LOGIN"Sir, baka pwede naman pong hindi isara 'to. Kaya naman po siguro nating makabawi diba?" Tanong ko. Tinignan ko ang mga kasamahan ko na problemado na rin.
Umiling lang si sir. "Luging-lugi na tayo. Noong isang araw nga ay kahit isa wala tayong customer. Kung ipagpapatuloy lang 'to ay hindi ko rin kayo mapapasweldo." Sabi niya na mas lalong ikinadismaya ko.
"Sir, wala na po bang ibang paraan?" Tanong naman ni Paul. Umiling lang si sir.
"I'm sorry pero wala na talaga." Malungkot na sagot ni sir. Naglabas siya ng tatlong sobre. "Ito na ang huling sahod niyo. Magsasara na tayo ngayon din." Anito at inabot samin ang sobre.
Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Kulang pa 'tong sweldong 'to para sa pangkain at pambayad ko ng utang.
"Grabe, biglaan naman 'tong pagpapasara ni sir ng coffee shop." Sabi ni Kim habang inaayos ang mga gamit niya.
"Ang hirap pa naman mag hanap ng trabaho ngayon." Sabi ni Paul at napailing nalang.
Natigil ako sa pag-aayos ng gamit nang hawakan ni Paul ang balikat ko.
"Gusto mo bang sumabay sakin sa paghahanap ng trabaho?" Tanong niya. Pilit akong ngumiti at hinarap siya.
"Sige. Sabihan mo lang ako kung kailan." Sagot ko. Kailangan na kailangan ko talaga makahanap ng trabaho. Buti nalang ay summer ngayon at walang pasok.
Nagpaalam na ako sa kanila pagkatapos naming mag-ayos ng mga gamit. Nagpaalam na rin ako kay sir at panay din ang sorry niya dahil sa biglaang pagsasara ng coffee shop.
Nagpunta muna ako sa convenience store para bumili ng makakain. Sinilip ko ang counter ngunit iba ang nandoon. Hindi ba pumasok si Andrei?
Pagkabayad ko ay lumabas na agad ako. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng sakit ng ulo at hilo.
Gusto ko sang mag jeep o mag tricycle manlang kaso naalala ko na kailangan kong mag tipid. Lalakarin ko nalang.
Mas lalo pang sumakit ang ulo ko kaya pagkarating ko sa bahay ay nakatulog agad ako.
Nagising ako nang makarinig ng ingay sa labas. Hirap akong bumangon at sumilip sa bintana. Umuulan na naman pala kaya ang lamig. Summer ba talaga ngayon?
Sinubukan kong maglakad upang makalabas ng kwarto pero hindi pa ako masyadong nakakatayo ay napaupo na naman ako sa kama.
"Ang sakit ng ulo ko." Kanina pa 'to ah. Akala ko pa naman mawawala kapag nakatulog ako.
Hinawakan ko ang leeg ko at nanlaki ang mata ko dahil sa sobrang init. Kinuha ko agad ang thermometer sa drawer ko at ginamit 'yon.
Damn! 38.2!
Naligo nga pala kami sa ulan kagabi ni Andrei.
Tumayo na ako para lumabas ng kwarto at makakuha ng gamot.
"Ahhh!" Napatakbo agad ako sa sala nang biglang kumulog at kasabay nito ang pag brownout.
Naramdaman ko agad ang pagtulo ng luha ko. Sobrang dilim at nakalimutan ko pa yung cellphone ko sa kwarto.
Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko at nanginginig na rin ako. Bakit ba kasi ngayon pa nag brownout?! Nakakatakot!
Napapikit ako nang makarinig ng ingay mula sa labas.
"Katie! Please, open this door! Katie! Katie!" Agad akong tumayo at pumunta sa pinto nang marinig ko ang pag tawag sakin.
Pagkabukas ko ng pinto ay naramdaman ko agad ang mainit niyang yakap.
"Shh...stop crying. Nandito na ako." Bulong niya. Napayakap ako nang mahigpit sa kaniya.
"A-andrei, please don't leave me." Pagmamakaawa ko. Natatakot ako. Bumabalik na naman sa alaala ko yung mga nangyari dati. Ang pagkamatay ng magulang ko, ang pagkulong sakin nila tita, at pangloloko sakin ng mga kaklase ko.
Inalalayan ako ni Andrei pabalik sa sofa. May dala dala siyang flashlight.
