Home / All / Power of Love / Chapter 1

Share

Chapter 1

Author: Larven Dizon
last update publish date: 2020-08-08 19:11:07

Isang ordinaryong araw na naman ang dumating. Isang boring na araw kung aking tawagin. Nothing special as it seems.. Kelan kaya matatapos ang bakasyon?? Bored na bored na ako dito. Walang magawa panay sa kwarto lang ako at kusina naglalagi. Kain at tulog kumbaga wala naman ako mga lakad nung nakakaraan. Agad akong bumangon at naghilamos para makakain na ng almusal. Medyo late na ako nagising kaya sinabayan ko na rin ang tanghalian.

"Good morning ate!" Bati sa akin ni Jhon. Ang gwapo kong kapatid sabi niya. Psh hilig niya buhatin sariling bangko niya hahahaha. Pero on the serious note gwapo talaga kapatid ko.

"Morning din. Asan sila mommy??" Tanong ko sa kanya habang naghihikab pa. Nagtungo agad ako sa kusina at nag-umpisa ng kumain.

"Umalis may aasikasuhin daw eh di ko lang alam saan baka rin gabihin daw sila kapag di nila naasikaso agad. Nga pala ate maglalaro kami basketball ng mga kaibigan ko uuwi rin agad ako dito lang naman kami sa subdivision natin maglalaro"

"Sige basta bago maggabi mamaya ay umuwi ka na at baka ako ang malintikan kila mommy. Pag ako napagalitan nila yari ka sa akin ah" banta ko pa sa kanya at tumango naman agad siya.

Close kaming magkapatid palibhasa kaming dalawa lang halos ang naiiwan dito sa bahay. Busy parents namin sa business namin dahil doon lang kami kumukha ng panggastos namin sa araw-araw. Bakasyon ngayon kaya nakakabored dito sa bahay. Nasa bakasyon pa mga kaibigan ko kaya wala ako kasama maggala. Matagal pa bago ako umuwi ng probinsya aantayin ko pa kung kelan available mga pinsan ko para makauwi ako at para may kasabay na rin.

Maya maya lang ay umalis na kapatid ko at naiwan na akong mag-isa dito sa bahay namin. Habang naglilinis ako ng bahay namin biglang nagtumunog yung phone ko. Kinuha ko to at dali dali binasa yung text.

1 message received

From: Keisha

Atiii.. arat gala tayo sa moa daliii..

Compose message

To: Keisha

Sure punta na lang kayo dito sa bahay dala na lang tayo sasakyan para di mahirap byahe papunta doon.

Sent!

Tinapos ko lang ang inaayos ko at pumunta agad ako sa kwarto ko at nag-ayos. Habang inaayos ko buhok ko biglang tumunog ang doorbell. Binuksan ko yun at bumungad sa akin mga kaibigan ko. Buti na lang at bakasyon na rin nila kaya nakakapag-aya na rin sila ng gala. Umpisa na ng hindi boring na bakasyon.

Maya maya lang ay sumakay na kami sa kotse ko at nagtungo sa mall para maggala. Friendly akong tao, hindi lang sila ang mga nakakasama ko. Minsan yung ibang friends ko nakakasama ko timing lang na sila ang nag-aya sa akin ngayon.

Pumunta muna agad kami sa kainan kasi ginutom ako buti naman at gutom na rin sila hahaha. Pumasok agad kami sa isang fastfood chain. Umorder na yung iba habang kaming mga natira sa lamesa ay nagkukwentuhan muna.

"Oh ano kamusta naman ang bakasyon??" Tanong ni Crista.

"Ayun bored sa bahay walang tao ngayon kasi umalis sila mommy nagbasketball naman yung kapatid ko. Buti na lang inaya niyo ko maggala ng mabawasan naman pagiging bored ko hahahaha atleast ngayon umpisa na ng hindi boring na bakasyon hahahaha" masayang sabi ko sa kanila.

"Eh kamusta naman ang puso mo??" Nakangising tanong naman ni Keisha.

"Puso ko?? Tumitibok pa naman pero wala ng pangalang itinitibok" nakangiwing sabi ko sa kaniya.

"Naka move on na ba?" Nakagisi pa rin na tanong niya.

"Psh ako pa ba? Syempre naka move on na ako hindi ko naman ugali magmukmok sa isang tabi ng matagal na panahon sapat na yung iniyakan ko siya sa sandaling panahon. I need to give myself time kasi naubos ko yung love na meron ako para sa sarili ko besides he doesn't deserve a single tear coming from me" mayabang na sagot ko pa sa kanya.

