LOGINNaghahanap ako ng rides na masasakyan ko ng may biglang umakbay sa akin. Agad kong siniko ang sikmura ng kung sino mang umakbay sa akin.
"Araaayy" biglang sigaw ni Lux.
"Ano ba kasi trip mo at may paakbay akbay ka pang nalalaman?!" Galit na tanong ko sa kanya.
"Nagsosolo ka kasi baka nakalimutan mo na kasama mo kami kaya nilapitan kita"
"Hindi ako makakalimutin naghahanap lang ako ng magandang rides na sasakyan. Layuan mo nga ako" tulak ko sa kanya palayo.
"Ito naman kung may tampuhan kayong magkakaibigan baka pwede itabi niyo muna birthday ni Ems tapos ganyan kayo. Tsk tsk" pumunta agad siya kila Ems pagkatapos niya magsalita.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at naghanap ng magandang masasakyan. Nang wala ako mahanap at naisipan ko na maupo muna sa isang bench doon para magpahinga. Nagulat ako ng may magabot sa akin ng tinapay at juice. Agad kong tinignan kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na nakita ko.
"Para saan naman yan??" Walang ganang tanong ko pagkakita ko kay Mira.
"Peace offering. Sorry na kasi joke lang naman yung sinabi ko kanina eh"
"Tss. Jokes are half meant so kung ayaw niyo sa akin sabihin niyo lang hindi na ako magpapakita sa inyo" masungit na sabi ko sa kanya.
Nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin. Ang bigat at mukhang lahat sila eh nakiyakap na rin.
"Uy magbabati na yan" banat ni Anne.
"Sus hindi niyo rin naman matitiis ang isa't isa" sabi naman ni Melanie.
"Birthday gift niyo na sa akin kapag nagbati kayo" si Emily naman ang nagsalita.
"Swerte mo birthday ni Ems kung hindi sinasabi ko sa iyo hindi talaga kita kakausapin. Hindi nakakatuwa yang banat mo" sabi ko kay Mira.
"Labyu Jan" humalik pa ang bruha sa pisngi ko.
"Kadiri ka naman may paghalik ka pang nalalaman" sita ko sa kanya.
"Ibang klase talaga kayong magkakaibigan ano?? Konting lambingan ayos na" sabi naman ni Kevin.
"Syempre naman mahirap kaya maggala at magenjoy kapag may tampuhan ang iba" si Melanie ang sumagot kay Kevin.
"Sana ganyan din tayo tol ano??" Baling ni Kevs kay Lux.
"Asa pa brad" sabay tapik sa braso ni Kevs.
Nakiupo rin sila saglit at sinamahan ako magpahinga. Maya maya nag umpisa na kami pumila sa mga rides para magenjoy.
"Doon naman tayo oh" turo ni Ems sa Sky Cruiser.
Nagpuntahan agad kami doon.
"Sabi nung babae na nanggaling doon kanina ay matatanaw mo raw ang taal lake habang nasa taas ka" sabi ni Kevs.
"Akalain mo yun may nakakwentuhan ka kaagad hahaha" sabi ko sa kanya.
"Naks good mood na ah" pang-aasar ni Lux.
"Subukan mo sirain mood ko mauupakan kita" pagsusungit ko sa kanya.
Nagtawanan naman ang iba naming kasama at tsaka sumunod papunta sa rides na itinuro ni Ems kanina.
~~~After 3 hours~~~
"Nakakapagod" saad ko matapos maupo sa malapit na bench.
"Bili muna kami pagkain ah" paalam ni Lux.
"May pakinabang ka rin pala" sabi ko sa kanya.
"Oo naman basta ba andyan ka lagi ako may pakinabang" then he winked at me.
Kinilig naman ang mga bruha kong kasama samantalang ako ay naiinis na sa pagmumukha niya.
"Just go and buy some foods nakakairita mukha mo" inis na sabi ko sa kanya.
Umalis na sila ni Kevin na tumatawa pa. Gustong gusto talaga nila kapag nakikita akong naiinis.
"Ikaw Jan kakaganyan mo kay Lux di na ako magtaka kapag sa huli eh mahuhulog ka" sabi ni Ems pagkaupo niya sa tabi ko.
"Guys I want to live my life the way I wanted it to be. No stress and no heartbreaks just fun"
"Pero hindi mo rin masabi.. Mapaglaro ang tadhana pakatandaan mo yan"
"I know that in the game of love the first one to fall lose.. Mukha ba akong nakikipaglaro?? Ayaw ko nga muna ng love na yan kita niyo naman pinagdaanan ko diba?? Besides be practical in life enjoy every moment while it last. Basta masaya ako sa kung ano meron ako tapos"
"Pero paano kung gusto ni Lux maging parte ng buhay mo papayagan mo ba??" Tanong ni Mira.
