Share

Chapter 1

last update Tanggal publikasi: 2020-08-11 14:11:17

GREEN

"MOM, Dad! Ngayon na magkakasama na tayo ulit ay wala na dapat akong ipangamba pa," nakangiting wika ko sa harap ng aking mga magulang.

"Anak, may sasabi---" hindi na naituloy ni mom ang sasabihin nang may marinig akong malakas , at matinis na sigaw ng babae.

"Friend! Hoy! Gising na!" agad kong minulat ang mga mata dahil sa sigaw ng babae.

Nang makumpirma ko kung sino ang lapastangang babae na sumira sa napakaganda kong panaginip ay agad ko ring isinara ang talukap ng aking mga mata.

Ayon na, makakasama ko na sanang muli ang mga magulang ko. Pero biglang... Wala naudlot. Takte kasing bruha 'yan. Panira!

"Hoy! Wag mong ugaliin 'yang pagiging tamad mo sa paggising!" dinig kong sigaw ulit ni Claire, ngunit hindi ko ito pinansin.

Hanggang sa bigla na lang akong napa-upo dahil sa gulat nang makaramdam ako nang malamig na tubig na bumuhos sa'king mga paa.

Malungkot ko siyang tiningnan nang magtama ang mga mata namin ng bobitang si Claire. Kasi ando'n na... Kasama ko na sila Mom, and Dad.

"Move on na Green. Wala na sila tito, at tita. But don't worry, I'm here pa naman, and tita Hearlet. We will guide, and guard you against those fucking monsters!" aniya kaya hindi ko na napigilang pakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumuhos.

"T-thank you Claire," garalgal kong wika sa kanya.

Ilang buwan na rin pala nang mawala sila Mom, and Dad. Pero ang sakit ay sariwang-sariwa pa rin sa'kin. Ang sugat sa'king puso'y 'di pa tuluyang naghihilom. Hanggang sa 'di ko namamalayang tumatangis na pala ako't humihikbi.

"Don't thank me, ginawa ko ito because it's my responsibility as your best friend. So stop crying now, nagmumukha ka kasing aso na tumatangis." pagbibiro niya dahilan upang mahampas ko siya ng malakas.

"How dare you! Thank you sa care, and support, huh? Pero 'di bale na, at least aso lang, isang magandang aso!" Claire laughed because of what I've said. But it's partly true, kasi maganda talaga ako, and I'm proud to say that.

"But wait," natigilan ako nang dumaloy sa'king isipan ang ilan pang napanaginipan.

"Napanaginipan ko na naman 'yong babaeng sinasabi ko sayo," bigla kaming nagkatitigan ni Claire sa 'di malamang dahilan.

"Hindi kaya may kinalaman ang lahat ng iyon sa pagkamatay nila Mom, and Dad? I'm just doubting dahil bata pa lang ako'y napapanaginipan ko na ang babae. Then parehas lang din ang cause of death ng babae sa cause of death nila ng mga magulang ko. Namatay sila dahil sa isang bagay. Dahil sa palasong tumama sa kanila!" I said while wiping my eyes para matanggal ang aking mga muta't luha.

"Hindi kaya---" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang biglang sumabat si Claire.

"Hep," she sighed, "Huwag mo munang isipan 'yan. Ang isipin mo, at paghandaan ay ang pag-alis niyo ni Hearlet. Naghihintay na siya sa baba, kaya bumangon ka na riyan, at bilisan mong magbihis!" she said strictly.

"Huh?" Kinamot ko ang ulo ko. Muntik ko na itong makalimutan. May lakad pala kami ni tita Hearlet ngayon.

Ngunit hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kay Hearlet. Hindi sa hindi ako naniniwala sa kanyang pinapakita, huh? I was just wondering why she's doing these for me. Hindi ko naman siya kilala, at sigurado rin akong hindi niya ako kilala. Kaya hindi mo talaga maiwasang magtaka sa kinikilos niya. But still, I'm thankful kasi and'yan siya palagi para sa'kin, sila ni Claire. Kung hindi dahil sa kanila'y marahil ay tuluyan na akong nawala sa tamang landas. Nabaliw.

"Hoy! Ano't tulala ka na naman, huh?" Tinapik ako ni Claire nang malakas dahilan upang masubsub ako sa kama.

"Ano ba'yan, Claire? Papatayin mo naman ako niyan!" I shouted to her, "Sige na labas ka na, at magbibihis lang ako. Tsaka naka-empake naman na ako kagabi, kaya madali na lang ito." Inirapan ko siya, kaya wala na siyang nagawa kun'di lumabas na ng aking silid.

"Finally!" I took a deep breathe before I decreases on my bed.

