Share

7

Author: algeahermosa
last update publish date: 2020-07-29 18:15:56

"So, I was saying, Attorney, I suggest that we should not consider the offer of MedSecurity Drugstore as one of our partners to maintain our accountability and credibility with the large mass of clients. Lalo na po at hilaw pa sa media ang naging isyung korapsyon sa loob mismo ng kanilang kumpanya," magalang ngunit may panghihikayat na wika ng Marketing Expert ng Marasigan Accounting Firm kay Leo.

Natauhan naman bigla ang kaninang tulalang si Leo sa kaharap, parang wala sa sarili, "What is it again, Miss Amanda?"

Napatikhim naman ang una sa naging asal niya ngunit hindi na lamang nagsalita, "About the MedSecurity Drugstore po."

Tumango-tango naman siya at tila naalala na muli kung ano ang kanyang pakay sa babaeng kaharap, "Ah, yes. I called you today dahil even me alone, I will decline the offer of those bastards, but we still need to have the approval of the boards dahil na nga sa isa itong malaking offer. That's why I want you to convince them mamaya sa meeting."

"Copy, Attorney. I know naman po that they will understand that we're into service not just for money. Mas malaki ang mawawala sa company kapag nadamay pa tayo sa isyung kinakaharap ng magkapatid."

"Yeah, I know, that's why you really need to have their 100% approval, Miss Amanda," magkasalikop ang mga kamay at nakapahalumbabang tugon niya sa kaharap.

Nawawala pa rin siya sa katinuan ngunit sinusubukan niyang ibalik dahil hindi talaga mawala sa kanyang isipan ang nangyari kahapon. Alam naman niyang ginusto niya rin ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa ni Antoinette. But he felt guilty for being a bastard dahil isang linggo pa lang silang break ng dating nobya ay may kinalantari na siyang ibang babae.

Tigang ka lang talaga, gago!, bulong ng nagtatalo niyang isipan.

Wala sa sariling napapailing na lamang siya habang sinasariwa ang nangyari kahapon. He just made out with a virgin! At hindi niya alam kung magkikita pa ba silang muli ng babae pagkatapos ng nangyari. Ni hindi man lang niya natanong ang number nito!

At gusto mo pa talagang umisa, ah!, bulyaw na naman ng kanyang isipan.

"I got it, Attorney. How about po pala sa Sylvania? They contacted me if when we will deploy the accountants they were asking for," muling wika ng kaharap habang tinitingnan ang mga dokumentong nakapatong sa sariling hita.

Napapitik naman siya sa ere, "Oh, about that, I can't include Ethon on the list, due to his heavy load and aside rin naman sa pagiging accountant ay abala rin 'yun sa pagiging architect. So, I'm giving you the floor para mamili, you can asked for the opinion of the boards na rin mamaya sa meeting."

"Okay, Attorney. I'll prepare everything later."

"Well, I think that's it! You may go back to your post, Miss Amanda. Thank you for your time. See you around later at the meeting," pagtatapos niya sa kanilang usapan at may mga aasikasuhin pa siyang kaso na hindi niya nagawang basahin kahapon.

Tumayo naman na ang babaeng kaharap at ngumiti ng tipid, "Yes, Attorney. It's my pleasure. Got to go," at pagkatapos nitong ipunin sa kabilang braso ang mga papeles na dala ay nagpatinaod na ito palabas ng kanyang opisina.

Naiwan naman siyang mag-isa sa loob, kagat-kagat ang hinlalaki at malalim ang iniisip.

Muntikan na siyang malunod sa lalim ng kanyang pagkakatulala nang biglang tumunog ang sariling cellphone na nakalapag sa kanyang table.

Kinuha naman niya ito at binuksan para basahin ang mensahe ng kaibigang si Ethon.

'you free on sunday? let's hangout, man! sa real! may bagong bukas na beach resort, pool party! ano g?!'

Ito na ata ang senyales para tuluyan na siyang lubayan ng mga nagpapagulo sa kanyang isipan. Hindi siya makapag-isip ng matuwid dahil dito!

TAHIMIK ang buong conference room habang nagpe-present ng mga bagong designs ang isang may kabataang Architect para sa itatayong condominiums sa may Cubao. Ngunit hindi na natiis pa ni Toni ang mga naririnig, salubong ang kilay, lukot ang mukha, senyales na hindi na siya natutuwa sa presentation.

