LOGINFalse Alarm
"Sir" Habang ninanamnam ni Chase ang kanyang kape ngayong hapon ay bigla niyang narinig ang boses ni Kim na kakapasok lamang sa kanyang office.
"Mayroong Workshop ang mga bata sa BuckDonalds. Hindi ko po pala nasabi sainyo" Lumingon naman si Chase kay Kim.
"Dito ba iyan? Malapit sa atin?"
"Yes Sir. If you want to go and see them. I can escort you." pagpriprisinta naman nito.
"Baka makaagaw lang tayo ng pansin. I do not like to be a disturbance. Kung workshop nga iyon ng mga bata, paniguradong nandoon si Gwyneth. Ang isa sa mga Administrator ng Glardestine. "
Kaagad naman na napangisi si Kim nang marinig niya ang pangalan na iyon.
"Masyado siyang sipsip sa akin. Napapansin ko naman iyon. Marami din akong naibigay na pondo sa skwelahang iyon. Nangako sila sa akin na hindi nila ipagsasabi ang pagdodonate ko sa Glardestine Ngunit inannounce pa nila ito sa buong Gilberts" Napailing iling na saad ni Chase.
Inilapag ni Chase ang kanyang tasa sa mesa nang mainom na niya lahat ng kanyang kape.
Nagulat na lamang sila nang biglang bumukas ang pintoan at iniluwal ang isa sa mga kanilang Security Guard.
"Sir, nasa ibaba po ang mga anak ninyo"
Mula rito sa itaas makikita mo ang kalawakan ng 1st floor kapag dudungaw ka sa raillings. At nakita nga niya ang kambal.
Nag-hahabulan pa ang dalawang bata habang nagkukulitan.
"Where is Lyan?" Naalarma naman si Chase at agad na tinungo ang malaking hagdan sa kaliwa. Magkabila kase ang hagdanan at may kataasan din ito.
"Hey, kiddos!"tawag ni Chase sa dalawang bata kaya napatigil naman sila kaagad.
He never bring his children into his office. Dahil panigurado ay gulo lamang ang dala ng mga ito. Kung hindi man baka sila mismong mag-aama ang magaaway.
RosaKing's office is just beside The Shopping Mall. Ngunit sa sobrang lawak ng Mall ng RosaKing ay may kalayuan parin ito.
"Where is your Nanny?" He asked. Nag-kibit balikat lang naman ang dalawang bata.
"Can we swim to the fountain?" Biglang tanong naman ni Jin. Napatingin naman ai Chase sa malaking fountain sa harap
"Ano ka ba, You can't swim there. People will stare at you." Napilitan si Chase na hawakan ang dalawang bata at isama sa kanya papunta sa kanyang opisina.
"Wah!" Napatingin naman si Chase kay Jana dahil biglang napasigaw ito nang makapasok sila sa kanyang office.
"It's huge.." Namangha ang dalawa sa lawak ng opisina ni Chase. Agad silang nagtungo sa couch ni Chase at tinesting ang kalambutan nito.
"No-Not.. the couch" Napahina nang tuluyan ang boses ni Chase nang nagsitalon talon silang dalawa.
"I'd rather buy new one than to fight with you" Sinubukan niya namang i-kalma ang kanyang sarili.
"Ahh!" Napabalikwas ng takbo si Chase nang makita niyang nadulas si Jana at nahulog ito sa sahig.
Napaiyak ng malakas si Jana habang nakahawak ito sa kanyang ulo na natama sahig.
"Kim!" Napasigaw si Chase habang karga karga niya si Jana na umiiyak.
"Sir!" natarantang pumasok naman si Kim sa silid.
"Call an ambulance." utos naman nito.
"Jana don't cry.. I will give you powers" napatingin naman si Chase may Jin na pilit inaabot ang kamay ni Jana.
"Tumingin ka sa akin Jana. Tell dad where it hurts" unti unti namang kumalma si Jana
"It's okay now." napailing-iling na saad naman ni Jana. "It hurts a little a while ago."she sniffed."S-Sir?" Nanlaki ang mata ni Chase nang makita niya si Lyan na pumasok sa kanyang opisina.
He was supposed to be mad at her for not looking out to the twins. But this thing that Jana got into happened on his watch.
"Nasaan ka ba galing? Bakit nakita ko na lamang sa ibaba ang mga bata?"
"Nakasunod lang po ako sa kanila. Kaso nakita ko pong sinama niyo sila sa itaas. Naisip ko pong bigyan kayo ng oras.." nag-aalanganing sagot ni Lyan.
Nagulat naman ito ng makita niya si Jana na umiiyak.
"Jana! Why are you crying?"
Agad namang intinuro ni Jana ang sahig. Doon agad nakuha ni Lyan ang nangyari.
"Walang hiya kang sahig ka" Kinuha ni Lyan ang unan at hinampas ang sahig. Ginaya naman ni Jin ang ginawa ni Lyan.
"2500 pesos ang bawat unan. Sa totoo lang" Napatigil si Lyan sa kanyang ginagawa.
