Share

EPILOGUE

Penulis: algeahermosa
last update Tanggal publikasi: 2020-07-29 20:08:44

"Galingan mo mamaya sa quiz bee, Leo. Sabi ni Ma'am Balitez kapag ikaw ang nanalo exempted na tayo sa long tests!," tuwang-tuwang turan kay Leo ng kaklaseng lalaki, nagawa pa nitong akbayan siya.

"Oo na. Bitawan mo na ko," naiiritang pakli niya dito bago muling hinarap ang makapal na librong binabasa.

"Sungit mo naman, chini-cheer na nga kita!"

"Hoy, Umali! Tigilan mo nga 'yan si Marasigan, baka malasin at makalimutan niyan mga inaral niya para sa quiz bee!," sinita ng kanilang presidente ng klase ang makulit na kaklase.

Salamat naman, bulong niya sa sarili.

Ginugol lang niya ang kanilang dalawang oras na bakante sa pagre-review. Pilit sinasaulo ang lahat ng mga termino. At nang dumating na ang oras ng kanyang laban ay dali-dali na niyang nilagay sa balikat ang may kabigatan na backpack.

"Hindi mo dapat makalimutan lahat ng inaral mo, Leonardo," kinakausap niya pa ang sarili habang naglalakad papunta sa function hall na paggaganapan ng patimpalak.

Hindi niya alintana ang maingay na paligid, ang mga kapwa kamag-aral na masayang nag-uusap tungkol sa kanilang araw. Paroon at parito ang bawat tao. May mangilan-ngilan pa ngang kakilala ang bumabati sa kanya at ang iba naman ay nagawa pang magpapansin sa kanya na parang mga babaeng nababaliw.

Napailing na lamang siya at ipinagpatuloy na ang paglalakad.

Nang makarating sa venue ay nagpalista na siya sa front desk bago napagdesisyunang pumasok na sa loob.

Hindi pa naman ganoon karami ang mga tao, maaga pa pala siya.

Inilibot niya ang paningin at naghanap ng magandang pwesto. Ngunit imbis na pwesto ang kanyang mahanap ay isang magandang binibini ang kanyang nasilayan.

Suot ang kanilang unipormeng pambabae na halos kumpleto sa lahat ng ni-require ng kanilang paaralan, napakalinis rin nito sa pananamit. Mahaba ang buhok nito na abot hanggang bewang na umaalon-alon pa kapag ito ay nagalaw, ang maputi nitong balat na nakakatakot padapuan sa kahit anong klase ng insekto, at ang dalawa nitong biloy sa pisngi kapag ngumingiti ay nakakaakit, pati ang bilugan nitong mata ay hindi nakalimutan ng kanyang paningin, tila nangungusap. At ang kapayatan ng katawan nito ay bumagay lamang sa kanyang murang edad.

May kausap itong isang lalaki na panigurado siyang ka-year lamang nila. Napakasaya nitong tingnan habang kausap ang binata.

Nakakainggit.

Sa edad na labing-lima, naramdaman niya ang hindi maipaliwanag na pakiramdaman. Ang puso niya ay tila gustong kumawala sa kanyang katawan.

Napakatinding atraksyon. Nakakatakot. Ayaw niya ng ganito.

Muli niyang sinilayan ang dalaga bago niya napagdesisyunang maupo na sa isang bakanteng silya malayo dito.

Huwag kang lilingon, Marasigan. Baka pati ang pag-iisip mo ay maging irasyonal, bulong niya sa sarili.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   SERENADE SERIES #1

    Isang pagbati!Narito ka dahil nagawa mong tapusin ang aking nobela at binabati kita. Isa ka ng ganap na hermosa, at kung hindi mo alam ang kahulugan nito. Ang salitang iyan ay galing sa espanyol na nangangahulugang maganda.And you are beautiful, whatever your skin color, your body type, your gender or your race, because you are a God's masterpiece, remember that.Ang librong ito ay nais lamang mag-iwan ng isang mensahe na ang pag-ibig ay hindi makasarili.Si Toni ang halimbawa ng babaeng kayang tiisin ang lahat manatili lamang sa kanya si Leo. Handa siyang maging masokista. Ngunit hindi ganoon ang pagmamahal.Ang pagmamahal ay mapagbigay at mapagkumbaba, hahayaan mo ang iyong iniirog na maging malaya kung anuman ang kanyang ikaliligaya, kagaya na lamang ng ginawa ni Vixen.