"Big N-O.. ayaw ko mastress araw araw dahil sa kanya na walang ibang inatupag kung hindi ang magloko at mang-asar" inis na sabi ko sa kanila.
"If you say so" sabi naman ni Anne.
Nanatili muna kaming tahimik hanggang sa makarating ang magpinsan. Nag-umpisa na kami kumain para makapagpahinga at makasakay ulit sa rides.
"Thank you for this day guys" savi ni Ems habang papunta kami sa parking lot.
"Anything for you" sabi naman ni Kevin.
"Uy mukhang may something" banat ni Mira.
"Siraulo ka talaga! Tara na nga uwi na tayo inaantok na ako"
We went back sa hotel na tinitigilan namin. Pumasok agad kami sa sarili naming kwarto para makapagpahinga. Maya maya nagshower lang ako dahil pakiramdam ko nanlagkit ako sa dami ng sinakyan namin. After ko magshower nahiga na ako sa kama at nagpaantok na.
*Knock* *Knock*
"Pasok" sabi ko matapos marinig na may kumatok.
"Jan may nagpapabigay nga pala" sabay abot sa akin ni Kev ng regalo.
"Bakit sa akin mo binibigay yan?? Si Ems ang may birthday hindi ako" takang tanong ko sa kanya.
"Pinapabigay ni Lux yan peace offering sa mga pang-aasar niya raw sa iyo"
"Bakit hindi siya ang mag-abot??" Takang tanong ko ulit sa kanya.
"Baka raw kasi upakan mo na siya at hindi mo tanggapin kapag siya nagbigay"
Wala naman siguro masama kung kukunin ko diba?? Peace offering naman daw
"Okay sige pakisabi na lang sa kanya salamat" nakangiting sabi ko sa kanya.
Tumango lang siya at lumabas na ng kwarto ko. Bumalik naman ako sa kama at ipinatong sa bed side table ko ang regalo.
Ano kaya nakain non at nagbigay ng regalo?? Hindi ko naman birthday..
Kinuha ko ang phone at earphones ko para makinig muna ng music at ng ako ay antukin na rin.
Now playing: Dive by Ed Sheeran
Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan lang ang sarili ko na ihele ng ritmo ng kanta. Nakaugalian ko na kapag hindi ako makatulog ay nakikinig ako ng mga kanta na nakakarelax. Maya maya ay namalayan ko na lang na nakatulog na pala ako.
--Kinabukasan--
Minulat ko ang mga mata ako at nagunat na.
"Good morning world!" Masayang bati ko pagkabangon ko sa higaan.
Nagtungo ako sa veranda upang tanawin ang pasikat ng araw. Nilanghap ko ang sariwang hangin na nagmula sa labas. Maya maya ay pumasok na ako at nagumpisa ng maligo. Nagsusuot ako ng sapatos ko ng may biglang kumatok.
"Jan gising ka na ba??" Tanong ni Anne.
"Oo palabas na ako sandali" sagot ko sa kanya.
Patayo na sana ako ng mahagip ng mata ko ang regalo na inabot sa akin ni Kevs kagabi. Inilagay ko na lang ito sa bag at napagdesisyonang huwag na munang buksan.
"Good morning" masayang bati ko sa kanila pagkalabas ko ng kwarto
"Ganda ng gising ah hahaha good morning din"
"Mukhang kumpleto ang tulog mo ah"
"Nakapagpahinga lang ng ayos kaya maganda ang gising ko haha"
Agad akong naupo sa lamesa at nagsalin ng hot choco. Inaayos naman ni Melanie ang mga pinggan namin para makapagumpisa na kaming kumain.
"Saan niyo gusto maggala??" Tanong ni Kevin.
"May swimming pool ba dito??" Tanong ko sa kanya.
"Ay dahil tinanong ni Jan about dyan parang mas gusto ko nga magswimming" sabi naman ni Ems.
"Meron naman pool dito pagkatapos natin kumain ay magpapaschedule ako sa baba para makapagswimming tayo hanggang gabi" sabi naman ni Lux.
"Ang bait mo talaga Lux" puri sa kanya ni Mira.
"Mabait naman talaga ako" nakangising sabi niya.
"Ang hangin talaga dito" sarcastic na sabi ko.
"Oh kumalma na baka masira mood ni Jan nako maudlot pa swimming natin" pang-aasar ni Ems sa akin.