Maya maya lang ay dumating na sila at nag-umpisa na kaming kumain. Syempre di nawawala kwentuhan habang kumakain sa daldal ba naman ng mga kasama ko malamqng puro kwentuhan yan.

"Oh ano san naman tayo mamaya?? Ang boring kung dito lang tayo ng dito sa mall" Tanong ni Crystal.

"Kayo san niyo gusto?? Ang balak ko lang naman ay bumili ng libro. Kaya kung saan niyo pa balak pumunta sasama ako kesa naman umuwi ako ng maaga wala naman ako kasama sa bahay" nakangusong sabi ko sa kanila.

"Oh eh di maglakad lakad muna tayo tapos tsaka tayo pumunta sa bookstore may bibilin din kami na libro ng favorite author namin eh" sabi ni Jade.

"Oh yun naman pala eh pare-pareho lang pala mga pakay natin eh di bilisan na natin kumain at ng makapunta na tayo sa bookstore" banat naman ni Kid.

Tinapos na agad namin yung pagkain at nag-ikot muna sa mall. Tumingin kami ng mga damit at iba pang gamit na gusto naming bilhin. Matapos namin bumili ay dumiretso agad kami sa bookstore at hinanap mga libro na gusto namin bilin.

Nagkakila kilala kami dahil sa isang fandom. Pare-pareho kaming mahihilig magbasa ng libro and dahil sa mga author ng binabasa naming stories ay nagkakilala kami. Gaya ng sabi ko kanina friendly ako. Madali ko sila nakagaanan ng loob dahil may mga pagkakapareho kami sa isa't isa.

Habang naghahanap kami ng mga libro na iniipon namin nagtingin tingin na rin ako ng libro na kailangan ko sa course ko. I'm a 3rd year accounting technology student sa isang university sa Manila. Nagkita kita na lang kami sa counter at pumila. Matapos namin mamili ay nagkayayaan naman na pumunta sa sea side. Syempre di na ako tumangi I love nature.

"Tara bili muna tayo ng pwedeng kainin habang hinihintay natin ang sunset"

Tumango kaming lahat at nagpunta sa isang convinient store. Kanya kanyang bili syempre haha. After noon ay humanap kami ng pwesto at naupo sa may seaside.

"Ang sarap talaga sa pakiramdam na nakakakita ka ng ganitong scene" nakangiting sabi ko sa kanila.

"Yeah I feel calm. Pakiramdam ko nawalan ako ng problema kahit ngayon lang" nakangiti rin na sabi ni Jade.

Lahat kami ay mahilig sa nature. Lahat ng gala namin ay laging may kinalaman sa nature. We love to travel at isa yan sa pinagkakasunduan namin. Marami kami sa squad pero hindi kami nagkakasama ng kumpleto bibihira lang yung mga araw na nakakagala kami ng kumpleto.

Nagkukwentuhan kami habang nagsunset syempre di nawawala ang pictures. Mabuti na lang at dala ko ang camera ko. Lahat ng bagay na ginagawa namin magkakasama hindi pwedeng walang pictures yan nilalagay kasi namin sa album naming magkakaibigan. After ng sunset nagkayayaan na rin kami umuwi. Pare-pareho kasi kaming limited lang yung time kapag gumagala buti na lang at magkakalapit lang kami ng bahay at nasa iisang subdivision din kami.

Makalipas ang ilang minuto ng byahe nakarating na kami sa subdivision namin. Hinatid ko muna sila sa mga bahay nila bago ako umuwi. Nagulat ako ng may makita akong sasakyan sa garahe namin. Ginarahe ko lang kotse ko at agad na pumasok sa bahay. Nakita ko kapatid ko sa sala na may kalaro rin ng video games.

"Hoy gabi na naglalaro ka pa baka hinahanap na yang kalaro mo sa bahay nila pauwiin mo na" sabi ko sa kanya ng seryoso ang boses.

"Ate andito yung parents at kapatid niya kaya hindi siya hahanapin sa bahay nila" nakatalikod namang sagot ng kapatid ko.

"Asan sila mommy?" Tanong ko na lang sa kanya.

"Nasa kusina kanina ka pa nga nila hinihintay eh"

Nagulat naman ako sa sinabi niya!

"Bakit daw?" Agad na tanong ko sa kanya! Kinabahan agad ako! Pakiramdam ko alam ko na kung bakit may bisita ng biglaan sila mommy dito buti na lang at naglinis ako ng bahay.