AFTER ten minutes of preparing myself ay natapos na rin ako. Hindi ko akalain na makakapag-prepare ako ng sarili in just a short period of time. And I can't really imagine that. Masyado yata akong excited sa pupuntahan namin. I just hope that it will be the best choice of me. Ang kalimutan na ang lahat ng masasamang nangyari sa'kin in order for me to start my life, again. A new life with Hearlet.

Hindi na rin naman ako nagtagal sa'king silid, at napag-desisyunan kong lumabas na. At nang nasa hagdan na ako'y bigla akong napatigil sa pagbaba upang dinggin ang pinag-uusapan nila Claire, at Hearlet sa kitchen.

This is actually my first time to hear them like this. Masyadong pormal ang kanilang pag-uusap.

"Yes Ms. Hearlet, naghahanda na siya," dinig kong turan ni Claire.

"Ms?" bulong ko sa sarili.

But to be honest, nasa mid's thirty palang si Hearlet. Pero mukhang ka-edad lang namin siya ni Claire. Nagmumukha siyang teenager like us. Kasi ang ganda niya't sobrang bata ng mukha. Kaya napapa-isip na lang ako kung anong ginagamit niyang moisturizers, o nagpa-plastic surgery ba siya? Pero kung titingnan mo naman nang maigi, parang normal face niya lang naman iyon. 

Tsaka kung hindi ko pa siya tinanong kung ilang taon na siya'y hindi ko pa malalamang hamak na mas matanda siya sa'min ni Claire ng mahigit isang dekada.

"Kapag naka-alis na kami'y dumito ka muna upang magman-man sa paligid. Siguraduhin mong hindi nila malalaman kung saan kami patutungo," Dinig ko namang wika ni Hearlet. Pero hindi ko nakuha kung ano'ng ibig niyang sabihin.

"Yes Ms. Hearlet," Claire answered in her very sweet, calm voice.

"I can't relate!" bulong ko ulit sa sarili, at napa-busangot na lang.

Matagal pa silang nag-usap, kaya matagal din akong naghintay rito sa hagdan upang dinggin sila. Pero mukhang wala talaga akong naintindihan sa kanilang mga sinabi. Hanggang sa tuluyan na silang matapos, kaya nakahinga ako nang malalim.

This is it!

"Finally tapos na rin," masaya kong turan sa sarili bago nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan.

Nagpanggap akong kararating lang, at walang narinig sa pinag-usapan ng dalawa, but as if may naintidahan naman ako ro'n. Kasi hindi ko naman talaga alam kung ano talaga ang topiko nila. Medyo bobo ako nang very slight sa pag-intindi ng mga sinasabi nila.

"Green, andyan ka na pala?" gulat na wika ni Claire, at bumaling naman agad sa'kin Hearlet, ngunit pinanatili ko lang na kalmado ang aking sarili para 'di sila makahalata

Ngumiti na lang ako sa kanila nang pilit upang itago ang ilang.

"Y-yes!" mahinahon kong wika't ngumiti ulit.

"Alis na tayo?" Nagmamadaling naglakad si Hearlet papunta sa back door ng bahay namin.

"Wait!" Npakamot ako sa ulo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin pala kabisado ni Hearlet ang bahay namin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung saan ang back, and front door ng bahay.

"Hindi po riyan ang daan palabas, dito po." Naglakad ako papunta sa front door upang sumunod na lang siya sa'kin, pero nanatili siyang walang kibo't napangiti kay Claire.

Humagalpak ng tawa si Claire, "Green, alam kong hindi ka maniniwala, pero do'n talaga sa back door ang daan," ani ni Claire dahilan upang ako naman ang humagalpak sa tawa kasi matagal ko ng kaibigan si Claire, at palagi siya rito sa bahay, pero hindi pa pala niya kabisado ang lahat. Ang tanda mo sa part na 'yan, huh?

Tumingin ako kay tita Hearlet na parang nababaliw na, kasi nakangiti lamang ito sa kanyang kinatatayuan. Hanggang sa buksan na niya ang back door, at halos masilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa pintong 'yon. Kaya'y napatakip ako sa'king mga mata. Masyadong masakit sa mata ang liwanag na dala nito.

"Ano 'yan?" sigaw ko habang tinatakpan ang mga mata.

Fvck! What the hell is happening?

Tumagal nang ilang minuto ang liwanag hanggang sa unti-unti na rin itong nawala, kaya tinaggal ko na ang aking kamay na nakatakip sa aking mga mata. 

"Huh! Ano 'yan?" gulat kong sigaw dahil sa hindi ko inaasahang makikita.

Natunganga ako nang ilang saglit, and waiting to sink into my mind kung ano ba talaga ang aking nakikita. 

"What is that Claire? I know you know what is that, but what the hell is happening? Kindly please explain it!" I exclaimed, but Claire didn't make any sound. Nanatiling tikom lang ang bibig nito.