Hindi ko na sila pinansin at nagumpisa na ako maglagay ng pagkain sa pinggan ko. Hinayaan ko na lang sila mag-ingay kesa masira ang magandang gising ko.
"Hala pano tayo magswimming wala tayo damit panglangoy?" Biglang sabi ni Ems.
"Nasa bag ko mga rushguards niyo kinuha ko kahapon bago tayo umalis ng bahay niyo" sabi ni Anne sa kanila.
"Iba talaga ang girlscout hahaha"
"Tss. Kayo pa ba?? Eh sa lahat ng gala natin swimming nauudlot dahil kinakalimutan niyo dalhin mga panlangoy niyo"
"Ikaw talaga savior namin Anne"
Nagtawanan naman kami pagkasabi ni Melanie non. Mahilig kami magswimming pero hindi natutuloy minsan dahil mga makakalimutin na mga kaibigan ko. Kaya para matuloy ako na nagdadala ng mga gamit na nakakalimutan nila para naman matuloy mga plano naming mangyari.
Pumasok ako sa kwarto pagkatapos ko kumain at nagpalit na kami ng damit naming panglangoy para mamaya ay maliligo na lang.
"Oh ayan na magpalit na kayo para mamaya ay bababa na lang tayo" sabay abot ni Anne sa amin ng rushguards.
Naupo muna ako sa sala at nanood ng tv habang hinihintay sila matapos magayos ng mga dadalhin namin sa pool mamaya para hindi hassle na babalik pa kami dito. Maya maya lang ay nakumpleto na kami.
"Everything set??" Tanong ko sa kanila. Agad naman silang tumango.
"Let's go!" Masayang sabi ni Lux.
Bumaba na kami para makapagswimming. Time to beat the heat!
"Guys kainan na tara muna dito" anunsyo ni Mel.Agad kami nagsipagahunan at nagtungo agad sa lamesa at humanap ng maayos na pwesto."Basta pagkain naguunahan kayo" natatawang sabi ni Mel."Hindi naman naguunahan lang makaupo doon sa upuan na hindi masyado tatamaan ng sikat ng araw" natatawang sabi ko."Naks panay tawa natin ah" pang-aasar ni Lux."Ganyan talaga yan pag nakakita ng pagkain walang makakasira ng mood" sabat ni Ems.
Pagkarating namin sa pool ay agad naming inayos ang mga dala namin sa kalapit na table. Ang iba ay nagsipagliguan na agad."Sino sa inyo nagdala ng mga gamit ko nga pala?? Sa pagkakatanda ko wala ako inayos eh" tanong ko sa kanila pagkalapit namin sa pool."Si Ems kumuha ng mga damit mo habang tulog ka pa tutal may susi siya ng kwarto niya. Tapos may extra bag si Anne kaya doon na lang nilagay gamit mo" paliwanag ni Mira.
Naghahanap ako ng rides na masasakyan ko ng may biglang umakbay sa akin. Agad kong siniko ang sikmura ng kung sino mang umakbay sa akin."Araaayy" biglang sigaw ni Lux."Ano ba kasi trip mo at may paakbay akbay ka pang nalalaman?!" Galit na tanong ko sa kanya."Nagsosolo ka kasi baka nakalimutan mo na kasama mo kami kaya nilapitan kita"
Mabuti naman at nakisama ang panahon sa pagiikot namin dito sa labas. At mabuti rin at nakisama si Lux dahil gusto ko ng tahimik na pagiikot sa paligid. Nagpunta ako sa garden na nakita ko malapit sa hotel at naupo sa swing."Are you always like that??" Takang tinignan ko si Lux dahil sa tanong niya."Like what??" Inosenteng tanong ko sa kanya."Ganyan. Tahimik, lagi na lang isang tanong isang sagot"
Ako lang ata ang hindi nakakakilala sa lalaking katabi ni Kevin dahil lahat sila ay nakangiti sa kanya. I offered an awkward smile when he look into me. Maririnig mo naman ang impit na kilig ng iba kaya hindi ko maiwasan ang magtaka.Who the hell is he?!"Ehem.. Ahm Janine this is my cousin Lux.. Lux this is Janine my friend" pakilala niya sa aming dalawa.I feel like the world stop from spinning
"Uy andito rin pala kayo" bati ni Felix sa amin.Si Felix Mark Buendia ang batchmate namin noon elementary. Isa siya sa nakakasama naming magtotropa noon."Felix ikaw na pala yan?! Lalo kang gumwapo ah" bati ko sa kanya."Nako Jan ngayon pa ba tayo maglolokohan?" Natatawang tanong niya.