Mag-log inNapahawak ako sa ulo ko habang inaalala ang nangyari kagabi.
Mag-isa lang ako kagabi sa waiting shed at umiiyak nang may biglang lumapit na lalaki sakin. Bigla nalang niya ako niyakap at ang nakakapagtaka lang ay hindi manlang ako nakaramdam ng takot.
Saktong pagtigil ng iyak ko ay may tumigil ng jeep sa harap namin. Bigla nalang siyang umalis kaya hindi ko na siya nakilala.
"Katie, gusto mo bang sumama mamaya? May dinner mamaya at saglit na party na rin. Alam mo na, kakatapos lang ng finals natin kaya kailangan naman natin mag saya ngayon." Nilingon ko si Penelope na kasama ang iba ko pang mga kaklase.
Bago pa ako sumagot ay nag salita naman si Xandy.
"Katie, kahit ngayon lang naman sumama ka."
Umiling agad ako. Sanay sila sa galaan pag gabi at ilang beses na rin nila ako naaya pero hindi talaga ako sumasama. I have a nyctophobia. Minsan ay bigla-bigla nalang ako nakakaramdam ng takot sa dilim. Kagaya nalang ng nangyari kagabi. Ayokong mangyari ulit 'yon. Hangga't maaari ay sa bahay nalang ako kaysa lumabas ng gabi.
"Sorry, pero marami pa akong gagawin sa bahay eh." Ayan lagi ang dahilan ko para hindi makasama sa kanila.
"I told you, guys. Kahit anong pilit natin jan kay Katie ay hindi talaga yan sasama." Wika ni Ressy.
"Fine! Pero pag biglang nagbago ang isip mo, text mo lang ako para masabi ko kung nasaan kami." Tumango nalang ako pero sigurado akong hindi na magbabago ang isip ko.
Lumabas na kami ng room. 2pm palang. Nagpunta muna ako sa isang convenience store para bumili ng pagkain.
Kumuha ako ng tubig, burger, at isang ice cream. Dumiretso na ako sa counter para bayaran ang mga pagkain na nakuha ko.
Nagtaka ako nang hindi pa rin inaasikaso nung lalaking nasa counter yung mga pinamili ko. Humahaba na rin ang pila.
Nakatulala lang siya. Inangat ko yung burger at ipinakita sa kaniya para makuha ang atensiyon niya. Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko. Weird.
"Sorry..." Sabi niya. Pagkabayad ko sa mga pinamili ko ay naupo muna ako sa isang mesa.
Kinuha ko ang isang libro sa bag ko. It is about different kinds of phobias and how to overcome such things.
First year highschool ako nang umalis ako sa bahay ng tita ko. Naghanap ako ng part time job para makapag-aral ako. That time, akala ko kaya ko na pero hindi pala. I tried to overcome my fears pero hindi pala ganun kadali 'yon.
One night, sumama ako sa mga kaklase ko sa isang birthday party. Akala ko makakatulong sakin 'yon para mawala ang takot ko pero hindi pala. Mas lalo lang lumala. Nasa kalagitnaan na ng gabi nang magkayayaan ang mga kaklase ko na magpunta sa school. Lasing na ang karamihan. Sinubukan ko silang pigilan pero wala na akong nagawa.
Takot na takot ako noong gabing 'yon. Wala akong magawa kundi panoorin ang mga kaklase ko na nagkakalat sa school, sinisira ang mga upuan, at binababoy ang mga pader.
"Hoy! Anong ginagawa niyo d'yan?!" Pagkarinig namin sa sigaw ng guard ay kanya-kanya ng takbo ang mga kaklase ko. Naiwan akong mag-isa at napaupo sa sahig na nanginginig.
I got expelled. Ang ibang mga kaklase ko ay hindi umamin. Pinagbantaan pa nila ako. Simula noon ay hindi na ulit ako sumama sa mga kaibigan ko kapag may gala ng gabi.
Tumigil ako sa pagbabasa nang makaramdam ng sakit ng ulo.
"Ayos ka lang?" Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko 'yong lalaking nasa counter kanina. Hindi na siya naka-uniform kaya sa tingin ko ay pauwi na siya.
Kumunot ang noo ko nang naupo siya sa upuang nasa harap ko. Hindi ko siya pinansin at ibinaling ko nalang ulit ang atensiyon ko sa libro.
