LOGIN"You're here, too, Vixen?," gulat na tanong niya sa lalaking umakap sa kanya mula sa likuran.
Pilyo namang ngumiti ang binata at hinagod pa ang kanyang namumulang pisngi dulot ng alak, "It's nice to see you, too, Toni," at humalakhak pa ito bago igawi ang paningin sa isang malaking table malapit lamang sa inupuan nilang magkaibigan, puno ito ng mga kalalakihang nagtatawanan habang sumisimsim ng alak, "I'm with my friends if you were asking," pagpapatuloy nito.
Tumikhim naman siya at bahagyang lumayo sa lalaki, "Well, glad to see you here, Vix."
Muli namang lumapit ang binata sa kanya nang magkaroon ng malakas na bungguan sa kanilang bandang kanan. Hawak siya nito sa kanyang nakalabas na likuran bilang alalay.
"I need to go, Vix," maya-maya'y wika niyang muli ng maka-adjust sa nangyari.
"Don't you want to play with me, Toni?," nang-aakit na tanong ng kaharap malapit sa kanyang punong-tainga.
Naiirita namang inalis niya ang kamay ng binata at masamang tiningnan, "Again, you're not my type, please lang, Vixen. Go find another woman and fuck them all day!," at walang pasabing iniwan niya ito sa gitna ng mga taong nagsasayawan.
"But I want you, you're still a woman though!," pahabol pa ng huli bago siya tuluyang makaalis at mapadpad sa tahimik na parte ng party kung saan nagtatampisaw ang ibang mga panauhin.
Hindi niya talaga mawari kung saang hayop pinaglihi ang lalaking katrabaho at napakakulit. Ilang beses na niyang sinabi ditong ayaw niyang maging fling ito, ngunit kapag may pagkakataon ay nanggugulo na naman. Akala naman niya madadaan siya nito sa pang-aakit! Oo, gwapo naman si Vixen, pero ang kaibigan, kaibigan lang, walang patusan.
"Letse talaga! Nasa kalagitnaan na nga ko ng paghahanap ng kasiyahan, may umepal pa!," naiinis na piksi niya sa sarili bago kumuha ng isang baso ng wine sa waiter na dumaan sa kanyang harapan.
Napagpasyahan na lamang niyang maupo sa isa sa mga lounge na nakahilera sa gilid ng beach habang sumisimsim ng alak. Hinubad na rin niya ang suot na dolphin short, at tanging manipis na bikini na lamang ang nagtatabing sa kanyang kahubdan.
Rinig pa rin niya ang maingay na tugtugin at hiyawan sa kanyang likuran habang pinagmamasdan ang mga lalaking matitipuno ang katawang lumalangoy sa kumikinang na karagatan.
Kumuha pa siya ng isang kopita ng alak sa waiter na kinuhanan niya rin kanina bago muling tingnan ang gawi ng mga kalalakihan. Ngunit sa kanyang paglingon, natanawan niya ang isa sa mga lalaking lumalangoy, pamilyar sa kanya ito!
Bago niya pa muling masilayan ang lalaki, may isang bulto ang humarang sa kanyang magandang tanawin.
"Hi, are you alone?," nakangiting tanong sa kanya ng estranghero. Mukha itong Koreano base sa pisikal nitong kaanyuan at ang slang nitong ingles.
Iritable man ay ngumiti pa rin siya dito nang nang-aakit, "Yes, I'm alone, why?"
Habang hawak ang isang baso sa kaliwang kamay, umupo sa kanyang tabi ang lalaking hindi niya alam ang pangalan, "Ever since you came in this part, you really caught my attention. Can I have your name?," diretsahang tanong nito pagkakuway.
Prangka, she likes it, she said silently on her mind.
"Well, you can call me, Ann, how about you?," tuluyan na nga niyang nakalimutan sa isipan ang binatang pamilyar sa kanya sa hindi kalayuan sa kanyang banda.
"It's my pleasure to meet you, beautiful Ann, my name's Rigor," nakangiting tugon nito sa kanya at hinalikan pa ang kanyang bakanteng palad.
"Nice meeting you, Rigor. Hope you have some fun tonight," malamyos na wika niya dito bago muling sumimsim ng alak sa kanyang kopita.
"Of course, I will," at tumingin pa sa kanya ito ng makahulugan, "Anyways, don't you want to swim?," pahabol pa nito.
"Oh, talking of swimming, I almost forgot. I won't spend the night without trying this beach!," nakalimutan talaga niyang kaya niya rin napiling pumunta ditong banda ay dahil lalangoy siya.