"Nilalagnat ka," sabi niya habang nakahawak sa noo ko. "Kukuha lang ako ng gamot." Dagdag niya at akmang tatayo pero pinigilan ko siya.
"Andrei, dito ka lang. Natatakot ako mag-isa."
Dahil sa flashlight na dala niya ay naaaninag ko ang mukha niya. Ang mga mata niya ay punong-puno ng pag-aalala.
Muli siyang umupo at niyakap ako. Nang tumagal tagal ay medyo kumalma na ako pero nakayakap pa rin siya sakin. Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng mga talukap ko at dinalaw na ako ng antok.
Nagising ako sa kwarto ko. Maaraw na sa labas. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Andrei.
Hindi pa pala siya umuuwi?
"Good morning," bati niya. "Kumain ka muna para makainom ka ng gamot." Inalalayan niya ulit ako para makaupo.
Hinawakan ko ang noo at leeg ko. Hindi na masyadong mainit pero medyo masakit parin ang ulo ko.
"Salamat." Ipinatong niya sa mesa ko ang isang tray na may laman na kanin at ulam. Nandoon din ang gamot at tubig ko.
"Ikaw nag luto nito?" Tanong ko. Sinigang ang ulam at mainit pa.
"Oo. Ayos ka na ba?" Tanong niya. Tinikman ko ang luto niya at ang sarap nito. Hindi ko alam na marunong pala siya mag luto.
"Medyo masakit nalang ang ulo ko." Sagot ko.
"Sorry, dahil sakin ay nagkasakit ka." Bigla akong napatingin sa kaniya. Tinutukoy niya ba yung pagligo namin sa ulan at sinisisi niya ang sarili niya?
"That's not your fault. Ako ang may gusto maligo sa ulan diba?" Sabi ko at nginitian siya para ipakita sa kaniya na wala talaga siyang kasalanan.
"Kahit na. Dapat pinigilan kita." Aniya.
"Pinigilan mo naman ako kaso sadyang matigas ang ulo ko," natatawang sabi ko. "Saka ayos lang, nag enjoy naman tayo eh." Dagdag ko.
Pagkatapos kumain ay ininom ko na ang gamot ko. Napatingin ako sa orasan at napansin kong tanghali na.
Dapat nasa trabaho na ngayon si Andrei ah. Bakit nandito pa rin siya?
"Andrei, salamat sa pag-aalaga sakin. Ayos naman na ako eh. Diba may trabaho ka pa? Late ka na." Sabi ko sa kaniya.
"Hindi ako papasok ngayon." Simpleng sagot niya.
"Bakit naman? Kahapon galing ako sa convenience store pero wala ka. Tapos ngayon aabsent ka na naman?" Tanong ko sa kaniya. Pwede niya naman na akong iwan dito eh.
"Uuwi ako saglit para maligo at makapagpaalam kay tita na hindi ako papasok ngayon. Babalik ako dito." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Andrei, ayos lang talaga---"
"No! Babalik ako dito. At ikaw, hindi ka rin muna papasok ngayon." Natigilan ako sa sinabi niya.
Napahawak ako sa noo ko nang maalala ang nangyari kahapon. Wala na nga pala akong trabaho kaya hindi talaga ako papasok ngayon.
Kailangan ko na pa lang mag hanap ng trabaho pero hindi ko 'yon magagawa kung nandito si Andrei. Paniguradong pipigilan niya ako.
---
Kinuha ko ang phone ko mula sa side table at nahiga sa kama. Ite-text ko muna si Andrei at itatanong ko kung saan kami pupunta mamayang gabi. Wala naman ako maalalang may sinabi siya sakin kanina.To: Gabi ?Andrei, san tayo pupunta mamaya?Pinalitan ko yung pangalan niya sa contacts ko. Yung dating pangalan niya na may heart emoticon ay pinalitan ko ng 'Gabi' para tagalog ng first name niya na 'Night'.From: Gabi ?Basta. Pupuntahan nalang kita dyan mamayang 6PM.Napanguso nalang ako. 2:30 palang, matutulog nalang muna ako. Napagod ako sa paglalaro namin kanina.Nagising ako at 5:30 na. Agad akong dumiretso sa CR para makapag-ayos. Nagbihis na rin ako at lumabas ng kwarto.
