LOGINMy Einalem
Pure heart my ass! Anong pure heart ang sinasabi niya? Nabaliw na naman yata.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at ng matapos ay nag aya na si Leley at Roma sa room dahil time na namin. Ganun din sina Niña.
Habang paalis ay nahagip pa ng paningin ko si Perfi na tumatawa sa binubulong ni Jonas. Hindi ko mapigilan ang pagtitig sa kaniya. Bakit ba ang gwapo ng lalaking yun?
Ang hirap tuloy maging walang pakielam.
Habang nagkakaklase ay hindi ko mapigilan ang paglipad ng utak ko. Pinagbigyan ako nina mommy at daddy na bigyan ako ng araw bago ang mga medication ko but I still promise them na iinom ako ng medicine para sa pain reliever at marami pang iba.
Naisip ko tuloy na ang mga araw na ito ang gagamitin ko para mag isip. At sa tingin ko okay lang naman na magtravel travel muna ako.
After class ay inaya ko si Roma at Leley sa kiosk para kausapin sila. Gusto kong malaman kung may plano silang iba sa sem break eh.
"Anong chika mo?" Tanong agad ni Roma ng makaupo kami. Humarap ako sa kanilang dalawa.
"May plano ba kayo this coming sem break?" I asked. Nakita ko ang pag iisip nung dalawa at sabay pa silang tumingin sa akin.
"Sa bahay lang ako, di ba may research tayo?" sambit ni Leley. Tumango ako sa kaniya at bumaling naman ako kay Roma.
"Ang tanda ko wala naman kaming pupuntahan nina daddy." Sabi naman ni Roma. Umayos akong upo para magpaliwanag sa dalawa dahil panigurado akong mag frefreak out sila sa sasabihin ko.
"Okay...n-nagplano kasi ako na gumala this coming sem break, isasama ko kayong dalawa since may gagawin tayong research." Sabi ko.
"Sige, pero bakit naman kailangan pang gumala?" Tanong naman ni Leley. Napabuntong hininga ako. Paano ko ba ito sasabihin?
"U-Uhm...si Perfi kasi ang nag aya kaya-"
"OMG!" Gulat na eksena ni Roma.
"Susko po!" Si Leley naman.
Napairap ako. Sabi ko na nga ba eh ganito ang magiging reaksyon nilang dalawa.
"Ano kasi-"
"Kayo na?!" Exaggerated na naman si Roma.
"May label na kayo?!" Si Leley na halos tumalon na.
See? Parang mga tanga.
"TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA!" Sigaw ko. Huminga ako ng maluwag ng tumahimik na sila.
"Okay...basta nag aya siya sa akin this coming sem break. Nag agree na ako since naisip kong good diversion to para sa research natin, ayaw kong ma stress. So go ba kayong dalawa?" Mahinahon kong paliwanag.
"Go na go! Oh my gosh! Makikita ko si Papa Perfi?!" Kinikilig na sinabi ni Roma.
"Ang alam ko magdadala rin siya ng pinsan." sabi ko pa, mukha namang naging constipated si Leley sa sinabi ko. Ano naman kayang problema nitong babaeng ito?
"Pwedeng bumack out?" Natatawang sinabi ni Leley kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Bawal kaya manahimik ka na lang diyan." Sabi ko.
Mukhang alam ko na kung anong pinoproblema ni Leley ah? Napangisi tuloy ako.
Inabot yata kami ng kalahating oras sa pagkekwentuhan dun kaya hindi namin namalayan na labasan na pala ng Engineering. Shocks! Bakit hindi ko namalayan na nasa kiosk kami ng Engineering Department?!
"T-Tara na!" Nagpapanic kong sinabi sabay hagilap ng mga gamit ko. Yung dalawa naman ay lutang pa dahil sa pinag usapan namin kanina.
"Bakit ba Eina?" Naguguluhang tanong ni Roma. Ako naman ay hindi na mapakali. Nakaka stress! Paano kung makita kami dito ni Perfi?
