공유

CHAPTER 8

last update 게시일: 2020-08-09 14:14:11

"Go Beyond Limitations"

Hindi pa ako nakakaahon sa sinabi ni Perfi bago siya umalis may lumapit na sa akin ang isang babae na kuryuso ata sa pag uusap namin ni Perfi, yun ay kung maituturing ba talaga yung pag uusap?

"Kayo na ni Perfi, Eina?" She asked. Wow she knows my name but I don't know her. 

"Hindi." Sagot ko dahil yun ang totoo. Paano kung sabihin kong trip trip lang ako ni Perfi?

"Naku! Ang gwapo ni Perfi! Swerte ka kapag naging jowa mo!" Lumapit pa ang isang babae.

Ano ba itong mga ito? Gusto lang makasagap ng chismis?

"Hindi ko siya boyfriend." I said firmly.

Madami pa silang sinabi tungkol sa kgwapuhan ni Perfi pati na rin daw yung mga pinsan niya na wala naman akong pakielam. Buti na lang dumating na si Leley at Roma at himalang nasagap din nila ang balita!

Seriously? Kararating lang dila alam na agad? Anong merong radar ba ang mga ito?

"Ang landi mo talaga!" Pabirong sinabi ni Roma, inirapan ko siya.

"Tsss." I hissed because Leley lazily punch my arms. 

Nang aasar na naman yung dalawa na hindi ko na lang pinansin. Ni hindi ko nga naisip na dadayuhin pa ako ng lalaking yun! 

Nang mag break time ay sabay sabay kaming lumabas nina Leley at Roma. While walking to the pathway towards the cafeteria nag uusap kami tungkol sa gagawin naming project na ang pasahan ay next week. Hindi ko alam kung bakit nababaliw na ang mga professor. Akalain mong ang bilis lagi ng due time ng mga project nila? Akala siguro nila si the flash kami! Nakakahiya naman sa kanila.

"Kaya ikaw Leley wag mo ng pangarapin ang maghanap ng jowa na prof! My gosh nakaka stress!" Biro ni Roma kay Leley na tinawanan ko naman.

"Ano ka ba Roma! Gawain yan ni Leley, para daw exempted  na siya sa project!" Pang aasar ko pa. Hinampas ako ni Leley dahil pikon na naman. Umupo kami sa isang table doon. Kaso hindi pa nakakalapat ang pwet ko sa upuan ay nag vibrate na ang phone ko.

"Ako na ang oorder." Prisinta ni Leley. Tumango ako kay Leley na mukhang sinamahan ni Roma. Kaya ako na lang ang natira sa table. I checked my phone and I almost chocked on my own when I saw the text!

Perfiñan Suarez:

Where are you? 

Damn! Nakalimutan ko! May sinabi nga pala sa akin si Perfi kanina sa basic educ building!

Ako:

Legit ba talaga yun?

Nag intay ako sa reply niya hanggang sa dumating na sina Leley at Roma na may dalang mga tray ng pagkain.

"Oh anong nangyari? Mukha kang constipated Eina." Sabi ni Leley sabay halakhak.

"W-Wala." Sabi ko na lang. Nang mag reply si Perfi ay nanlamig ako.

Perfiñan Suarez:

Lagot ka sa akin kapag hindi ka pumunta dito. Kung ayaw mo ako mismo ang pupunta sayo kung nasan ka ngayon.

Mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at mabilis na nag paalam kina Leley at Roma, nakita ko pang ngang kakaupo lang nina Niña, Mariel, Vaness at Marriane na mukhang nagtataka sa pagtayo ko.

"M-May pupuntahan lang ako ha! inyo na lang yung pagkain ko! Sige bye!" Sabi ko at mabilis na umalis nh cafeteria. 

Habol ko ang aking hininga ng makarating ako sa building ng basic education. At doon nakita kong nakadekwatrong upo si Perfi habang ang daliri ay pinaglalaruan ang kaniyang labi.

He's looking at me with full of amusement on his eyes. 

"Ano ba talagang problema mo?!" iritado kong sinabi at padabog na lumapit sa kaniya. Feeling ko sa pagmamadali ko nagusot na ang uniform ko at naging sabukot na ang buhok ko!

"Sit first Eina." He said and then he tapped the space beside him. Hindi na ako nagdalawang isip na umupo dahil masakit na talaga ang paa ko. Umirap ako sa kaniya ng humarap siya sa akin ng upo. He just smirked at me. A very insulting smirk. What a bad boy!

