Mag-log inThe Suarez
Pagkapasok ko pa lang sa room ay agad na akong binomba ng mga tanong nina Leley at Roma. Panigurado akong hanggang mamaya pa ang tanungan portion na ito.
"Text ng text ang mommy mo sa akin kagabi kasi umalis ka raw at hindi umuwi, san ka natulog Eina?" Tanong ni Leley. Si Roma naman ay nag iintay ng kasagutan sa akin. I'm sorry friends but I need to lie right now. Hindi niyo na dapat malaman pa na natulog ako kina Perfi.
"I spent my night at Castle Bernardina Hotel." Sabi ko. It's a hotel that located near SM. It was a bit expensive but then they all know that I can afford it.
"Sigurado ka?" Si Roma naman ang nagtanong.
"Talagang kinarir niyo na ang pagiging chismosa ah?" Natatawa kong sinabi.
"Siyempre? Para saan pang tinalo ko si Gas Avelgas?" Sabi ni Leley at bahagyang ginaya ang pananalita ni Gas Avelgas sa SOCO. Napailing ako dahil sa kalokohan nila.
Nang magsimula ang klase ay tumahimik na ang dalawa, medyo hectic ngayon ang schedule dahil after ng assignment ay magkakaroon ng reporting bago ang sem break.
"Oh my gosh! Malapit ng mag end ang sem! Oh my god I need fresh air!" OA na sinabi ni Niña habang kumakain kami sa cafeteria sa dati naming pwesto. Nandito na sina Mariel, Leley, Roma at Marriane, wala pa si Vaness dahil nautusan na naman ang prof. Teacher's pet.
"E di doon ka maligo sa Fresh air resort!" Leley teased Niña. Nag apir kami ni Leley dahil sa kalokohan niya. Gustong gusto kasi namin na naaasar si Niña dahil ang bilis nito mapikon.
Habang kumakain ay kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang schedule ko ngayon. Nakita kong dalawang oras ang break time ko ngayon tapos after ay may library period at pagkatapos nun ay uwian na!
Shet! Ang ganda ng schedule ko ngayon!
"Bruha!" Hinampas ko si Leley na nasa aking tabi kaya agad siyang gumanti sa akin. Hindi talaga siya nakakatiis na hindi gumaganti. Napaka talaga!
"Ano na naman ba girl?" Iritadong sinabi ni Leley kaya natawa ako sa itsura niya.
"Ang ganda ng schedule ko ngayon! Tara sa Perez Park mamaya?" Maligaya kong sinabi. Nagtaka ako ng lahat sila ay sumimangot sa sinabi ko. Hala? Anong problema ng mga ito?
"Punong puno ang schedule namin Eina! Huhuhu! Ang lucky mo!" Maarteng sinabi ni Niña.
Napangiwi naman ako. Ano ba yan. Ang bad timing! Kung kailan naman-
Natigil ako sa pag iisip ng biglang dumami ang tao sa cafeteria at ng tumingin ako sa mga taong dumadating ay nalaman ko na kung bakit. Dumating na kasi ang mga taga Engineering. Ewan ko ba sa mga yan kung bakit dito kumakain eh may sarili naman silang cafeteria sa area nila.
Pero ng makita ko ang mga Suarez na naglalakad sa malapit na table sa amin ay halos gusto ko na lang tumago sa ilalim ng table.
"Shocking! Ang hot ng magpipinsan!" Narinig kong tili ni Mariel. Ako naman ay nanatiling nakapako sa aking kinauupuan.
I unconsciously count them and I realized that they are nine. Siyam silang magpipinsan na Suarez! At puro lalaki pa! Kaya naman pala dinadayo ang Enverga eh!
Pinagmasdan ko kung paano mag usap usap ang magpipinsan. Nagtatawanan sila at nagbibiruan at hindi man lang nila napapansin na halos lahat ng mata ay nakatingin sa kanila. Even the gays are checking them out.
Nag iwas ako ng tingin ng tuluyan na silang nakaupo sa table nila.
"Hoy! Tumigil nga kayo sa pagtitig!" Saway ko sa mga kaibigan kong na hypnotize na yata. Bumaling sila sa akin at ngumisi.
