LOGINGREEN
I WOKE up early in the morning. Tsaka nakasanayan ko na rin kasi ito. Kailangan kong gumising nang maaga to have an advance study para hindi ako tatanga-tanga sa School. Pero iba ang dahilan ng maaga kong paggising ngayon, it's because of a nightmare!
"Ba't ko ba kasi siya palaging napapanaginipan? Hindi ko naman siya kilala!" I mentally said, gritted my teeth because of annoyance.
I took a deep breath as I shook my head bago ako tumingala nang matagal upang mawala sa'king isipan ang napanaginipan. Hanggang sa mapansin kong wala pala ako sa sarili kong silid base sa kulay ng kisameng nakikita ko. Kulay puti ito't hindi kulay-rosas. Kaya naman ay iginala ko ang aking paningin sa paligid, at mapansing hindi rin pala ako nag-iisa rito sa silid na 'to. May kasama akong apat na babae't mahimbing pa silang natutulog.
"Nasa'n ako?" I whispered.
Walang pag-aalinlangang bumangon ako sa'king higaan, at isa-isa kong pinuntahan ang kasamahan dito sa silid.
Pinandilatan ko sila ng nagtatakang tingin. Lalong-lalo na sa babaeng pamilyar sa'kin. Ang babaeng humila sa'kin papasok sa isang portal mula sa'king panaginip. At hindi ako maaaring magkamali, sigurado akong siya ang babaeng 'yon!
Pansin ko rin na narito si Claire, kaya humakbang ako patungo sa kanya't tinitigan lamang ng nagtatakang tingin.
"Sino ka ba talaga?" I mentally asked, hanggang sa naagaw ang atensyon ko ang nakakarinding ingay na nagmumula sa labas. Dala ng kuryusidad ay agad akong dumungaw sa bintana na nakabukas malapit sa kama ni Claire. At halos mapatakip ako ng bunganga sa ganda ng nakita. It's so fascinating!
"Ang ganda!" bulong ko sa sarili.
Manghang-mangha akong nakatingin sa labas habang nakangiti. Hindi ko akalain na umiiral pala ang gan'tong lugar.
"Nasa'n ba talaga ako?" may sayang wika ko habang iginagala ang paninginz
May nagsisilakihang mga puno sa paligid, at mga ibong magkakaiba ang mga kulay. Kung maganda na ang paligid dahil pa lang sa mga halaman ay mas binigyang rikit pa ng mga hayop ang mga ito. But the birds I'm seeing right now is not the literal birds na kadalasang nakikita ko no'n. Kung maganda sa mga mata ang mga hayop na 'yon ay hamak naman mas maganda ang nakikita ko ngayon.
I saw also a... No! I think it's a dinosaur, but what? May dinosaurs dito?
"Hindi ba't may masasama ring dinosaur?" bigla akong nakaramdam ng takot, pero nawala rin ito nang dumako ang mga mata ko sa isang malaking kumpulan ng mga hayop.
There are kangaroo's, big butterflies, and penguins na ibang-iba ang itsura nila rito. Kulay berde sila't doble ang laki nito sa mga penguin na nakita ko na sa Australia, at Antartica.
"Nasa'n ba talaga ako? Posible kaya 'to?" interesado kong tanong sarili.
Marami pa akong nakitang nga hayop sa labas na lalong ikinamangha ko. Hanggang sa magsawa na ako--- no, hindi pala nakakasawang tingnan ang labas dahil sa ganda nito. Pero may mas mahalaga akong kailangang gawin. I really need to find out what's with this place. Kung nasa'n ba talaga ako. At ano'ng dahilan ng pagpunta ko rito? Nagbabalasakali rin kasi akong baka makahanap ako rito ng mga sagot ng aking mga katanungan. Kaya hangga't maaga pa lang ay simulan ko na 'to.
Dali-dali akong nagtungo sa pintuan ng silid kung nasa'n kami't binuksan ito. Nang makalabas ako'y agad ko ring isinara nang maingat upang hindi ako makagawa ng ingay dahilan upang magising ang mga natutulog sa loob. The four mysterious girls!
"Wonderful!" ito ang katangi-tanging salita na lumabas sa'king bunganga nang tumambad sa'kin ang napakagandang hallway.
I can't imagine na may ganito pala kagandang hallway. A hallway that full of colourful butterflies, and paintings. May mga parang confetties din na patuloy sa pagbagsak sa floor, ngunit nawawala rin ito kalaunan.