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   EPILOGUE

    "Galingan mo mamaya sa quiz bee, Leo. Sabi ni Ma'am Balitez kapag ikaw ang nanalo exempted na tayo sa long tests!," tuwang-tuwang turan kay Leo ng kaklaseng lalaki, nagawa pa nitong akbayan siya."Oo na. Bitawan mo na ko," naiiritang pakli niya dito bago muling hinarap ang makapal na librong binabasa."Sungit mo naman, chini-cheer na nga kita!""Hoy, Umali! Tigilan mo nga 'yan si Marasigan, baka malasin at makalimutan niyan mga inaral niya para sa quiz bee!," sinita ng kanilang presidente ng klase ang makulit na kaklase.Salamat naman, bulong niya sa sarili.Ginugol lang niya ang kanilang dalawang oras na bakante sa pagre-review. Pilit sinasaulo ang lahat ng mga termino. At nang dumating na ang oras ng kanyang laban ay dali-dali na niyang nilagay sa balikat ang may kabigatan na backpack."Hindi mo dapat makalimutan lahat ng inaral mo, Leonardo," kinakausap niya pa ang sari

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   40

    "Mama, who's the owner of this house?," nagtatakang tanong niya sa ina pagkababa pa lamang nila sa sasakyang nagdala sa kanila.Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay, malaki at halatang mahal ang bawat materyales na ginamit. Kung hindi siya nagkakamali ay mas malaki ang isang ito sa mansyon nila sa Tanay. This one is a medieval type, at nagtatalo ang kulay ng kayumanggi at krema."Bahay ng Tita Louise mo, Toni," her mother answered pagkatapos pasalamatan ang personal driver na inarkila pa talaga nito.Her Tita Louise's house is elegant like her. As an engineer, ang masasabi niya ay napakaperpekto ng mansion na nasa kanyamg harapan. Halatang ilang dekada na ang lumipas ngunit nananatili pa rin itong matatag."So, why we are here, then? Birthday ba ni Tita?," she curiously asked again.She's wearing a creamy dress just above her knees and paired it with her caramel block heels. Saman

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   39

    Toni tried to busy herself doing some office works kahit na hindi naman niya ito kailangang gawin pa. She really needs a distraction.Nakakabaliw lang ang lahat. Hindi niya pa rin talaga lubos akalain na manggagaling mismo sa bibig ng binata ang gusto niyang marinig dito.Para lang siyang panaginip, pero nangyari talaga.Leonardo often visited her office ngunit hindi niya ipinapahintulutan sa kanyang sekretarya na papasukin ito. She's still not ready to faced him again.Wala pa siya sa matinong pag-iisip at baka kung anong kabaliwan lamang ang gawin niya. What she have been within those past months was enough for now, tama na muna ang iba."Lahat ba ng dumating na construction materials ngayon

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   38

    Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib. Naghaharumentado sa simpleng salita ng binata ang bawat parte ng kanyang katawan.Nakakabaliw."Stop spitting out nonsense, Attorney," gusto na niyang matapos ang sayaw na ito, ngunit tila ayaw yata siyang pakawalan ng binata."Hindi ako nagsisinungaling, Antoinette. The day I first laid my eyes on you, there's still unexplainable connection I felt for you. I can't describe what it is, but I know it's something deep. Nakakapaso. Nakakalunod. Nakakatakot. And believe me when I say that ikaw na lang ang babae ko simula ng tanggapin ko ang offer mo," his eyes still on her, pilit pinapabatid na sa kanya lang ang buong atensyon ng binata.Hindi rin nito alintana ang iba pang mga taong sumasayaw sa kanilang paligid. H

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   37

    "Is this dress would be fine?," nag-aalangang tanong niya kay Vixen habang iniikot ang sarili, suot ang isang black sleeveless body con dress just thigh length, revealing din ito ng bahagya dahil kita ang kanyang cleavage and there's a slit na mas lalong nagpakita ng kanyang hita.Mangha namang ipinabalik-balik ng binata ang tingin sa kanyang kabuuan, "So perfect, Toni!"She rolled her eyes at dinampot na lamang ang kanyang silver purse sa table, "Bolero. Tara na nga at baka mahuli pa tayo," naglakad na siya palabas wearing her killer heels.Natatawa namang humabol sa kanya ang lalaki, nagawa pa nitong pasadahang muli ang kanyang katawan, ramdam niya iyon, "I'm just telling the obvious, babe.""Whatever, Khalid."

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status