LOGIN"Sasabihan ko si tita na i-hire ka sa convenience store." Sabi ni Andrei sakin. Ikwinento ko sa kaniya na wala na akong trabaho na sana pala ay hindi ko nalang ikwinento sa kaniya.
"Nakakahiya, Andrei. Hindi porke't tita mo 'yon at kaibigan mo ako ay basta-basta nalang ako makakapasok doon." Sabi ko. Kanina niya pa ako kinukulit tungkol dito.
"Ayos lang 'yon, Katie. Saka naghahanap din si tita ngayon ng pwedeng i-hire, sakto wala ka ng trabaho. Edi pwede kang pumasok sa convenience store." Napasimangot ako dahil sa pangungulit niya.
"Susubukan ko rin mag apply sa iba." Sinamaan niya ako ng tingin.
"Katie, sige na. Diba kailangan mo ng trabaho? Tanggapin mo na 'to." Ngumuso na lang ako. He's right. I really need a job. At kailangan kong tanggapin ito dahil para din naman sakin 'to.
"Fine. Salamat." Sabi ko. Lumawak naman ang ngiti niya.
"Good girl." Sabi niya at pinisil ang ilong ko. Napangiti nalang ako.
Hindi kami umalis ng bahay at nanood nalang ng movie. Walang ginawa si Andrei kundi bantayan ako. Halos ayaw niya na nga akong pakilusin eh.
I'm so thankful that I met him. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na tulad niya. Kung wala siguro siya kagabi ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Tapos ngayon ay bibigyan niya pa ako ng trabaho.
***
"Ma'am Alexis, thank you po talaga sa pagtanggap sakin dito." Ngayon ang first day ko sa convenience store ng tita ni Andrei.
"You're welcome, Katie. And please, don't call me 'Ma'am' masyadong formal 'yon. Tita Alexis nalang tutal naman ay kaibigan ka ng pamangkin ko." Nakangiting sabi niya at tinignan si Andrei na nasa gilid ko. Napangiti rin ako.
"Aalis muna ako. May pupuntahan pa kami ni Dexter." Aniya at umalis na.
"Sabihin mo lang sakin pag may kailangan ka." Sabi ni Andrei.
"Kaya ko na 'to. Salamat ulit." Nagsimula na kaming mag trabaho. May mga dumadating na rin na customer.
Dahil sa counter ako naka assign dati sa coffee shop, sanay na ako at hindi na ako nahirapan dito.
Naging maayos naman ang unang araw ko dito. Sa mga sumunod na araw ay ganun pa rin. Mas nasasanay na ako dito. Tuwing may kailangan din ako ay laging nandyan si Andrei.
Isang araw ay ipinakilala ni Andrei yung isang katrabaho namin.
"Ben, si Katie nga pala. Katie, si Ben." Nginitian ako ni Ben at naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman 'yon.
"Nice to meet you." Nginitian ko siya.
"Nice to meet you din."
Hinila ni Andrei ang kamay ko at bumalik na kami sa counter. Tumawa naman si Ben habang nakatingin kay Andrei. Tinignan siya ni Andrei ng masama.
"Takot maagawan." Sabi ni Ben pero hindi siya pinansin ni Andrei. Ano bang pinag-uusapan nila?
Mahigit isang linggo na ako dito sa convenience store. Laking pasasalamat ko talaga kay Tita Alexis at kay Andrei dahil nagkaroon agad ako ng trabaho.
"Good afternoon po." Bati ko sa customer.
"Katie?" Inangat ko ang tingin ko at nagulat ako nang makita si Paul. Naalala ko bigla yung usapan namin na sabay kami maghahanap ng trabaho. Nakahanap na kaya siya?
"Paul..." Nahihiya ko siyang binati.
"May trabaho ka na pala kaya pala hindi kita masyadong nakikita." Napalunok ako sa sinabi niya. Nakakahiya! Hindi ko manlang siya nasabihan.
"Uhh...bago lang din ako dito. Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo. M-may trabaho ka na ba?" Nahihiyang tanong ko.
Ngumiti siya pero bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya. "Wala pa. Hirap mag hanap eh. Buti ka pa nakahanap agad." Natahimik ako at hindi ko alam kung anong sasabihin.
"Katie," Nilingon ko si Andrei na nasa gilid ko na.
"Andrei, this is Paul. Katrabaho ko dati. Paul, si Andrei, kaibigan ko." Nag tanguan silang dalawa. Alam kong kilala na siya ni Andrei dahil naikwento ko na sa kaniya dati si Paul.
