LOGINMalakas ang kabog ng kanyang dibdib habang dahan-dahan na naglalakad sa lalaking nakipag-bid ng 90 million para lamang sa kanya. Maraming mga katananungan sa kanyang isipan, kagaya na lamang kung bakit niya iyon ginawa at ang kanyang pinakadahilan.
Ngunit anuman iyon, hindi pa rin maipagkakaila na nabuhayan ang pinakatatago niya sa kanyang sistema sampung taon na ang nakakalipas. Tila tuluyan nang nahukay ng lalaking ito ang matagal na niyang tinagong damdamin para dito. Umaalab ang kanyang damdamin. At ang gusto na lamang niyang gawin ngayon ay angkinin ang kabuuan ng Adan na nasa kanyang harapan. Gusto niya itong mapasakanya, sa santo mang dasalan o kahit sa santong paspasan. Parang may sumapi sa kanyang nilalang at tinutulak siya nitong gawin ang hindi pa niya nagawa sa kanyang buhay.
Minsan lang ang pagkakataon na ganito, bulong ng kanyang konsensiya.
"Hey young lady, hindi ka ba nangangalay? Why not sit beside us? Don't worry I won't bite you, neither my friend," pagbabalik sa kanyang sistema ng lalaking katabi ngayon ng ginoong matamang nakatingin sa kanya. Tila may binabasa ito sa kanyang mga mata at siya ay nadadala.
"Oww...I'm sorry," maikling tugon niya bago umupo sa tabi ng lalaking nagpapakaba sa kanya ngayon."What's your name?," tanong ng baritonong boses nito pagkaupong-pagkaupo niya.
Napakagwapo talaga ng boses nito. Naaalala pa niya noon na hindi pa medyo buo ang boses nito ngunit ngayon ay napakalalim na at lalaking-lalaki na.
Tumikhim muna siya bago binitawan ang ngiting alam niyang magpapalusaw sa pagkatao nito, "You didn't listen a while ago? The master of the night introduced me. My name is Niette."
Umiling ito, "I listened. But I want your real name not your stage name here, lady."
Nag-uunahan naman ang mga munting nilalang sa kanyang dibdib. Kalma puso, hindi makakabuti ito sayo, "Well, it's private. Just call me Niette. That would be fine."
"That is not fine with me? I paid 90 million for you, and I have the rights to demand about you...even it will be a private thing, lady."
Nawalan naman siya ng imik.
Tumikhim naman ang estrangherong nasa tabi ng lalaki at tiningnan silang dalawa, "It looks like that you two come along better. Would you mind if I leave you both here? I'll just find a pretty woman for the night?," pilyong wika nito at hindi na hinintay ang kanilang tugon at walang pag-aalanganin na nilisan ang kanilang lamesa.
Pahamak ang lalaking iyon. Kinakabahan na siya ng sobra sa mga maaaring mangyari ngayong gabi.
"So, I'm asking you again, lady, what's your real name?," muling pagtatanong sa kanya ng lalaking nasa kanyang tabi.
Bumuntong-hininga muna siya bago muling tiningnan ang lalaki, "My name is Antoinette. Happy?"
Napangiti naman ito na naging dahilan ng pagkalusaw ng kanyang puso, "Happy. Anyways, I'm Leo. Glad to meet you, Antoinette," at iminuwestra nito ang palad sa kanyang harapan.
May bahid man ng pag-aalanganin, tinanggap pa din niya ang kamay nito at nginitian, "Glad to meet you, too, Leo."
Ang elektrisidad sa kanyang katawan ay nagkagulo nang maglapat ang kanilang mga palad at ramdam na ramdam niya iyon. Tuluyan nang nabuhay ang kanyang mga laman sa katawan. This guy really giving her a hard time to decide.
Inabot na sila ng dalawang oras na nakaupo lamang habang patuloy na nagaganap ang programa ng party na ito. Kanina pa din siya na sumisimsim ng alak galing sa mga waiter na nag-aalok sa kanya. Wala din naman siyang pag-aalanganin na tinatanggap iyon dahil alam niyang kailangan niya talaga iyon ngayong nasa tabi lamang niya ang temptasyon. Hindi din niya tinatanggal ang suot na maskara kahit na nanglalagkit na ang kanyang mukha.
"After this program will be a pure party and you are still not removing that mask of yours," nakakakiliting tanong nito malapit sa kanyang tainga na nagdulot ng nakakakilabot na sensasyon sa kanyang katawan.
Ngumiti naman siya dito at tiningnan sa mata, "You really want to see my face, huh?"
Nagkibit-balikat ito, "Why not? I know that behind your mask there is a beautiful face of a young lady."
Napatawa naman siya dito, "Bolero. Just tell me first kung wala bang magagalit? I don't want to be a villain here, man."
Alam niya kasing may kasintahan ito ten years ago. At isa din iyon sa mga dahilan kung bakit hindi na siya nagbalak pang magpakilala. She don't want to intervene their happy lives. She don't want to act like a bad person. Ayaw niyang maging mang-aagaw at malandi.
