Home / All / Power of Love / Chapter 8

Share

Chapter 8

Author: Larven Dizon
last update publish date: 2020-08-08 19:16:54

Nakakagulat na nandito si Kevin sa bahay nila Ems!! Dami tuloy tanong na biglang nagsulputan sa isip ko pagkakita ko sa kanya dito!

"Anong ginagawa mo rito??!!" Gulat na tanong ko sa kanya habang nakaturo pa!

Mukhang mas nagulat yung mga kasama namin dahil kilala ko si Kevin. Nagulat din si Kevin na makita ako dito.

"This is Kevin tropa ko. I didn't know na magkakilala kayo?? Pano mo siya nakilala Jan??" Naguguluhang sambit ni Edward.

Kinalma ko muna sarili ko bago sumagot. "Oo magkakilala kami. Siya yung gusto nila mommy na makadate ko noon" sagot ko naman.

Humupa na naman ang gulat sa itsura nila pero alam ko naguguluhan pa rin sila. At pupusta ako tatanungin ako ng mga yan mamaya! Hotseat na naman!

"Ganito kasi yan. Nagkakilala kami ni Jan a few weeks ago dahil pumunta kami ng parents ko sa kanila sabi kasi nila just a friendly dinner dahil gusto nila iwelcome ang parents niya being their new partners sa business hindi ko alam na sinet pala nila kami para magdate kami. Then she came at pinakilala nila kami sa isa't isa and trust me guys walang date na nagaganap we are just friends ngayon ko na lang ulit nga nakita yan eh dahil busy daw siya kaya di sumasama kapag inaaya ko maggala" nagmukha pa tuloy siya defensive sa huli sa pagexplain. Pwede namang maikli na lang explanation eh.

"Bakit parang defensive ka brad??" Pinagpalipat lipat ni Ed ang tingin sa aming dalawa ni Kevin habang nakangisi. Napairap na lang ako sa ginagawa niya.

"Think anything you want guys I told everything already" casual na sagot ni Kevin.

Nagtawanan naman sila. Mga loko talaga tong mga to buti na lang at hindi pikon tong lalaki na to. Dadagukan ko mamaya tong mga to.

"Basta pre layo layo kay Jan ah akin na yan" binatukan nga namin ni Ems si Edward. Natawa naman si Kevin

"Hoy! Kayong dalawa! Para saan yon!" Tinawanan muna namin siya bago sumagot.

"Anong iyo ako lul mangarap ka lang kahit kelan hinding hindi ako magiging iyo hahaha asa ka pa KUYA " pang-iinis ko pa sa kanya. Humagalpak tuloy ng tawa lahat.

"Ano pre?? Iyo pala ah. Paano ba yan hindi pala iyo eh di pwede ko na pormahan??" Taas baba pa kilay ni Kevin. Halatang inaasar lang si Ed. Pikon pa naman tong lalaki na to hahaha.

Matapos ng asaran ay nagsiupo na ulit kami at doon nagkwentuhan. Syempre pinakwento nila sa amin ni Kevin paano kami nagkakilala kaya kahit paulit-ulit kinuwento ko na lahat sa kanila kesa kulitin nila ako masabunutan ko pa silang lahat.

"Uy ikaw ang choosy mo parang makikipagdate lang eh" sabi ni Anne matapos ko makwento sa kanila lahat.

"Eh sa ayaw ko makipagdate paki mo ba?? Gusto mo ikaw na lang mukhang type mo eh. Single naman si Kevin, single ka rin oh diba kayo na lang magdate support ko pa kayo" nakangising sabi ko sa kanya.

"No need loyal ako sa boyfriend ko" peste talaga tong mga to. Kailangan may diin ang boyfriend?? Tss. Ako na single.

"Eh di kayo na may boyfriend ako na wala di naman kailangan ipamukha hype kayo" bwiset tong mga to tinawanan pa ako!

"Kasi naman ang daming lalaki nagkakandarapa manligaw sa iyo ayaw mo naman pansinin. Sila na nga nagrereach out oh mamimili ka na lang sa kanila ng deserving talaga" si Ems naman bumanat.

"Hindi ko ugali magpaasa ng tao bakit ko hahayaan na ligawan ako eh hindi ko naman gusto?? Besides pahinga muna ako sa ganyan masyado akong napagod sa dami ng sakit na pinagdaanan ko I deserve a break you know. Kung kayo hindi napapagod kapag nasaktan ako pagod na pagod na so enough" mataray na sabi ko naman sa kanila.

