"You're here, too, Vixen?," gulat na tanong niya sa lalaking umakap sa kanya mula sa likuran.Pilyo namang ngumiti ang binata at hinagod pa ang kanyang namumulang pisngi dulot ng alak, "It's nice to see you, too, Toni," at humalakhak pa ito bago igawi ang paningin sa isang malaking table malapit lamang sa inupuan nilang magkaibigan, puno ito ng mga kalalakihang nagtatawanan habang sumisimsim ng alak, "I'm with my friends if you were asking," pagpapatuloy nito.Tumikhim naman siya at bahagyang lumayo sa lalaki, "Well, glad to see you here, Vix."Muli namang lumapit ang binata sa kanya nang magkaroon ng malakas na bungguan sa kanilang bandang kanan. Hawak siya nito sa kanyang nakalabas na likuran bilang alalay."I need to go, Vix," maya-maya'y wika niyang muli ng maka-adjust sa nangyari."Don't you want to play with me, Toni?," nang-aakit na tanong ng kaharap malapit sa kanyang punong-tainga
Huling Na-update : 2020-07-29 Magbasa pa