang ako sa paglalakad. 

"Where have you been?" kunot noong tanong ni kuya ng makalapit ako sa table namin. 

"Outside," sagot ko dito saka nagsalin ng wine sa wine glass. 

"What the fudge, kuya!" inis na sambit ko ng matapon sa'kin ang wine dahil sa biglaan nyang paghablot sa braso ko. 

"Sinong may gawa nito? Nakipag-away ka ba ah?" pagalit na tanong niya. 

"Hey what's wrong? What happened?" tanong ni Charrie na kababalik lang sa table namin. 

"Hey bro, teka anong nangyari sa braso mo?" tanong ni Charlie ng makita ang braso ko na hawak hawak ni kuya. 

"Sino ang may gawa nito?" madiing tanong ni kuya sa'kin. 

"Wala, malayo sa bituka yan hindi ko ikamamatay yan," sagot ko saka binawi ang braso ko sa pagkakahawak nito. 

"Where are you going?" tanong nito ng tumayo ako, "Mom," sagot ko saka umalis para pumunta kila mom. 

"Mom," tawag ko sa aking ina habang masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nito. Nang mabaling ang kanilang atensyon sa'kin ay yumuko ako ng bahagya upang mag bigay galang sa mga ito. 

"Hey sweetie," saad ni mom saka tumayo para lapitan ako. 

"Wait a minute, Loui is that you? Oh my god you look like a international model!" nakangiting saad ni Auntie Zia habang nakatingin sa'kin.

"Thankyou po," nakangiting sagot ko dito, sana naman hindi nya mahalatang natapunan ako ng wine. 

"Loui! Come here give me a hug, iha!" masayang saad ni tita Francine. 

"Ahm, natapon po kase yung wine sa'kin eh," sagot ko dito pero tinawanan nya lang ako at sya na ang yumakap sa akin kaya naman niyakap ko na din sya. 

"You know what, iha. Botong boto ako na ikaw ang makatuluyan ng anak kong si Franz," saad nito habang hinahaplos ang buhok ko. Humiwalay na ito ng yakap sa akin kaya nginitian ko na lamang ito. 

"Ah by the way mom, i want to go home na," saad ko kay mommy ng mabaling ako dito.

"Why? Hindi ka na ba nag-eenjoy?" tanong nito saka hinawakan ang likod ko. 

"No, mom. I need to take a rest besides i'm tired na din," saad ko dito kaya naman tumango na ito. 

"Magpapahatid na lang po ako kay kuya," dagdag ko kaya naman napahinga sya ng malalim. 

"Alright, take care okay? Susunod na din kami mamaya," saad ni mom saka humalik sa aking noo. 

"Una na po ako," paalam ko sa mga kaibigan ni mom saka yumuko ng bahagya, "Take care, iha," saad ni tita Francine.

"Yes po tita, bye po," paalam ko sa mga ito. Humalik muna ako kay mommy bago tuluyang pumunta sa table namin. 

"Kuya? I want to go home na," saad ko dito, huminga naman sya ng malalim saka tumayo.

"Uwi na kayo?" tanong ni Charrie kaya naman tumango kami. 

"Alright, sama na din ako, inaantok na ako eh," sambit nito saka tumayo. 

"Hindi pa uuwi si Charlie?" tanong ko dito, umiling lang ito saka itinuro kung nasaan ito. 

"Hayaan muna natin syang mag-enjoy, para hindi na yan mag-drama tomorrow," natatawang sambit nito, kumaway kami ng madako ang tingin ni Charlie sa amin kaya kumaway na din ito pabalik. 

"Magpaalam muna tayo kay lolo," saad ni kuya ng matanawan namin silang naguusap kasama nila Dad at mga business partners siguro nila. 

Nagsiyuko kami ng bahagya nang makalapit na kami sa mga ito. 

"Oh by the way this is my grandson and grand daughters," pakilala ni lolo sa amin kaya naman ngumiti ako. 

"This is Louis Khent, Louissana Pessoa, Charrie Axe." pakilala ni lolo sa mga business partners nila, "And this is Charlie Jem," dugtong ni lolo ng dumating si Charlie. 