"Mauna na ako, Katie." Paalam ni Paul.
"Sige. Sana makahanap ka na rin ng trabaho. Sorry ulit." Nginitian niya naman ako bago umalis.
"Bakit ka nag so-sorry?" Tanong ni Andrei.
"May usapan kasi kami na sabay kami maghahanap ng trabaho kaso hindi ko siya nasabihan agad na may trabaho na ako." Sagot ko.
"Sana makahanap na siya." Aniya.
"Sana nga."
Nang malapit na mag alas-tres ng hapon ay nag ayos na ako ng gamit. Sabay kami ng uwi ni Andrei. Ang papalit naman samin ay si Ben.
"May gagawin ka ba pag-uwi mo?" Tanong ni Andrei.
"Wala naman. Bakit?"
Ngumiti naman siya. "Punta tayong mall."
"Pass muna ako dyan. Wala pang sweldo eh." Sabi ko. Saka kailangan ko mag tipid muna.
"Ayos lang 'yan. Libre ko naman eh." Ngumuso ako. Sobra sobra na ang naitutulong niya sakin tapos ngayon ililibre niya pa ako.
"Nakakahiya, Andrei. Pag natanggap ko nalang yung sweldo ko saka tayo pupunta sa mall para naman may panggastos din ako." Ayoko namang umasa nalang lagi sa kaniya.
Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin at kunin ang bag ko.
"Hoy, Andrei! Wait lang!" Sabi ko.
"Mukhang may lakad ah." Napatingin ako kay Ben na kararating lang. Nakangisi siya habang nakatingin sa kamay namin ni Andrei na magkahawak.
Tumawa lang si Andrei at tinapik sa balikat si Ben. "Ikaw na bahala dyan." Aniya at sumaludo naman si Ben sa kaniya.
Wala na akong nagawa kundi magpahila nalang kay Andrei.
Mabilis kaming nakarating sa mall.
"Nood tayong sine." Aya niya. Hindi na ako umangal pa dahil alam ko namang kukulitin lang ako ni Andrei.
Bumili na siya ng ticket.
"We still have one hour. Gusto mo bang kumain muna?" Tanong niya.
"Sige."
Nagpunta kami sa isang fastfood chain. Siya na ang pinapili ko ng kakainin namin.
After 20 minutes ay dumating na rin ang order namin.
Habang kumakain ay medyo nailang ako nang maramdaman ang titig ni Andrei. Sinibukan ko siyang tignan at nakatingin pa rin siya sakin.
"B-bakit?" Nauutal kong tanong. Kinapa ko agad ang mukha ko nang mapagtanto na baka may dumi ako sa mukha.
Narinig ko naman ang tawa niya.
"Don't worry, wala kang dumi sa mukha."
"Eh bakit ka nakatingin?" Tanong ko.
Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Wala lang. Gusto ko lang tignan ang maganda mong mukha." Muntik na akong masamid kahit wala naman akong iniinom. Naramdaman ko na naman ang mabilis na pag tibok ng puso ko.
Oh my God! Sana lang ay hindi kasing pula ng kamatis ang mukha ko ngayon.
Pinilit kong tumawa at tignan siya. "Well, ang swerte mo dahil may kaibigan kang maganda." Biro ko.
Ibinalik ko nalang ulit ang pansin ko sa pagkain at narinig ko pa siyang tumawa.
Argh! Andrei, bakit bigla-bigla kang bumabanat ng ganiyan?
---
Kinuha ko ang phone ko mula sa side table at nahiga sa kama. Ite-text ko muna si Andrei at itatanong ko kung saan kami pupunta mamayang gabi. Wala naman ako maalalang may sinabi siya sakin kanina.To: Gabi ?Andrei, san tayo pupunta mamaya?Pinalitan ko yung pangalan niya sa contacts ko. Yung dating pangalan niya na may heart emoticon ay pinalitan ko ng 'Gabi' para tagalog ng first name niya na 'Night'.From: Gabi ?Basta. Pupuntahan nalang kita dyan mamayang 6PM.Napanguso nalang ako. 2:30 palang, matutulog nalang muna ako. Napagod ako sa paglalaro namin kanina.Nagising ako at 5:30 na. Agad akong dumiretso sa CR para makapag-ayos. Nagbihis na rin ako at lumabas ng kwarto.
