Power of Love

Power of Love

last updateLast Updated : 2020-08-08
By:  Larven DizonOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
16Chapters
13views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Janine Cruz, isang babae na simple, makulit, cheerful, at positive thinker. Ngunit dahil sa isang bangungot ng kahapon ay nagbago ang pananaw niya sa buhay. Dahil dito ay may makakabangga siya na magiging dahilan ng pagbabago sa buhay niya. Magiging dahilan na ba ang tao na ito para mabuo na siya ng tuluyan o siya ang makakasira lalo sa pinaghirapan niyang buoin ng ilang taon?

View More

Chapter 1

Prologue

"Noon. Siya yung tahimik, chill lang sa lahat ng bagay, puro laro lang ang alam, literal na isip bata pa siya noon. pero ngayon, mula ng makilala ka niya, natuto siya seryosohin ang mga bagay na kailangan seryosohin, nagmature na siya kumbaga," seryosong saad ni Kevin.

"Uy iba talaga epekto mo sa mga lalaki Jani," pang-aasar ni Ems.

"Sus hindi na bago sa pandinig namin yan Kevin. Ilang lalaki na rin napatino ni Jani kaso ending dahil tumino nakahanap ng mas seseryosohin dahil laro lang tingin nila kay Jani," sabi naman ni Mira.

Pinandilatan ko siya ng mata dahil umiiral na naman kadaldalan niya. Ayaw ko na ipabanggit pa kahit anong katangahan nagawa noon dahil hindi ko na naman mababalikan yon. Ang importante sa akin ay ang ngayon hanggang sa kinabukasan dahil maaari ko pang maitama ang mga maling desisyon ko sa nakaraan.

"Ang bibig ni Mira hindi na naman natigil," sarcastic na sabi ni Anne.

"Jusko ano pa bang bago? Lagi naman yan eh sa ating lima siya lagi dahilan baket nalalaglag tayo sa mga sikreto natin eh," si Mel naman nagsalita.

"Hoy kayo! Hindi ko naman nasabi lahat ah," depensa niya.

"Hindi mo nga nasabi lahat naumpisahan mo naman kung di ka pa pinandilatan ni Janine ng mata hindi ka titigil nako!" sabay batok ni Ems kay Mira. Nagtawanan naman kaming lahat.

"Ang bubrutal niyo palang magkakaibigan," natatawang saad ni Kevin.

"In born na sa amin yan ganyan namin kamahal ang isa't isa," natatawang sagot ko sa kanya.

"Siguro ganyan din kayo sa mga naging boyfriend ninyo?" pag-aakusa niya pa.

"Si Janine lang ganyan kasi sa aming lahat siya lang naman nagkalovelife," singit ni Ems.

"Yaan mo mararanasan mo yan kapag kayo na ni Ems," banat ko naman.

"Ay oo nga goodluck. Sana hindi mo pagsisihan na manliligaw ka sa kanya," si Anne naman sumingit.

"Kahit pa amazona siya mahal ko pa rin siya," sabay akbay.

"Ano ba dun nga kayo hustisya sa walang lovelife oh!" sigaw ni Mira.

"Oo nga porket may mga lovelife kayo nako! Bawal lampungan dito ah!" pagsusungit naman ni Mel.

"Hoy tara na nga sa kwarto baka nagbigti na yung isa don," singit ko sa asaran nila.

"Uy Janine concern nako iba na yan ah," pang-aasar ni Kevs.

"Siraulo para naman di ka nag-aalala sa pinsan mo,"

"Nag-aalala rin naman ako," natatawang saad niya.

Inayos namin mga dinala nilang gamit at agad na nagtungo pabalik sa kwarto. Natatawa ako sa tuwing papasok sa isip ko itsura ni Lux habang pikon na pikon sa asaran kanina.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters
No Comments
16 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status