A smile flashed on my lips as I continue to walk. And this time, I really felt like I'm a Princess because of this beautiful scenery. Kaya walang pag-aalinlangang sumabay ako sa mga galaw ng mga paru-paro't mga confetties na parang umiindak.
Umiikot-ikot ako sa ilalim ng mga nahuhulog na mga confetties. Parang isang Prinsesa na sumasayaw. Hanggang sa may dumapo sa'king mga braso na mga paru-paro, at hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa ginawa nila sa'kin. Napaka-amo nila.
Tumingala lang ako kasabay ng mga paru-paro, at napatingin sa mga naglalakihang chandiliers na may iba't ibang laki't kulay. Natunganga ako nang bahagya dahil may biglang may dumaloy sa'king isipan. Ang isa sa palagi kong napapanaginipan.
"Ina dito ba ako mag-aaral? Hindi ba sa Helms Academy?" tanong ng batang babae sa kanyang ina.
"Oo anak," maikling sagot ng babaeng kasama ng bata't isang maaliwalas na ngiti ang gumuhit sa labi nito.
"Pero ang mga kaibigan ko'y ro'n daw sila mag-aaral," wika ng bata na may bahid na lungkot sa tinig nito.
Yumuko ang ina ng bata, at pinantayan ito. "Naiiba ka sa kanila, anak. Mas bukod kang pinagpala kung kaya'y 'di ka nababagay ro'n, at dito sa akademyang ito nababagay ang isang tulad mo," anito sa batang nakakunot ang mga noo.
"'Wag kang malungkot, anak sapagkat makakasam mo rin naman dito si Harry, at Jarred, ang mga pinsan mo." Ngumiti ng pilit ang ina nito, and she patted the head of her child.
Nagtatakang napakamot ang bata sa kanyang ulo.
"Naiiba ka kasi sakanila. Iba kayo ni Infinity," wika pa nito dahilan upang manlumo ang bata.
Naaalala na naman kasi niya ang kanyang kakambal na 'di niya alam kung buhay pa ba ito, o hindi. Walang makapagsasabi.
"Ano po ba kami ni Infinity, Ma?" the child asked in confusion.
"Kakaiba kayo. Kayong dalawa ang batang no'n pa man ay nakita na ni Eyelet, at Goddess Rose sa kanilang mga mata't propesiya. Kayo'y nagtataglay ng kakaibang lakas, at kapangyarihang walang katulad. Lalong-lalo na si Infinity, ang 'yong kapatid," malungkot na wika ng ina.
"Kinuha nila si Infinity sa'tin dahil sa kapangyarihang taglay niya't walang makakapagsabi kung patay na ba siya o buhay pa. Pero umaasa akong magkikita pa tayong muli ng kapatid mo't makakasama siya sa tamang panahon," tuloy pa nito.
"Ina ba..." hindi na naituloy ng bata ang sasabihin dahil biglang may malakas na pagsabog silang narinig. Ilang sandali lang din ay biglang yumanig, at ang mga chandiliers ay isa-isang nahulog.
"Narito ka lang pala," bigla akong natauhan nang marinig akong tinig mula sa'king likuran, at may biglang humawak sa'king kanang braso.
Gulat akong nagpumiglas, at lumayo ng k'unti sa kung sinuman ang humawak sakin. Nang makalayo naman ako'y agad kong tiningnan kung sino ito.
"Claire?" irita kong wika.
"Gulat na gulat ka, huh?" tanong ni Claire. "Akala ko kung saan ka na pumunta. Nag-alala ako sayo," tuloy pa nito.
I gave her a sigh, "Kahit kailan talaga Claire! Pati ba naman dito?" I exclaimed.
Tumawa nang malakas si Claire. "Alam mo wala ka sa bahay niyo kaya 'wag ka muna pumunta sa kung saan-saan. 'Di ka pa familiar dito," aniya't napatango na lang ako, and after a while something just popped out in my mind, si Claire.
"Claire, I need an honest, and true answers to my questions. Sino ka ba talaga? O ano ka ba talaga? Are you an Alien?" I asked hysterically.
Tumikhim siya't lumapit sa'kin, ngunit lumayo ako sa kanya dahilan upang tumawa siya nang malakas. "Sagutin mo muna ang mga katanungan ko."
She sighed," Okay! I'm not a Mortal na inaakala mo. At mas lalo naman na hindi ako Alien. Common Green, Aliens are not true. Panakot lang sila, but us? We're real. We're existing." She said in her authentic voice. She's damn serious to what she have said.
"Not that! I know that you're different. Pero bakit kailangan pati ako'y isama mo rito? Tsaka ano'ng us, huh?" I asked in confusion.
