로그인"Paranoid"
Parang gusto ko ng tumakbo paalis sa cafeteria dahil sa sinabi ni Vaness. Tumigil yata ang oras at natigilan ako ng matindi! My gosh! Ano ba ito?!
"Hala! Oo nga si Perfi!" Bulong naman ni Leley. Hindi ako lumingon sa tinitingnan nila at nagpatuloy na lang ako sa pag inom ng chuckie at napagtanto ko na wala na pa lang laman!
"Mukhang dito kakain ang mga Suarez!" Mahinang tili ni Roma. At dahil nakukuryuso na talaga ako bahagya akong lumingon at nakita ko nga si Perfi na nakangising nakaupo sa tabi ni Isacar na pinsan niya at may dumating pa na limang matatangkad na kalalakihan. Sumulyap ako sa paligid at halos mapa 'o' ang bibig ko ng makitang halos lahat ay nagmamasid sa pitong magpipinsan!
Umayos na ako ng tayo dahil natatakot akong mapansin ako dito ni Perfi. Tumingin ako sa anim na namamangha rin yata sa pagtingin sa pitong Suarez.
"Hoy! Tigilan niyo nga yan!" Saway ko sa kanila kaya natigilan sila sa pagsulyap at sumimangot na lang sa akin.
"Palibahasa kasi ikaw nakatikim ka na ng Suarez kaya ganan!" Mataray na sinabi ni Mariel na nagpangiwi sa akin.
Inaamin kong gwapo at matitipuno talaga ang mga Suarez na nakita ko kanina pero...hello! Ang dami ng nagnanasa doon sa mga yun at ayaw ko ng makisali!
"Hindi ko alam na ang dami nilang magpipinsan!" Sambit ni Leley habang pasulyap sulyap sa mga Suarez.
"Oo nga! Puro kalalakihan pa! Shocks! Feeling ko tuloy umuulan ng mga abs!" Tili naman ni Roma. Mas lalo pa akong napangiwi sa sinabi niya.
"Grabe ka Roma! Paano mo nalamang may abs eh nakadamit naman! Ano yun may x-ray ang mata mo? Grabe hanga na ako sayo!" Pang aasar ni Leley.
"Pervert!" Dagdag ko sabay tawa. Pinagtawanan nila si Roma habang ako naman ay naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko kaya tiningnan ko ito at kumunot ang noo ko ng makitang unknown number ito.
Unknown number:
Prof. Giryan is calling out for you.
Kumunot ang noo ko. Prof. Giryan? Bakit naman kaya?
Tumingin ako sa mga kaibigan ko at tumayo.
"Wait lang! Pinapatawag ako ni Prof. Giryan, mauna na ako." Sabi ko at kinuha ang bag.
"Sige susunod na lang kami ni Leley." Si Roma. Tumango ako at umalis na at mabilis na naglakad sa faculty room. Nang makarating ay agad akong sumilip sa faculty pero lalo pang kumunot ang noo ko ng wala naman akong nakitang tao sa loob.
Tiningnan ko ang text sa akin kanina at napasapo ng noo ng hindi malamang hindi ko alam kung saan yung professor ko. Bakit naman kasi ako pa? Ang pagkakatanda ko si Vaness and teacher's pet dito!
I sighed heavily before I walked para makaalis na. Pero napako ako sa aking kinatatayuan ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko. Perfi with his evil smirk, and hands on his pocket. Unti unti na namang nagwala ang aking puso. Damn!
"Hi Miss Zurbano. Missed me?" He said evilly. Napaatras ako ng naglakad siya patungo sa akin. Hindi ko alam kung anong gusto niya sa akin! Bakit ba nandito to?!
"W-Why are you here?!" Lakas loob kong tanong. Lalo siyang ngumisi.
"Because I'm the one who texted you?" He sarcastically said.
My lips parted because of what he said. Damn! I was tricked! And how did he knew my number?!
"A-Ano bang kailangan mo?!" Kinakabahan kong tanong. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay.
"Wala naman. May gusto lang akong ipagpatuloy na naudlot kahapon." He said and then smirked that made me pale. T-The kiss!?
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanlalamig ako sa hindi malamang dahilan! Damn pakiramdam ko ay hindi na ako humihinga sa sobrang kaba!
