LOGINPagkarating namin sa pool ay agad naming inayos ang mga dala namin sa kalapit na table. Ang iba ay nagsipagliguan na agad.
"Sino sa inyo nagdala ng mga gamit ko nga pala?? Sa pagkakatanda ko wala ako inayos eh" tanong ko sa kanila pagkalapit namin sa pool.
"Si Ems kumuha ng mga damit mo habang tulog ka pa tutal may susi siya ng kwarto niya. Tapos may extra bag si Anne kaya doon na lang nilagay gamit mo" paliwanag ni Mira.
"Ah kaya pala halos shorts at iilan lang jeans ang meron sa bag ko" sarcastic na sabi ko.
"Summer kaya ngayon tapos magjeans ka?? Sa arte mong yan ayaw na ayaw mo nga ng naiinitan" sabi naman ni Ems.
"Tara makiswimming na rin tayo dun hindi yung nagbababad lang tayo sa init ng panahon"
Tumayo na kami at agad lumusong sa pool para makisama sa iba pang nandoon. We enjoyed the cold water under the hot weather.
"Volleyball tayo dito sa pool" aya ko sa kanila.
"Pwede kaso hello Jan wala tayo bola" pagtataray ni Anne.
"Meron doon sa may mga lamesa kunin ko lang" sabi ni Kevs.
"Oh diba meron ang galing ko talaga mag-aya ng laro lagi meron gamit hahaha"
"Eh di ikaw na" at nagtawanan naman kaming lahat.
Akmang magsasalita si Lux ng pigilan ko siya.
"Itikom mo yang bibig mo bago pa masira mood ko dahil sa iyo" pagsusungit ko sa kanya.
Umarte pa siya na pinadlock ang bibig at tsaka ngumiti sa akin. Inirapan ko lang siya then I swim to feel more relaxed. Maya maya ay dumating si Kevin dala ang beach ball para makapaglaro na kami.
"Oh ano nangyari sa isang yan??" natatawang tanong niya.
"Pinatikom ko bibig baka lumala air pollution sa Pilipinas"
Nagtawanan naman sila sa sinabi ko. Pinanindigan naman ni Lux na hindi ibukas ang kanyang bibig.
"Napakamasunurin talaga ng pinsan ko. Kaya marami naiinlove eh" biglang banat ni Kevs.
"Wala nga lang talab sa kaibigan namin hahaha" pang-aasar naman ni Mira.
Naghati kami sa dalawang grupo si Lux na lang taga score namin tutal ay hindi ko naman siya pagsasalitain.
"Unang makapuntos ng 25 sila panalo ah" sabi ko sa kanila. Kakampi ko si Melanie at Ems.
"Sige! Tapos may dare ang matatalo" sumang-ayon kaming lahat at nag-umpisa ng maglaro.
"Ems itaas mo yung bola!" sabi ko sa kanya pagkatanggap ng bola.
"Palayuin niyo palo para hindi mahabol" natatawang sabi ko.
"Tamaan niyo nga si Janine sa mukha" banat naman ni Mira.
"Subukan niyo lang papatamaan ko rin kayo mamaya" banta ko sa kanila.
Naglaro kami na punong puno ng saya. Ultimo si Lux na taga score lang ay nag-eenjoy din. Bigla sila nagsigawan nunt aksidente ko nahampas yung bola papunta kay Lux.
"Aray naman. Huwag mo naman ako patamaan alam ko may galit ka sa akin wag mo naman ako saktan ng pisikal sinaktan mo na nga damdamin ko oh" biglang banat niya sa akin.
"Hala ka Jan ang bad mo nako nako"
"Hindi mo na nga pinasali tinamaan mo pa ng bola nako ang sakit non"
Pinagtulungan na naman nila pagtripan. Mga siarulo talaga mga to kahit kelan.
"Letse bagay lang sa kanya yan ganti man lang sa mga pambubwiset niya sa akin" inis na sabi ko sa kanila.
