LOGINThe Better One
Ikinagulat ni Lyan ang biglaang pagdating ni Hana sa School ng mga bata. It was supposed to be their Lunch Break dahil mid-session ang klase ng mga bata. Nakaupo lamang sila Lyan sa VIP Room na nakasareserba sa mga bata habang pinagmamasdan si Hana kausap ang isang babaeng may hawak na camera. Mayroon din siyang kasamang stylist na kasalukuyang inaayosan siya ngayon.
"Just sit back and relax. I'll eat with them" bigla namang nagsalita si Hana, ang sinabi naman niyang ito ay walang iba kung hindi para kay Lyan.
"It has been so long since I updated on my page. People keep asking me to update them of my life after ko maipasa ang title sa iba. I'm still a public figure so I must do this" pagpapaliwanag naman nito.
"And since everyone should know that I am Chase's soon-to-be wife, Nararapat lamang na magkaroon ako ng bonding kasama nag mga magiging anak ko ko hindi ba?" Tumayo naman si Hana at lumapit sa kinaroroonan ng mga bata. Nakita ni Lyan ang PA ni Hana na naglalapag ng ibang pagkain sa mesa.
"May Lunch Pack ang mga bata-" Naudlot ang sasabihin sana ni Lyan nang walang pasabing itinapon ni Hana ang Lunch pack ng mga bata na inihanda ni Lyan.
"That's mine!" Napatayo naman si Jin at nagalit sa ginawa ni Hana. Ngunit sapilitan namang pinaupo ito ni Hana.
"Huwag mong sasaktan ang mga bata. Mapipilitan akong mag-sumbong kay Sir." Hindi naman nagustohan ni Lyan ang inasta ni Hana at maging siya ay nagalit.
"Tingin mo maniniwala si Chase sa'yo? You should learn from these kids. Hindi na sila nagsusumbong dahil hindi naniniwala si Chase. " Pinagtaasan lang naman ni Hana ng kilay si Lyan.
"Napakasama talaga ng ugali mo!" Napakuyom naman ang palad ni Lyan.
"Doon ka nga muna. Panira ka ng view. Magshoshooting na kami. Bawal ang maduming pulubi dito" Napaatras naman si Lyan nang bigla siyang itinulak ni Hana at siya ang umupo sa kinauupuan niya kanina.
"We'll start"
Pakunwari namang si Hana ang nag-bukas ng mga baonan na dala niya. Inilahad niya sa dalawang bata ang mga pakain na dala niya ngunit bakas sa mukha ng mga bata na ayaw nila itong galawin.
"So hi guys! I'm here as a Parent today. It has been my dream, eating lunch with my kids, Say Hi!" Ginulo gulo pa niya ang buhok ni Jana at Jin ngunit wala namang response ang mga bata.
"Let's eat na. Go on, eat everything okay?"
Nang magsimulang kumain si Hana ay napansin niyang nakabusangot pa rin ang mga mukha ng mga bata at hindi sila kumakain.
"Can you stop the video muna please. " Bigla namang naging masungit ang boses ulit ni Hana.
"Ayaw niyong kumain?" Bigla namang sumigaw si Hana kaya napalapit si Lyan sa mga bata.
"Kumain kayo! That's my order!"
"Hana naman-"
Nagulat na lamang si Lyan sa ginawa ni Hana. Hinawakan pa nito ang batok ni Jin at sapilitang pinayuko sa pagkain mismo "If you don't eat then I'll make you eat like a pig"
"Tama na!" Buong lakas na hinawakan ni Lyan at inalis ang kamay ni Hana kay Jin. Agad na tumakbo si Jin sa likod ni Lyan.
"Napaka bastos ng ugali mo. Gagawin mo talaga sa bata 'yan!" Hindi napigilan ni Lyan na sigawan si Hana. Jana also made her way to Lyan.
ChildCare 352: Do not force your kids to do something they don't want. Give them space even just a little and then talk to them in a nice way. Discuss to them properly what is the reason of such routine or activity that they should do. Don't shout. Keep your voice calm. Don't scare them like what people usually do. (Sige! Ibibigay kita sa pulis ka! Mag-ingay ka pa! Kukuhanin ka niyan!) Always tell them in a nicer way.
"Ibalik mo ang mga bata sa upuan nila. Walang disiplina ang mga 'yan!"
"Wala kang karapatang tratohin sila ng ganito. Hindi ikaw ang Magulang ng mga bata kaya lumugar ka!"
