Share

Chapter 11

Author: Maria Elena
last update publish date: 2020-07-28 16:27:42

Day Off

Nagkaroon ng pagkakataon si Lyan na bumalik sa San Silvestre upang bisitahin ang kanyang mga kapatid at ang kanyang Nanay na kahit Sabado ay nagtitinda parin sa harapan ng Palengke.

"Nay! Andiyan si Ate!" Nang matanaw siya ni Aries mula sa di kalayuan sa kanilang pwesto ay lumabas ang kanyang Ina na may hawak hawak pang sandom. Mukhang nasa kalagitnaan pa ito ng pagpriprito.

"Ano 'yan ate?"

Ibinigay ni Lyan ang mga dala niyang supot kay Aries. Dumaan muna kase ito mga Grocery kanina upang ibili ng makakain ang kanyang mga kapatid. Napalawak din ang ngiti ni Aries nang makita niya ang isang bucket ng Jollibee Chickenjoy

"Oh Fara nandito ka rin pala?" Sinalubong din siya ng isa niyang kapatid na mas matanda ng dalawang taon may Aries.

"Ang dami naman ng binili mo Anak." Hindi makapaniwalang sabi ng kanyang Nanay habang pinagmamasdan ang kanyang mga anak na hinahalungkat ang mga pinamili ni Lyan.

"Nako, Nay. Konti lang 'yan. Medyo malaki ang bigayan sa bagong trabaho ko. Kaya Nay, kapag nagtuloy tuloy na po ako doon huwag na po kayo mag-tinda"

Napailing iling naman ang kanyang Nanay Estella  "Hindi Anak. Malakas pa ako saka kayang kaya ko pa. Mababagot lang din ako sa bahay"

"O sige. pero kapag di kaya huwag nang magbubukas Nay ah.."

Natutuwang pinagmasdan ni Lyan ang kanyang dalawang kapatid habang abala sa pagkain ng Chickenjoy. Dahil malapit ang pwesto nila sa Jollibee at hindi maiiwasang maamoy ang chicken doon ay lagi silang natatakam at matagal na nilang gustong makatikim ng pagkain sa Jollibee.

Napatingin naman bigla si Lyan sa kanyang Ina na nagbabalot ngayon ng Turon.

Lumapit ito sa kanya at ikinagulat ng kanyang Nanay ang pagyakap ni Lyan sa kanya.

"Oh? Bakit may problema kaba?" Nag-aalalang Lumingon kaagad ito sa anak at iniangat ang ulo ni Lyan na sumbsub sa leeg niya.

"Wala. Sobrang nagpapasalamat po ako na Ikaw ang naging Nanay ko.." Umupo si Lyan sa kanyang tabi.

"Hindi ako nag-sisisi na lumaki ako sa hirap at kahit mahirap parin tayo ngayon Okay lang sa akin, Nay" Napangiti naman si Lyan habang pinipigilan ang kanyang luha. "Mas mahirap mawalan ng Ina kaysa mawalan ng masarap na ulam at magandang bahay."

"Nako, Bakit naman naiiyak ang panganay ko?" Pinunasan ng kanyang ina ang luhang tumulo sa mata ni Lyan.

"Diba't noong bata ako ay lagi 'kong pinapangarap na sana maging mayaman ako. Pero, noong tumira ako sa bahay ng amo ko, Ang lungkot.."

And then she suddenly remembered the twins.

Kung tutuusin parang prinsesa at prinsipe si Jin at Jana. Parang palasyo ang kanilang bahay sa sobrang lawak at laki nito. Mas marami pa ang bodyguards at kasambahay nila kaysa ang bilang ng taong babantayan sa bahay nila.

"'yong amo ko laging nasa trabaho. Ang mga bata naman ay bihira ngumiti. Noong ganon ang edad ko ang saya saya ko na kapag naka kupit ako ng 3 pesos sayo. Tatakbo ako sa tindahan para bumili ng candy" Natawa naman ito bigla.

"Ikaw talaga, di nagkukupit ka nga noon" Kinurot ni Gina ang anak sa tagiliran

"Shinashare ko naman sa mga kapatid ko, Nay talaga." Napahalakhak din si Estella habang inaalala ang mga nangyari noong bata pa sila.

Taking care of  one kid is already a headache. Paano pa kaya kapag Lima. Parenting is indeed the hardest thing to do, But it is the thing that is irreplacaeble..

