공유

CHAPTER 19

last update 게시일: 2020-09-26 07:15:19

Juice

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Perfi kanina sa library. Damn it! Eina wag kang magpapahuli sa patibong! Perfiñan Suarez is a playboy marami talagang kahanginan ang lumalabas sa bibig ng mga yan!

Hindi tuloy ako makatulog kaya pagulong gulong ako sa kama. Umupo ako at sumandal sa head board ng kama, kinuha ko ang aking cellphone at nagbukas na lang ng facebook. Nakita kong may messages sa group chat naming magkakaibigan. It's name was 'Sheaven Up'. So corny pero yun ang gusto ni Niña. 

Roma: Guys! May balita ako!

Niña: Ano na naman?

Mariel: Sigurado akong kabalbalan na naman yan.

Ako: Ang hilig niyo sa chismis!

Natawa ako ng emoji lang na natawa ang chat nina Vaness at Marriane, ang dalawang tahimik sa aming grupo. Napansin kong hindi nag chat si Leley kaya chineck ko kung online, tumaas ang kilay ko ng makitang online naman ang bruha. May kalandian siguro ito.

Roma: Si Leley hassler!

Leley: Tumigil ka ROMA!

Kumunot ang noo ko. Well, I smell something fishy. Ano kayang kabulastugan na naman ang ginawa ni Leley?

Ako: Hoy!! Ano yan?

Mariel: Spill it up!

Vaness: Matanda na naman?

Halos humagalpak ako ng tawa sa chat ni Vaness. Oh my gosh! Nickname na yata ni Leley ang matanda. Ako kasi ang nagpasimuno ng pagloko sa kaniya nun dahil noong first year college kami ay nagkaroon si Leley ng admirer na tricycle driver! Hindi naman yun pinatulan ni Leley pero dahil baliw ako pinanloko ko sa kaniya yun.

Leley: Mga bruha kayo! Anong matanda Vaness?!

Ako: Don't worry Leley, we support you.

Napahagikhik ako sa reply ko. Damn it!

Roma: So ito na ang chismis guys!

Mariel: Fuck you Roma! Kanina ka pa! Pabitin ka!

Wew! Ang taray talaga ni Mariel.

Roma: Chill hahhaa! Ito na! NAKITA KO SI LELEY NAKIKIPAGHARUTAN KAY ISAIAH HAZE SUAREZ!!

Oh my god! Mukhang nakakabingwit na si Leley ah? Suarez pa talaga?!

Mariel: Maharot kayo! Magsama kayo ni Eina! Tirador ng mga Suarez!

Napairap ako sa sinabi ni Mariel at magrereply na sana ng biglang may nag pop up na notification. Kumunot ang noo ko at pinindot ito. Nalaglag ang panga ko ng makita ito.

Perfiñan Kyle Suarez is asking me to be his friend on facebook!

Napatitig pa ako dito na para bang nagdadalawang isip pa ako. Nagkibit balikat na lang ako at inaccept siya dito. At halos mapatalon ako ng makatanggap ako ng message sa kaniya.

Perfiñan: Ayos! Love mo talaga ako!

Kumunot ang noo ko at napailing sa sinabi niya. Malakas talaga ang hangin nito.

Ako: Kahit sa facebook ang hangin mo.

Napaisip tuloy ako. Mahilig kaya siya sa social media? At dahil yata sa pagiging curious I checked his account.

Perfiñan Kyle Suarez
Bio: Chemical Engineering, Basketball player.

So simple huh? Napangisi ako ng makita ko ang kaniyang profile picture. He's leaning in a white wall while looking up to the sky. Stolen shot pero ang gwapo niya pa ring tingnan. His adams apple is very evident. 

Nakita ko ang comments at halos papuri yun sa kaniya. Umabot pa talaga ng 1k ang comments ang reacts naman ay umabot sa 5k. Wew! Edi siya na ang famous!

Tiningnan ko ang mga photos niya at puro kasama dito ang mga pinsan niya, ang pinaka madalas niyang kasama ay si Isacar. Iba't iba ang pictures niya. May kinuhaan sa bar, sa beach, sa isang building, sa school at kung saan saan! I even saw the Eiffel tower! Wow! France!

At ang mas nakakatawang pictures nila ay ang isang challenge, cousin challenge na nakahiga sa hagdan. Sunod sunod sila doon. Ang nasa pinaka dulo ay si Edu ang nasa kabila naman ay si Perfi at katabi niya si Isacar na tumatawa. Stolen shot pero parang nagmomodel pa rin sila sa hagdan!

May caption pa na captured by Jemina Gabriela Suarez.

Mukhang close na close sila. Malakas ang cousin bonds nila. Kahit ang pinaka seryoso na si Isaiah ay napapasama nila sa mga kalokohan. 

Sa timeline niya naman ako nagtingin at nakita ko ang mga shared post na puro kabulastugan. Natatawa na lang ako kapag may nakikita akong shared post na naka mention ang mga pinsan niya.

Isa talaga sa mga maloloko sa kanila ay si Jonas. Damn! Pano ba naman nakita kong may picture si Jonas na naka boxer lang? Damn this Suarez's!