Napahalakhak naman si Hana "Sa'yo ko pa talaga maririnig iyan?" Her smiles are trying to mock her.
"You're just a peasant and you should know your place. Sa ating dalawa, mas may karapatan akong disiplinahin ang mga bata. You're just a Nanny, katulong at walang alam sa buhay kundi magpaka-alila. Kaya ka nga namamsukan kay Chase dahil mahirap ka lang!"
"Na-stress ako sa pulubing ito. " Tumalikod naman si Hana at bumalik sa kanyang upuan.
"We need to shoot this video. That's final. Kakausapin mo sila o gagawin ko ulit ang ginawa ko kanina" Pagbabanta naman ni Hana kay Lyan.
"Ahhh!" Hindi naman namalayan ni Lyan na nakalapit na pala si Jana kay Hana at walang pasabing ibinuhos sa kamay ni Hana ang umuusok na soup sa thermos.
"Ahhh! Ouch! Ang hapdi!" Napansin naman ni Lyan na halos hindi makahinga ng maayos si Hana dahil sa paso ng kanyang kamay. Naalarma naman ang mga kasamahan nito at nilapitan siya.
"Mga Hayop kayo!" Hinila kaagad ni Lyan si Jana at itatakbo na sana niya palabas ang mga bata nang bigla siyang hinatak ni Hana sa kanyang buhok. This time Hana is so mad at nasasaktan siya sa pagkakahawak ni Hana sa kanyang buhok.
"Bitawan mo si Ate Lyan!" Inabot naman ni Jin ang kanyang paa kay Hana upang tadyakan pero pilit na inilayo ni Lyan ang dalawang bata sa takot na baka saktan ni Hana ang mga ito.
"Get your dirty hands off her" Natahimik naman si Hana nang may marinig si Lyan na pamilyar na boses.
Naramdaman niya ang pag-alis ni Hana ng kanyang kamay sa buhok niya.
"D-Dirty? My Hands!?" Hindi makapaniwalang saad naman ni Hana. "Yes. Because you live in a dirty way" Unti-unti namang napalingon si Lyan sa kanyang likod at nakita niya ang taong laging nandiyan tuwing siya ay nangangailangan. What a perfect timing always..
"Beauty Queen, MY ASS" Pinagmasdan pa ni Ian si Hana mula ulo hanggang paa. "Wala namang maganda sa'yo. You're just an ugly witch."
"Magaling ka lang namang manlait, Ian but you once loved this beauty. And you couldn't accept that I left you because you are not supposed to be the one I should date. You're not a big time. " Hana rolled her eyes.
"Atleast I'm not a fake. I'm real. Let's Go"
Ian managed to get the twins and Lyan out of the room. Nanatili namang tahimik si Lyan habang nag-lalakad silang dalawa. Mukhang balewala na ulit ang nangyari sa kambal at abala na silang nagkwekwentuhan. Mukhang sanay na nga ang mga bata sa ganong pangyayari.
"Kung... mag-susumbong ba ako ngayon, Maniniwala kaya si Sir sa akin o mas maniniwala siya kay Hana?" Napatingin naman si Ian kay Lyan na nakatulala habang naglalakad. Bigla siyang napangiti habang siya ay nakatitig sa dalaga dahil hanggang ngayon hindi pa naayos ang kanyang buhok.
"Bulag si Chase ngayon. Wala siyang papakinggan. Why do you think I haven't told him about me and Hana?"
"at wala namang makakapagsabi ng iniisip niya ngayon." Napatigil naman silang dalawa sa malaking Puno, sa malawak n field ng school.
"He's hard to read because he has a lot of secrets. Ang tanong, kung totoo na ba ang ipinapakita niya sa'yo o hindi. Sa sobrang masikreto niyang tao, hindi mo masasabi kung ano ang totoo. You should be careful." Nakaramdam naman si Lyan ng kaba sa sinabi ni Ian.
She thought of the times when Chase acted differently to her. She isn't that numb not to understand what Chase meant that night when he intentionally kissed her. A part of her thinks it's a sign that maybe Chase felt the same way she feels. But that isn't enough to conclude it. Tama si Ian, maraming bagay ang maaring tumatakbo sa isipin ni Chase. He's a hard person to see through.
"I do not trust men who have two women they like. It's just so impossible" bulong naman ni Ian. Hindi naman narinig ni Lyan ng buo ang kanyang sinabi.