"Hindi bale ng masaktan ako kung doon naman sasaya ang babaeng gusto ay handa ako masaktang ng higit pa dito" sabay kindat sa akin.
"Uy bumabanat na siya oh"
"Hanep brad hindi ka na torpe??"
"Galawang Lux 101"
"Lodi ko talaga to eh haha"
"Sinabi ko bang magsalita ka na?? Hindi ba at sinabi ko sa iyo na ayaw ko na ibubuka mo yang bibig mo ng hindi masira mood ko?! Ngayon sira na mood ko nakdagdag ka pa noise at air pollution ng bansa!" Inis na sabi ko sa kanya.
Sabay sabay silang tumawa dahil sa mga sinasabi ko.
"Nako ginalit niyo ang dragon baka ubusan tayo ng pagkain niyan haha"
"Huwag na kayo magtaka mamaya kapag ubos na mga dnala nating pagkain ah"
"Hindi naman siya tumataba kahit anong dami ng kain niya"
"Hoy tigilan niyo na nga kakaasar sa sweetheart ko sinisira niyo lalo mood niya eh"
"Anong sweetheart??!!" Inis na baling ko kay Lux.
"Manahimik ka nga dyan nahihibang ka na namang unggoy ka"
"Aww nakikinita ko na basted ka na agad brad" sabay tapik ni Kevs sa balikat niya.
"Bahala nga kayo dyan doon muna ako sa lamesa" inis na paalam ko sa kanila.
Silang anim naman ngayon ang nagpatuloy ng laro. Pinakalma ko muna sarili ko dahil naiinis na talaga ako sa mga banat nila. Kinuha ko ang chips na dala namin at nagumpisa ng kumain to calm myself down. Pinanood ko sila na masayang naglalaro sa pool. Sanay na ako sa mga pang-aasar ng mga kaibigan ko pero ewan ko ba kung bakit kapag si Lux na nang-iinis nabubwiset agad ako. Yun nga lang makita ko mukha niya bwiset na ako, eh di lalo na kapag nagsalita na. Nagpahinga lang ako sandali matapos kumain at bumalik agad ako sa pool para magtampisaw.
"Oh hindi na ba mainit ulo mo??" Nakangiwing tanong ni Anne.
"Okay na ako" sagot ko at tsaka nag-umpisa lumangoy.
Hinayaan ko dumaloy sa katawan ko ang lamig na tubig. I feel refreshed. Nanatili muna ako sa ilalim ng pool sandali maya maya ay umahon na ako.
"Bumalik ka na ba sa mood mo?" Tanong ni Ems.
"Para namang hindi mo ko kilala Mel" nakangising sabi ko sa kanya.
"Naks nasa mood na nga siya" bati naman ni Kevs.
"Mabilis lang naman bumalik ang mood ko basta may pagkain" natatawang banggit ko.
"Siguro naman hindi ka na highblood sa akin??" Biglang singit ni Lux sa usapan.
"Hindi na naman" casual na sabi ko naman.
"Ayun oh hindi na mainit ang ulo nakaligo na kasi sa pool" pang-aasar naman ni Mira.
"Siraulo ka talaga! Tara na nga langoy na lang ulit para naman maenjoy ko tong swimming" nanguna na ako sa pagbalik sa pool.
"Tara hanapan tayo ng limang piso sa ilalim"
"Ay kayo na lang hindi naman ako maalam lumangoy hindi pa naman pantay itong pool"
"Iba na lang mas masaya kapag lahat maglalaro" sabi ko sa kanila.
"lumangoy langoy na lang tayo puro kayo laro eh mas masaya magtampisaw lalo na at mainit" banat naman ni Ems.
"Sandali lang tanghali na pala ayusin muna na namin kakainin natin" paalam ni Anne. Silang dalawa ni Melanie ang mag-aayos ng pagkain sa lamesa. Naiwan naman kaming lima dito sa pool.