"Nice meeting you all," saad nung naka blonde yung buhok kaya tumango lang kami.

"We're going home now," saad ni kuya. 

"Inaantok na kami dad," saad ni Charrie kay tito Charles. 

"Nagpaalam na ba kayo sa mommy nyo?" tanong ni tito Charles kay Charrie. 

"Nagtext na po ako sa kanya," saad nito na ikinatango na lang ng ulo ni tito Charles. 

"Alright take care, dahan dahan sa pagmamaneho ah," bilin ni dad.

"Yes dad, mauna na po kami," sagot ni kuya kaya tumango na lang si dad. 

"Mag-iingat kayo, sige na umuwi na kayo at magpahinga," saad ni lolo kaya naman tumango na lang kami. 

"Mauna na po kami," saad ni Charlie saka yumuko ng bahagya kaya naman yumuko na kami ng bahagya at nagsimula ng maglakad paalis. 

"Pessoa," tawag ni Franz na naghihintay sa may pinto.

"I need to take a rest, next time na lang Franz," saad ko rito kaya tumango na lang sya.

"Uuwi na ba kayo?" tanong nito, "Yes," sagot ko dito. 

"Loui!" tawag ni Chandut habang papalapit sa amin. 

"Uuwi ka na ba? Hatid na kita," saad nito kaya naman pinagtaasan ko ito ng kilay.

"No need bro, ako ng bahala sa kanya, so mauna na kami sa inyo," saad ni kuya habang nagpapalit palit ng tingin sa dalawa. 

"Take care," saad ng mga ito, mabilis akong naglakad papunta sa kotse ganun din si kuya na mabilis ini-start ang engine.

"Grabe naman kayo sa dalawa na iyon, halatang may tensyon eh," saad ni Charlie na kakaupo lang sa backseat katabi ni Charrie.

"Hayaan mo na lang, by the way bakit agad kang umalis? Bakit mo naman iniwan mga chix mo duon?" tanong nito ni kuya habang nagmamaneho. 

"Pake ko sa kanila? Ang boring nilang kasama," sagot ni Charlie saka sumandak at ipinikit ang mata. 

Naalala ko hindi pa pala kami nakapag paalam kay Gracey kaya naman chinat ko ito pero offline nakita ko naman na active si Gerphil kaya sya na lang ang chinat ko. 

To: Gerphil

Hey sorry kung hindi kami nakapagpaalam kanina ah, 

From: Gerphil

Nandyan na ba kayo sa bahay? 

To: Gerphil

Wala pa kakaalis lang namin, why? 

From: Gerphil

Awts gege. 

Napailing na lang ako ng mabasa ko ang reply nya, ewan ko ba sobrang sikat ng linyang 'awts gege' sikat na sikat kaya nga tuwing nag s-scroll ako sa newsfeed ko halos yan na lang nakikita or nababasa ko. 

"We're here," saad ni kuya, nakita ko si Charrie at Charlie na nakatulog na kaya ginising ko na ang mga ito, as usual si Charlie ang nagising habang si Charrie ay mahimbing ang tulog. 

"Sige na pumasok na kayo ako ng bahala sa babae na 'to," sambit ni Charlie kaya tumango na lang ako at pumasok sa loob ng bahay. 

"Pakikuha yung First Aid." utos ni kuya sa isang kasambahay dito na mabilis naman nitong sinunod. 

"Ito na po, sir." abot ng babae ng first aid kit kay kuya mabilis namang kinuha yon ni kuya ay kinuha ang braso ko at ginamot iyon. 

"Umamin ka nga sa'kin si Franz at Gav ang may gawa nito?" tanong nito habang marahan ang oag gamot sa sugat ko. 

"Kase ano... Dumating kase si Franz tapos sa tingin ko narinig nya yung sinigaw ni Chandut—"

"Ano yung sinigaw nya?" kunot-noong tanong nito sa'kin.

"Aish patapusin mo muna kase ako," saad ko dito kaya naman tumango na lang ito. 

"So ayun nga, sa tingin ko nga narinig nya yon tapos lumapit sya sa'min, hinawakan nya yung braso ko tapos hinila papunta sa kanya pero hinawakan naman ako ni Chandut yung isa kong braso," pagkukwento ko dito. 