"Bakit ka nga pala nandito?" Napatanong naman si Lyan. Gumanti naman ng ngiti si Ian at matagal niyang pinagmasdan si Lyan. She is getting uncomfortable the longer Ian stares at her.
"Day Off ko kaya naman naisipan kong mag-grab food."
"Ilan ba talaga ang trabaho mo?" Hindi naman napigilan ni Lyan ang pagsilay ng kanyang mga ngiti.
"May dala akong pizza para sa mga bata, sa'yo at akin." He laughed. "Dahil sinira ni Hana ang Lunch niyo, maybe that'll do? What do you think?"
"Okay lang. Malaking bagay na ang pagliligtas mo sa akin sa lahat ng oras na kailangan ko ng tulong." Hindi naman naitago ni Lyan ang tagos sa puso niyang pasasalamat kay Ian. Strangely, she is getting more attached to this side of him. Napakagaan ni Ian na kasama, hindi mo kailangang mag-isip ng ibang bagay. She's just her and she doesn't need to be anyone. Tanggap siya ni Ian, kahit ano pa man siya.
Ian is someone you should keep..
**
Inihatid ni Ian si Lyan sa mansion kasama ang kambal. Sinamahan naman ni Ian ito upang hintayin ang mga bata hanggang sa matapos ang kanilang klase. Well it was the only way for Ian to be with her so he didn't mind.
"Nako! Lyana!" Sumalubong naman kay Lyan si Sally na nag-aalala.
"Bakit?"
"Sumugod sa Hospital si Sir Chase, si Ms. Hana nahospital daw siya matapos niyong mag-away. Ano baa ng nangyari? " Nanlaki ang mga mata ni Ian at ni Lyan nang mag-tinginan silang dalawa.
"Sally, pwede bang paki-pasok na muna ang kambal sa loob" Nataranta namang saad ni Lyan ang inilabas ang mga bata sa loob ng kotse.
"Ate Lyan.." Mukhang naintindihan ng dalawang bat na may nangyayari kaya naman nag-aalala silang nakatingin kay Lyan.
"Ate Lyan will be back okay? Go to your room and pick the storybook you want to read" Ngumiti pa rin si Lyan upang alisin ang pangangamba ng mga bata.
Bago pa man tuluyang mag-lakad si Lyan at hinapit ni Ian ang kanyang kamay.
"Saan ka pupunta? Alam mo namang palabas niya lang ito diba?"
"Kailangan ko pa rin tignan kung napaano siya." Nag-aalalang saad naman ni Lyan.
"He is there with Hana. Anong laban mo? Mas pagbibintangan ka lang niyang sinaktan mo siya." Napansin ni Lyan ang pagtaas ng tono ng boses ni Ian dahil sa inis na umuusbong sa kanyang dibdib.
"Kailangan ko pa rin pumunta"
"Kung ganon, sasamahan kita." He insisted.
Nang makarating sila sa Hospital ay kaagad nilang tinungo ang VIP Room kung nasaan si Hana. Nadatnan ni Lyan si Chase na inaaskikaso si Hana. Kasalukuyan kase itong kumakain.
Naisip ni Lyan ang ginawa ni Hana kanina sa mga bata. Nakaramdam siya ng inis dahil wala man lang kaalam alam si Chase dito. Masahol pa ay inaalagaan niya ang taong nanakit sa mga anak niya.
"Lyan..?" Hana looked at her with those fake kind eyes. Natayo naman si Chase nang makita niya si Ian at Lyan na mag-kasama.
"Gusto kitang makausap kanina pa. Come here" Hana smiled. She is really good at acting. Kaya naman hulog na hulog si Chasesa kanyang pagbabaitbaitan.
"Sana dinala mo ang kambal. I wanna see them.." Napakuyom ang palad ni Lyan habang pinagmamasdan siya.
"We have to talk. Can you take care of Hana for a while?" Parang bumilis ang tibok ng puso ni Lyan nang marinig niya ang nakakapasong boses ni Chase. The way she sees it, Chase seems like a fiery mad person. Hindi niya alam kung ano naunang sinabi ni Hana sa kanya but whatever it is, it seems like Chase believed everything what she said.
Napatianod naman si Lyan nang mahigpit siyang hinawakan ni Chase at hinila palabas ng kwarto ni Hana.
Binitawan naman siya ni Chase nang makarating sila sa Parkside ng Hospital.