"And you forgot me huh?" He said with a mocking tone. Tumaas ang kilay ko sa kaniya. 

"Because you're not even important." I rolled my eyes. Hindi ko alam kung bakit tumatambol pa rin ng malakas ang puso ko. Is it because of I'm tired? Yeah, just tired. 

"Ouch! Hindi pa nga ako nanliligaw ang harsh mo na." He said that made me more irritated but at the same time shocked.

"Wag mo nga akong pinaglololoko! Ligaw ligaw! Hindi ka nga yata marunong manligaw!" I said getting annoyed and he just laughed at my remark. 

Nilagay niya ang kaniyang kamay sa sandalan ng bench na inuupuan namin mismong sa likod ko. He moves closer to me kaya napatingin ako sa kaniya. Napatingin ako sa mapupungay niyang mata. Hindi ko alam kung saan nakuha ng lalaking ito ang mata niya pero ang ganda ganda talaga nito.

"Why? Do you want me to court you?" He asked huskily. 

This damn guy is playing with me. Sabagay sa mga nasasagap kong chismis ang lagi kong naririnig ay ang katagang 'Suarez is always playing in all aspects of their life'

Kailan kaya magseseryoso ang mga ito? Hindi ko pa man nakakaharap ang iba pang Suarez pero alam kong sakit na sila sa ulo.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at bahagyang nagwala ang puso. Pero nasa tamang katinuan pa ako para hindi mag pahulog sa mga salita niya. Tinulak ko siya maya medyo napalayo siya sa akin.

"Sorry ka hindi ako nag papauto!" Sabi ko sabay irap. 

Humagalpak siya ng tawa. See? Ang hilig niya talagang maglaro. Typical types of Suarez.

"Alright just do me a favor instead." He said and then he put a notebook in my lap napatingin naman ako dito.

"Anong gagawin ko diyan?" I asked.

"We have an assignment in theatre and arts and you know walang talent na ganiyan ang isang Suarez. That's so gay and insane Einalem. But our professor asked us to make a poem and a short story at ikaw ang gusto kong gumawa nun para sa akin." He explained.

Aba't! Napakagaling din! Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala ka bang ibang pwedeng ipagawa nan?" I asked trying my luck. Nakakainis naman kasi! Ang dami dami kong assignment tapos sisingit pa siya?

"My cousins are just like me Eina and I know you already know that and my only girl cousin, Jemina is not into like that, she likes to shopping and trying boys." he said.

Sus ko! Nadamay pa ang kaisa isang babaeng pinsan niya sa katarantaduhan ng mga lalaking Suarez. Ang malas naman ni Jemina kung ganoon.

Padabog ko itong kinuha sa aking lap at aalis na sana ng biglang may dumating na babae na naka uniform din ng Enverga. Hapit na hapit ang uniform dito at sobrang pula ng labi dahil sa lipstick. 

"Hi babe." The girl come closer to Perfi and kissed him on his cheeks. Napangiwi naman ako.

Ang flirt! 

Tumayo si Perfi at pinulupot ang kamay sa bewang nung babae. Tumingin siya sa akin at ngumisi.

"Good luck!" He said to me before they left.

Natulala ako. Hindi maiproseso ng isip ko ang mga nangyari. At kitang kita ko sa dalawang mata ko ang kalandian ng isang Suarez! 

Napatingin naman ako sa notebook. Tapos ako ang manggagawa ng assignment niya samantalang siya ay lumalandi? Wais din!

Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa klase. At ang nakakainis pa hindi ako nakakain ng break time!

Kaya naman ang ending kumakalam ang tiyan ko! Tinanong pa ako nina Leley kung saan ako nagpunta na hindi ko na lang sinagot ng maayos dahil ayaw ko ng maraming tanong. Nang matapos ang klase ay pumunta na ako sa parking lot para makauwi na. Nang makita ko ang aking Vios ay napakunot ang noo ko ng makita akong isang supot sa hood nito. 

Kinuha ko ito at tiningnan ang loob at agad kumalam ang tiyan ng makitang isang pagkain ito galing sa isang mamahaling restaurant dito sa Lucena! 

Sinong naglagay nito dito? 

I checked it again and then I saw a sticky notes.

Eat this. I know you haven't eaten yet. This food is not cheap remember that. It's expensive so don't you ever throw it away. And if you did I will know and be ready for your punishment.