Tiningnan ko ang aking wrist watch at napag alaman kong alas kwatro pa lang ng hapon.
"Basta! Alis na tayo-"
"Einalem!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na yun.
Tumingin sa akin si Roma na nakangisi na, si Leley naman ay namutla sa hindi malamang kadahilanan. Bumaling ako sa likod at halos gusto ko na lang lumubog sa lupa ng makita ko kung sino sino ang nasa harap namin.
Limang Suarez ang nasa harapan namin ngayon! And they are all dangerously handsome! At hindi lang kami ang nakatingin sa kanilang lima, maraming mata ang nagmamasid sa kanila!
Sina Perfi, Isacar, Edu, Arthur at Isaiah lang naman ang nasa harapan namin ngayon.
"Uy! Perfi ikaw pala yan!" Parang tanga si Roma na patawa tawa pa sa akin. Si Leley naman ay napako na yata sa kaniyang kinatatayuan.
Tumingin ako kay Perfi na ngayon ay nakangisi sa akin, he's holding his bag pack na nakasabit lang sa isa niyang balikat.
"Are you waiting for me Eina?" He teased me. Kailan pa ba ako masasanay sa mga ganiyan niyang salitaan.
Bago pa ako makapagsalita nagkantyawan na ang mga pinsan niya.
"What a damn line, Bro!" Halakhak ni Isacar na may pagtapik pa sa balikat ni Perfi. Si Edu at Arthur ay nakitawa lang, si Isaiah naman ay ngumisi lang.
I crossed my arms and I looked at Perfi. Kailangan kong maging matigas, wag kang magpapadala sa bugso ng damdamin Eina!
"Hindi lahat ng nakaupo dito ay nag iintay sayo." Sabi ko sabay irap. Naghiyawan na naman ang mga pinsan niya. Ano ba ito? Para namang may boxing dito at nagkakaroon ng pustahan?
Ang iingay ng mga Suarez.
Bumaling ako kay Roma na nagpipigil lang ng tawa, si Leley naman ay tumatawa na rin ng mahina.
"Ang hina mo tol! Basted ka kaagad?" Narinig kong pang aasar ni Arthur kay Perfi na ngayon ay nakangisi lang na para bang isa akong clown dito sa harapan niya. Nakakainis ha!
"Tss. Aalis na kami." Sabi ko at hinigit sina Roma at Leley paalis pero ang lintek na si Perfi ay hinarangan ang dadaanan namin kaya napatigil kaming tatlo. Nakita kong nakangisi lang na nanunuod ang mga pinsan niya sa amin.
"We have a practice game right now, at gusto kong manuod ka." He said straightforward.
Hindi ko alam kung anong trip nitong si Perfi at ako ang kinukulit. Wala ba itong babae na iba at ako ang iniinis?
Kalma Eina, wag magpapadala!
"Eina sibat na kami!" Sabi ni Roma at siya na ang naghigit kay Leley paalis kaya kami na lang ang naiwan ni Perfi dito. Nasa malayong kiosk ang mga pinsan niya marahil ay nag iintay.
"Where's your girls? Bakit ako ang inaakit mo diyan sa practice game mo? For your information Perfi hindi ako yung babae na magpupunas sa pawis mo kapag time out, hindi ako yung magbibigay sayo ng tubig kapag uhaw ka na, at mas lalong hindi ako mag chicheer sayo hanggang sa mapaos ang boses ko!"
Natapos na ako't lahat sa speech ko nanatili lang siyang mapaglaro ang tingin sa akin. Itong lalaking ito hindi yata marunong makinig! Ang kulit!
"Ang dami mo namang sinabi, ang gusto ko lang ay manuod ka hindi ko sinabing gawin mo yung mga sinabi mo." He said smirking evilly.
Mas lalong nag init ang pisngi ko dahil sa kahihiya. Oh my gosh Eina! Assuming ka na ngayon?!