"From now on do not do that to Hana." Napaawang ang bibig ni Lyan nang marinig niya ang babala ni Chase sa kanya. Nararamdaman niya ang matinding galit nito. It was the first time Chase stared at her with rage.
"Naniniwala po talaga kayong ginawa ko 'yon sa kanya?" Hindi makapaniwalang saad naman ni Lyan.
"She's a public figure. If the people knew about this then you're done."
"Sir! Imulat niyo naman ang mga mata ninyo. At Hindi pa ako nagpapaliwanag."
"Hana's condition says it all. I do not have to hear anything from you." Mariing sabi naman ni Chase.
Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang puso. He is just rejecting everything that she says. Wala na ang puwang sa kanyang puso upang pakinggan si Lyan. That hurts her the most. Kung kailan sa tingin niya ay nasa lugar na siya upang pagkatiwalaan siya ni Chase ay saka namang bubuwagin ni Chase ang pag-asang iyon.
Pinunasan ni Lyan ang mga luha niyang bigla na lang din tumulo. Umiwas naman si Chase ng titig nang mag-angat siya ng tingin.
"Okay po. Sir. Pasensya na po kayo sa nangyari. Hindi na po mauulit" Napayuko lamang si Lyan at tuluyan niyang tinanggap ang katotohanan.
That she is just a Nanny of the boss and his twins..
"Gladys!" Napalingon naman si Lyan nang may tinawag si Chase sa kanyang likoran. Nakita niya ang isang Babaeng naka porma ng black suit at slacks.
"Nandito ako para sa alaga ko. Nasan ba siya?"Ngumiti naman ito ng malawak kay Chase.
"Nasa itaas. I'll come with you" Iniwan naman ni Chase si Lyan sa labas at sumama kay Gladys.
Naibsan ang kanyang lungkot nang makita niya si Ian na nakatayo sa may di kalayuan. "Nasermonan ka na naman ng depunggol na 'yon" Napailing iling na saad naman nito habang papalapit siya sa kinaroroonan niya.
"Take this from me. Kapag nakatalikod siya dilaan mo. Tapos murahin mo! Lagi niya kaming ginaganyan kung siya kaya mag-karpintero. " Napairap naman si Ian. Doon na napahalakhak si Lyan.
"Hala ka. 'diba babantayan mo daw si Hana."
"Bakit ko naman babantayan 'yong asungot na 'yon. Bahala siya sa buhay niya." Lalong napalakas ang tawa ni Lyan sa pagka-maldita ng boses ni Ian.
Napatigil naman si Lyan nang biglang hinawakan ni Ian ang magkabilang pisngi nito. Inilapit naman ni Ian ang kanyang mukha sa kanya. Magkadikit na ang kanilang mga ilong at naramdaman ni Lyan ang pag-init ng kanyang pisngi. Nanigas siya sa kanyang kinauupuan at para bang hindi niya kayang kumawala sa pagkakahawak ni Ian sa kanya.
Ian just closed his eyes as he rubbed his nose to Lyan's nose. Dahan-dahan niya itong ginawa ngunit ang kabog ng dibdib ni Lyan ay ayaw pa-awat. Ian looks more handsome the more she stares at him. Napakahaba pala ng pilik-mata nito at medyo pinkish pa ang kanyang labi.
Napatalikod naman kaagad si Lyan upang maitago ang kanyang namumulang mukha. "Tara na. Gabi na"
Napangiti lamang si Ian habang pinagmasdan niya si Lyan na napatiuna sap ag-lalakad. He fished out something on his pocket.
It was a sunflower ponytail that belonged to Lyan. Medyo nasira na ang sunflower nito. Mahigpit niya itong hinawakan at ibinalik ang tingin kay Lyan.
"I won't give up without a fight..." he gasped.
**
Kasalukuyang nag-hahanda si Lyan ng mga gamit ng mga bata. Natutuwa naman siyang nakatitig kay Jana na nagsuosuot ng shades sa salamin at nagpopose pa.
"Should we bring that?" tanong naman ni Lyan.
"Yes. I will wear also my mermaid bikini!" excited na saad naman nito.
"I should bring Pororo so he could see the beach!" Hawak hawa naman ni Jin ang Pororo Doll na nakalagay lamang sa kanyang Kama.
For the next three days, they are going on a Trip with Chase and of course with Hana. Ito ay pakana raw ni Hana na pinaunlakan naman ni Chase. Since it will be Hana's birthday, Nais daw niyang mag-celebrate sa isang Resort sa Ilocos Norte. It would be fun but with Hana, mukhang may masamang baon ito para sa kanilang tatlo.