Isang hindi mabasang emosyon ang rumehistro sa kulay asul na mga mata nito. Hindi niya alam kung nasasaktan ba ito o kung ano.
"Let's say that I'm single as of this moment that I bought you."
"So, you do really have a girlfriend, huh?," may bahid ng pagdududa ang naging paraan ng kanyang pagtatanong.
"Before. She just broke up with me, one week ago," pag-amin ng huli.
Parang may humaplos naman sa kanyang puso nang makitang nasasaktan ang binata. Sa maikling pagkakakilala niya dito noon, ngayon lang niya nakitang malungkot ito. Nasasaktan din siya.
Hinaplos niya ang likuran nito at marahang nginitian, "Well, she broke up with you because she's not the one. I'm pretty sure that there will be someone destined for you, man," pag-aalo niya dito.
Ngumiti naman ito sa kanya at itinaas ang hawak na kopita sa ere, "Let's just enjoy this night. Don't think about what I've said a while ago. Sayang naman ang binayad ko sayo kung iiyak lang ako dito," mapakla nitong wika at isang lagukan na inubos ang laman ng baso.
Tumango na lamang siya bilang tugon dito at hinayaang magpakalunod sa alak.
Inikot naman niya ang paningin sa paligid at pilit na hinahanap ang lalaking kasama niya sa pagpunta dito. Nagsimula na kasi ang aktwal na kasiyahan, malaya na ang mga imbitado na magsaya, the party is already up. Naningkit naman agad ang kanyang mga mata nang mahanap ang magaling na lalaki. Masaya itong nakikipagharutan sa isang blonde na babae. Wala talagang pinagbago.
"Let's dance, Antoinette!," biglang wika sa kanya ng katabi at walang pag-aalinlangan na hinawakan ang kanyang kamay na parang matagal na silang magkakilala. Iginiya siya nito sa kumpol ng mga taong nagsasaya sa kadiliman at saliw ng musika.
Napangiti naman siya at naisip na sa unang beses sa buhay niya, naranasan niyang mahawakan ng malapitan ang lalaking ito, "You looked drunk, Leo," ani niya dito.
Namumula ang mga matang nginitian siya nito at inilapit ang sariling katawan sa kanyang katawan, "Do I looked like a drunk man to you?"
Tumango naman siya, "Uh, yes?"
Hinawi naman nito ang ilang hibla ng kanyang buhok na nakakalat sa kanyang mukha, "Your eyes are so beautiful. Your lips is so kissable. You're so attractive to me. How could you be so beautiful without taking off your mask? Tell me."
Medyo namula naman ang kanyang mukha sa mga binitawang salita ng lalaki, "You are really drunk, man."
"I may look drunk but I'm telling the truth. Do you want to know a secret of mine?," bulong nito sa kanya at bumaba na ang mga kamay nito sa kanyang bewang at iginiya na sabayan ang ritmo ng bagong salang na musika.
"Umm...sure."Mas lumapit pa ito sa kanya, iyong tipo na isang dangkal na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha, "You are the second woman that I find so attractive and alluring...so tempting. And that's the reason why I bid you with that huge amount of money."
Kumabog naman ang kanyang dibdib sa naging confession ng lalaki, "Do you want to see my face?"
"Kanina pa, Antoinette. I'm tempted to take off your mask."
Dahan-dahan niyang inalis ang suot-suot na maskara. Kinakabahan man ay angat pa din ang kasiyahan na namumutawi sa kanyang puso. Ito na ang kanyang pagkakataon. She really wants to own this man. She is now ready to do everything to have him. Lalo na ngayon na single ito at nakikitaan niya na attracted sa kanya ang lalaki.
Nang tuluyan na niyang matanggal ang suot na maskara ay wala siyang pag-aalanganin na hinalikan ang lalaki. She really wants to taste his lips.
Gulat man ang Adan na kanyang hinalikan, hinayaan lamang siya nito at tinugon ang halik na kanyang binibigay. Pantay sa bugso at tindi ng halik ang sinusukli ng lalaki. Tila nakalimutan na niyang nasa loob sila ng bulwagan at maraming tao. Nakakawala kasi ng ulirat ang lalaki. Nagiging mangmang siya pagdating dito.
Patuloy lamang silang naghahalikan at hinahalukay ang bawat laman ng kaloob-looban ng kanilang mga labi. Habol-hininga nang tumigil sila sa ginagawa, nakakaubos ng lakas ang nangyari.
Lango pa siya sa halik ng lalaki.
Tiningnan siya ng huli at hinawakan ang kanyang mukha bago bulungan, "Let's go outside, Antoinette."
Nanlambot naman ang tuhod niya dito. Ito na ang sinasabi niyang pagkakataon.