"That's great! Let's go, Ann?," pag-aaya sa kanya ni Rigor habang tuluyan na muli itong tumayo mula sa pagkakaupo.
"Sure. Just one sip," at nilagok na nga niya ang natitirang wine sa baso bago niya ito ilapag sa katabing wooden table at tumayo.
Sabay silang naglakad sa buhanginan ng lalaking kakakilala niya pa lamang, habang ang kaliwang kamay nito ay nakapirmi sa kanyang balakang.
She will enjoy the night, really, muli niyang sabi sa sarili.
SA KABILANG BANDA, tiim ang bagang ni Leonardo habang nakatitig sa dalawang bagong dating malapit sa kanilang gawi. Kilala niya ang babae, dahil ito lang naman ang babaeng nakasiping niya sa kanyang townhouse.
Napagawi pa ang kanyang paningin sa kamay ng binatang kasama nito na halos ayaw ng bitawan ang makurbang balakang ng dalaga. At nagawa pang magtawanan ng dalawa na parang matagal na silang magkakilala!
Ano ba 'tong nararamdaman niya at para siyang nobyo na nakita sa akto ang nobyang may kasamang iba!, naiinis na bulong niya sa sarili.
"Hey Leo dude, diba siya 'yung babae na binili mo sa bidding?," kinalabit pa siya ng kaibigang si Ethon na umahon pa talaga mula sa pagkakalusong sa malalim na parte ng dagat.
"Yeah, why?," pormal niyang tanong dito bago muling lumangoy sa mas malayong banda, malayo sa kaibigang malapit ng mang-alaska.
Naramdaman naman niya ang pagsunod nito, "May kasamang Koreano, ah, halatang ang daming lalaki sa buhay!," at humalakhak pa ang loko habang parang tutang nakabuntot sa kanya.
"And the hell I care?," masungit na tugon niya sa kaibigan at muling lumayo na dito.
"Sungit naman ni Attorney!," nang-aalaskang tugon pa sa kanya nito.
"Mind your own business, Etho -," naputol ang kanyang pagsasalita ng mabunggo niya ang isang dalaga na nakatalikod sa kanyang banda, dahil ito sa kakalayo niya sa makulit na kaibigan!, "I'm so sorry, Miss!," agad niyang hinging paumanhin dito.
Narinig naman niya ang pagsipol at mahinang pagtawa ng kanyang kaibigan pagkaraan.
Humarap naman sa kanyang gawi ang babae, "That's fine -," naputol ang sasabihin nito ng makita siya nito ng malapitan, "Leo?," gulat na tanong sa kanya ng dalaga.
Maski siya'y nagulat! It was Antoinette! Damn!
"You're here, Antoinette," pinilit niyang magbakas na hindi niya inaasahang makita ang dalaga, kahit na kanina pa naman niya ito naaninagan hindi kalayuan.
"Ah, yes, I'm with my guy," tugon naman sa kanya ng dalaga at tinuro ang lalaking katabi na nakaharap na rin sa kanyang banda, "Leo, this is Rigor," nakangiting pakilala pa nito at hindi alintana na nasa gitna sila ng dagat.
"Boyfriend mo?," biglang pagsingit ng pilyong kaibigan sa kanyang likuran.
Sinamaan niya ito ng tingin, ngunit hindi umimik.
Tumawa naman ng bahagya ang dalaga at nagawa pang wisikan si Ethon na parang close sila, "Silly you! Of course not, I don't do boyfriend's."
Inakbayan naman siya ng kaibigan at binulungan, "Iyak, pare!," humalakhak pa muli ito bago muling hinarap ang dalaga, "Oh, who's with you pala, Antoinette?," tanong pa muli nito na parang ilang taon na talaga silang nagsama.
Nawala naman ang paningin niya sa mukha ng dalaga at napirmi ito sa namamahingang kamay ng Koreano sa balakang ng katabi habang tahimik lamang na nakatingin sa kanila, halatang bored at walang maintindihan ng maayos.
Ni hindi man lang nito nagawang magpakilala! Pero kahit naman siya ay ganun rin.
Hinawi ni Antoinette ang basang buhok sa kabilang balikat, exposing more her nakedness, "I'm with my bestfriend, she's somewhere in the crowd though."
"May kaibigan ka pala?," tila gulat na tanong pang muli ng maingay na kaibigan.
Hanggang kailan ba 'to magtatanong? Parang wala sila sa gitna ng malamig na tubig!