"Bakit? Nagseselos ka? Wag kang mag aalala sayong sayo na si Papa Perfi." Malanding sinabi ni Roma. Umirap ako dahil sa kabaliwan nila.
"Manahimik ka Roma! Sasabunutan kita!" Pagbabanta ko pero ang bruha ay ngumisi lang. Bumalik na naman sila sa pagmamasid sa Suarez pati tuloy ako ay napasulyap. At agad na kay Perfi ang mga mata ko.
He's talking with Isacar with his wide smile like there's something interesting in their topic. Mukhang ang pinaka close niya sa pinsan niya ay si Isacar. Ang medyo maingay sa kanila ay si Jonas na nakikipag sigawan na kay Lancelot na mukha ring hindi magpapatalo. Panigurado akong lahat sila ay mahahangin.
Naalala ko tuloy yung blood type. Damn it! Stop it Eina!
Nag iwas ako ng tingin ng makita kong tumayo si Perfi at Isacar para umorder sa counter.
"Ang dami kong nasasagap na balita diyan sa mga yan!" Bulong ni Mariel na isa pang chismosa.
"Ano naman yun?" Interesadong interesado si Leley.
"Yan daw si Perfi ay marami ng napaiyak na babae at hindi lang dito sa Enverga, pati sa Sacred Heart at Maryhill! Isama niyo na lahat ng private school dito sa Lucena! Lahat sila ay umasa at napaiyak na ng isang Suarez." Sambit ni Mariel.
It's a human nature. Talagang maraming aasa at mangangarap na sana ay mapansin sila ng mga kalalakihang nanggaling sa isang mayamang pamilya. They are not just Suarez, they are all unique in their own way.
"Pero hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa kanila. Alam kong Suarez sila pero nalilito ako kung sino si Isacar...si Arthur!" Sabi naman ni Roma na pasulyal sulyap sa table ng mga Suarez.
Nakita kong bumalik na si Perfi at Isacar sa kanilang upuan na may dalang tray ng pagkain. Mabuti na lang hindi niya pa ako napapansin dito.
"Ganito kasi yan guys.." panimula ni Niña na masyadong maraming alam sa mga bagay bagay.
"Suarez ancestors was originated in Unisan, Quezon. Nasa Unisan ang ancestral mansion nila at nandun din nakatira ang kanilang grandfather na si Senior Alejandro Pelaez Suarez. Ang alam ko tuwing summer ay doon nagbabakasyon ang magpipinsan para sa kanilang lolo." Niña have so many informations. Siguro dahil mayaman ang pamilya ni Niña kaya madali na lang sa kaniya ito.
"Senior Alejandro have four sons, si Governor Danillo Suarez, he is the governor of Quezon Province. His only son is Perfiñan Kyle Suarez."
"Ibig sabihin panganay si Gov. Danillo? Successor si Perfi?!" OA na tanong ni Leley. Ako naman ay mas lalong nakinig. Damn! We're look like some gossipers!
"Parang ganun na nga. At isa pa kaisa isa siyang anak." Sagot naman ni Niña.
"Ano pa?" Mas interesado na si Roma.
"His second son is Mayor Fidelio Suarez, at siya ang mayor ng Lucena kung hindi niyo alam. May dalawa siyang anak at ito ay si Isacar Fidel at Isaiah Haze Suarez."
"OMG! Mga politicians pala ang mga Suarez?" Tanong ni Mariel.
"Yes. They are also businessman's they are also well known in their Construction Company." Sabat ni Vaness na akala ko'y hindi nakikinig.
"Sino diyan si Isaiah Haze?" Tanong naman ni Roma. Pero kumunot ang noo ko ng bahagya siyang sinapak ni Leley.
"Hala! Para saan yun?!" Pag alma ni Roma. Tumingin ako kay Leley na diretsong nakatingin sa table ng mga Suarez, and I can clearly see how she looks at Isaiah Haze Suarez, the guy with a serious facade.
"Next na!" Singit naman ni Mariel.
"The third son is Congressman Garpio Suarez, meron siyang tatlong anak at anak niya ang kaisa isahang apong babae ni Senior Alejandro! Ang kaniyang anak ay sina Edward Gab a.k.a 'Edu', Jonas Gward at Jemina Gabriela Suarez."