"Oh tapos?"

"Tapos yun parang nag-uusap sila gamit yung tingin nila sa isa't isa mas lalong lumala yung tensyon sa pagitan nila kaya humigpit ng humigpit ang hawak nila, pilit akong kumawala pero hindi ko magawa kase ang higpit ng pagkakahawak nila, akala ko nga may balak silang putulin yung braso ko eh," saad ko dito. Nag-angat naman ito ng tingin ng matapos ang ginagawa nya.

"Paano ka nila nabitawan?" tanong nito saka kumuha ng bandages sa lalagyan at sinimulang ibandage ang sugat ko. 

"Sinipa ko junjun nila, kahit sumigaw ako wala ding nangyari eh kaya naman ginamit ko na yung huling alas ko y—"

"Ang sipain ang kanilang junior," pagtutuloy ni kuya kaya natawa na lang kami. 

"Sila naman may kasalanan dun eh," saad ko dito. 

"Sige na matulog kana, alam kong pagod ka eh," sambit ni kuya habang inililigpit ang first aid kit na ginamit namin. 

"Antagal nyo, tapos na ako sa pang gagamot dito ngayon lang kayo pumasok," wika ni kuya sa dalawa na kakapasok lang.

"Paano ba naman ang tagal nya gumising, para namang hindi natutulog, " reklamo ni Charlie 

"Hoy masyado ka kasing ano eh, nandun na eh, nananaginip na ako bigla bigla ka na lang nanggigising," singhal ni Charrie kay Charlie.

"Sige na umakyat na kayo ni Loui sa taas, tuloy mo na ulit pagtulog mo," saad ni Charlie na kinatango naman ni Charrie.

"Let's go," saad nito sa'kin saka umakbay. 

"Mag half bath kana," saad ko dito ng makapasok kami sa kwarto agad naman itong knagtanggal ng sapatos at kumuha ng damit saka pumasok sa cr. 

Tinanggal ko din yung sapatos ko at nag online, andaming chat lalo na sa gc namin magka-kaibigan. 

*Ting!*

Nagchat si Franz, ano na naman kaya? 

From: Franz 

Hoy Pessoa?

To: Franz

Oh? 

Ohctupus

From: Franz

Sorry na🥺

To: Franz

Saan? 

Darating.

From: Franz

Pessoa naman, sorry na nga kase. 

To: Franz

Awts gege

From: Franz

Isa, pupuntahan talaga kita kung nasaan ka.

To: Franz 

Sige nga, teleport ka muna.

From: Franz

Umayos ka kase, sorry na nga po. 

To: Franz 

Maayos naman ako ah, ghe ligo muna ako bye.

Pagkasend ko ng last message ay chinarge ko muna ang cellphone ko at kumuha na din ako ng damit ko. Paglabas ni Charrie ay agad akong nagtungo sa cr, tinanggal ko yung bandage at mabilis na naligo after that nagcleanse ako ng mukha ko para maremove ang make-up. 

Simpleng black and white na longsleeve at gray na shorts ang suot ko, ginawa kong messy bun ang buhok ko at ginawa ang skin care routine ko. 

Excuse me darlin'i have a message from you~

From: Kuya

May bisita ka bumaba ka na dito. 

Sino naman kaya ang sira ulong pupunta ng ganitong oras? 11 pm na lahat lahat hindi ba pwedeng ipagpa bukas na lang yon? 

To: Kuya

Alright. 

Pagkasend ko ng message ko ay bumaba na ako kahit naka facial mask ako nakasalubong ko si Charlie sa may hagdan.

"Sino yung dumating?" tanong ko dito halos mabitawan nya yung phone nya nung makita ako. 

"The fuck! Bakit ganyan kase mukha mo, nagulat ako ah," saad nito habang hawak dibdib nito. 

"Sorry naman, so sino nga yung dumating?" tanong ko dito. 

"Ikaw na ang tumingin, matutulog na ako," saad nito kaya tumango na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. 

"Kuy—"

"What the fuck! Bakit ka ba nanggugulat!" sigaw nito sa'kin, "Hindi kita ginulat no," saad ko dito. 