"Nakauwi ka ba nang maayos kagabi?" Nagulat ako sa tanong niya. Agad kong isinara ang libro ko at tinignan siya.
Tinignan ko siyang mabuti. Nakangiti siya sakin. Ang kaniyang singkit na mata ay mas lalong naging singkit dahil sa ngiti niya. Matangos ang ilong niya at mapula ang labi. Sa tingin ko ay kasing edad ko lang siya o matanda lang ng ilang taon sa'kin. Isa lang ang pumasok sa isip ko. Hindi ko nakita ang mukha nung lalaking yumakap sakin kagabi pero dahil sa tanong niya ay sa tingin ko siya ang lalaking 'yon.
"I-ikaw ba yung lalaki kagabi na yumakap sakin?" Tanong ko.
"Oo. Akala ko nakalimutan mo na. Sorry pala dahil bigla nalang kita niyakap kagabi. Umiiyak ka kasi at naawa ako sayo." Sabi niya.
"Ayos lang. Nakauwi naman ako ng maayos kagabi." 'Yon nalang ang nasabi ko. Ang weird lang talaga dahil hindi ako nakaramdam ng takot o inis nang yakapin niya ako. Mukha naman siyang mabait.
Binuksan ko ang phone ko para tignan ang oras. Alas tres na ng hapon. Isang oras na rin pala akong nandito sa convenience store.
Inayos ko na ang gamit ko at tumayo.
"Mauna na ako." Paalam ko sa kaniya. Tumayo na rin siya.
Nagulat ako nang inilahad niya sa harap ko ang kamay niyang may hawak na chocolate bar.
"Kung ano man ang problema mo, malalagpasan mo rin 'yan." Aniya. Inilagay niya sa kamay ko ang chocolate.
"Thank you." Sabi ko at umalis na.
Paglabas ko ay saktong may tumigil na jeep kaya nakasakay agad ako. Napatingin ako sa bintana and then I saw him standing outside the convenience store.
Napatingin ako sa hawak kong chocolate at bigla nalang akong napangiti.
Pagkarating ko sa bahay ay sumalubong agad sakin si Lili.
"Hello, Lili. Gutom ka na ba? Wait lang, kukuha lang ako ng pagkain mo." Hinanap ko ang kainan niya at nilagyan iyon ng cat food.
Pagkalapag ko ng kainan niya ay agad niya itong nilapitan.
"Sorry, hindi kita napakain kagabi." Sabi ko. Pinanood kong kumain ang pusang si Lili. Fourth year highschool nang mapulot ko siya sa likod ng school namin. Pagala-gala lang siya kaya kinuha ko nalang.
Pagkatapos niyang kumain ay lumapit siya sakin. Kinarga ko siya at nilagay sa lap ko.
"May nakausap nga pala akong lalaki kanina. Siya pala yung yumakap sakin kagabi. Pero alam mo ba? Hindi ko siya kilala pero hindi manlang ako nakaramdam ng takot sa kaniya. Gwapo at mukha naman siyang mabait." Kwento ko sa kaniya.
At nung niyakap niya ako kagabi, feeling ko safe na safe ako. Simula nang mamatay ang mga magulang ko, 'yon nalang ulit ang pagkakataon na naramdaman kong ligtas ako.
---
Kinuha ko ang phone ko mula sa side table at nahiga sa kama. Ite-text ko muna si Andrei at itatanong ko kung saan kami pupunta mamayang gabi. Wala naman ako maalalang may sinabi siya sakin kanina.To: Gabi ?Andrei, san tayo pupunta mamaya?Pinalitan ko yung pangalan niya sa contacts ko. Yung dating pangalan niya na may heart emoticon ay pinalitan ko ng 'Gabi' para tagalog ng first name niya na 'Night'.From: Gabi ?Basta. Pupuntahan nalang kita dyan mamayang 6PM.Napanguso nalang ako. 2:30 palang, matutulog nalang muna ako. Napagod ako sa paglalaro namin kanina.Nagising ako at 5:30 na. Agad akong dumiretso sa CR para makapag-ayos. Nagbihis na rin ako at lumabas ng kwarto.