"Hindi ko alam. Puntahan mo na lang sila sa kusina para makausap mo"

Sinunod ko na lang sinabi ng kapatid ko. Malayo pa lang ay naamoy ko na yung pagkain kaya minadali ko ang pagpunta sa kusina namin ginutom ako sa mabangong amoy ng ulam. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay may nakita akong binata katabi ang magulang niya kaharap naman nila sila mommy at daddy.

"Oh anak andyan ka na pala halika muna dito" biglang baling ni dad sa akin.

Abala sila sa pagkukwentuhan nung dumating ako. Hindi agad ako nakita nila daddy dahil sumilip muna ako sa pinto ng kusina namin. Kung aking papansinin mukhang mga business partners nila mom and dad yung kausap nila. Napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko.

Maglalakad na sana ako papalapit sa kanila ng biglang humarap yung kausap nila mommy at daddy! Ang ganda pa ng pagkakangiti sa akin nung bisita nila! Nagtataka naman ang itsura nung lalaki na kasama nila na mukhang anak nila. Nanginginig ang buong katawan ko! May ideya nang nabubuo sa aking isipan ngunit ayaw ito tanggapin ng aking sistema! Sana mali ang mga ideya na pumapasok sa utak ko!

Don't tell me it’s happening again! No way! Hindi pwede! Not again please!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Power of Love   Chapter 15

    "Guys kainan na tara muna dito" anunsyo ni Mel.Agad kami nagsipagahunan at nagtungo agad sa lamesa at humanap ng maayos na pwesto."Basta pagkain naguunahan kayo" natatawang sabi ni Mel."Hindi naman naguunahan lang makaupo doon sa upuan na hindi masyado tatamaan ng sikat ng araw" natatawang sabi ko."Naks panay tawa natin ah" pang-aasar ni Lux."Ganyan talaga yan pag nakakita ng pagkain walang makakasira ng mood" sabat ni Ems.

  • Power of Love   Chapter 14

    Pagkarating namin sa pool ay agad naming inayos ang mga dala namin sa kalapit na table. Ang iba ay nagsipagliguan na agad."Sino sa inyo nagdala ng mga gamit ko nga pala?? Sa pagkakatanda ko wala ako inayos eh" tanong ko sa kanila pagkalapit namin sa pool."Si Ems kumuha ng mga damit mo habang tulog ka pa tutal may susi siya ng kwarto niya. Tapos may extra bag si Anne kaya doon na lang nilagay gamit mo" paliwanag ni Mira.

  • Power of Love   Chapter 13

    Naghahanap ako ng rides na masasakyan ko ng may biglang umakbay sa akin. Agad kong siniko ang sikmura ng kung sino mang umakbay sa akin."Araaayy" biglang sigaw ni Lux."Ano ba kasi trip mo at may paakbay akbay ka pang nalalaman?!" Galit na tanong ko sa kanya."Nagsosolo ka kasi baka nakalimutan mo na kasama mo kami kaya nilapitan kita"

  • Power of Love   Chapter 12

    Mabuti naman at nakisama ang panahon sa pagiikot namin dito sa labas. At mabuti rin at nakisama si Lux dahil gusto ko ng tahimik na pagiikot sa paligid. Nagpunta ako sa garden na nakita ko malapit sa hotel at naupo sa swing."Are you always like that??" Takang tinignan ko si Lux dahil sa tanong niya."Like what??" Inosenteng tanong ko sa kanya."Ganyan. Tahimik, lagi na lang isang tanong isang sagot"

  • Power of Love   Chapter 11

    Ako lang ata ang hindi nakakakilala sa lalaking katabi ni Kevin dahil lahat sila ay nakangiti sa kanya. I offered an awkward smile when he look into me. Maririnig mo naman ang impit na kilig ng iba kaya hindi ko maiwasan ang magtaka.Who the hell is he?!"Ehem.. Ahm Janine this is my cousin Lux.. Lux this is Janine my friend" pakilala niya sa aming dalawa.I feel like the world stop from spinning

  • Power of Love   Chapter 10

    "Uy andito rin pala kayo" bati ni Felix sa amin.Si Felix Mark Buendia ang batchmate namin noon elementary. Isa siya sa nakakasama naming magtotropa noon."Felix ikaw na pala yan?! Lalo kang gumwapo ah" bati ko sa kanya."Nako Jan ngayon pa ba tayo maglolokohan?" Natatawang tanong niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status