-Perfi Suarez

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Binigyan niya ako ng pagkain pero puro pagbabanta at pagyayabang ang nasa note. Napaka talino talaga ng Suarez na ito!

Kinuha ko ito at pumasok na ako sa driver seat para magmaneho. Nang makarating sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto dala dala ang supot ng pagkain. Nag ayos muna ako ng sarili at sinuot ko ang aking pajama at spaghetti strap para makapagpahinga na.

Nang matapos ay kinuha ko ang mga pagkain. But before I eat kinuhaan ko muna ito ng picture at nag my day ako sa messenger with a caption 'I won't have my punishment' 

Nagsimula na akong kumain ng matapos ay iniligpit ko na ito at humiga na sa kama. I visit my facebook and a notification pop up with Perfi's name. He replied in my my day!

Perfiñan Kyle Suarez:

Very good Babe.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Babe? Ang kapal talaga! Kanina lang yan ang tawag niya sa babae niya!

Ako:

Babe your face!

Nag log out na ako dahil nawala na ako sa mood. Naalala ko na naman yung babae kanina na hinawakan niya sa bewang. So...ganun pala ang mga type ng isang Suarez. Curvy types. Sexy. Boobs material.

Pumikit ako ng mariin. Ano naman Eina kung ganun ang type niya? Pakielam mo? Pigilan mo yang damdamin mo dahil hindi yan makakabuti sayo! Just focus in the other things. You have a mission remember? Don't complicate things and just think on how will you die immediately.

I sighed heavily at wala sa sarili akong napatingin sa study table ko kung nasan ang binigay na notebook ni Perfi. Tumayo ako at binuksan ang lamp dito at binuklat yun. Tumaas ang kilay ko sa hand written niya. Gusto kong matawa dahil ang pangit ng sulat niya!

Hindi ko gaanong maintindihan at puro bura pa! Chemical Engineering ba talaga itong lalaking ito? 

Binuklat ko yun sa last page at nakita ko nga doon ang assignment niya. Binaliktad ko ang notebook at doon muna ako mag s-scratch. At lalo pang tumaas ang kilay ko ng may makita akong drawings na ang gamit ay ballpen. Tiningnan ko ang mga ito at namangha ako dahil ang galing niya mag drawing! Every line is very defined. Kabaligtaran ito sa hand written niya.

Napangiti ako ng mapansing puro tungkol sa experimental science ang nasa drawing niya. Minsan ay mga taong naka lab gown na nag eexperiment o kaya naman ay ang science lab ng university. So he likes his course huh?

And in the last page I saw a note.

Damn! I am so bored!

Natawa ako dahil panigurado akong nag lelecture ang prof ng sinulat niya ito at bored na siya. Typical Suarez.

Hindi ko mapigilan ang sumagot sa note niya.

You're an asshole that's why you're bored - EDZ

Napatitig ako sa blankong papel at nagsimula ng magsulat ng isang tula. I read my own title and I don't know why I suddenly felt how empty my heart is.

'Go Beyond Limitations'

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 35

    SorryI am so lost. I am so sad. And at the same time...I feel so down. Hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko magawang maging masaya sa kalagayan ko. Kaya paano ko ipapakita sa mga kaibigan ko na ayos lang ang lahat?Nasa loob ako ng aking Vios. Naka park na ako sa parking lot ng school pero...kinakabahan akong lumabas dahil alam ko kung anong makikita ko. Panigurado akong maraming naghihintay sa akin.Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang reflection sa camera. I tried to smile but my eyes is telling otherwise. Pero sa huli bumuntong hininga na lang ako.Just one month Eina. Spend your one month in darkness.Lumabas ako ng driver seat at kinuha ang aking bag. Tahimik akong naglakad papasok sa school pero agad ding natigilan ng makita ko si Perfi na nakasandan sa isang puno na para bang kanina pa may hinihintay. Agad sumibol ang kaba sa aking puso ng magta

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 34

    OverNaging masaya ang araw namin. Walang oras na hindi ako nakaramdam ng tuwa. Lalo na dahil sa kalokohan ng magpipinsan minsan ay sumasali pa sina Leley at Roma.Makikita na ang papalubog na araw sa horizon ng karagatan. It was beautiful. Hinding hindi ko ito malilimutan. The happiness...I'm feeling...I won't ever forget this.Sabay sabay kaming nanuod ng sunset, nagkaroon din ng pictorial ang mga Suarez. At syempre laging present ang digital camera ni Jonas. Pangarap niya yatang maging photographer.Naglabas din ng cellphone si Perfi at nag selfie kami parehas. At sa bawat ngiti ko ay walang mababasa ditong kalungkutan, purong kasiyahan lamang.Nang dumilim naman ay gumawa ng bonfire si Jonas at syempre may alak na naman. Nasa dalampasigan lang kami at sa gitna namin ay ang bonfire."At dahil last night na natin to maglalasing tayo hanggang sa hindi na tayo ma