"At yang nasa mukha mo," saad nito saka sabay turo sa suot kong facial mask, "Alisin mo nga yan, mukha kang multo," dugtong nito napa tsk na lang ako. 

"Sa labas sa tabi ng tree house, please lang tanggalin mo yan baka maatake sa puso yon," nakangiwing sambit nito kaya naman inis kong tinanggal yung mask na suot ko at itinapon sa trash bin. 

Mabilis akong lumabas ng bahay at pumunta sa sinabi kuya, nakita ko sya na nakaupo at magulo ang buhok.

"Alam mo ba kung anong oras na?" tanong ko dito ng makalapit ako nag angat naman ito ng tingin sa akin.

Saan ba sya galing? Nakipagsuntukan ba ito? 

"Pessoa..." tawag nito saka mabilis na hinapit ang bewang ko at niyakap ako, what the heck!? Yung ulo nya nasa tummy ko nakikiliti ako powta! 

"F-Franz," tawag ko dito tumingala naman ito sakin habang nakapalibot pa rin ang mga kamay nya sa bewang ko. Dahan dahan nyang tinanggal ang mga kamay nya at tumayo, matangkad sya kaya naman napatingala ako. 

"Umuwi ka na, anong oras na eh. Magpahinga ka na bukas na lang," saad ko dito pero umiling lang ito. 

"Franz bukas na lang, gabi na kailangan mo ng matulog at yang mga sugat mo saan mo naman galing yan aber? Nakipagsuntukan ka?" taas kilay kong tanong dito habang nakapamewang. 

"Sorr—" hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita, hinila ko sya papasok sa bahay at pinaupo sa couch kinuha ko din yung furst aid kit na ginamit ni kuya. 

"Kanino ka ba nakipagsuntukan?" tanong ko dito habang nililinisan ang sugat nya.

"A-Aray," inda nito, "Yan kaninang nakikipagsuntukan hindi uma-aray ngayon namang ginagamot aray ng aray, gusto mo dagdagan ko pa yang mga sugat mo ah?" mataray kong saad dito. 

"Dahan da—aray naman bakit mo naman pinakadiin," reklamo nito saka inilayo ang mukha nito. 

"Ano masakit? Akin na nililinis ko pa eh!" sambit ko dito saka hinawakan ang mukha nya at itinuloy ang pag gagamot. 

Lakas ng loob makipag away kapag ginamot naman yung sugat aaray aray tsk! 

"Hoy anong ginagawa nyo!" saad ni kuya na bigla bigla na lang sumusulpot. 

"Nagsusuntukan siguro," pilosopong sagot ko kaya naman binato ako ng unan. Kaya naman tinignan ko ito ng masama.

"Aray ko ah! Malamang ginagamot 'tong sira ulo na to," saad ko saka bumaling kay tukmol na ngayon ay ang lawak ng pagkakangiti. Pinagtaasan ko ito ng kilay kaya naman nag-iwas ito ng tingin, inilapit ko ang mukha ko para magamot sya ng maayos pero may isang hangal ang tumulak sa akin muntik ko tuloy mahalikan. 

"Kuya! Maghintay ka taena ka! Yari ka saken!" sigaw ko dito habang nakatingin ako ng masama dito habang ang loko tatawa tawa lang na umakyat sa taas. 

"Anong tinatawa tawa mo dyan?" tanong ko dito kay tukmol ng marinig itong tumawa mabilis kong tinapos ang pag gamot dito at iniligpit ang ginamit ko. Binalik ko ang first aid kit at tinapon ko din ang mga bulak na ginamit ko sa trash bin naghugas ako ng kamay at nag sanitize, kinuha ko rin ng tubig itong si tukmol dahil baka madehydrate at advil dahil amoy na amoy ko ang alak na ininom nito. 

"Oh inumin mo muna yan," saad ko saka inabot ang baso ng tubig at advil pinaktitigan nya muna iyon ng matagal bago kinuha at ininom. 

Nakatingin lamang ako dito habang umiinom sya, may naglandas na patak ng tubig at tumulo papunta sa baba nya hanggang sa leeg, yung adams apple nya na makikita mo kung paano ang pag angat at pagbaba. 