Nakalapit na samin si Andrei at naupo siya sa katabi kong swing. Mas lalo namang lumapit sakin si Dexter at nakasimangot na tinignan si Andrei."Dexter, ito na yung ice cream mo." Inabutan niya si Dexter ng ice cream."Ayoko!" Sigaw ni Dexter na ipinagtaka naman ni Andrei."Dexter, tanggapin mo na. H'wag kang maniwala sa sinabi ng kuya mo kanina." Sabi ko sa kaniya. Ako na kumuha ng ice cream niya at inabot sa kaniya.Tinignan ko si Andrei na nagtataka pa rin."Ito sayo. Anong nangyari dyan?" Hindi ko tinanggap ang ice cream at tinignan lang siya ng masama."Kung ano ano kasi sinasabi mo sa bata. Umiyak tuloy kanina." Sabi ko sa kaniya. Napangisi naman siya.
Sabado ngayon. Tanghali na ako gumising dahil wala naman akong gagawin. Nakaupo ako ngayon dito sa labas habang pinagmamasdan si Lili na palakad lakad lang.Kahit siguro siya ay naiinip dito sa bahay.Sumandal ako sa inuupuan ko at ipinikit ko ang mga mata ko."Siguro nga ako ang nahuhulog. Hindi ko alam kung paano ako makakaahon o kung makakaahon pa ba ako mula sa pagkakahulog ko."Bigla akong napadilat nang maalala yung sinabi sa akin ni Andrei. Naramdaman ko na naman ang mabilis na pag tibok ng puso ko.Gosh! Hindi na ata maganda 'to. Ilang araw ko na 'to nararamdaman lalo na pag kasama si Andrei.Totoo kaya yung sinabi niya o baka naman nag bibiro na naman siya? Pero s
"Katie, gising na." Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko nang maramdamang may tumatapik sakin.Nakita ko agad ang pagmumukha ni Andrei pag dilat ko."Good morning," bati niya."Good morning."Napatingin ako labas ng tent. Oo, may tent kami. May dala si Andrei at inayos niya 'to kagabi bago kami matulog. Ay, hindi ko pala alam kung natulog siya. Nauna kasi akong pumasok sa tent kagabi at naiwan siya sa labas para ayusin daw ang mga gamit namin.Medyo madilim pa sa labas."Anong oras na?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa wrist watch niya."5:30. Mamayang 6:30 ay aalis na tayo dito. Uuwi muna tayo tapos sabihan mo nalang ako kapag gusto mo na pumasok." Sabi niya."Okay. Pagkauwi sa bahay ay maliligo lang ako para makapasok na tayo agad." Sabi ko.
Tapos na yung fireworks. Kumakain nalang kami ngayon ni Andrei. Talagang pinaghandaan niya talaga ang lakad namin na 'to dahil kumpleto siya sa pagkain at gamit."Anong oras pala tayo uuwi?" Tanong ko. Pero makakauwi pa ba kami ngayong gabi? Parang delikado na kasi sa daan."Tomorrow morning. Papanoorin muna natin yung sunrise." Sagot niya. Sabi na nga ba at hindi kami makakauwi ngayong gabi eh. Naalala ko naman bigla yung trabaho namin."Wait, hindi ba tayo male-late bukas sa convenience store?" Nag-aalalang tanong ko. Ngumiti naman siya at umiling."Nakapagpaalam na ako kay tita." Simpleng sagot niya. Tsk! Porke't tita niya ang may-ari ng convenience store ay may lakas na siya ng loob mag pa-late. Dinamay pa ako."Baka ika
"Hey, I'm sorry." Hindi ko pinansin si Andrei na nasa gilid ko at nagpupunas ng buhok. Bahala siya dyan!"Katie, pansinin mo naman ako." Nilingon ko siya at agad na sinapak sa braso."Aray!""Para 'yan sa pananakot mo sakin!" Inis na sabi ko at lumayo sa kaniya. Naupo ako sa nilatag niya na sapin."Sorry na nga eh. Saka mababa lang naman yung tinalunan ko ah." Sabi niya at lumapit ulit sakin."Ewan ko sayo! Bahala ka dyan!" Ngumuso naman siya at tumahimik nalang.Pumikit ako para kalmahin ang sarili ko. Nakakainis kasi 'tong si Andrei eh. Bigla bigla nalang tumatalon.Kunot-noo akong tumingin sa kaniya nang marinig ko ang tawa niya. Diretso lang ang tingin niya habang nakangiti. Nababaliw na ba siya?"Pero ang saya talaga nun. Alam mo bang first time ko 'yo