"Kapag nagkakasakit kayo ng sabay-sabay noon. Kung saan saan ako nangungutang. Umuulan pa man din noon. Ayaw pa tayong i-sakay ng mga Trycicle. Pero nakaraos naman tayo. Sa awa ng diyos lumaki kayong maayos. "

**

Hindi na tumuloy si Chase sa kusina nang madatnan niya ang mga bata na kumakain. Naroon din sila Aling Teressa at sila Othan. Mukhang abala sila sa panonood sa kambal na kumakain.

"Kumakain sila?" Mahina ang boses ni Chase na nag-tanong kay Kim.

"Yes Sir. Nag-iwan po si Ms. Lyan ng kakainin ng mga bata. "

"And they liked it?" Hindi makapaniwalang saad ni Chase habang pinag-mamasdan ang dalawa na abala sa kanilang pagkain.

"Iyon lang naman po ang kinain nila. Hindi nila kinain ang ibang pagkain na hinanda nila Sally, By the way mayroon din po siyang iniwan sa inyo."

Napakunot ang noo ni Chase nang makita niya ang lunch box na iniangat ni Kim.

"Seriously? Nasa bahay lang naman ako. Bakit nasa Lunchbox pa"

"Mahiwaga po ang Lunchbox ni Ms. Lyan. Baka gusto niyong subukan?" Kim smiled to him.

"Ginawan niya rin po kayo ng Malunggay soup. Mainit pa po iyan."

Pinagmasdan lamang ni Chase si Kim habang pinagsasalin siya nito ng Malunggay soup sa isang maliit na bowl.

Nang binuksan nito ang hugis kuwadradong Lunchbox ay napatitig siya dito.

Ang laman ng box ay kanin na may black sesame seeds bilang palamuti nito. Mayroong Sweet and sour na fish fillet. Mayroong ding roasted veggies, sweet pepper, asparagus, at baguio beans. Para naman sa dessert ay mayroong nilagay si Lyan na isang slice ng Gelatto with pineapple.

"Ang ganda naman ng pagkakaayos." he said. Kanina pa paikot ikot sa buong Lunch box ang mga mata ni Chase.

Una niyang tinikman ang Malunggay soup. Nakita niyang may nakahalong ibang gulay doon gaya ng bulaklak ng kalabasa at patani na lalong nakakapagbigay linamnam sa sabaw.

"This is delicious. It's very relieving..." Ani pa nito habang patuloy sa pag higop ng sabaw

"Ang sabi po ni Ms. Lyan maganda daa po iyan. Pangpalakas ng resistensya.Perfect po iyan Sir, dahil lagi po kayong pagod sa work."

"Hindi ko alam na kinakain ang bulaklak ng kalabasa. But it taste good"

Sinimulan ni Chase lantakan ang fillet. Hindi niya namalayang napapikit pa siya habang ninanamnam ang isda

"Wow, I could taste the softness of the fish. Nakakaadik ang sauce. Matamis na maasim na may kaunting anghang. The spicyness makes me want to eat more. "

Napangiti na lamang si Kim habang pinagmamasdan si Chase na kumakain. He was happy, dahil finally nakakain din ng proper meal ang kanyang amo.

"Mahiwaga nga ang Lunchbox ni Ms. Lyan" Kim said while holding his laughter. Napatigil naman si Chase sa pagkuha ng pagkain at dahan dahan na nginuya ang pagkain sa bibig niya.

"Gutom lang ako ngayon" He denied.

"Does my kids eat these veggies too?" He asked kim while having a taste of the roasted veggies.

"Jana likes the sweet pepper. Hinihiwa po ni Ms. Lyan iyan ng pahaba Kaya akala nila minsan ay fries. Jin likes cauliflower. "

Napatango tango naman si Chase habang nilalantakan ang natitirang fish fillet.

"The twins like it because it taste similar to Erika's food." Napatigil si Chase nang makita niyang naubos niya ang pagkain sa lunchbox.

"Kaya din po ba nagustuhan ninyo?"

Napailing iling si Chase "Erika's food is delicious. Masarap din magluto si Lyan. Pakiramdam ko nagustuhan din ng kambal dahil nakakaaliw ang lunch box na ito. "

"Napangiti din po kayo ng Lunchbox na iyan.. "Mahinang napatawa si Kim.

**

It was late when Chase thought of having a coffee. Hindi na niya inabala si Kim dahil baka natutulog na iyon ngayon. He still can't sleep so hw decided to finish some works.

Napadaan siya sa kwarto ng mga bata. Mukhang mahimbing na ang tulog nila.