"Buti hindi kayo nagsasawa sa isa't isa??" Tanong ni Kevs.
"Hindi naman namin kaya pagsawaan ang isa't isa bagkus ay ang isa't isa pa nga nagiging sandalan namin kapag namomroblema kami sa mga bagay bagay" sagot ni Mira.
"Hindi naman kasi kami nagbibigay ng dahilan para pagsawaan namin ang isat isa" sabi naman ni Ems.
"Naging pamilya na kasi naging turingan namin sa isa't isa kaya kahit gaano na kami katagal na magkakasama mas pinagtitibay kami ng tadhana" sagot ko naman.
"Halata nga na hindi kayo basta basta nabubuag. Mukhang matinding bagyo lang ang makaksira sa inyo" sabi ni Lux.
"Walang makakasira sa pagkakaibigan namin" I said it confidently then I shifted my glance to Anne and Mel.
I won't let anything ruin our friendship. You became a part of my life. Ruining our friendship is also ruining myself and I won't let that happen. I will risk everything even my own life just to save our friendship at all cost. You were my greatest investment in life and I couldn't ask for more.
"Guys kainan na tara muna dito" anunsyo ni Mel.Agad kami nagsipagahunan at nagtungo agad sa lamesa at humanap ng maayos na pwesto."Basta pagkain naguunahan kayo" natatawang sabi ni Mel."Hindi naman naguunahan lang makaupo doon sa upuan na hindi masyado tatamaan ng sikat ng araw" natatawang sabi ko."Naks panay tawa natin ah" pang-aasar ni Lux."Ganyan talaga yan pag nakakita ng pagkain walang makakasira ng mood" sabat ni Ems.
Pagkarating namin sa pool ay agad naming inayos ang mga dala namin sa kalapit na table. Ang iba ay nagsipagliguan na agad."Sino sa inyo nagdala ng mga gamit ko nga pala?? Sa pagkakatanda ko wala ako inayos eh" tanong ko sa kanila pagkalapit namin sa pool."Si Ems kumuha ng mga damit mo habang tulog ka pa tutal may susi siya ng kwarto niya. Tapos may extra bag si Anne kaya doon na lang nilagay gamit mo" paliwanag ni Mira.
Naghahanap ako ng rides na masasakyan ko ng may biglang umakbay sa akin. Agad kong siniko ang sikmura ng kung sino mang umakbay sa akin."Araaayy" biglang sigaw ni Lux."Ano ba kasi trip mo at may paakbay akbay ka pang nalalaman?!" Galit na tanong ko sa kanya."Nagsosolo ka kasi baka nakalimutan mo na kasama mo kami kaya nilapitan kita"
Mabuti naman at nakisama ang panahon sa pagiikot namin dito sa labas. At mabuti rin at nakisama si Lux dahil gusto ko ng tahimik na pagiikot sa paligid. Nagpunta ako sa garden na nakita ko malapit sa hotel at naupo sa swing."Are you always like that??" Takang tinignan ko si Lux dahil sa tanong niya."Like what??" Inosenteng tanong ko sa kanya."Ganyan. Tahimik, lagi na lang isang tanong isang sagot"
Ako lang ata ang hindi nakakakilala sa lalaking katabi ni Kevin dahil lahat sila ay nakangiti sa kanya. I offered an awkward smile when he look into me. Maririnig mo naman ang impit na kilig ng iba kaya hindi ko maiwasan ang magtaka.Who the hell is he?!"Ehem.. Ahm Janine this is my cousin Lux.. Lux this is Janine my friend" pakilala niya sa aming dalawa.I feel like the world stop from spinning
"Uy andito rin pala kayo" bati ni Felix sa amin.Si Felix Mark Buendia ang batchmate namin noon elementary. Isa siya sa nakakasama naming magtotropa noon."Felix ikaw na pala yan?! Lalo kang gumwapo ah" bati ko sa kanya."Nako Jan ngayon pa ba tayo maglolokohan?" Natatawang tanong niya.