Nakatulog na yata ako dahil sa pag check ng account ni Perfi. Kinabukasan ay late na akong nagising kaya dinaig ko pa si the flash sa pag aayos. 

Nang bumaba ako ay kinausap pa ako nina mommy ng mabilis bago ako nakaalis. Pinaharurot ko ang aking Vios patungo sa school.

Nang makarating sa school ay halos takbuhin ko na ang room at nakahinga ako ng maluwag ng wala pa ang prof and as usual dinumog na naman ako ng mga salita nina Leley at Roma. 

"Isang linggo na lang Sem break na!" Sambit ni Leley habang naglalakad kami patungo sa cafeteria. Ngumisi ako kay Leley.

"Tapos makakasama mo na ng matagal si Isaiah?" Pagtudyo ko.

"Manahimik ka nga Eina! Puro chismis talaga kayo!" Iritadong sinabi nito. Napailing ako at humalakhak.

"Pero seryoso Leley, paano mo nasungkit ang isang Isaiah Haze? Ang tahimik at suplado nun eh!" Sabi naman ni Roma.

Tama si Roma. Sa magpipinsan si Isaiah ang medyo nakikitaan ko ng katinuan sa buhay. Pero over over naman kasi. Parang laging pinagsakluban ng langit ang lupa dahil ang dalang ngumiti! Pero syempre gwapo pa rin, sa totoo ng mas habulin pa si Isaiah ng mga babae dahil sa personality nito.

"Basta shut up na lang kayo!" natawa kami parehas ni Roma kay Leley na mukhang problemado na rin.

Nang makarating sa cafeteria ay nakita na namin sina Niña na nakaupo doon at may nakahandan ng pagkain. Shocks! Nakakagutom!

Mabilis akong umupo at kumain pero halos mabilaukan ako ng may bigla na lang naglapag ng isang juice sa tabi ko. Natahimik ang mga kaibigan ko dahil doon. Nang tiningnan ko kung sino ito ay halos tumakbo ako.

"Laway mo tumutulo." Nakangising sinabi ni Perfi habang nilalagay ang juice sa tabi ng pagkain ko. 

Kumunot ang noo ko sa kaniya at sinamaan ko siya ng tingin.

Ano na naman kayang drama nito sa buhay at nandito ito? 

"Ano 'to?" I asked while staring at the juice. Tumaas ang kilay niya ng magtama ang aming mga mata.

"Malamang juice." Sabi nito sabay alis. Na high blood na naman ako sa lalaking ito! Pero hindi na ako nakaimik ng umalis na siya at nakangisi pa siyang umupo sa table nilang magpipinsan. 

"What is happening in the world?!" OA na tanong ni Niña sa akin. Si Leley naman ay nakangisi na sa akin. Roma is looking at me suspiciously. Mariel is raising a brow at me, while Marriane and Vaness are just looking at me.

Umirap ako sa kanila at pinagpatuloy ang pagkain pero hindi na yun natuloy dahil hinigit ni Roma ang pagkain ko.

"Ano ba?!" Angal ko.

"Magkwento ka muna! What's the real score between you and Perfi? Naghalikan na ulit kayo?" Excited na tanong ni Roma.

Halos mapairap na naman ako sa mga bulgar niyang tanong. Ano ba naman yan! Napatingin ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na may umiirap na sa aking mga babae. Hala? Anong ginagawa ko sa inyo? Kung gusto nila sa kanila na lang itong juice! Bwisit!

"Wala! Isang malaking impakto lang yun!" Sabi ko sabay kuha ulit ng pagkain ko. Nagpatuloy ako sa pagkain at napasulyap sa lamesa nina Perfi. I saw them laughing with Jonas. Isacar and Isaiah are also there. Kulang sila ngayon dahil aanim sila. Sina Perfi, Isacar, Jonas, Isaiah, Edu at Arthur lang ang nandun. 

Nag iwas ako ng tingin ng makita kong titingin si Perfi sa direksyon ko, wala sa sarili kong kinuha ang juice na ibinigay niya at ininuman yun, hanggang sa napansin kong may nakadikit pa lang sticky notes dito.

This juice is made out with my pure heart. So drink this or I'll drink you.
-P.K Suarez

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 35

    SorryI am so lost. I am so sad. And at the same time...I feel so down. Hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko magawang maging masaya sa kalagayan ko. Kaya paano ko ipapakita sa mga kaibigan ko na ayos lang ang lahat?Nasa loob ako ng aking Vios. Naka park na ako sa parking lot ng school pero...kinakabahan akong lumabas dahil alam ko kung anong makikita ko. Panigurado akong maraming naghihintay sa akin.Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang reflection sa camera. I tried to smile but my eyes is telling otherwise. Pero sa huli bumuntong hininga na lang ako.Just one month Eina. Spend your one month in darkness.Lumabas ako ng driver seat at kinuha ang aking bag. Tahimik akong naglakad papasok sa school pero agad ding natigilan ng makita ko si Perfi na nakasandan sa isang puno na para bang kanina pa may hinihintay. Agad sumibol ang kaba sa aking puso ng magta