Nakalapit na samin si Andrei at naupo siya sa katabi kong swing. Mas lalo namang lumapit sakin si Dexter at nakasimangot na tinignan si Andrei."Dexter, ito na yung ice cream mo." Inabutan niya si Dexter ng ice cream."Ayoko!" Sigaw ni Dexter na ipinagtaka naman ni Andrei."Dexter, tanggapin mo na. H'wag kang maniwala sa sinabi ng kuya mo kanina." Sabi ko sa kaniya. Ako na kumuha ng ice cream niya at inabot sa kaniya.Tinignan ko si Andrei na nagtataka pa rin."Ito sayo. Anong nangyari dyan?" Hindi ko tinanggap ang ice cream at tinignan lang siya ng masama."Kung ano ano kasi sinasabi mo sa bata. Umiyak tuloy kanina." Sabi ko sa kaniya. Napangisi naman siya.
Sabado ngayon. Tanghali na ako gumising dahil wala naman akong gagawin. Nakaupo ako ngayon dito sa labas habang pinagmamasdan si Lili na palakad lakad lang.Kahit siguro siya ay naiinip dito sa bahay.Sumandal ako sa inuupuan ko at ipinikit ko ang mga mata ko."Siguro nga ako ang nahuhulog. Hindi ko alam kung paano ako makakaahon o kung makakaahon pa ba ako mula sa pagkakahulog ko."Bigla akong napadilat nang maalala yung sinabi sa akin ni Andrei. Naramdaman ko na naman ang mabilis na pag tibok ng puso ko.Gosh! Hindi na ata maganda 'to. Ilang araw ko na 'to nararamdaman lalo na pag kasama si Andrei.Totoo kaya yung sinabi niya o baka naman nag bibiro na naman siya? Pero s
"Katie, gising na." Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko nang maramdamang may tumatapik sakin.Nakita ko agad ang pagmumukha ni Andrei pag dilat ko."Good morning," bati niya."Good morning."Napatingin ako labas ng tent. Oo, may tent kami. May dala si Andrei at inayos niya 'to kagabi bago kami matulog. Ay, hindi ko pala alam kung natulog siya. Nauna kasi akong pumasok sa tent kagabi at naiwan siya sa labas para ayusin daw ang mga gamit namin.Medyo madilim pa sa labas."Anong oras na?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa wrist watch niya."5:30. Mamayang 6:30 ay aalis na tayo dito. Uuwi muna tayo tapos sabihan mo nalang ako kapag gusto mo na pumasok." Sabi niya."Okay. Pagkauwi sa bahay ay maliligo lang ako para makapasok na tayo agad." Sabi ko.
Tapos na yung fireworks. Kumakain nalang kami ngayon ni Andrei. Talagang pinaghandaan niya talaga ang lakad namin na 'to dahil kumpleto siya sa pagkain at gamit."Anong oras pala tayo uuwi?" Tanong ko. Pero makakauwi pa ba kami ngayong gabi? Parang delikado na kasi sa daan."Tomorrow morning. Papanoorin muna natin yung sunrise." Sagot niya. Sabi na nga ba at hindi kami makakauwi ngayong gabi eh. Naalala ko naman bigla yung trabaho namin."Wait, hindi ba tayo male-late bukas sa convenience store?" Nag-aalalang tanong ko. Ngumiti naman siya at umiling."Nakapagpaalam na ako kay tita." Simpleng sagot niya. Tsk! Porke't tita niya ang may-ari ng convenience store ay may lakas na siya ng loob mag pa-late. Dinamay pa ako."Baka ika
"Hey, I'm sorry." Hindi ko pinansin si Andrei na nasa gilid ko at nagpupunas ng buhok. Bahala siya dyan!"Katie, pansinin mo naman ako." Nilingon ko siya at agad na sinapak sa braso."Aray!""Para 'yan sa pananakot mo sakin!" Inis na sabi ko at lumayo sa kaniya. Naupo ako sa nilatag niya na sapin."Sorry na nga eh. Saka mababa lang naman yung tinalunan ko ah." Sabi niya at lumapit ulit sakin."Ewan ko sayo! Bahala ka dyan!" Ngumuso naman siya at tumahimik nalang.Pumikit ako para kalmahin ang sarili ko. Nakakainis kasi 'tong si Andrei eh. Bigla bigla nalang tumatalon.Kunot-noo akong tumingin sa kaniya nang marinig ko ang tawa niya. Diretso lang ang tingin niya habang nakangiti. Nababaliw na ba siya?"Pero ang saya talaga nun. Alam mo bang first time ko 'yo