Humakbang siya patungo sa akin kaya halos mapaatras ako.
"O baka naman...gusto mong gawin yun? I will let you Eina basta sabihin mo lang." He said teasingly.
Nabuhay lahat ng brain cell ko sa utak kaya naitulak ko siya at sinamaan ng tingin. Lalo lang nagkaroon ng ngiting tagumpay sa kaniyang mga labi.
"Lumalakas na naman ang hangin sa utak mo!" Sabi ko at akma ng aalis pero hinatak niya ako pabalik. Napasulyap ako sa paligid at nakita ko ang kursyusong tingin ng mga tao sa amin. Damn it!
"Patunayan mong hindi mo yun gusto basta manuod ka ngayon." He said and then winked.
Damn it! Is he blackmailing me?! Nakakainis! Bwisit ka si Eina nagpapadala ka! Kailangang magpakipot kahit bigay na bigay ka na! Kung pwede lang manghiram ng kahinhinan kay Maria Clara nagawa ko na!
"Oo na! Ang galing mo talaga!" Iritado kong sinabi. Ngumisi siya at halos manlaki ang mata ko ng akbayan niya ako.
Aray ko po! Ang bigat ng braso niya ah!
"Alisin mo yan Perfi! Tatadyakan kita!" Pagbabanta ko pero hindi niya yun tinanggal sa halip ay dinala niya pa ako patungo sa mga pinsan niya kaya mas lalo akong lumubog sa kahihiyan.
"Cousins!" Tawag ni Perfi sa mga pinsan niya. Lahat sila ay nakangising tiningnan ako, ako naman ay pilit inaalis ang braso ni Perfi sa balikat ko.
"My Einalem will watch our practice game, kaya hayaan niyo akong maka shoot mamaya ha? Game?" Natatawang sinabi ni Perfi.
Agad namang nag iba ang ekspresyon ng mga mukha ng kaniyang pinsan. Lahat sila ay sinamaan ng tingin si Perfi.
"Gago!!" Sabay sabay nilang sambit.
SorryI am so lost. I am so sad. And at the same time...I feel so down. Hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko magawang maging masaya sa kalagayan ko. Kaya paano ko ipapakita sa mga kaibigan ko na ayos lang ang lahat?Nasa loob ako ng aking Vios. Naka park na ako sa parking lot ng school pero...kinakabahan akong lumabas dahil alam ko kung anong makikita ko. Panigurado akong maraming naghihintay sa akin.Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang reflection sa camera. I tried to smile but my eyes is telling otherwise. Pero sa huli bumuntong hininga na lang ako.Just one month Eina. Spend your one month in darkness.Lumabas ako ng driver seat at kinuha ang aking bag. Tahimik akong naglakad papasok sa school pero agad ding natigilan ng makita ko si Perfi na nakasandan sa isang puno na para bang kanina pa may hinihintay. Agad sumibol ang kaba sa aking puso ng magta
OverNaging masaya ang araw namin. Walang oras na hindi ako nakaramdam ng tuwa. Lalo na dahil sa kalokohan ng magpipinsan minsan ay sumasali pa sina Leley at Roma.Makikita na ang papalubog na araw sa horizon ng karagatan. It was beautiful. Hinding hindi ko ito malilimutan. The happiness...I'm feeling...I won't ever forget this.Sabay sabay kaming nanuod ng sunset, nagkaroon din ng pictorial ang mga Suarez. At syempre laging present ang digital camera ni Jonas. Pangarap niya yatang maging photographer.Naglabas din ng cellphone si Perfi at nag selfie kami parehas. At sa bawat ngiti ko ay walang mababasa ditong kalungkutan, purong kasiyahan lamang.Nang dumilim naman ay gumawa ng bonfire si Jonas at syempre may alak na naman. Nasa dalampasigan lang kami at sa gitna namin ay ang bonfire."At dahil last night na natin to maglalasing tayo hanggang sa hindi na tayo ma