Nakalapit na samin si Andrei at naupo siya sa katabi kong swing. Mas lalo namang lumapit sakin si Dexter at nakasimangot na tinignan si Andrei."Dexter, ito na yung ice cream mo." Inabutan niya si Dexter ng ice cream."Ayoko!" Sigaw ni Dexter na ipinagtaka naman ni Andrei."Dexter, tanggapin mo na. H'wag kang maniwala sa sinabi ng kuya mo kanina." Sabi ko sa kaniya. Ako na kumuha ng ice cream niya at inabot sa kaniya.Tinignan ko si Andrei na nagtataka pa rin."Ito sayo. Anong nangyari dyan?" Hindi ko tinanggap ang ice cream at tinignan lang siya ng masama."Kung ano ano kasi sinasabi mo sa bata. Umiyak tuloy kanina." Sabi ko sa kaniya. Napangisi naman siya.
Sabado ngayon. Tanghali na ako gumising dahil wala naman akong gagawin. Nakaupo ako ngayon dito sa labas habang pinagmamasdan si Lili na palakad lakad lang.Kahit siguro siya ay naiinip dito sa bahay.Sumandal ako sa inuupuan ko at ipinikit ko ang mga mata ko."Siguro nga ako ang nahuhulog. Hindi ko alam kung paano ako makakaahon o kung makakaahon pa ba ako mula sa pagkakahulog ko."Bigla akong napadilat nang maalala yung sinabi sa akin ni Andrei. Naramdaman ko na naman ang mabilis na pag tibok ng puso ko.Gosh! Hindi na ata maganda 'to. Ilang araw ko na 'to nararamdaman lalo na pag kasama si Andrei.Totoo kaya yung sinabi niya o baka naman nag bibiro na naman siya? Pero s
"Katie, gising na." Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko nang maramdamang may tumatapik sakin.Nakita ko agad ang pagmumukha ni Andrei pag dilat ko."Good morning," bati niya."Good morning."Napatingin ako labas ng tent. Oo, may tent kami. May dala si Andrei at inayos niya 'to kagabi bago kami matulog. Ay, hindi ko pala alam kung natulog siya. Nauna kasi akong pumasok sa tent kagabi at naiwan siya sa labas para ayusin daw ang mga gamit namin.Medyo madilim pa sa labas."Anong oras na?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa wrist watch niya."5:30. Mamayang 6:30 ay aalis na tayo dito. Uuwi muna tayo tapos sabihan mo nalang ako kapag gusto mo na pumasok." Sabi niya."Okay. Pagkauwi sa bahay ay maliligo lang ako para makapasok na tayo agad." Sabi ko.
Tapos na yung fireworks. Kumakain nalang kami ngayon ni Andrei. Talagang pinaghandaan niya talaga ang lakad namin na 'to dahil kumpleto siya sa pagkain at gamit."Anong oras pala tayo uuwi?" Tanong ko. Pero makakauwi pa ba kami ngayong gabi? Parang delikado na kasi sa daan."Tomorrow morning. Papanoorin muna natin yung sunrise." Sagot niya. Sabi na nga ba at hindi kami makakauwi ngayong gabi eh. Naalala ko naman bigla yung trabaho namin."Wait, hindi ba tayo male-late bukas sa convenience store?" Nag-aalalang tanong ko. Ngumiti naman siya at umiling."Nakapagpaalam na ako kay tita." Simpleng sagot niya. Tsk! Porke't tita niya ang may-ari ng convenience store ay may lakas na siya ng loob mag pa-late. Dinamay pa ako."Baka ika
"Hey, I'm sorry." Hindi ko pinansin si Andrei na nasa gilid ko at nagpupunas ng buhok. Bahala siya dyan!"Katie, pansinin mo naman ako." Nilingon ko siya at agad na sinapak sa braso."Aray!""Para 'yan sa pananakot mo sakin!" Inis na sabi ko at lumayo sa kaniya. Naupo ako sa nilatag niya na sapin."Sorry na nga eh. Saka mababa lang naman yung tinalunan ko ah." Sabi niya at lumapit ulit sakin."Ewan ko sayo! Bahala ka dyan!" Ngumuso naman siya at tumahimik nalang.Pumikit ako para kalmahin ang sarili ko. Nakakainis kasi 'tong si Andrei eh. Bigla bigla nalang tumatalon.Kunot-noo akong tumingin sa kaniya nang marinig ko ang tawa niya. Diretso lang ang tingin niya habang nakangiti. Nababaliw na ba siya?"Pero ang saya talaga nun. Alam mo bang first time ko 'yo