"Oh kayong dalawa baka gusto niyo ikwento paano kayo nagkakilala??" Baling ko naman sa dalawang lalaki. Madivert man lang ang topic lagi na lang ako pinagkakaisahan ng mga to sa kwentuhan.

"We were classmates nung college kami, since 1st year hanggang ngayon magkaibigan pa rin kami. Same hobbies kami syempre kaya nagkasundo agad kami. Well pareho kami basketball is life. Yun lang naman kasi dapat ang nilalaro hindi ang babae na seryoso gaya mo. Pero hindi ko talaga akalain na magkakilala kayo kasi ang alam ko si Ems pa lang nakakakita sa nilalang na to" sabay tawa ni Ed. So balik agad sa akin ang topic. How nice.

"Well now you know na magkakilala kami. Hindi ba kayo makamove on?? Nakwento na namin lahat hindi pa rin makapaniwala??" tumayo ako at kumuha ng snacks sa table at nagstay muna doon para kumain.

Pagbalik ko sa kanila nagulat ako na lahat sila busy sa kanya kanyang gadgets. Nagtataka ako habang paupo sa tabi ni Melanie.

"Uy girl magonline ka nga makigulo ka naman sa chatbot" sabi ni Mira na hindi man lang ako nilingon.

"Psh ano naman gagawin ko dun?? Baka bwisitin lang ako ni Lux don"

"Offline pa naman eh kaya makigulo ka na muna wala na rin kasi mapag-usapan eh"

Kesa mabored ako nagonline na lang din ako at nakigulo sa kanila sa chatbot.

Emily: Hoy Jan magchat ka naman dito!

Steve: Sinong Jan??

Mira: Ah kaibigan namin ni Emily

Janine: Oh ayan na ah nagchat na ako okay na ba?? Masaya na kayo??

Emily: Oo naman aba sinunod mo kami so masaya na kami hahahaha

Nagtuloy tuloy lang kami sa pag-uusap don kasi mukhang hindi naman pala talaga boring sila kausap. Totoo nga marunong sila sumakay sa trip kaya nagenjoy din ako. Makalipas ang ilang oras..

Lux: Oh andito pala yung masungit??

Verleen: Kung minamalas ka nga naman talaga..

Verleen: Oy Emily matutulog na lang muna ako makaalis na dito.

Emily: Makapagpaalam eh magkasama lang naman tayo hahahaha

Hindi ko na sila pinansin don at nagout na ako ayaw ko masira gabi ko jusme.

"Oh ano bakit di ka na nagparamdam sa chatbot???" Tinatanong pa ba yan Mira?? Napairap na lang ako bago sumagot.

"Ayaw ko mainis kay Lux at masira gabi ko. Sayang ganda ko kung maiinis lang ako dun" pagtataray ko pa. Alam ng inis ako sa tao eh buset talaga.

"Hmmm the more you hate the more you love!" Sabay sabay na sigaw pa nila! Hype talaga tong mga to lagi ako pinagtutulungan mga peste!

"Not because I hate him means I love him. I don't fall for those kind of saying. Attitude, time and efforts makes me fall inlove so shut up you guys. Don't act as if you don't know me well." seryosong sabi ko sa kanila.

"Uy umenglish na nako dali kayo ginalit niyo ang dragon" natatawang suway sa kanila ni Ed. Hindi ko na lang sila pinansin at nanahimik na lang ako sa isang tabi at kumain.

"Sa ganyan talaga nag-umpisa lolo at lola ko noon eh mga bangayan ganon hahahaha" busalan ko kaya bibig nito ni Ems?? Ang kukulit sarap pagkakaltukan!

"Alam niyo kung wala kayo magawa kumain na lang kayo di yung ipipilit niyo yang mga kung anong kongklusyon na nabubuo niyo sa utak niyo at ipapasa sa akin. Sa inyo na lang isipin yan wag sa akin" iniwan ko sila at nagpunta ako sa loob ng tent. Habang kumakain don biglang tumunog yung cellphone ko kinuha ko to at agad binasa yung text.

1 message received

From:09338113165

Hi Jan. Guess who?? Of course I won't tell you hahaha.. see you soonest darling. I missed you damn much.

Who the heck??!!

Hindi na lang ako nagreply at hindi ko naman ugali makipagtext sa mga number lang ang lumalabas sa phone ko. Nagsoundtrip na lang ako habang kumakain.