Mabilis naman na binihisan ni Lyan ang dalawang bata dahil malapit na ang kanilang flight. It will take 7 to 10 hours travel from Manila to Ilocos. Kung sa airplane naman ay aabot lamang ng 30 minutes to 1 hour. Dahil mayaman naman ang kanyang amo, nag-decide si Chase na sumakay na lamang sila ng eroplano.
Si Chase ang may hawak ng kanilang bagahe habang naiwan ang pag-aalaga sa mga bata kay Lyan. Pasulayap-sulyap naman si Lyan kay Chase habang nakaupo ito at naghihintay. Dahil nandito na sila sa Airport at kakailanganin pa nilang mag-hintay.
Chase is just wearing his white shorts and white rubber shoes. Naka bukas din ang polo nito ngunit may suot naman itong sando. Pogi, kahit saang anggulo.
"Ate Lyan, look at me too. Don't look at dad too much" Nagulat na lamang siya nang biglang lumakas ang boses ni Jana. Napalingon naman kaagad si Chase nang marinig niya ang kanyang anak.
'Shet, Buking ako 'don' Napapikit na lamang si Lyan.
"Okay okay. "
Kanina pa pala itinuturo ni Jana ang laroan ng batang katabi nila ngunit hindi niya agad iyon narinig dahil na kay Chase naman ang buong atensyon nito.
"Let's Go." Napatayo naman si Chase, tatayo na rin sana si Lyan nang bigla siyang mapatitig sa kanyang kamay.
"Sir." Nang mag-angat siya ng tingin ay napalingon din si Chase sa kanya.
"Kamay ko po 'yan. Ito po 'yong bag" Napaawang naman ang bibig ni Chase nang kinalas ni Lyan ang kanyang kamay at iniabot nito ang travelling bag.
Hindi naman nakaimik si Chase at naglakad lamang ito. Gumuhit naman ang isang ngiti sa labi ni Lyan.
"Three Days in Ilocos? Ano kaya ang mangyayari doon?" Napabuntong hininga lang naman si Lyan habang sumusunod kay Chase.
"There you are!" Napatigil si Chase nang makakita siya ng isang pamilyar na tao.
"Hi Jin-Jan! Hi Lyan" Nagulat naman si Lyan nang makita niya si Ian na may hawak-hawak na bag at mukhang patungo sa parehong direksyon kung saan papunta si Chase.
"Bakit ka nandito?" Napakunot naman ang noo ni Chase.
"Nag-book ako ng Tour sa Ilocos." Ngumisi naman ito.
"Ilocos din.." mahinang saad naman ni Lyan.
"Really!? Pare-parehas pala tayo ng pupuntahan eh" Sinundan ni Chase ng titig si Ian na lumapit kay Lyan.
"Hindi ba dapat nagtratrabaho ka?" Bakas naman ang inis sa boses ni Chase.
"Nag-Leave ako. Hindi lang ikaw ang pwedeng mag-bakasyon, Boss. Let's Go Lyan!" Hinigit naman ni Ian ang kamay ni Lyan at ng mga bata kaya napatiuna sila at naiwan si Chase doon.
"Mr. Albayalde! Wait! You should work! You can't come!"