Nang lumapit si Chase sa kama ni Jana ay tinignan niya ang palad nito.

Napangiti na lamang siya nang pinagkumpara niya ang palad ni Jana at Jin.

"Paanong mas malaki ang palad mo gayong babae ka." bulong naman nito.

Nang makita ni Chase ang larawan ni Erika na nahulog sa sahig nang gumalaw si Jin ay pinulot niya ito. Isiniksik kaagad niya ito sa ilalim ng unan.

Jin maybe is better than him.That's what he thinks. Jin love his Mom so much.

Naalala pa niya ang i-kwinento ng kanilang kapitbahay na nag-sugod noon kay Erika sa hospital. Akala lang daw ni Jin noon ay nilagnat ang kanyang Ina kaya kumuha siya ng balde at bimpo. Kung hindi pa nag-punta sa kanilang bahay ang kapitbahay nila Erika na iyon ay hindi na naisugod sa Hospital si Erika.

Erika lived with the twins before. Mag-isa niyang pinalaki ang mga bata. Chase didn't have any idea that Erika was pregnant.

Nagkakilala lang naman sila sa Italy. Dahil isang OFW si Erika.

She was her one true love. And seeing the twins remind him the day Erika left him.

Chase went back to his room after having his coffee. Saglit itong napatitig sa kanyang bintana.

Kung hindi pa namatay si Erika hindi na niya malalaman na may anak siyang kambal sa kanya.

He came here ro reside permanently dahil kinuha niya ang kambal. Ang mga kamag-anak ni Erika ay ayaw alagaan ang dalawa. And also, After what he found out..

"Sir Akala ko po ay tulog na kayo." He felt Kim's presence behind him.

"Are you reading the letters?" Napalingon kaagad si Chase sa kahon na nakapatong sa kanyang lamesa.

"No. I can't." he simply said. "But I tried opening it. Hanggang ngayon hindi ko pa kaya."

The box contains Erika's letters to Chase that was blocked by his Father. Nalaman ito ni Chase nang lumakap siya ng impormasyon tungkol kay Erika. Dahil magaling ang Agent na nakuha ni Chase na si Rowin ay nalaman niyang ang kanyang Ama ang nag-palayas kay Erika noon sa Italy.

Rowin was able to collect all of the recorded phone conversations from their company kung saan unang tumawag si Erika..

She has been trying to reach him out but his father kept his twins away from him.

This is why he came here to settle for good.

"Even if I read those letters, It won't bring her back. " his voice marked the loneliness he felt inside.

"Matagal ko nang tanggap na iniwan ako ni Erika. But the fact that I took her away from the twins kills me inside.  "

"Hindi niyo po iyon kasalanan, Sir."

"Matagal na palang humihingi ng tulong sa akin si Erika dahil may malubhang sakit ito. I could have helped her. Baka buhay pa siya ngayon. " He gasped. Muli niyang itinago sa kanyang drawer ang kahon.

He hated his Father after that. He couldn't withstand living with him so he left him.

Ang sugat na iniwan ng kanyang ama ay kailan man hindi na mapapawi. Hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa dalawang batang nawalan ng Ina.

**

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Boss and his Twins   Chapter 40

    You can't chase the ace"Kinompirma ng Philippine Pageant Association na ang final list ng Candidates para sa gaganaping pegeant na Miss Philippines"Habang abala si Chase sa pag-pipirma ng mga dokumentong natambak sa kanyang lamesa ng mga araw na nasa Ilocos sila ay pansin niyang nakatutok lamang sa TV si Kim."Hana is not on the final set" Narinig naman ni Chase na sabi ni Kim. Hindi ito pinansin ni Chase at tuluyan na lamang niyang tinapos ang mga papeles sa kanyang table. When he was done he arranged all of it. Namataan naman niyang si Kim na abala pa rin sa kanyang cellphone."Ano ang tinututukan mo diyan at kanina ka pa parang hindi mapakali" Napatanong naman si Chase."Hindi maganda ang feedback ng mga tao sa San Vidad dahil hindi kas