"Sorry to interrupt you, Architect Depaz, but I think your designs are too overrated for the new project. You see, the interior is too extravagant, that if I will put it in a list, it won't be fit in our condominiums description," ma-awtoridad na wika niya habang hawak ang kopita ng red wine sa kanang kamay.

Agad namang napatigil sa pagsasalita ang arkitektong nasa harap ngunit nandoon pa rin ang komposisyon sa sarili, "With due to respect, President, my team and I designed this one with a purpose. We want to make a condominium that will fit the description of an elite condominium. I think this will be a good start for us to try something new."

"Still, it does not fit the description of an affordable condominiums," binitawan na niya ang pinaglalaruang kopita at mataman na lamang na tumingin sa kausap.

"That's why we should change it into like this," determinado pa ring wika ng huli sa kanya.

"I understand your sentiment, young man, but if you pursue that dream, the Company's Vision and Mission won't makes sense anymore. As you know that we aimed to build shelters even for the middle class in an affordable price but a comfortable pad."

"Innovation, President," preskong wika nito at hindi alintana ang tingin na binibigay ng boards sa kanya.

"That's not an innovation, Depaz. You want to change the company's brand and I don't like it. I build this company with a fixed motive and I won't change it not until I'm still alive," tumataas na ang tensyon na kanyang nararamdaman at hindi niya ito nagugustuhan, napakataas ng ere ng arkitektong ito!

"I agree with Engineer De Silva, on behalf on being the Vice President for Marketing in Sylvania," biglaang pagsingit ni Vixen na tahimik na nakikinig lamang kanina sa kanilang argumento, "What you want, Architect Depaz will surely have a great impact in our company's brand lalo na at halos middle class ang ating loyal customers, and by changing the type, the exclusiveness, and the size of each condos might cause complications. And complications may result bawas kliyente. Maaari nga tayong makahanap ng bago but old clients still the best. After all, this company never made to pleased the elite, but to fulfill the needs of the middle class," pagpapatuloy pa nito.

"I also agree with the both of them, Architect. I appreciate your effort on making those beautiful layouts but innovation can happen without changing the identity of our company. The cost of your designs are too much for the allocations on the project plan," pag-apela naman ng Vice President for Purchasing na si Yvette.

"So, I think the meeting is adjourned. Make a new schedule for the presentation ng appropriate na designs for the project. Goodbye everyone," pagtatapos niya sa usapan at walang sabi-sabing nilisan ang loob ng silid, agaran namang sumunod sa kanya ang sekretarya.

"KUMPLETO na ba ang iyong mga dadalhin, Toni darling?," maarteng lintanya sa kanya ng kaibigang si Cia na nakasuot lamang ngayon ng maikling maong shorts at one-piece bra na kulay violet sa pang-itaas at pinaresan pa ng shades at isang branded na sandals. Habang siya ay abalang naglalagay ng gamit sa likuran ng kanyang sasakyan.

"Yes, baby. Just few clothes para may pangpalit ako kung sakaling mabasa," nakasuot naman siya ng isang one-piece bikini na kulay itim, it was backless revealing her nakedness behind and she paired it with a dolphin short and a kimono style cover up.

"Duh! Of course you'll get wet there, it's a pool party not a kiddie party, baby!," napairap pa ito habang nakasandal ang katawan sa likuran ng sasakyan at hawak-hawak ang cellphone at wallet sa kabilang kamay.

"I know, Cia, alangan namang magsimba ka na ganyan ang suot diba?," pambabara niya pabalik sa kaibigan.

"Whatevah, Mary! If wala ka naman ng ilalagay diyan sa trunk, we better get going at matagal pa ang biyahe!"

"Ohh yes, dear and you're the one who'll drive going there. And bahala ka na sa pag-uwi mo dahil kailangan kong umuwi din ng madaling-araw at may pasok pa ko bukas," pagpapaliwanag niya pa sa kaibigan before she opened her car by pressing it's remote, she hopped in at the passenger's seat.

Umikot naman na papasok sa driver's seat si Cia, "Sino bang walang pasok?," at parang baliw pa itong humalakhak habang ini-start ang sasakyan.

Napailing na lamang siya sa kabaliwan ng kaibigan.

INABOT din sila ng halos tatlong oras sa loob ng sasakyan bago sila tuluyang makarating sa beach resort na tinutukoy ng kaibigan. Wala na ang haring araw ng maiwan nila sa valet ang dalang sasakyan at makapag-check in sa pina-reserve na hotel suite ng kaibigan.