"Dahil dito ka talaga nababagay. And yeah. You're a Goddess also, and not a Mortal," seryosong wika niya na ikinataas ng mga kilay ko.
A Goddess? Ako?
"Ako?" she nodded.
Lumakad siya papalapit sa'kin, ngunit hindi na pa ako umatras palayo sa kan'ya. "Yes, malalaman mo rin ang lahat ng 'yan. Ang lahat ng pagkatao mo, pero hindi muna ngayon dahil may gustong makilala ka," nakangiting wika nito.
"But wait, bakit ka nga ba nakatulala riyan kanina? Is there something wrong? Hindi mo ba nagustuhan 'tong lugar na 'to. Look! 'Di ba gusto mo ng mga lugar na gan'to?"
I shook my head. "Nagustuhan naman, pero may naaalala lang ako sa lugar na 'to. Napanaginipan ko na kasi 'to rati pa!" She nodded, and smiled at me like she knows what's running on my mind.
"It's all about the baby again?" she asked seriously.
"No! 'Yong kambal ni Infinity yata kasama ang ina nito. 'Yong sinabi ko sayo no'n. Naaalala mo pa ba?" I asked.
She shook her head. Ano ba naman! Walang k'wentang pinagsasabihan 'to! Ulyanin!
"A-ah! Naaalala ko na. About sa kaguluhang nangyari rito na nangyari talaga no'ng bata pa 'ko, kami?" aniya na ikinalaki ng mga mata ko. So totoong nangyari ang mga 'yon?
"Is that real?" she nodded.
"Bata pa lang ako no'ng nangyari 'yon. Tsaka matagal na panahon na 'yon. 'Yon din ang kauna-unahang pagkakataon na may nanggulo rito sa Royal Academy. Kasi akalain mo, sa Dimension pa ng mga Bathala't Bathaluman naghasik ng lagim ang mga 'di pa nakikilalang mga nilalang." nakangisi niyang k'wento.
"Actually," she paused. Parang may kung ano siyang naalala. "Narito ako, kami ni ina no'ng mangyari 'yon. At dito pa mismo sa kinatatayuan ko ngayon ang eksaktong lugar na kinatatayuan ko rin no'ng bumagsak ang isa sa mga chandelier," aniya't pansin ko ang pagbabago ng kan'yang tinig. And suddenly, her tears pours down.
Nangunot ang noo ko't 'di rin naiwasang maluha rin.
She smiled while wiping her tears. "Sorry, naaalala ko lang kasi si ina. Dito rin kasi binawian ng hininga no'n si ina. Ako dapat ang mababagsakan no'n, pero itinulak niya ako, kaya siya 'yong nabagsakan."
Hindi na niya napigilang humagulgol, kaya agad ko siyang nilapitan, at niyakap nang mahigpit.
"Sorry, hindi ko alam." I caresses her back.
"It's okay." She whispered.
"Narito rin no'n si Queen Gail, at Leaves, ang tinutukoy mo, your true family." Hindi ko masyadong naintindihan ang mga sinabi niya dahil sa garalgal na tinig nito.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kan'ya. "Ano'ng sabi mo?" I asked in confusion.
"Huh? May sinabi ba 'ko?" She denied. Of course, hindi ko lang naintindihan. Duh!
"Hindi ko alam. I mean mayro'n, pero hindi ko masyadong naintindihan," I uttered.
"Napakaseryoso mo kasi, kaya ayan... Kung anu-ano na lang ang naririnig mo," she said sarcastically, but I just arched my brows. No, sigurado talaga akong may sinabi siya. Hindi ako maaaring magkamali. Hindi pa naman ako bingi. "Anyways, hinihintay ka nila Celeste sa silid natin." She diverted the topic.
"Celeste?" I asked.
Saan ko na nga ba 'to narinig?
"Hali kana?" Hinila niya ako kaya wala na akong nagawa pa kun'di ang sumunod sa kanya.
Hindi ko na alam kung saang silid ako nanggaling kanina. Marahil sa lawak nitong parang dormitory na 'to'y naliligaw na nga talaga ako. Mabuti na lang din at narito na si Claire.
Nang makarating kami sa harap ng isang pinto'y agad niya itong binuksan, at tumambad sa'min ang tatlong babae na gulat na gulat nang makita kami.
"Magandang umaga," nag-aalangan na ani ng dalawang babae na magkamukha. Marahil ay kambal sila dahil magkaparehas na magkaparehas talaga sila ng mga mukha.
"Good morning," sagot ko na naman, at pilit ngumiti sa kanilang dalawa.
