Share

PROLOGUE

Author: algeahermosa
last update publish date: 2020-07-29 18:10:56

Hindi niya alintana ang samu't-saring ingay na kanyang naririnig sa pagtahak ng daan papunta sa kanilang classroom.

Hindi niya na pinagtutuunan pa ng pansin ang mga nakakasalubong at ang init na dala ng haring-araw sa kanyang balat. Gusto na lamang niyang makapasok at makauwi din ng maaga.

Ngunit habang naglalakad siya ay napadako ang kanyang mga mata sa isang lalaking nakaupo sa may bench.

Tahimik itong naghihintay sa kung sino at kasalungat ng mga ibang mag-aaral na nasa kanyang paligid, wala itong kausap at mag-isa lamang.

Kumabog ang kanyang dibdib sa hindi malamang dahilan.

Tila nakalimutan na niya ang pinakapakay ngayong umaga. At parang hinihila na lamang siya ng kanyang mga paa papunta sa lalaki.

Hindi naman ito nakakaagaw-pansin talaga. Simple lamang ito, suot ang kumpletong uniporme ng kanilang paaralan, plantsado at halatang malinis ito sa katawan. Nakasuot din ito ng ID na malimit na ginagawa ng kanyang mga kamag-aral, mukha daw kasing cool kapag walang suot na sagabal. May kalakihan din ang bag nito na nasa ibabaw ng lamesa hindi kagaya ng mga kalalakihan na nasa paligid nito na kulang na lamang ay hindi na magdala ng bag, sa kadahilanang wala namang laman. Nakasuot din ito ng salamin na nakapagdagdag ng atraksyon sa kanyang paningin, napakatalino nitong tingnan. Patpatin man ang katawan, hindi pa din maipagkakaila na may ibubuga ito sa ibang bagay.

Unti-unti niyang hinawakan ang puso, at doon niya narinig ang malakas na pintig ng kanyang puso. Hindi pamilyar, hindi niya kalkulado, nakakapanibago, nakakatakot. Ngayon niya lang ito naramdaman.

Tila nahihipnotismo siya ng mga kulay asul nitong mata. Nakakahalina.

Ngunit bago pa siya makahakbang papunta sa lalaking iyon. May isa ng magandang babae ang lumapit dito. Napakaganda nito, mula pa lamang sa mga ngiti nitong nanghahalina, sa kanyang buhok na sumasabay sa hangin at ang paraan nito ng paglalakad, nakakapangliit.

At sa unang pagkakataon, nakita niya ang mga ngiti at kislap sa mga mata ng lalaki. Halatang puro.

Napayuko siya at napatingin sa sarili. Wala siyang maibubuga.

"Toni, what are you waiting for? Our class is about to start let's go! Wala naman akong sinabing hintayin mo ko, eh!," pakli sa kanya ng kaibigang si Cia at hinila na paalis sa pwestong tinigilan niya.

Bago sila tuluyang makaalis ay muli niyang nilingon ang lalaki. At kitang-kita niya kung gaano kasaya ang dalawa.

Sa edad na labing-anim na taong gulang ay nakaramdam siya ng sakit. Nakaramdam siya ng selos at inggit, mula sa estrangherong lalaki na hindi man lang niya alam ang pangalan.

Sana hindi na lang siya lumingon, bulong niya sa sarili.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   SERENADE SERIES #1

    Isang pagbati!Narito ka dahil nagawa mong tapusin ang aking nobela at binabati kita. Isa ka ng ganap na hermosa, at kung hindi mo alam ang kahulugan nito. Ang salitang iyan ay galing sa espanyol na nangangahulugang maganda.And you are beautiful, whatever your skin color, your body type, your gender or your race, because you are a God's masterpiece, remember that.Ang librong ito ay nais lamang mag-iwan ng isang mensahe na ang pag-ibig ay hindi makasarili.Si Toni ang halimbawa ng babaeng kayang tiisin ang lahat manatili lamang sa kanya si Leo. Handa siyang maging masokista. Ngunit hindi ganoon ang pagmamahal.Ang pagmamahal ay mapagbigay at mapagkumbaba, hahayaan mo ang iyong iniirog na maging malaya kung anuman ang kanyang ikaliligaya, kagaya na lamang ng ginawa ni Vixen.