Scared to deathKinabukasan ay agad nagplano ang lahat na mag swimming sa dagat. Pero dahil may mga hang over ang lahat tamad na tamad pa sila magsibangon. Si Roma naman ay umagang umaga nagsusuka sa banyo. Si Leley naman ay tulog na tulog pa sa kama. Itong babaeng ito isa pa eh. Inihatid siya dito ni Isaiah na tulog na tulog, lasing yata."Gising na Leley!" Sigaw ko sa tainga ni Leley sabay sipa ko sa paa niya. Natawa ako ng bigla siyang napabangon sa biglang gulat. Taas taas pa ang magulo niyang buhok. Mukha siyang sabog sa itsura niya."Eina naman eh!" Sabi niya sabay irap sa akin. Humalakhak ako habang pinagmamasdan siyang parang baliw na naglalakad sa banyo. Sakto naman na kalalabas lang ni Roma na nakasuot ng bathrobe."Anyare don?" Roma asked, confused because of Leley's weird face."Ayun, lasing parin yata hanggang ngayon." Sabi ko. "Ako nga rin eh. Ang
Last"Gusto kita...no...I think I'm falling in love. Please be mine, Eina."Hindi ako makaimik. Pakiramdam ko ay nalunok ko na ang dila ko. My knees are trembling terribly. Ramdam na ramdam ko ang pagtambol ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay malapit ng tumalon ang puso ko.Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang mahina niyang paghalakhak."Where's your tongue now, Eina?" He teased. Dahil sa sobrang kaba ay sinubukan kong ialis ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya lang ito at ang mas nakakainis mas napalapit pa ako sa katawan niya. We're just inches away."I-Inaantok na ako." Sabi ko habang iniiwas sa kaniya ang aking paningin but he's staring at me intently!"Girlfriend na kita?" He asked that made my eyes widened. What the hell?! Mas lalo akong nanlaban sa hawak niya p
FallingNang dumaong na sa Polillo Island ang yate ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng tanawin! Sobrang sariwa ng hangin. Matatanawan mo ang malayong kagubatan sa dulo at sa kanan naman ay ang malawak na karagatan."Wow!" Namamanghang sinabi ni Roma at Leley habang nakamasid sa buong paligid."Welcome to the Suarez Paradise!" Malakas na sigaw ni Jonas na nag echo pa sa buong paligid.Suarez Paradise?Napatingin ako kay Perfi na ngayon ay nag iintay sa akin na mapasulyap sa kaniya. Nag taas siya ng kilay sa akin at ngumisi."Let's go?" He asked. I nodded at him. Nang naglakad na siya ay sumunod kami nina Leley at Roma. Sina Jonas naman ay nauna na yata sa Hotel.Namamangha na lang ako habang napapatingin sa buong paligid. Sobrang aliwalas. Mukhang napaka pino ng kulay puting buhangin. Ang dagat ay kumikislap at napaka ganda n
Baby"Today is the day!" Sigaw ni Roma habang palabas kami ng hotel room. Natawa na lang ako sa kaingayan niya.Dala dala na namin ang mga gamit namin dahil ngayon ang alis namin papuntang Polillo Island. Lahat kami ay nakahanda. I am wearing my spaghetti strap romper and stringed sandals. Suot ko na rin ang aking glasses at beach hat! Si Roma naman ay naka maong short at halter top, si Leley naman ay naka short shorts at tube top na pinatungan ng see through blazer. Lahat kami ay excited na dahil ang sabi ni Perfi ay sasakay kami sa yate nila! "Hello girls!" Bati sa amin ni Jonas. Ngumiti lang ako sa kaniya, lahat kami ay nasa labas ng van dahil iniintay pa namin yung iba. Si Edu at Jonas pa lang ang nandito."Nasan na ang mga pinsan mo Jonas?" Tanong ni Roma."Nagsisiksikan sa elevator." Natatawang sagot ni Jonas. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga pu