"Sa totoo lang ha, ang hot ni Jonas kahit maloko ano?" Nagpapantasya na yata si Roma.
"Nakita ko na noong isang araw si Jemina Suarez, at jusko po! Makakalimutan mong babae ka sa sobrang ganda niya!" Sambit ni Leley na mukhang na starstruck na.
"Suarez boys are overly protective with Jemina. Kaya mahihirapan ang boys kay Jemina." Dagdag ni Niña.
Kung ganoon napaka malas naman pala ni Jemina. Napapalibutan siya ng mga mahahangin na lalaki.
"Okay last na!" Sambit ni Leley na may pagpalakpak pa.
"Fine, last but not the least, Mayor Benedicto Suarez, mayor siya ng Unisan. Actually isa ring attorney si Mayor Benedicto. Siya ang may pinaka maraming anak, he have four son! Ito ay sina Arthur Ben, Alexander Benedict, Lancelot Brent and Paris Bedievere Suarez."
"Puro lalaki! Ang sakit siguro ng ulo ng mommy nila!" Natatawang sinabi ni Roma.
Napailing ako at natawa sa sinabi niya. Hindi kaya sakit sa ulo ang magpipinsan? Mukhang si Jemina lang ang normal sa kanila eh.
Sumulyap akong muli sa table ng mga Suarez at halos atakihin ako sa puso ng magtama ang mata namin ni Perfi. Agad akong nag iwas ng tingin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Shet!
Sa sobrang kaba ko ay hindi ko namalayan na nagpapaalam na pala sina Mariel para umalis!
"Sige bukas na lang ulit! Text na lang kayo ha!" Kumaway sa amin sina Niña, Mariel, Vaness at Marriane.
Naiwan kami nina Leley at Roma. Leley is now busy with her phone while Roma is busy eating her fries.
Kinuha ko ang aking shake at humigop dito but I almost spill it out when Perfi suddenly sit in front of me!
Natigilan sina Roma at Leley dahil sa presensya ni Perfi. At dahil nag panic na ako hindi na ako makagalaw.
"Perfi?" Leley asked with her wide smirk. Damn it!
Tumingin sa kanila si Perfi at ngumiti.
"Hiramin ko lang tong kaibigan niyo ha?" He said playfully and before I even uttered a word he suddenly pulled my hands for us to go out in that cafeteria.
SorryI am so lost. I am so sad. And at the same time...I feel so down. Hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko magawang maging masaya sa kalagayan ko. Kaya paano ko ipapakita sa mga kaibigan ko na ayos lang ang lahat?Nasa loob ako ng aking Vios. Naka park na ako sa parking lot ng school pero...kinakabahan akong lumabas dahil alam ko kung anong makikita ko. Panigurado akong maraming naghihintay sa akin.Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang reflection sa camera. I tried to smile but my eyes is telling otherwise. Pero sa huli bumuntong hininga na lang ako.Just one month Eina. Spend your one month in darkness.Lumabas ako ng driver seat at kinuha ang aking bag. Tahimik akong naglakad papasok sa school pero agad ding natigilan ng makita ko si Perfi na nakasandan sa isang puno na para bang kanina pa may hinihintay. Agad sumibol ang kaba sa aking puso ng magta
OverNaging masaya ang araw namin. Walang oras na hindi ako nakaramdam ng tuwa. Lalo na dahil sa kalokohan ng magpipinsan minsan ay sumasali pa sina Leley at Roma.Makikita na ang papalubog na araw sa horizon ng karagatan. It was beautiful. Hinding hindi ko ito malilimutan. The happiness...I'm feeling...I won't ever forget this.Sabay sabay kaming nanuod ng sunset, nagkaroon din ng pictorial ang mga Suarez. At syempre laging present ang digital camera ni Jonas. Pangarap niya yatang maging photographer.Naglabas din ng cellphone si Perfi at nag selfie kami parehas. At sa bawat ngiti ko ay walang mababasa ditong kalungkutan, purong kasiyahan lamang.Nang dumilim naman ay gumawa ng bonfire si Jonas at syempre may alak na naman. Nasa dalampasigan lang kami at sa gitna namin ay ang bonfire."At dahil last night na natin to maglalasing tayo hanggang sa hindi na tayo ma