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 33

    Scared to deathKinabukasan ay agad nagplano ang lahat na mag swimming sa dagat. Pero dahil may mga hang over ang lahat tamad na tamad pa sila magsibangon. Si Roma naman ay umagang umaga nagsusuka sa banyo. Si Leley naman ay tulog na tulog pa sa kama. Itong babaeng ito isa pa eh. Inihatid siya dito ni Isaiah na tulog na tulog, lasing yata."Gising na Leley!" Sigaw ko sa tainga ni Leley sabay sipa ko sa paa niya. Natawa ako ng bigla siyang napabangon sa biglang gulat. Taas taas pa ang magulo niyang buhok. Mukha siyang sabog sa itsura niya."Eina naman eh!" Sabi niya sabay irap sa akin. Humalakhak ako habang pinagmamasdan siyang parang baliw na naglalakad sa banyo. Sakto naman na kalalabas lang ni Roma na nakasuot ng bathrobe."Anyare don?" Roma asked, confused because of Leley's weird face."Ayun, lasing parin yata hanggang ngayon." Sabi ko. "Ako nga rin eh. Ang

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 32

    Last"Gusto kita...no...I think I'm falling in love. Please be mine, Eina."Hindi ako makaimik. Pakiramdam ko ay nalunok ko na ang dila ko. My knees are trembling terribly. Ramdam na ramdam ko ang pagtambol ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay malapit ng tumalon ang puso ko.Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang mahina niyang paghalakhak."Where's your tongue now, Eina?" He teased. Dahil sa sobrang kaba ay sinubukan kong ialis ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya lang ito at ang mas nakakainis mas napalapit pa ako sa katawan niya. We're just inches away."I-Inaantok na ako." Sabi ko habang iniiwas sa kaniya ang aking paningin but he's staring at me intently!"Girlfriend na kita?" He asked that made my eyes widened. What the hell?! Mas lalo akong nanlaban sa hawak niya p

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 31

    FallingNang dumaong na sa Polillo Island ang yate ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng tanawin! Sobrang sariwa ng hangin. Matatanawan mo ang malayong kagubatan sa dulo at sa kanan naman ay ang malawak na karagatan."Wow!" Namamanghang sinabi ni Roma at Leley habang nakamasid sa buong paligid."Welcome to the Suarez Paradise!" Malakas na sigaw ni Jonas na nag echo pa sa buong paligid.Suarez Paradise?Napatingin ako kay Perfi na ngayon ay nag iintay sa akin na mapasulyap sa kaniya. Nag taas siya ng kilay sa akin at ngumisi."Let's go?" He asked. I nodded at him. Nang naglakad na siya ay sumunod kami nina Leley at Roma. Sina Jonas naman ay nauna na yata sa Hotel.Namamangha na lang ako habang napapatingin sa buong paligid. Sobrang aliwalas. Mukhang napaka pino ng kulay puting buhangin. Ang dagat ay kumikislap at napaka ganda n

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 30

    Baby"Today is the day!" Sigaw ni Roma habang palabas kami ng hotel room. Natawa na lang ako sa kaingayan niya.Dala dala na namin ang mga gamit namin dahil ngayon ang alis namin papuntang Polillo Island. Lahat kami ay nakahanda. I am wearing my spaghetti strap romper and stringed sandals. Suot ko na rin ang aking glasses at beach hat! Si Roma naman ay naka maong short at halter top, si Leley naman ay naka short shorts at tube top na pinatungan ng see through blazer. Lahat kami ay excited na dahil ang sabi ni Perfi ay sasakay kami sa yate nila! "Hello girls!" Bati sa amin ni Jonas. Ngumiti lang ako sa kaniya, lahat kami ay nasa labas ng van dahil iniintay pa namin yung iba. Si Edu at Jonas pa lang ang nandito."Nasan na ang mga pinsan mo Jonas?" Tanong ni Roma."Nagsisiksikan sa elevator." Natatawang sagot ni Jonas. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga pu

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status