Maingay na ang buong kapaligiran ng bagong tayong beach resort hindi kalayuan sa hotel na pinaglabasan nilang dalawa. Tanaw na niya ang maingay na alon ng iba't-ibang klase ng mga tao sa entrada pa lamang ng buhanginang punong-puno ng makukulay na ilaw sa kahit saan mang sulok na may mga panauhing nagsasaya.

Mabilis lang silang nakapasok ni Cia sa loob ng nagaganap na party pagkatapos magpakita ng huli ng mga passes sa mga bouncers na nakatayo sa pasukan ng mga tao.

"It's party time, Toni my love!," kinikilig na tili ng kanyang kaibigan habang iginigiya sila ng isang usherette papunta sa mas malaking kumpol ng mga taong nakasuot lamang ng bikini o 'di kaya ay board shorts at may mga hawak na kopita ng alak.

Tumigil sila sa isang wooden couch and table malapit sa isang mini stage. Maganda ang setup ng paligid, nakadagdag pa ang kumikinang na dagat sa hindi kalayuan. At nagpapasalamat rin siya sa sarili dahil hindi madulas ang suot niyang sandals, dahil literal na buhanginan talaga ang kanilang tinatapakan.

"Let's just drink and eat a bit then party na talaga tayo, dear!," excited na wikang muli ni Cia habang nagtatawag ng waiter.

"Yes, baby at wag kang masyadong magpapakalasing at baka iuwi ka na naman ng kung sinong lalaki diyan," pang-aalaska niya sa kaibigan at sinabayan niya pa ito ng nakakalokang tawa.

Malakas naman siyang hinampas nito sa balikat at inirapan, "Duh! Sadyang nilalasing lang talaga nila ko, girl!," pagtatanggol pa nito habang nagsasalin ng vodka sa kanilang kopita.

"Nagpapalasing ka naman!"

Lumipas ang isang oras na nakaupo lang sila sa coach habang lumalagok ng iba't-ibang klase ng alak na pinili ni Cia bago nila napagdesisyunang makisayaw na sa alon ng mga taong wasted na ang mga itsura.

Nagtatawanan silang magkaibigan habang umiindak sa saliw ng masayang musika na likha ng isang DJ sa stage. May nagpapaulan rin gamit ang mga malalaking hose kaya basang-basa na ang suot nilang damit kahit hindi pa naman sila lumalangoy sa beach.

Hinubad na niya ang suot na coverup at basta-basta na lamang tinapon sa kung saan bago muling nagtatalon sa tugtog habang may hawak-hawak na bote ng beer sa kabilang kamay.

"Whoo! Party party! Let's get wasted, my dear!," malanding sigaw ni Cia habang umiindak.

May mga lalaking foreigner ang lumalapit sa kanya para makisayaw na malugod naman niyang tinatanggap at sinasabayan pa niya ito ng paggiling ng balakang.

"What's your name, babe?," nang-aakit na tanong sa kanya ng isang lalaking may magandang pangangatawan at tanging board shorts lamang ang suot.

Mas lalo niya pang nilapit ang katawan sa lalaki at tiningala upang bulungan, "Just call me babe," and she winked.

"I like that, babe," his husky voice envelope on her ear na halos halikan na nito sa sobrang lapit ng bibig.

Tawa lamang ang naging tugon niya dito at nagpatuloy na lamang sa pagsayaw habang hinahanap ang bulto ng kaibigan na lango na sa alak.

Napailing naman siya ng matagpuan ito sa isang banda ng mga tao na nakikipaghalikan na sa isang estranghero.

Isa namang mainit at pamilyar na yakap ang kanyang naramdaman sa kanyang likuran na nakapagpatigil sa kanyang pag-indak.

Agaran niya itong nilingon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   SERENADE SERIES #1

    Isang pagbati!Narito ka dahil nagawa mong tapusin ang aking nobela at binabati kita. Isa ka ng ganap na hermosa, at kung hindi mo alam ang kahulugan nito. Ang salitang iyan ay galing sa espanyol na nangangahulugang maganda.And you are beautiful, whatever your skin color, your body type, your gender or your race, because you are a God's masterpiece, remember that.Ang librong ito ay nais lamang mag-iwan ng isang mensahe na ang pag-ibig ay hindi makasarili.Si Toni ang halimbawa ng babaeng kayang tiisin ang lahat manatili lamang sa kanya si Leo. Handa siyang maging masokista. Ngunit hindi ganoon ang pagmamahal.Ang pagmamahal ay mapagbigay at mapagkumbaba, hahayaan mo ang iyong iniirog na maging malaya kung anuman ang kanyang ikaliligaya, kagaya na lamang ng ginawa ni Vixen.