Scared to deathKinabukasan ay agad nagplano ang lahat na mag swimming sa dagat. Pero dahil may mga hang over ang lahat tamad na tamad pa sila magsibangon. Si Roma naman ay umagang umaga nagsusuka sa banyo. Si Leley naman ay tulog na tulog pa sa kama. Itong babaeng ito isa pa eh. Inihatid siya dito ni Isaiah na tulog na tulog, lasing yata."Gising na Leley!" Sigaw ko sa tainga ni Leley sabay sipa ko sa paa niya. Natawa ako ng bigla siyang napabangon sa biglang gulat. Taas taas pa ang magulo niyang buhok. Mukha siyang sabog sa itsura niya."Eina naman eh!" Sabi niya sabay irap sa akin. Humalakhak ako habang pinagmamasdan siyang parang baliw na naglalakad sa banyo. Sakto naman na kalalabas lang ni Roma na nakasuot ng bathrobe."Anyare don?" Roma asked, confused because of Leley's weird face."Ayun, lasing parin yata hanggang ngayon." Sabi ko. "Ako nga rin eh. Ang
Last"Gusto kita...no...I think I'm falling in love. Please be mine, Eina."Hindi ako makaimik. Pakiramdam ko ay nalunok ko na ang dila ko. My knees are trembling terribly. Ramdam na ramdam ko ang pagtambol ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay malapit ng tumalon ang puso ko.Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang mahina niyang paghalakhak."Where's your tongue now, Eina?" He teased. Dahil sa sobrang kaba ay sinubukan kong ialis ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya lang ito at ang mas nakakainis mas napalapit pa ako sa katawan niya. We're just inches away."I-Inaantok na ako." Sabi ko habang iniiwas sa kaniya ang aking paningin but he's staring at me intently!"Girlfriend na kita?" He asked that made my eyes widened. What the hell?! Mas lalo akong nanlaban sa hawak niya p
FallingNang dumaong na sa Polillo Island ang yate ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng tanawin! Sobrang sariwa ng hangin. Matatanawan mo ang malayong kagubatan sa dulo at sa kanan naman ay ang malawak na karagatan."Wow!" Namamanghang sinabi ni Roma at Leley habang nakamasid sa buong paligid."Welcome to the Suarez Paradise!" Malakas na sigaw ni Jonas na nag echo pa sa buong paligid.Suarez Paradise?Napatingin ako kay Perfi na ngayon ay nag iintay sa akin na mapasulyap sa kaniya. Nag taas siya ng kilay sa akin at ngumisi."Let's go?" He asked. I nodded at him. Nang naglakad na siya ay sumunod kami nina Leley at Roma. Sina Jonas naman ay nauna na yata sa Hotel.Namamangha na lang ako habang napapatingin sa buong paligid. Sobrang aliwalas. Mukhang napaka pino ng kulay puting buhangin. Ang dagat ay kumikislap at napaka ganda n
Baby"Today is the day!" Sigaw ni Roma habang palabas kami ng hotel room. Natawa na lang ako sa kaingayan niya.Dala dala na namin ang mga gamit namin dahil ngayon ang alis namin papuntang Polillo Island. Lahat kami ay nakahanda. I am wearing my spaghetti strap romper and stringed sandals. Suot ko na rin ang aking glasses at beach hat! Si Roma naman ay naka maong short at halter top, si Leley naman ay naka short shorts at tube top na pinatungan ng see through blazer. Lahat kami ay excited na dahil ang sabi ni Perfi ay sasakay kami sa yate nila! "Hello girls!" Bati sa amin ni Jonas. Ngumiti lang ako sa kaniya, lahat kami ay nasa labas ng van dahil iniintay pa namin yung iba. Si Edu at Jonas pa lang ang nandito."Nasan na ang mga pinsan mo Jonas?" Tanong ni Roma."Nagsisiksikan sa elevator." Natatawang sagot ni Jonas. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga pu