"Claire?" iritado ko ng wika. "Are you fucking insane? Why---"

Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang bigla ko na lang naramdamang bumagsak ako sa sahig dahil sa malakas na pagsabog, at pagyanig. Hanggang sa madaganan ako ng mabigat na bagay. And for pete's sake, it's a door.

"A-ah!" I groaned. Para akong mahihilo sa sakit ng aking katawan, at halos hindi na ako makagalaw dahil sa pinaghalu-halong sakit. Bumibigat na rin ang aking pahinga, at talukap ng aking mga mata. But instead of worrying, a smiled flashed on my lips. 

Mamamatay na ba'ko? Kung gayon ay makakasama ko na ulit sila mom, and dad? Ngunit ayoko pa muna, ipaghihiganti ko muna sila!

"Green!" dinig kong malakas na sigaw ni Claire.

"C-claire..." pilit kong sigaw sa pangalan ng aking kaibigan, but I failed to do it. Walang lumabas na tinig sa'kin.

"Claire, kunin mo si Green, at pumunta na kayo sa portal," dinig kong sigaw ni Hearlet na natataranta.

Agad namang nagtungo si Claire papalapit sa'kin, at walang hirap na tinaggal ang malaking pinto ng bahay namin.

Nang matanggal ni Claire ang pintong nakadagan sa'kin ay agad niya akong binuhat na parang isang kilong bigas lamang, at itinakbo papunta sa portal na sinasabi ni Hearlet.

"Mag-iingat ka Ms. Hearlet!" sigaw ni Claire bago kami tuluyang lamunin ng nakakatakot na portal. 

Sa loob ng portal ay para akong umiikot sa isang madilim na lugar, kaya mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hanggang sa iluwa na ako't bumagsak sa isang matigas na lapag.

Ilang minuto nang bumagsak na ako'y iminulat ko ang aking mga mata, at masilayan ang lugar na nababalutan lamang ng puting kulay.

"Nasa'n ako?" I mentally asked.

Iginala ko ang paningin sa paligid upang makita sa Claire, ngunit bigo ako. 

"C-claire?" tawag ko, pero walang sumasagot.

Tumayo agad ako dahil sa taranta na baka mali ang portal na pinasukan ko. 

"Claire?" I shouted again, at hindi maiwasang mapansin na hindi na masakit ang aking katawan. Parang nawala ang masakit na aking nararamdaman.

Hanggang sa isang kulay puting usok ang namuo sa aking harapan.

"Claire?" I shouted. Nagbabakasakali akong si Claire ang may kakagawan nito. Marahil ay hinahanap din niya ako. "Claire?" I shouted again, but no Claire answer my calls.

I know that Claire is not a normal person just like Hearlet, na kanina ko lang din nalaman. Claire is my best friend. Marami na kaming napagsamahan. Kaya kilalang-kilala ko na siya. One time ay nasaksihan na ng dalawa kong mga mata ang mga kakaibang nangyayari sa kanya. I didn't ask her about it dahil baka namamalikmata lang ako no'n. But then, sa mga sumunod na mga buwan ay nasaksihan ko na naman ito ulit, ang kakaibang nangyayari sa kanya. At lahat ng mga nangyayari ngayon ang siyang nagpapatunay that all of my predictions are true. She's not--- no, they are not one of us.

"Green?" isang pamilyar na boses ang aking narinig dahilan upang mapatigil ako sa kinatatayuan. I just froze.

"Mom?" I shouted. Hindi ako maaaring magkamali. I heard my mom's voice. She's calling me.

"Mom?" I shouted again. "Is that you?"  nag-aalangang tanong ko.

Hanggang ang kulay puting usok ay tuluyang dumami, at iluwal ang dalawang taong lubhang mahalaga sa'kin.

"Mom? Dad? Is it true?" hindi ko makapaniwalang turan.

"Baby, it is not the right time for you to die. Marami ka pang kailangang gawin sayong totoong mundo," bungad ni mom, ngunit nagtataka ako sa kanyang mga sabi.

"Totoong mundo?" I asked in confusion.

"Yes Baby, maraming uma-asa sayo sa mundo mo," sabi naman ni Dad habang nakangiti, kaya nangunot ang noo ko.

"What are you talking about? Aren't you happy na narito na ako? Hindi niyo ba nais na mabuo tayong muli?" I asked, hanggang sa kusa na lamang akong humagulgol. Parang tinitusok kasi ang puso ko dahil sa mga sinasabi nila.

"Baby stop, okay? Hindi kaba masisiyahan na makikilala mo na ang totoong mga magulang mo? Naghihintay sila sayo, hindi mo ba sila pupuntahan?" My Mom said in her very sweet sound.