"Malamang! Duh! I'm not a loner in my whole life," umismid pa ito sa kanilang harapan.
"Pakilala mo naman ako next time, malay mo maging mag-best friend din kami!," nakangising wika pa ng loko, masyado ng nawili sa pagbanggit pa lamang ng kaibigan. Babaero talaga!
"Oh, sure, next time. But would you excuse us? We need to go in somewhere, you know," pagkuway pag-iiba ng dalaga sa usapan, ramdam na ata ang lamig ng gabi o iba pa?
"Where are you going?," mula kanina ay ngayon na lamang ulit siya nagsalita, pagkaraan ng ilang sandali.
Ngumiti naman sa kanya ng pilya ang huli, "Why would I tell you? Of course it's a secret," at nagawa pa nitong kumindat bago kausapin ang katabing lalaki, "Let's go, Rigor?"
Para namang tuta na maamong tumango ang banyaga, "Sure, Ann!"
Bago tuluyang lumayo ang dalawa sa kanilang banda, nagawa pa nitong muling lumingon sa kanilang dalawa, "Nice seeing you here, guys!," pagkaraa'y tuluyan na itong tumalikod sa kanila.
"Alam mo na, Attorney!," nakangising makahulugan sa kanya ng kaibigan bago ito lumusong palayo sa kanya at lumapit naman sa iba pa nilang kaibigan.
Napailing naman siya bago napagpasyahang umahon na lamang at magpatuyo na.
"WHY are we back in the party, Ann?," nagtatakang tanong sa kanya ng kasamang binata nang tuluyan na silang makabalik sa maingay na parte ng party.
Ngumiti naman siya dito at nagawa pang haplusin ang makinis na pisngi, "I'll just drop you here na, Rigor. I need to find pa kasi my friend. You know, she's wasted, and she needs me," pagdadahilan pa niya ngunit gusto lang niya talagang iwan na ito dito.
Nahanap na kasi niya ang tunay na magpapaligaya sa kanya ngayong gabi!
Tila hindi naman makapaniwalang tumingin sa kanya ang huli, "W-What? Why? I thought..."
"Enjoy the night, babe," malambing na pamamaalam niya dito at hinalikan pa niya ito sa gilid ng labi, bago niya tuluyang nilisan ang bandang ito at pumunta sa kabilang dako.
Basang-basa na ang kanyang suot na bikini ngunit hindi niya ito alintana habang papunta sa counter kung saan may isang bartender na abalang naghahalo ng iba't-ibang klase ng alak.
She needs some alcohol in her system before she finally let her craziness invade her mind. Mataas ang tolerance niya sa alak, kaya walang epekto ang mga ininom nila kaninang magkaibigan.
"Bigyan mo nga ko ng alak, 'yung pampatibay ng loob," she said upon sitting on one of the high stools on the counter.
"And why would you need that?"
Napalingon naman siya sa nagsalita at tila gulat pang hindi inaasahan ang makikita, "Oh, you're here, Leo?," pag-iiba niya sa usapan, gulat pa rin dahil hindi naman niya inaasahang papunta rin dito ang binata!
Binasa muna nito ang pang-ibabang labi bago sumandal malapit lamang sa kanyang kinauupuan, "Where's your Korean guy?," pag-iiba rin nito.
Napailing naman siya bago tinanggap ang inabot na alak ng bartender sa kanya. Hindi niya alam kung anong mga alak ang pinaghalo nito, pero ang alam niya matapang ito, "Oh, I just left him," sagot niya bago tinikman ang alak.
Naramdaman naman niya kaagad ang mainit na hatid nito sa kanyang katawan. Ang tapang nga!
Isang pagbati!Narito ka dahil nagawa mong tapusin ang aking nobela at binabati kita. Isa ka ng ganap na hermosa, at kung hindi mo alam ang kahulugan nito. Ang salitang iyan ay galing sa espanyol na nangangahulugang maganda.And you are beautiful, whatever your skin color, your body type, your gender or your race, because you are a God's masterpiece, remember that.Ang librong ito ay nais lamang mag-iwan ng isang mensahe na ang pag-ibig ay hindi makasarili.Si Toni ang halimbawa ng babaeng kayang tiisin ang lahat manatili lamang sa kanya si Leo. Handa siyang maging masokista. Ngunit hindi ganoon ang pagmamahal.Ang pagmamahal ay mapagbigay at mapagkumbaba, hahayaan mo ang iyong iniirog na maging malaya kung anuman ang kanyang ikaliligaya, kagaya na lamang ng ginawa ni Vixen.