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 34

    OverNaging masaya ang araw namin. Walang oras na hindi ako nakaramdam ng tuwa. Lalo na dahil sa kalokohan ng magpipinsan minsan ay sumasali pa sina Leley at Roma.Makikita na ang papalubog na araw sa horizon ng karagatan. It was beautiful. Hinding hindi ko ito malilimutan. The happiness...I'm feeling...I won't ever forget this.Sabay sabay kaming nanuod ng sunset, nagkaroon din ng pictorial ang mga Suarez. At syempre laging present ang digital camera ni Jonas. Pangarap niya yatang maging photographer.Naglabas din ng cellphone si Perfi at nag selfie kami parehas. At sa bawat ngiti ko ay walang mababasa ditong kalungkutan, purong kasiyahan lamang.Nang dumilim naman ay gumawa ng bonfire si Jonas at syempre may alak na naman. Nasa dalampasigan lang kami at sa gitna namin ay ang bonfire."At dahil last night na natin to maglalasing tayo hanggang sa hindi na tayo ma

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 33

    Scared to deathKinabukasan ay agad nagplano ang lahat na mag swimming sa dagat. Pero dahil may mga hang over ang lahat tamad na tamad pa sila magsibangon. Si Roma naman ay umagang umaga nagsusuka sa banyo. Si Leley naman ay tulog na tulog pa sa kama. Itong babaeng ito isa pa eh. Inihatid siya dito ni Isaiah na tulog na tulog, lasing yata."Gising na Leley!" Sigaw ko sa tainga ni Leley sabay sipa ko sa paa niya. Natawa ako ng bigla siyang napabangon sa biglang gulat. Taas taas pa ang magulo niyang buhok. Mukha siyang sabog sa itsura niya."Eina naman eh!" Sabi niya sabay irap sa akin. Humalakhak ako habang pinagmamasdan siyang parang baliw na naglalakad sa banyo. Sakto naman na kalalabas lang ni Roma na nakasuot ng bathrobe."Anyare don?" Roma asked, confused because of Leley's weird face."Ayun, lasing parin yata hanggang ngayon." Sabi ko. "Ako nga rin eh. Ang

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 32

    Last"Gusto kita...no...I think I'm falling in love. Please be mine, Eina."Hindi ako makaimik. Pakiramdam ko ay nalunok ko na ang dila ko. My knees are trembling terribly. Ramdam na ramdam ko ang pagtambol ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay malapit ng tumalon ang puso ko.Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang mahina niyang paghalakhak."Where's your tongue now, Eina?" He teased. Dahil sa sobrang kaba ay sinubukan kong ialis ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya lang ito at ang mas nakakainis mas napalapit pa ako sa katawan niya. We're just inches away."I-Inaantok na ako." Sabi ko habang iniiwas sa kaniya ang aking paningin but he's staring at me intently!"Girlfriend na kita?" He asked that made my eyes widened. What the hell?! Mas lalo akong nanlaban sa hawak niya p

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 31

    FallingNang dumaong na sa Polillo Island ang yate ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng tanawin! Sobrang sariwa ng hangin. Matatanawan mo ang malayong kagubatan sa dulo at sa kanan naman ay ang malawak na karagatan."Wow!" Namamanghang sinabi ni Roma at Leley habang nakamasid sa buong paligid."Welcome to the Suarez Paradise!" Malakas na sigaw ni Jonas na nag echo pa sa buong paligid.Suarez Paradise?Napatingin ako kay Perfi na ngayon ay nag iintay sa akin na mapasulyap sa kaniya. Nag taas siya ng kilay sa akin at ngumisi."Let's go?" He asked. I nodded at him. Nang naglakad na siya ay sumunod kami nina Leley at Roma. Sina Jonas naman ay nauna na yata sa Hotel.Namamangha na lang ako habang napapatingin sa buong paligid. Sobrang aliwalas. Mukhang napaka pino ng kulay puting buhangin. Ang dagat ay kumikislap at napaka ganda n

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 30

    Baby"Today is the day!" Sigaw ni Roma habang palabas kami ng hotel room. Natawa na lang ako sa kaingayan niya.Dala dala na namin ang mga gamit namin dahil ngayon ang alis namin papuntang Polillo Island. Lahat kami ay nakahanda. I am wearing my spaghetti strap romper and stringed sandals. Suot ko na rin ang aking glasses at beach hat! Si Roma naman ay naka maong short at halter top, si Leley naman ay naka short shorts at tube top na pinatungan ng see through blazer. Lahat kami ay excited na dahil ang sabi ni Perfi ay sasakay kami sa yate nila! "Hello girls!" Bati sa amin ni Jonas. Ngumiti lang ako sa kaniya, lahat kami ay nasa labas ng van dahil iniintay pa namin yung iba. Si Edu at Jonas pa lang ang nandito."Nasan na ang mga pinsan mo Jonas?" Tanong ni Roma."Nagsisiksikan sa elevator." Natatawang sagot ni Jonas. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga pu

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status