**
Watch out for the next Chapters!You can't chase the ace"Kinompirma ng Philippine Pageant Association na ang final list ng Candidates para sa gaganaping pegeant na Miss Philippines"Habang abala si Chase sa pag-pipirma ng mga dokumentong natambak sa kanyang lamesa ng mga araw na nasa Ilocos sila ay pansin niyang nakatutok lamang sa TV si Kim."Hana is not on the final set" Narinig naman ni Chase na sabi ni Kim. Hindi ito pinansin ni Chase at tuluyan na lamang niyang tinapos ang mga papeles sa kanyang table. When he was done he arranged all of it. Namataan naman niyang si Kim na abala pa rin sa kanyang cellphone."Ano ang tinututukan mo diyan at kanina ka pa parang hindi mapakali" Napatanong naman si Chase."Hindi maganda ang feedback ng mga tao sa San Vidad dahil hindi kas
The Other KnightNagising si Lyan dahil sa sinag ng araw mula sa kanyang bintana. Kakaiba ang pag-sikat ng araw dito, Sobrang maliwanag. Mabilis lamang niya inihanda ang kanyang sarili. Naligo lamang siya at nagsuot ng polo blouse at naka palda hanggang tuhod. Naalala niyang ngayon ang kanilang huling araw at nakatakda na mag-tutungo sila ng Vigan ngayon.Nang lumabas siya ay napansin niyang tahimik ang Resort, kaya naman dumiretso kaagad siya sa Front Desk.“Miss Nasaan po sila Sir Chase?” Tanong naman nito.“Ay! Oo nga pala, Nauna na po sila kasama ang kambal at si Miss Hana. Hinatid mo sila ni Sir Kim. May katagpo daw si Sir Chase at hinahabol niya po iyon. Pero may susundo daw po sa inyo.”Napatingin naman si Lyan sa may entrance dahil mayroong Puting Kotse na tumigil doon. Inilu
Take me, I’ll FollowThere is no time to rest. Ang mga limitadong panahon na nandito sila sa Ilocos ay nararapat lamang na igugol nila ito sa pag-lilibot buong province. The team went to visit the famous Sunflower field in Piddig Ilocos Norte. Patok ito sa mga bata dahil sa napakatingkad na kulay ng naglalakihang sunflower. Naging tourist destination din ito kamaikailan at nagtrending sa mga netizens ang iba’t ibang photography na kanilang pinopost sa pagbisita nila dito. It’s very wide and the place is almost covered by the beautiful sunflower.Walang tigil ang pag-kuha ni Lyan ng mga litrato ng mga bata. Game na game naman ang mga ito na mag-pose. Hinanda din niya ang outfit ng mga bata. Both of them are wearing floral clothes. Paghahanda na din ito para sa party ni Hana.“Hey.” Napalingon
A Sunset Confession“So we must part ways in here” Inagaw naman ni Chase ang bag na hawak hawak ni Ian na pagmamay-ari ni Lyan.Isang oras din ang inabot nila bago sila makarating dito sa Airport ng Gabu sa Ilocos Norte. The style of the airport is much more different from the airport they departed. Hindi mo masyadong pag-iisipang airport ang isang ‘to dahil ang mga pader at ibang buildings ay gawa pa rin sa Brick na mukhang disensyo pa noong panahon ng mga espanyol. But it’s still refreshing to look at it, it is an ancient beauty.“Saan ba kayo naka check-in?” Napatanong naman si Ian.“Sa Currimao yata iyon?” Bago pa man mapigilan ni Chase si Lyan ay nakasagot na ito kaagad sa kanya.“Saan ba doon? Doon din kase ako.” Lumawak naman ang ngiti ni Ian.“Sa Kadillian ba ‘yon Sir?
The Better OneIkinagulat ni Lyan ang biglaang pagdating ni Hana sa School ng mga bata. It was supposed to be their Lunch Break dahil mid-session ang klase ng mga bata. Nakaupo lamang sila Lyan sa VIP Room na nakasareserba sa mga bata habang pinagmamasdan si Hana kausap ang isang babaeng may hawak na camera. Mayroon din siyang kasamang stylist na kasalukuyang inaayosan siya ngayon."Just sit back and relax. I'll eat with them" bigla namang nagsalita si Hana, ang sinabi naman niyang ito ay walang iba kung hindi para kay Lyan."It has been so long since I updated on my page. People keep asking me to update them of my life after ko maipasa ang title sa iba. I'm still a public figure so I must do this" pagpapaliwanag naman nito."And since everyone should know that I am Chase's soon-to-be wife, Nararapat lamang na magkaroon ako ng bo
Distance is a must! "Ate Lyan!" Nagulantang naman si Lyan mang marinig niya ang biglaang pag-lakas ng boses ni Jana. Ngayon niya lamang napagtanto na kanin pa siya tinatawag ng bata.Kasalukuyan niyang binabantayan ang mga bata sa kanilang almusal. Today is their free day.And for today's breakfast is Champorado with tuyo flakes!Bagong flavor ang sumalubong sa umaga ng mga bata. Dahil sa pinaghalong tamis at alat na hahanap-hanapin mo umulan man o tirik ang araw."Why? Punasan na nga muna natin ang mg bibig ninyo" Kumuha naman si Lyan ng tissue para maalis ang namuong chocolates sa mga bibig ng mga bata."I want to go out pero I don't know where to go" Nakabusangot naman ang mukha ni Jana."Hmmm. Saan nga ba tayo pwede pumunta? At hindi naman tayo pwedeng umalis nang hindi nag-papaalam sa Daddy ninyo""Ate Lyan