  • The Boss and his Twins   Chapter 39

    The Other KnightNagising si Lyan dahil sa sinag ng araw mula sa kanyang bintana. Kakaiba ang pag-sikat ng araw dito, Sobrang maliwanag. Mabilis lamang niya inihanda ang kanyang sarili. Naligo lamang siya at nagsuot ng polo blouse at naka palda hanggang tuhod. Naalala niyang ngayon ang kanilang huling araw at nakatakda na mag-tutungo sila ng Vigan ngayon.Nang lumabas siya ay napansin niyang tahimik ang Resort, kaya naman dumiretso kaagad siya sa Front Desk.“Miss Nasaan po sila Sir Chase?” Tanong naman nito.“Ay! Oo nga pala, Nauna na po sila kasama ang kambal at si Miss Hana. Hinatid mo sila ni Sir Kim. May katagpo daw si Sir Chase at hinahabol niya po iyon. Pero may susundo daw po sa inyo.”Napatingin naman si Lyan sa may entrance dahil mayroong Puting Kotse na tumigil doon. Inilu

  • The Boss and his Twins   Chapter 38

    Take me, I’ll FollowThere is no time to rest. Ang mga limitadong panahon na nandito sila sa Ilocos ay nararapat lamang na igugol nila ito sa pag-lilibot buong province. The team went to visit the famous Sunflower field in Piddig Ilocos Norte. Patok ito sa mga bata dahil sa napakatingkad na kulay ng naglalakihang sunflower. Naging tourist destination din ito kamaikailan at nagtrending sa mga netizens ang iba’t ibang photography na kanilang pinopost sa pagbisita nila dito. It’s very wide and the place is almost covered by the beautiful sunflower.Walang tigil ang pag-kuha ni Lyan ng mga litrato ng mga bata. Game na game naman ang mga ito na mag-pose. Hinanda din niya ang outfit ng mga bata. Both of them are wearing floral clothes. Paghahanda na din ito para sa party ni Hana.“Hey.” Napalingon

  • The Boss and his Twins   Chapter 37

    A Sunset Confession“So we must part ways in here” Inagaw naman ni Chase ang bag na hawak hawak ni Ian na pagmamay-ari ni Lyan.Isang oras din ang inabot nila bago sila makarating dito sa Airport ng Gabu sa Ilocos Norte. The style of the airport is much more different from the airport they departed. Hindi mo masyadong pag-iisipang airport ang isang ‘to dahil ang mga pader at ibang buildings ay gawa pa rin sa Brick na mukhang disensyo pa noong panahon ng mga espanyol. But it’s still refreshing to look at it, it is an ancient beauty.“Saan ba kayo naka check-in?” Napatanong naman si Ian.“Sa Currimao yata iyon?” Bago pa man mapigilan ni Chase si Lyan ay nakasagot na ito kaagad sa kanya.“Saan ba doon? Doon din kase ako.” Lumawak naman ang ngiti ni Ian.“Sa Kadillian ba ‘yon Sir?

  • The Boss and his Twins   Chapter 36

    The Better OneIkinagulat ni Lyan ang biglaang pagdating ni Hana sa School ng mga bata. It was supposed to be their Lunch Break dahil mid-session ang klase ng mga bata. Nakaupo lamang sila Lyan sa VIP Room na nakasareserba sa mga bata habang pinagmamasdan si Hana kausap ang isang babaeng may hawak na camera. Mayroon din siyang kasamang stylist na kasalukuyang inaayosan siya ngayon."Just sit back and relax. I'll eat with them" bigla namang nagsalita si Hana, ang sinabi naman niyang ito ay walang iba kung hindi para kay Lyan."It has been so long since I updated on my page. People keep asking me to update them of my life after ko maipasa ang title sa iba. I'm still a public figure so I must do this" pagpapaliwanag naman nito."And since everyone should know that I am Chase's soon-to-be wife, Nararapat lamang na magkaroon ako ng bo

  • The Boss and his Twins   Chapter 35

    Distance is a must! "Ate Lyan!" Nagulantang naman si Lyan mang marinig niya ang biglaang pag-lakas ng boses ni Jana. Ngayon niya lamang napagtanto na kanin pa siya tinatawag ng bata.Kasalukuyan niyang binabantayan ang mga bata sa kanilang almusal. Today is their free day.And for today's breakfast is Champorado with tuyo flakes!Bagong flavor ang sumalubong sa umaga ng mga bata. Dahil sa pinaghalong tamis at alat na hahanap-hanapin mo umulan man o tirik ang araw."Why? Punasan na nga muna natin ang mg bibig ninyo" Kumuha naman si Lyan ng tissue para maalis ang namuong chocolates sa mga bibig ng mga bata."I want to go out pero I don't know where to go" Nakabusangot naman ang mukha ni Jana."Hmmm. Saan nga ba tayo pwede pumunta? At hindi naman tayo pwedeng umalis nang hindi nag-papaalam sa Daddy ninyo""Ate Lyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status