"But mom, I don't even care about it, ang mahalaga'y kasama ko na kayo!" hindi ko napigilan ang aking sarili't tumakbo papalapit sa kanila't niyakap sila nang napakahigpit.

"O gosh! I miss this so much!" I mentally said.

"But it isn't the right time upang makumpleto tayong muli. Lalo't andyan na ang naghihintay sayo, si Celeste," ani Dad na nakangiti, ngunit mararamdaman mo ang lungkot sa tinig nito.

Hanggang sa isang magandang babae na parang ka-edad ko lang ang lumitaw sa harapan naming tatlo.

"But mom? Dad? Gusto ko na kayong makasama. Hindi niyo ba ibig 'yon?" I asked, but it's too late. Bigla na lang nawala sila Mom, and Dad sa kanilang kinatatayuan.

"Mom? Dad? Where are the both of you?" I shouted while crying.

Nang wala na talagang pag-asa na bumalik silang muli'y napaluhod na lamang ako, at tumangis. Wala naman kasi akong ginustong iba kun'di ang makasama sila. Pero bakit parang ipinagtatabuyan nila ako? Hindi ba sila masaya na makasama muli ako? Damn, it's been five years simula no'ng mawala sila. Kaya't hindi maaaring hindi rin nila ako na-miss. Fuck!

"Mom? Ano ba kayo? Narito na 'ko e, dad!" wika ko sa garalgal na boses, hanggang sa hilahin na ako ng babaeng sinasabi nilang tagasundo ko, at pumasok kami sa isa na namang nakakatakot na portal.

Hindi rin naman na ako tumutol nang hilahin niya ako dahil ubos na ang lakas ko't I really need to rest. 

~ginisamyxx

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Royal Academy: School of Gods and Goddesses   Chapter 19

    HARRYAGAD akong lumitaw sa isang malawak na kakahuyan. Marahil ito ang kakahuyang ipinagbabawal na puntahan ng kahit na sino dahil pamilyar ang dating nito sa 'kin. Madilim. Tanging ang mga nakakataas lamang ang may karapatang pumasok dito, but I don't have a choice. Dito ako dinala ng aking kapangyarihang maglaho kaya't hindi ko na pa ito kasalanan.

  • Royal Academy: School of Gods and Goddesses   Chapter 18

    GREENHINDI ko alam kung bakit sobrang ganda ng gising ko ngayon. Para akong minasahe nang sobrang sarap dahil sobrang gaan ng aking pakiramdam ngayon. Parang isang drum ng holy water ang dumaloy sa 'king isipan upang linisin ang sari't saring dumi na nanalaytay rito. Pakiramdam ko ang ganda ko today. Walang problemang iniisip, walang ingay na gumising sa 'kin. Tapos ang lambot ng higaan ko.

  • Royal Academy: School of Gods and Goddesses   Chapter 17

    THIRD PERSON'S POVNAGISING si Green sa isang lugar na hindi kayang ipaliwanag ng kan'yang bibig, at isip sa kung ano'ng nakikita ng kan'yang mga mata. Hindi niya alam kung nasa'n siya ngayon. Hindi ito pamilyar sa kan'yang paningin. Ngunit bakit tila hindi man lang siya nakaramdam ng kahit katiting na takot? Sa katunayan nga'y mas masasabi pa niyang safe siya rito dahil magaan ang kan'yang loob sa lugar.

  • Royal Academy: School of Gods and Goddesses   Chapter 16

    HARRYWe're finally here at Royal. Kasama ko ngayon si mama, the Goddess Queen of Mantua. Siya na lang ang sumama rito sa Royal, at naiwan si papa sa Mantua since wala naman siyang kakayahan na makapasok sa dimensyon ng mga Bathala't Bathaluman dahil isa lang siyang Sorcerer. Ngunit maaari naman siyang pahintulutan 'pag ninanais niya, but he was just insisted na 'wag na lang. Tsaka wala raw mamumuno sa Mantua 'pag umalis pa siya dahil wala rin daw ngayon sa Mantua ang iba pang Ba

  • Royal Academy: School of Gods and Goddesses   Chapter 15

    HARRYHindi ko alam kung bakit biglaan na lamang ang pagpapatawag ng pulong ni King Bernian gayong may malaki kaming suliranin ngayon, si Infinity na itinakda bilang tagapagmana ng trono ng Unibersa na nakahandusay na ngayon, at wala ng malay.Nauna na ring

  • Royal Academy: School of Gods and Goddesses   Chapter 14

    HARRYHindi ko alam kung gaano katagal na magkayakap kami ni Leaves. Basta ang alam ko lang ay tumatangis na rin siya, and I need to comfort her."Siya ba talaga si Infinity?" inosenteng tanong ni Leaves sa namamaos nitong tinig.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status