Patuloy siyang lumalapit sa akin at lalo pa akong kinabahan ng maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko.
"Wait!" Sigaw ko at hinarang ang kamay ko para hindi na siya makalapit pa. Nagtaas siya ng kilay at tumigil sa paglapit. Napahinga naman ako ng maluwag.
"Kung yung pagsuka ko sa damit mo ang dahilan nito...I am willing to...wash it just give me your clothes!" Sabi ko. Wala na akong maisip na dahilan! Ito na lang talaga! Shet! Nakakaba naman!
Lalo siyang ngumisi sa akin at talagang nagtaas pa siyang kilay.
"I'm sorry pero hindi ako nagsusuot ng nasukahan na kahit nalabhan pa ito." he said.
Natigilan ako sa sinabi niya. Ang arte! Dinaig pa ang babae ah?
"Okay! Bibili na lang ako ng bago-"
"It's worth is more than half million." He cut me off. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Half million?!" Halos lumabas na ang ngala ngala ko sa aking sigaw. Hindi naman kasi ako makapaniwala! Half million? Ang ginto naman ng damit niya!
"Suarez never wear cheap clothes Miss Zurbano...just so you know." Mayabang niyang sinabi.
Napailing na lang ako. Mauubos ang trust fund ko o kaya naman allowance ko kapag binili ko siya ng damit. Ang tanga naman kasi Eina sa dinami daming pwedeng sukahan yung damit pa ng isang Suarez! Andiyan naman yung nga kaibigan mo at libreng libre ang mukha para sukahan bakit siya pa?
Damn it!
Lumapit siyang muli sa akin at kaya nanigas na naman ako.
"Wait nga!" Sigaw ko na naman kaya tumigil na naman siya.
"What?" Natatawa niyang tanong. Siguro ay natatawa na siya sa hitsura ko! Para naman kasi akong tanga eh!
"Bakit ba ang hilig mo sa halik?! Hindi ka ba titigil hangga't hindi napupud-pud ang nguso mo?!" Frustrated kong sinabi that made him stop for a while.
Pinagmasdan niya ako at galing sa pagseseryoso ay bigla siyang humagalpak ng tawa. Ako naman ay laglag panga na pinagmasdan ang kabaliwan niya.
Is there something wrong? May mali ba sa sinabi ko?
Nang matigil siya sa pagtawa ay pinagmasdan niya ako ng punong puno ng pagkakatuwa. Damn! Nag iinit na ang pisngi ko!
"You're just paranoid Einalem December. I won't kiss you. I'm just trying you. So...sorry to disappoint you"
SorryI am so lost. I am so sad. And at the same time...I feel so down. Hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko magawang maging masaya sa kalagayan ko. Kaya paano ko ipapakita sa mga kaibigan ko na ayos lang ang lahat?Nasa loob ako ng aking Vios. Naka park na ako sa parking lot ng school pero...kinakabahan akong lumabas dahil alam ko kung anong makikita ko. Panigurado akong maraming naghihintay sa akin.Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang reflection sa camera. I tried to smile but my eyes is telling otherwise. Pero sa huli bumuntong hininga na lang ako.Just one month Eina. Spend your one month in darkness.Lumabas ako ng driver seat at kinuha ang aking bag. Tahimik akong naglakad papasok sa school pero agad ding natigilan ng makita ko si Perfi na nakasandan sa isang puno na para bang kanina pa may hinihintay. Agad sumibol ang kaba sa aking puso ng magta
OverNaging masaya ang araw namin. Walang oras na hindi ako nakaramdam ng tuwa. Lalo na dahil sa kalokohan ng magpipinsan minsan ay sumasali pa sina Leley at Roma.Makikita na ang papalubog na araw sa horizon ng karagatan. It was beautiful. Hinding hindi ko ito malilimutan. The happiness...I'm feeling...I won't ever forget this.Sabay sabay kaming nanuod ng sunset, nagkaroon din ng pictorial ang mga Suarez. At syempre laging present ang digital camera ni Jonas. Pangarap niya yatang maging photographer.Naglabas din ng cellphone si Perfi at nag selfie kami parehas. At sa bawat ngiti ko ay walang mababasa ditong kalungkutan, purong kasiyahan lamang.Nang dumilim naman ay gumawa ng bonfire si Jonas at syempre may alak na naman. Nasa dalampasigan lang kami at sa gitna namin ay ang bonfire."At dahil last night na natin to maglalasing tayo hanggang sa hindi na tayo ma