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   EPILOGUE

    "Galingan mo mamaya sa quiz bee, Leo. Sabi ni Ma'am Balitez kapag ikaw ang nanalo exempted na tayo sa long tests!," tuwang-tuwang turan kay Leo ng kaklaseng lalaki, nagawa pa nitong akbayan siya."Oo na. Bitawan mo na ko," naiiritang pakli niya dito bago muling hinarap ang makapal na librong binabasa."Sungit mo naman, chini-cheer na nga kita!""Hoy, Umali! Tigilan mo nga 'yan si Marasigan, baka malasin at makalimutan niyan mga inaral niya para sa quiz bee!," sinita ng kanilang presidente ng klase ang makulit na kaklase.Salamat naman, bulong niya sa sarili.Ginugol lang niya ang kanilang dalawang oras na bakante sa pagre-review. Pilit sinasaulo ang lahat ng mga termino. At nang dumating na ang oras ng kanyang laban ay dali-dali na niyang nilagay sa balikat ang may kabigatan na backpack."Hindi mo dapat makalimutan lahat ng inaral mo, Leonardo," kinakausap niya pa ang sari

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   40

    "Mama, who's the owner of this house?," nagtatakang tanong niya sa ina pagkababa pa lamang nila sa sasakyang nagdala sa kanila.Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay, malaki at halatang mahal ang bawat materyales na ginamit. Kung hindi siya nagkakamali ay mas malaki ang isang ito sa mansyon nila sa Tanay. This one is a medieval type, at nagtatalo ang kulay ng kayumanggi at krema."Bahay ng Tita Louise mo, Toni," her mother answered pagkatapos pasalamatan ang personal driver na inarkila pa talaga nito.Her Tita Louise's house is elegant like her. As an engineer, ang masasabi niya ay napakaperpekto ng mansion na nasa kanyamg harapan. Halatang ilang dekada na ang lumipas ngunit nananatili pa rin itong matatag."So, why we are here, then? Birthday ba ni Tita?," she curiously asked again.She's wearing a creamy dress just above her knees and paired it with her caramel block heels. Saman

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   39

    Toni tried to busy herself doing some office works kahit na hindi naman niya ito kailangang gawin pa. She really needs a distraction.Nakakabaliw lang ang lahat. Hindi niya pa rin talaga lubos akalain na manggagaling mismo sa bibig ng binata ang gusto niyang marinig dito.Para lang siyang panaginip, pero nangyari talaga.Leonardo often visited her office ngunit hindi niya ipinapahintulutan sa kanyang sekretarya na papasukin ito. She's still not ready to faced him again.Wala pa siya sa matinong pag-iisip at baka kung anong kabaliwan lamang ang gawin niya. What she have been within those past months was enough for now, tama na muna ang iba."Lahat ba ng dumating na construction materials ngayon

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   38

    Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib. Naghaharumentado sa simpleng salita ng binata ang bawat parte ng kanyang katawan.Nakakabaliw."Stop spitting out nonsense, Attorney," gusto na niyang matapos ang sayaw na ito, ngunit tila ayaw yata siyang pakawalan ng binata."Hindi ako nagsisinungaling, Antoinette. The day I first laid my eyes on you, there's still unexplainable connection I felt for you. I can't describe what it is, but I know it's something deep. Nakakapaso. Nakakalunod. Nakakatakot. And believe me when I say that ikaw na lang ang babae ko simula ng tanggapin ko ang offer mo," his eyes still on her, pilit pinapabatid na sa kanya lang ang buong atensyon ng binata.Hindi rin nito alintana ang iba pang mga taong sumasayaw sa kanilang paligid. H

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   37

    "Is this dress would be fine?," nag-aalangang tanong niya kay Vixen habang iniikot ang sarili, suot ang isang black sleeveless body con dress just thigh length, revealing din ito ng bahagya dahil kita ang kanyang cleavage and there's a slit na mas lalong nagpakita ng kanyang hita.Mangha namang ipinabalik-balik ng binata ang tingin sa kanyang kabuuan, "So perfect, Toni!"She rolled her eyes at dinampot na lamang ang kanyang silver purse sa table, "Bolero. Tara na nga at baka mahuli pa tayo," naglakad na siya palabas wearing her killer heels.Natatawa namang humabol sa kanya ang lalaki, nagawa pa nitong pasadahang muli ang kanyang katawan, ramdam niya iyon, "I'm just telling the obvious, babe.""Whatever, Khalid."

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status