Sinuli naman niya kaagad ng maayos ang unan na ginamit nila ni Jin.
"Sir nandyan na po ang ambulansya?" Hinihingal naman si Kim na pumasok.
"Ha? Para saan?" Naguluhang tanong naman ni Lyan.
"Ahhh. Bakit? Hindi naman yata dumugo ah. Nag-patawag po ba kayo talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lyan.
"Hindi ba dapat?" Tanong naman ni Chase.
"Okay lang siguro. Pero normal na rin sa ibang bata ang mauntog sa sahig saka, naka-carpet pa po kayo oh." ani naman ni Lyan habang nakatingin sa sahig."Siguro ni-nerbyos lang si Jana kaya na-iyak siya." Dagdag pa nito habang hinahagod ang likod ni Jana.
"Kapag nangyari po ulit ito, ang gawin niyo sir buhatin niyo siya at subukang pakalmahin kase kapag sobrang iyak sila maaring mag-breakdown po sila at hindi makahinga "
"Ang lakas kase ng iyak. Nagulat ako" Napabuntong hininga naman si Chase habang pinagmamasdan si Jana.
"Sir ang ganda niyo pong tignan ngayon" Biglang gumuhit ang ngiti sa labi ni Lyan.
"What?"
"Wala po. Sige na Jana, nabibigatan na si Daddy. Saka nasaan na pala iyong pasalubong niyo kay Daddy?"
"S-Sir iyong ambu..lansya" Sinubukang isingit ni Kim iyon ngunit naabala si Chase sa paper bag na ibinigay ni Jin at Jana.
"What's this?" Chase asked.
"Mini Cake 'yan, Sir gawa ni Jin-Jan"
Nang mai-angat ni Chase ang cake na naka nakalagay sa plastic box ay napakunot ang noo nito.
The design of the cake is a face and it is assumed that it is his face.
"Sir...'yong ambulansya naghihintay-"
"You made this..?" Nanatiling napayuko si Jana at Jin na tumango tango sa kanilang Daddy.
"Ito ba iyong workshop nila sa BuckDonalds?" Tanong naman ni Chase.
"Ah! Opo. Naisipan ko pong dumaan dito kasama ng mga bata since maaga pong natapos ang baking workshop. Isa pa maganda rin po na nakikita ng mga bata ang workplace niyo, Sir" ang sabi naman nito habang nakatingin sa buong paligid.
"Why do you think so?"
"Para mas maging close kayo, Sir." Agad naman na umilag ng titig si Chase sa sinabi ni Lyan.
ChildCare444: Bringing your kids into your workplace is okay once in a while. It will help them understand what kind of work do you do habang sila ay lumalaki. This will also make them understand their parents more.
"Well, I can't show you much since hindi pa tapos lahat ng disenyo sa loob ng mall." saglit naman itong napahawak sa baba niya at napaisip.
"There is a huge park behind RosaKing. Open Area ito for concerts and other events. Maari mong ipasyal ang mga bata doon."
Nag-liwanag naman ang mukha ni Lyan sa sinabi ni Chase. "Yehey, Jin-Jan let's play there!" Mukhang nahawa ang dalawang bata sa kasiglaan ni Lyan at napatalon sila.
"Kim, maari mo ba silang samahan?" bumaling ang titig nito sa kanya"Sir..iyong ambulansya" malungkot ang pagkakasabi nito.
"Bakit? Hindi pa ba umaalis?"
"Hinihintay ko po ang sagot niyo. Sir."
Napapikit na lamang si Chase dahil ngayon niya lang narealize kung gaano na katagal si Kim na nakatayo doon.
"I'll talk to them personally. It's my fault.."
**
Hindi mo aakalahing mayroon pang ganito kalawak na park sa likod ng Building ng Mall. Mayroong malaking Fountain sa gitna na sumasabay sa tugtog ang agos ng tubig. Ito ang tinatawag nilang Dancing Fountain. Tunay na nakaka-attract nga naman ito ng tao. May FoodPark din dito. Ito yata ang una nilang tinapos. Ito iyong mga lugar na masarap puntahan kasama ng iyong kasintahan... Kung meron man.
"I wanna ride that Train!" Napatianod si Lyan nang tumakbo ang dalawang batang hawak hawak ang kanyang magkabilang kamay.
"Kuya mag-kano po?" Tanong naman nito sa Driver ng Train.
"Libre lang po"
Tuwang tuwang sumakay si Lyan at ang mga bata sa Train na umiikot sa buong park.
"Chuby Chuby Cbuby choog choog!"
Sinabayan naman ni Lyan ang dalawang bata habang kumakanta sila. Medyo mahangin ngayon at habang nakasakay sila sa Train ay hindi nila mapigilang mapasigaw tuwing lumalakas ang ihip ng hangin.
"This is your final destination. Thank you for Riding!"
"Thank you po" Sabay na saad ng dalawang bata.
Nang bubuksan na sana ni Lyan ang pintoan ay biglang bumukas ito. .