Napatingin ako kay Claire na biglang kumamot sa kanyang ulo.
"Magandang umaga rin sayo," bati pa ng isa't tumayo ito, and she bowed her head. Agad din namang ginaya ng dalawang babae ang ginawa nito.
Napayuko naman ako sa kanilang ginawa't nakaramdam ng k'unting kahihiyan. Gan'to ba sila rito? Gan'to ba ang paraan nila ng pagkilala?
"Ako si Celeste," she smiled, and I gave her a smile too.
"Ako naman si Scarlet," ani naman ng isang babae, ang may maikling buhok na kulay itim.
"At ako naman si Starlet, kambal niya," pagpapakilala pa ng isa, ang may mahabang buhok na nangingintab sa kulay nitong ginto.
"It's my pleasure to meet you all," I smiled to them. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sakanila. Pero napatigil sila't tumitig lang sa'kin sa 'di ko malaman na dahilan.
"You know what Green, hindi sila nagsasalita ng wikang Ingles. Hindi rin sila nakakaindi," ani Claire na ikinanguso ko.
Ba't 'di mo sinabing babae ka! Nagmukha tuloy akong katawa-tawa rito. Nagsasalita ako ng Ingles tapos 'di pala nila alam kung ano'ng sinasabi ko! Hell! Claire! I want to slap your face.
Tumango-tango ako sa kan'ya't ngumiti ng sarkastiko bago ibinaling ang tingin sa tatlo.
"Sorry, I don't know, but anyway my name is Green," masayang pagpapakilala ko naman.
"Ano ba?" Pinandilatan ko ng tingin si Claire dahil sa paghampas niya sa braso ko.
"'Di ba kasasabi ko lang? They do---"
Napatampal na lang ako sa mukha. Hindi pala sila nakaka-intindi ng Ingles!
"Pasensya na," I bowed my head. "Ako si Green, masaya akong makilala kayo."
~ginisamyxx
HARRYAGAD akong lumitaw sa isang malawak na kakahuyan. Marahil ito ang kakahuyang ipinagbabawal na puntahan ng kahit na sino dahil pamilyar ang dating nito sa 'kin. Madilim. Tanging ang mga nakakataas lamang ang may karapatang pumasok dito, but I don't have a choice. Dito ako dinala ng aking kapangyarihang maglaho kaya't hindi ko na pa ito kasalanan.
GREENHINDI ko alam kung bakit sobrang ganda ng gising ko ngayon. Para akong minasahe nang sobrang sarap dahil sobrang gaan ng aking pakiramdam ngayon. Parang isang drum ng holy water ang dumaloy sa 'king isipan upang linisin ang sari't saring dumi na nanalaytay rito. Pakiramdam ko ang ganda ko today. Walang problemang iniisip, walang ingay na gumising sa 'kin. Tapos ang lambot ng higaan ko.
THIRD PERSON'S POVNAGISING si Green sa isang lugar na hindi kayang ipaliwanag ng kan'yang bibig, at isip sa kung ano'ng nakikita ng kan'yang mga mata. Hindi niya alam kung nasa'n siya ngayon. Hindi ito pamilyar sa kan'yang paningin. Ngunit bakit tila hindi man lang siya nakaramdam ng kahit katiting na takot? Sa katunayan nga'y mas masasabi pa niyang safe siya rito dahil magaan ang kan'yang loob sa lugar.
HARRYWe're finally here at Royal. Kasama ko ngayon si mama, the Goddess Queen of Mantua. Siya na lang ang sumama rito sa Royal, at naiwan si papa sa Mantua since wala naman siyang kakayahan na makapasok sa dimensyon ng mga Bathala't Bathaluman dahil isa lang siyang Sorcerer. Ngunit maaari naman siyang pahintulutan 'pag ninanais niya, but he was just insisted na 'wag na lang. Tsaka wala raw mamumuno sa Mantua 'pag umalis pa siya dahil wala rin daw ngayon sa Mantua ang iba pang Ba
HARRYHindi ko alam kung bakit biglaan na lamang ang pagpapatawag ng pulong ni King Bernian gayong may malaki kaming suliranin ngayon, si Infinity na itinakda bilang tagapagmana ng trono ng Unibersa na nakahandusay na ngayon, at wala ng malay.Nauna na ring
HARRYHindi ko alam kung gaano katagal na magkayakap kami ni Leaves. Basta ang alam ko lang ay tumatangis na rin siya, and I need to comfort her."Siya ba talaga si Infinity?" inosenteng tanong ni Leaves sa namamaos nitong tinig.