Sh*t ang hot nya! Ano kayang itsura kapag naka hub— ow shit bad! 

Namula ako sa naisip ko kaya naman nag-iwas ako ng tingin, what the fuck! Ano ba pinag iisip ko!? 

Ramdam ko ang tingin nito sa'kin kaya naman binalingan ko ito nakita ko naman itong diretsong nakatingin sa'kin napansin ko din na naka unbuttoned yung dalawang butones ng polo nya.

"W-What?" tanong ko dito. Hutek bakit ba ganyan sya tumingin? Hindi ko matake ang pagtitig nya.

"Why are you blushing?" tanong nito kaya naman nag-iwas ako ng tingin, "A-Ano hindi naman a-ako nag bablush eh," sagot ko dito habang nakaiwas ng tingin naramdaman ko ang paglapit nya kaya naman napalunok ako ng ilang beses, naramdaman ko din ang kamay nya na humawak sa bewang ko. Gosh ano ba binabalak nito? 

Hinawakan nya ang mukha ko at hinarap sa kanya unti unting lumapit ang mukha nya sa akin, napapikit na lang ako ng maramdaman ang mga labi naming nagkadikit. Mabilisang halik lang ang iginawad nya at pinagdikit ang noo namin.

"F-Franz," sambit ko sa kanyang pangalan habang nakahawak sa balikat nito, halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha namin kaya naman pumikit na lang ulit ako. 

"Say it again, Pessoa," bulong nito kaya naman tiningnan ko ito nakita kong nakatingin din ito kaya naman nilayo ko ang mukha ko. 

"A-Ano?" 

"Sabihin mo ulit ang pangalan ko," saad nito.

"Franz... Franz Leveque," saad ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata nya, nakita ko naman kung paano ito ngumiti. Niyakap nya ako ng mahigpit kaya naman niyakap ko din ito.

"Ayo—"

"I love you,"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • PILOSOPO    Chapter 23

    Franz P.O.VLumipas ang mga araw na hindi ko binibisita si Pessoa sa ospital, ilang araw na din ang lumipas nung mahit and run sya at hanggang ngayon hindi pa rin mahanap ang salarin. Da*n i miss her so much."Hey, ano tutunganga ka na lang dyan?" tanong nitong si Jason.Nag tsk na lang ako at hindi na ito pinansin, dumating na yung teacher namin sa science kahit anong gawin nyang discussion, kahit anong gawin kong pagfofocus sa ginagawa nya nauuwi pa rin ito sa pag-iisip ko kay Pessoa."Mr. Del Fuego!" sigaw nito kaya napatingin ako dito, "Yes, sir?" tamo ko rito."Saan na napunta ang isip mo? Ilang beses ko ng tinawag ang pangalan mo pero parang di mo naririning!" galit na sigaw nito kaya napayuko na lang ako."Stand up, Del Fuego!" utos nito kaya tumayo ako."What is the meaning of Pinocytosis?" tanong nito kaya nag angat ako ng tingin.

  • PILOSOPO    Chapter 22

    Althea's P.O.V"Gaga ka talaga ayaw mo n'on kasama mo si crush?""Manahimik ka nga! Tigilan moko sa crush crush na yan ah," sambit ko dito narinig ko namang tumawa ang bruha."Oo na, oh makakapunta ka ba? Sabihin ko na lang hindi ka makakapunta dahil nasa ospital ka ngayon," saad nito sa kabilang linya."Pupunta ako baka may impirtante kayong gawin, vice president pa naman ako tapos ako yung wala," angal ko, bakit kase biglaan ang meeting?"Wag na, ako ng bahala, enjoy your time with your crush," argghhh! Mapang-asar talaga itong bruha na 'to kahit kailan."Heh shut up, pupunta ako malelate lang ako, start the meeting with or without me," saad ko dito."Yes ma'am, seeyou,""Seeyou," saad ko saka ibinaba ang tawag."Kuya," tawag ko sa kapatid ko, "Why?" tanong nito."I need to go, we