"Galingan mo mamaya sa quiz bee, Leo. Sabi ni Ma'am Balitez kapag ikaw ang nanalo exempted na tayo sa long tests!," tuwang-tuwang turan kay Leo ng kaklaseng lalaki, nagawa pa nitong akbayan siya."Oo na. Bitawan mo na ko," naiiritang pakli niya dito bago muling hinarap ang makapal na librong binabasa."Sungit mo naman, chini-cheer na nga kita!""Hoy, Umali! Tigilan mo nga 'yan si Marasigan, baka malasin at makalimutan niyan mga inaral niya para sa quiz bee!," sinita ng kanilang presidente ng klase ang makulit na kaklase.Salamat naman, bulong niya sa sarili.Ginugol lang niya ang kanilang dalawang oras na bakante sa pagre-review. Pilit sinasaulo ang lahat ng mga termino. At nang dumating na ang oras ng kanyang laban ay dali-dali na niyang nilagay sa balikat ang may kabigatan na backpack."Hindi mo dapat makalimutan lahat ng inaral mo, Leonardo," kinakausap niya pa ang sari
"Mama, who's the owner of this house?," nagtatakang tanong niya sa ina pagkababa pa lamang nila sa sasakyang nagdala sa kanila.Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay, malaki at halatang mahal ang bawat materyales na ginamit. Kung hindi siya nagkakamali ay mas malaki ang isang ito sa mansyon nila sa Tanay. This one is a medieval type, at nagtatalo ang kulay ng kayumanggi at krema."Bahay ng Tita Louise mo, Toni," her mother answered pagkatapos pasalamatan ang personal driver na inarkila pa talaga nito.Her Tita Louise's house is elegant like her. As an engineer, ang masasabi niya ay napakaperpekto ng mansion na nasa kanyamg harapan. Halatang ilang dekada na ang lumipas ngunit nananatili pa rin itong matatag."So, why we are here, then? Birthday ba ni Tita?," she curiously asked again.She's wearing a creamy dress just above her knees and paired it with her caramel block heels. Saman
Toni tried to busy herself doing some office works kahit na hindi naman niya ito kailangang gawin pa. She really needs a distraction.Nakakabaliw lang ang lahat. Hindi niya pa rin talaga lubos akalain na manggagaling mismo sa bibig ng binata ang gusto niyang marinig dito.Para lang siyang panaginip, pero nangyari talaga.Leonardo often visited her office ngunit hindi niya ipinapahintulutan sa kanyang sekretarya na papasukin ito. She's still not ready to faced him again.Wala pa siya sa matinong pag-iisip at baka kung anong kabaliwan lamang ang gawin niya. What she have been within those past months was enough for now, tama na muna ang iba."Lahat ba ng dumating na construction materials ngayon
Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib. Naghaharumentado sa simpleng salita ng binata ang bawat parte ng kanyang katawan.Nakakabaliw."Stop spitting out nonsense, Attorney," gusto na niyang matapos ang sayaw na ito, ngunit tila ayaw yata siyang pakawalan ng binata."Hindi ako nagsisinungaling, Antoinette. The day I first laid my eyes on you, there's still unexplainable connection I felt for you. I can't describe what it is, but I know it's something deep. Nakakapaso. Nakakalunod. Nakakatakot. And believe me when I say that ikaw na lang ang babae ko simula ng tanggapin ko ang offer mo," his eyes still on her, pilit pinapabatid na sa kanya lang ang buong atensyon ng binata.Hindi rin nito alintana ang iba pang mga taong sumasayaw sa kanilang paligid. H
"Is this dress would be fine?," nag-aalangang tanong niya kay Vixen habang iniikot ang sarili, suot ang isang black sleeveless body con dress just thigh length, revealing din ito ng bahagya dahil kita ang kanyang cleavage and there's a slit na mas lalong nagpakita ng kanyang hita.Mangha namang ipinabalik-balik ng binata ang tingin sa kanyang kabuuan, "So perfect, Toni!"She rolled her eyes at dinampot na lamang ang kanyang silver purse sa table, "Bolero. Tara na nga at baka mahuli pa tayo," naglakad na siya palabas wearing her killer heels.Natatawa namang humabol sa kanya ang lalaki, nagawa pa nitong pasadahang muli ang kanyang katawan, ramdam niya iyon, "I'm just telling the obvious, babe.""Whatever, Khalid."