Now playing: Halaga by Parokya ni Edgar

Feeling ko sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko bawat lyrics ng kanta. Hindi ko pa rin talaga kayang sabihin na okay ako... Kahit anong gawin ko siya at siya pa rin.. and I guess even if I said last night that I would let him go.. my heart just can't and it sucks being in this kind of situation.

Sa libo-libong pagkakataon na tayo'y nagkasama

Iilang ulit pa lang kita nakitang masaya

Naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya

Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong tunay na halaga...

Hindi niya talaga alam ang halaga ko dahil kung alam niya hindi niya ako magagawang saktan ng ganito.. kahit pala sinabi ko na pinalaya ko na siya hindi pa rin siya umaalis sa puso ko.. kahit na iniwan ko ng bukas ang pinto hindi pa rin siya umaalis...

Biglang pumasok si Melanie at inabutan ako na umiiyak sa isang tabi ng tent at nakatalikod sa kanila.

"Jan.." niyakap naman niya agad ako.

"Mel di ko na kaya pagod na pagod na ako hindi ko na alam gagawin ko masyado ng masakit. Kelan ba ako tatantanan ng sakit na to?? Nakakapagod na. Gusto ko ng mawala to. Ayaw ko na." humihikbing usal ko sa kanya.

"Iiyak mo lang yan andito lang ako sa tabi mo at handang dumamay sa iyo" nangiti ako don.

"Salamat Mel at hindi mo ako iniiwan"

Ang hirap makalimot sa isang taong ginawa mong mundo mo....

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Power of Love   Chapter 15

    "Guys kainan na tara muna dito" anunsyo ni Mel.Agad kami nagsipagahunan at nagtungo agad sa lamesa at humanap ng maayos na pwesto."Basta pagkain naguunahan kayo" natatawang sabi ni Mel."Hindi naman naguunahan lang makaupo doon sa upuan na hindi masyado tatamaan ng sikat ng araw" natatawang sabi ko."Naks panay tawa natin ah" pang-aasar ni Lux."Ganyan talaga yan pag nakakita ng pagkain walang makakasira ng mood" sabat ni Ems.

  • Power of Love   Chapter 14

    Pagkarating namin sa pool ay agad naming inayos ang mga dala namin sa kalapit na table. Ang iba ay nagsipagliguan na agad."Sino sa inyo nagdala ng mga gamit ko nga pala?? Sa pagkakatanda ko wala ako inayos eh" tanong ko sa kanila pagkalapit namin sa pool."Si Ems kumuha ng mga damit mo habang tulog ka pa tutal may susi siya ng kwarto niya. Tapos may extra bag si Anne kaya doon na lang nilagay gamit mo" paliwanag ni Mira.

  • Power of Love   Chapter 13

    Naghahanap ako ng rides na masasakyan ko ng may biglang umakbay sa akin. Agad kong siniko ang sikmura ng kung sino mang umakbay sa akin."Araaayy" biglang sigaw ni Lux."Ano ba kasi trip mo at may paakbay akbay ka pang nalalaman?!" Galit na tanong ko sa kanya."Nagsosolo ka kasi baka nakalimutan mo na kasama mo kami kaya nilapitan kita"

  • Power of Love   Chapter 12

    Mabuti naman at nakisama ang panahon sa pagiikot namin dito sa labas. At mabuti rin at nakisama si Lux dahil gusto ko ng tahimik na pagiikot sa paligid. Nagpunta ako sa garden na nakita ko malapit sa hotel at naupo sa swing."Are you always like that??" Takang tinignan ko si Lux dahil sa tanong niya."Like what??" Inosenteng tanong ko sa kanya."Ganyan. Tahimik, lagi na lang isang tanong isang sagot"

  • Power of Love   Chapter 11

    Ako lang ata ang hindi nakakakilala sa lalaking katabi ni Kevin dahil lahat sila ay nakangiti sa kanya. I offered an awkward smile when he look into me. Maririnig mo naman ang impit na kilig ng iba kaya hindi ko maiwasan ang magtaka.Who the hell is he?!"Ehem.. Ahm Janine this is my cousin Lux.. Lux this is Janine my friend" pakilala niya sa aming dalawa.I feel like the world stop from spinning

  • Power of Love   Chapter 10

    "Uy andito rin pala kayo" bati ni Felix sa amin.Si Felix Mark Buendia ang batchmate namin noon elementary. Isa siya sa nakakasama naming magtotropa noon."Felix ikaw na pala yan?! Lalo kang gumwapo ah" bati ko sa kanya."Nako Jan ngayon pa ba tayo maglolokohan?" Natatawang tanong niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status