Scared to deathKinabukasan ay agad nagplano ang lahat na mag swimming sa dagat. Pero dahil may mga hang over ang lahat tamad na tamad pa sila magsibangon. Si Roma naman ay umagang umaga nagsusuka sa banyo. Si Leley naman ay tulog na tulog pa sa kama. Itong babaeng ito isa pa eh. Inihatid siya dito ni Isaiah na tulog na tulog, lasing yata."Gising na Leley!" Sigaw ko sa tainga ni Leley sabay sipa ko sa paa niya. Natawa ako ng bigla siyang napabangon sa biglang gulat. Taas taas pa ang magulo niyang buhok. Mukha siyang sabog sa itsura niya."Eina naman eh!" Sabi niya sabay irap sa akin. Humalakhak ako habang pinagmamasdan siyang parang baliw na naglalakad sa banyo. Sakto naman na kalalabas lang ni Roma na nakasuot ng bathrobe."Anyare don?" Roma asked, confused because of Leley's weird face."Ayun, lasing parin yata hanggang ngayon." Sabi ko. "Ako nga rin eh. Ang
Last"Gusto kita...no...I think I'm falling in love. Please be mine, Eina."Hindi ako makaimik. Pakiramdam ko ay nalunok ko na ang dila ko. My knees are trembling terribly. Ramdam na ramdam ko ang pagtambol ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay malapit ng tumalon ang puso ko.Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang mahina niyang paghalakhak."Where's your tongue now, Eina?" He teased. Dahil sa sobrang kaba ay sinubukan kong ialis ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya lang ito at ang mas nakakainis mas napalapit pa ako sa katawan niya. We're just inches away."I-Inaantok na ako." Sabi ko habang iniiwas sa kaniya ang aking paningin but he's staring at me intently!"Girlfriend na kita?" He asked that made my eyes widened. What the hell?! Mas lalo akong nanlaban sa hawak niya p
FallingNang dumaong na sa Polillo Island ang yate ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng tanawin! Sobrang sariwa ng hangin. Matatanawan mo ang malayong kagubatan sa dulo at sa kanan naman ay ang malawak na karagatan."Wow!" Namamanghang sinabi ni Roma at Leley habang nakamasid sa buong paligid."Welcome to the Suarez Paradise!" Malakas na sigaw ni Jonas na nag echo pa sa buong paligid.Suarez Paradise?Napatingin ako kay Perfi na ngayon ay nag iintay sa akin na mapasulyap sa kaniya. Nag taas siya ng kilay sa akin at ngumisi."Let's go?" He asked. I nodded at him. Nang naglakad na siya ay sumunod kami nina Leley at Roma. Sina Jonas naman ay nauna na yata sa Hotel.Namamangha na lang ako habang napapatingin sa buong paligid. Sobrang aliwalas. Mukhang napaka pino ng kulay puting buhangin. Ang dagat ay kumikislap at napaka ganda n
Baby"Today is the day!" Sigaw ni Roma habang palabas kami ng hotel room. Natawa na lang ako sa kaingayan niya.Dala dala na namin ang mga gamit namin dahil ngayon ang alis namin papuntang Polillo Island. Lahat kami ay nakahanda. I am wearing my spaghetti strap romper and stringed sandals. Suot ko na rin ang aking glasses at beach hat! Si Roma naman ay naka maong short at halter top, si Leley naman ay naka short shorts at tube top na pinatungan ng see through blazer. Lahat kami ay excited na dahil ang sabi ni Perfi ay sasakay kami sa yate nila! "Hello girls!" Bati sa amin ni Jonas. Ngumiti lang ako sa kaniya, lahat kami ay nasa labas ng van dahil iniintay pa namin yung iba. Si Edu at Jonas pa lang ang nandito."Nasan na ang mga pinsan mo Jonas?" Tanong ni Roma."Nagsisiksikan sa elevator." Natatawang sagot ni Jonas. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga pu