  • PILOSOPO    Chapter 21

    Someone's P.O.VNandito ako sa may puno nanonood ng nangyayari sa ibaba, may mabilis na kotse na bigla na lang sumulpot at nabundol nito si Loui, ang lakas ng impact sapat na siguro para matandaan na nya lahat ng alaala nya. Nagsigawan ang pamilyang Noriel ng masaksihan ang nangyari, nakahandusay ngayon ang duguang katawan ni Loui sa kalsada habang ang nakasaga sa kanya ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan.*Ring*Ring*Ring~*Kinuha ko ang telepono ko at tinignan kung sino ang tumatawag, napangisi na lang ako ng makita ang pangalan nito. "Goodjob, Hector," saad ko dito. "Sa abandunadong building," saad nito saka pinatay ang tawag. "Tara na baka mapansin na nila tayo," saad ni Ion sa akin kaya tahimik kaming bumaba sa puno. Aalis na sana kami ng makita namin si Cyren na diretso ang tingin sa amin habang papalapit. Tsk, tignan mo nga na

  • PILOSOPO    Chapter 20

    Louissana's P.O.VPagkatapos naming maglunch, nag-empake na kami ng gamit dahil uuwi na kami sa Bulacan.Habang nag-eempake ako ng gamit ko may nakita akong pamilyar na papel kaya pinulot ko ito at tinignan kung ano yung nakasulat.Ng buksan ko ay wala namang nakasulat dito pero napansin kong kapag tinapat sa liwanag ay may nakulat na zodiac sign? Teka aquarius to ah!"Hoy ano yan?" tanong ni Charrie saka lumapit sa akin."Aquarius? Saan mo naman galing 'to?" tanong nitong muli."Nakita ko lang dito," sabay turo sa side table "Magic pen yung ginamit nya," dugtong ko."Kaya nga, yun yung binibili natin nung elementary days natin, meron pa ngang barbie, spongebob, spiderman, syempre yubg favorite mong hello kitty," pagpapaalala nito, napa-iling na lang ako sa tinuran nya."Ay naalala ko pa! Nakipag away ka pa n'on kay Carla kase

  • PILOSOPO    Chapter 19

    Charrie P.O.V"Mother f*cker!" ah sh*t! Napabalikwas ako ng bangon ng bigla na namang sumagi sa isip ko yung nangyari kagabi."Ah sh*t!" mura ko ng biglang sumakit ang ulo ko naramdaman ko namang gumalaw itong katabi ko kaya naman napatingin ako dito, ang himbing tulog ah? Anong oras na ba?"Alas otso na pala," bulong ko saka maingat na umalis sa kama at kumuha ng damit para maligo.FlashbackMay naramdaman ako na humahaplos sa paa ko pero hindi ko na pinansin yon baka si Loui lang or pinagtitripan na naman nila ako.Kalaunan tumigil na rin ito saka humiga sa tabi ko syempre akala ko si Loui kaya niyakap ko sya, nangunot yung noo ko ng maamoy yung gamit nyang pabango. Hindi mahilig sa panlalaking pabango si Loui, imposibleng si Charlie 'to dahil hindi naman sya tatabi sa'kin lalong lalo na si Louis.Nagmulat na lang ako ng ma

  • PILOSOPO    Chapter 18

    Louissana's P.O.VNaka upo kaming dalawa ni kuya dito sa sala habang nanonood ng anime. Hindi pa rin mawala sa isip ko si tukmol at yung mga nangyari kanina."I love you,""I love you,"WaAahh bakit ba kase ganon si tukmol ang hilig magbigay ng sakit sa ulo at ang hilig nya akong pinag iisip hays, ay oo nga pala nakita kaya ni kuya yung nangyari kanina? Sana naman hindi jusmiyo baka isumbong ako kila eomma."Gusto mo?" tanong ni kuya saka inabot yung bowl ng popcorn? Teka saan ba nya nakuha yung popcorn eh wala naman ganyan dito sa bahay."Ano titigan mo na lang yan?" masungit na saad nito kaya naman kumuha na ako."Saan mo naman nakuha yung popcorn, aber?" takang tanong ko dito habang nakatingin dito."Secret," sambit nito saka tumawa tss mabulunan ka sanang aso ka!Nagulat ako ng bigla itong umub

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status