Isang pagbati!Narito ka dahil nagawa mong tapusin ang aking nobela at binabati kita. Isa ka ng ganap na hermosa, at kung hindi mo alam ang kahulugan nito. Ang salitang iyan ay galing sa espanyol na nangangahulugang maganda.And you are beautiful, whatever your skin color, your body type, your gender or your race, because you are a God's masterpiece, remember that.Ang librong ito ay nais lamang mag-iwan ng isang mensahe na ang pag-ibig ay hindi makasarili.Si Toni ang halimbawa ng babaeng kayang tiisin ang lahat manatili lamang sa kanya si Leo. Handa siyang maging masokista. Ngunit hindi ganoon ang pagmamahal.Ang pagmamahal ay mapagbigay at mapagkumbaba, hahayaan mo ang iyong iniirog na maging malaya kung anuman ang kanyang ikaliligaya, kagaya na lamang ng ginawa ni Vixen.
"Galingan mo mamaya sa quiz bee, Leo. Sabi ni Ma'am Balitez kapag ikaw ang nanalo exempted na tayo sa long tests!," tuwang-tuwang turan kay Leo ng kaklaseng lalaki, nagawa pa nitong akbayan siya."Oo na. Bitawan mo na ko," naiiritang pakli niya dito bago muling hinarap ang makapal na librong binabasa."Sungit mo naman, chini-cheer na nga kita!""Hoy, Umali! Tigilan mo nga 'yan si Marasigan, baka malasin at makalimutan niyan mga inaral niya para sa quiz bee!," sinita ng kanilang presidente ng klase ang makulit na kaklase.Salamat naman, bulong niya sa sarili.Ginugol lang niya ang kanilang dalawang oras na bakante sa pagre-review. Pilit sinasaulo ang lahat ng mga termino. At nang dumating na ang oras ng kanyang laban ay dali-dali na niyang nilagay sa balikat ang may kabigatan na backpack."Hindi mo dapat makalimutan lahat ng inaral mo, Leonardo," kinakausap niya pa ang sari
"Mama, who's the owner of this house?," nagtatakang tanong niya sa ina pagkababa pa lamang nila sa sasakyang nagdala sa kanila.Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay, malaki at halatang mahal ang bawat materyales na ginamit. Kung hindi siya nagkakamali ay mas malaki ang isang ito sa mansyon nila sa Tanay. This one is a medieval type, at nagtatalo ang kulay ng kayumanggi at krema."Bahay ng Tita Louise mo, Toni," her mother answered pagkatapos pasalamatan ang personal driver na inarkila pa talaga nito.Her Tita Louise's house is elegant like her. As an engineer, ang masasabi niya ay napakaperpekto ng mansion na nasa kanyamg harapan. Halatang ilang dekada na ang lumipas ngunit nananatili pa rin itong matatag."So, why we are here, then? Birthday ba ni Tita?," she curiously asked again.She's wearing a creamy dress just above her knees and paired it with her caramel block heels. Saman
Toni tried to busy herself doing some office works kahit na hindi naman niya ito kailangang gawin pa. She really needs a distraction.Nakakabaliw lang ang lahat. Hindi niya pa rin talaga lubos akalain na manggagaling mismo sa bibig ng binata ang gusto niyang marinig dito.Para lang siyang panaginip, pero nangyari talaga.Leonardo often visited her office ngunit hindi niya ipinapahintulutan sa kanyang sekretarya na papasukin ito. She's still not ready to faced him again.Wala pa siya sa matinong pag-iisip at baka kung anong kabaliwan lamang ang gawin niya. What she have been within those past months was enough for now, tama na muna ang iba."Lahat ba ng dumating na construction materials ngayon
Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib. Naghaharumentado sa simpleng salita ng binata ang bawat parte ng kanyang katawan.Nakakabaliw."Stop spitting out nonsense, Attorney," gusto na niyang matapos ang sayaw na ito, ngunit tila ayaw yata siyang pakawalan ng binata."Hindi ako nagsisinungaling, Antoinette. The day I first laid my eyes on you, there's still unexplainable connection I felt for you. I can't describe what it is, but I know it's something deep. Nakakapaso. Nakakalunod. Nakakatakot. And believe me when I say that ikaw na lang ang babae ko simula ng tanggapin ko ang offer mo," his eyes still on her, pilit pinapabatid na sa kanya lang ang buong atensyon ng binata.Hindi rin nito alintana ang iba pang mga taong sumasayaw sa kanilang paligid. H
"Is this dress would be fine?," nag-aalangang tanong niya kay Vixen habang iniikot ang sarili, suot ang isang black sleeveless body con dress just thigh length, revealing din ito ng bahagya dahil kita ang kanyang cleavage and there's a slit na mas lalong nagpakita ng kanyang hita.Mangha namang ipinabalik-balik ng binata ang tingin sa kanyang kabuuan, "So perfect, Toni!"She rolled her eyes at dinampot na lamang ang kanyang silver purse sa table, "Bolero. Tara na nga at baka mahuli pa tayo," naglakad na siya palabas wearing her killer heels.Natatawa namang humabol sa kanya ang lalaki, nagawa pa nitong pasadahang muli ang kanyang katawan, ramdam niya iyon, "I'm just telling the obvious, babe.""Whatever, Khalid."