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   EPILOGUE

    "Galingan mo mamaya sa quiz bee, Leo. Sabi ni Ma'am Balitez kapag ikaw ang nanalo exempted na tayo sa long tests!," tuwang-tuwang turan kay Leo ng kaklaseng lalaki, nagawa pa nitong akbayan siya."Oo na. Bitawan mo na ko," naiiritang pakli niya dito bago muling hinarap ang makapal na librong binabasa."Sungit mo naman, chini-cheer na nga kita!""Hoy, Umali! Tigilan mo nga 'yan si Marasigan, baka malasin at makalimutan niyan mga inaral niya para sa quiz bee!," sinita ng kanilang presidente ng klase ang makulit na kaklase.Salamat naman, bulong niya sa sarili.Ginugol lang niya ang kanilang dalawang oras na bakante sa pagre-review. Pilit sinasaulo ang lahat ng mga termino. At nang dumating na ang oras ng kanyang laban ay dali-dali na niyang nilagay sa balikat ang may kabigatan na backpack."Hindi mo dapat makalimutan lahat ng inaral mo, Leonardo," kinakausap niya pa ang sari

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   40

    "Mama, who's the owner of this house?," nagtatakang tanong niya sa ina pagkababa pa lamang nila sa sasakyang nagdala sa kanila.Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay, malaki at halatang mahal ang bawat materyales na ginamit. Kung hindi siya nagkakamali ay mas malaki ang isang ito sa mansyon nila sa Tanay. This one is a medieval type, at nagtatalo ang kulay ng kayumanggi at krema."Bahay ng Tita Louise mo, Toni," her mother answered pagkatapos pasalamatan ang personal driver na inarkila pa talaga nito.Her Tita Louise's house is elegant like her. As an engineer, ang masasabi niya ay napakaperpekto ng mansion na nasa kanyamg harapan. Halatang ilang dekada na ang lumipas ngunit nananatili pa rin itong matatag."So, why we are here, then? Birthday ba ni Tita?," she curiously asked again.She's wearing a creamy dress just above her knees and paired it with her caramel block heels. Saman

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   39

    Toni tried to busy herself doing some office works kahit na hindi naman niya ito kailangang gawin pa. She really needs a distraction.Nakakabaliw lang ang lahat. Hindi niya pa rin talaga lubos akalain na manggagaling mismo sa bibig ng binata ang gusto niyang marinig dito.Para lang siyang panaginip, pero nangyari talaga.Leonardo often visited her office ngunit hindi niya ipinapahintulutan sa kanyang sekretarya na papasukin ito. She's still not ready to faced him again.Wala pa siya sa matinong pag-iisip at baka kung anong kabaliwan lamang ang gawin niya. What she have been within those past months was enough for now, tama na muna ang iba."Lahat ba ng dumating na construction materials ngayon

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   38

    Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib. Naghaharumentado sa simpleng salita ng binata ang bawat parte ng kanyang katawan.Nakakabaliw."Stop spitting out nonsense, Attorney," gusto na niyang matapos ang sayaw na ito, ngunit tila ayaw yata siyang pakawalan ng binata."Hindi ako nagsisinungaling, Antoinette. The day I first laid my eyes on you, there's still unexplainable connection I felt for you. I can't describe what it is, but I know it's something deep. Nakakapaso. Nakakalunod. Nakakatakot. And believe me when I say that ikaw na lang ang babae ko simula ng tanggapin ko ang offer mo," his eyes still on her, pilit pinapabatid na sa kanya lang ang buong atensyon ng binata.Hindi rin nito alintana ang iba pang mga taong sumasayaw sa kanilang paligid. H

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   37

    "Is this dress would be fine?," nag-aalangang tanong niya kay Vixen habang iniikot ang sarili, suot ang isang black sleeveless body con dress just thigh length, revealing din ito ng bahagya dahil kita ang kanyang cleavage and there's a slit na mas lalong nagpakita ng kanyang hita.Mangha namang ipinabalik-balik ng binata ang tingin sa kanyang kabuuan, "So perfect, Toni!"She rolled her eyes at dinampot na lamang ang kanyang silver purse sa table, "Bolero. Tara na nga at baka mahuli pa tayo," naglakad na siya palabas wearing her killer heels.Natatawa namang humabol sa kanya ang lalaki, nagawa pa nitong pasadahang muli ang kanyang katawan, ramdam niya iyon, "I'm just telling the obvious, babe.""Whatever, Khalid."

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status