"So how is your E-Train Experience Ms. Guevarra?" Nanlaki ang mga mata ni Lyan nang makita niya ang lalakeng naka suot ngayon ng safety helmet at maka polo lamang ito ng puti with black pants and black shoes.
"Ian?" Ngumisi ang binata sa kanya at niluwangan ang pagkakabukas ng pintoan ng Train.
"Bakit ka nandito?" Napakunot noo si Lyan nang makababa ito.
"Karpintero nga ako diba? isa ako sa mga karpintero dito."
"Ahh. Oo nga pala. Baka need niyo ng Mason? Pwede ba ako?" Pagbibiro naman ni Lyan.
"Pwede, Magsabi ka kapag gusto mo" Napahalakhak naman silang dalawa.
"Jin-Jan come and greet Kuya Ian. Diba he helped you last time" Inalalayan naman ni Lyan ang dalawang batang bumaba sa Train.
"Hello po Kuya Ian"
"Did you enjoy the Train?" Lumuhod naman si Ian upang magkapantay sila ng mga bata. Nakangiting tumango tango naman sila.
"Did you build this?" Turo naman ni Jin sa Train.
"Yes. I fix and do things just like that" Itinuro din ni Ian ang ilang buildings na makikita mo mula sa park.
"You are like Bob the Builder..Bob the builder yes we can fix this!" Bigla namang kumanta ang dalawang bata kaya lalong napatawa si Lyan at Ian.
"Lakas pala ng appeal ng helmet na ito" Natatawang saad naman nito habang tinatanggal ang kanyang Safety Helmet.
"Oo nga." Pagsasang-ayon naman ni Lyan sa kanya.
"Effective din ba sa'yo? Susuotin ko na ito lagi?"
"HAHAHAHA. Palabiro ka"
AWKWARD
"Tara, kumain tayo. Libre ko. Sino gustong sumakay jay Bob the Builder"
Pumatok sa mga Bata ang 'da moves' ni Ian dahil mukhang alam niyang pakisamahan ito. Hindi naman inakala ni Lyan na bubuhatin niya ang dalawang bata.
Lyan thinks Ian is a good and jolly person. Hindi mo naman maitatanggi na may hitsura din ito. Typical na tipo lamang ng isang lalakeng hindi masyadong kaputian hindi rin gaanong maporma.
Nang makarating sila sa isang Stall ng kainan sa FoodPark ay nakita ni Lyan ang isang long table kung saan din naka upo ang mga workers ni Ian.
"Dito nalang tayo sa kabila. Prinsepe at Prinsesa pa naman ang kasama natin" kumindat pa ito.
"Mukhang masiyahin din po ang mga workers niyo kaya masiyahin din po kayo" Napasulyap si Lyan sa kabilang lamesa, dahil sinesenyasan nila si Ian.
"Oo naman. Pareparehas din naman kaming Karpintero eh. Kaibahan nga lang ay graduate ako. Pero ang skills namin halos pareparehas lang. Minsan mas magaling pa nga sila kaysa sa akin eh"
"Wow naman. Iyong ibang Engr. na kilala ko sobrang gahaman sa pera at madamot sa trabahador. Katwiran nkla ay sila ang Engr. "
"Tama ka diyan. Kaya naman mayaman ang ibang Engr. Kase madami silang kickback. But I don't do that. "
Dumating ang isang waiter at naglapag ng menu sa table nila.
"Kay Chase siguro, kukupit ako. Mayaman naman iyan eh" Napatakip si Lyan sa kanyang bibig at kamuntikan na niyang maibuga ang tubig na ininom niya.
"Diba? Okay lang ba na kukupit si Kuya Ian kay Daddy niyo?" Tumango tango naman ang dalawang bata.
"Oh see? Witness ka ah. Pag na-audit ako ni Chase, sabihin mo pumayag naman ang succesors niya."
Ian's humor never failed to amaze Lyan. Hindi lang pala siya edukado, gwapo at mabait. Mayroon ding siyang natatanging taglay na maaring hahanap hanapin ng isang babae.
"Ayos, Sir Ian!" Nakipag-apir ang ilan sa kanyang mga trabahador nang dumaan sila sa table nila.
**
Nag-paalam na rin si Ian nang makatapos silang kumain dahil kailangan na nilang bumalik sa Site. Dahil punong-puno pa ng energy ang kambal ay sinamahan niya muna ang mga ito na mag-libot libotbsa lugar. Mag-didilim na rin nang makabalik sila mismo sa may malapit sa opisina ni Chase.
Lyan's eyes caught the 'Tunnel of lights' na kamakailan lang ay binuksan nila dahil nalalapit na ang araw ng pasko.
"Wow.." Katulad ng mga bata ay hindi napigilan ni Lyan ang mamangha sa mga ilaw.
It's so beautiful that it's like it's tempting you to stare.
When she almost reach the middle of the tunnel he saw a man standing there, bearing almost the same expression she had.
"How's your Day?" he asked.
"Masaya. Ibang klase pala talaga ang Gilberts. Sabagay, isa siya sa Main Cities sa San Vidad. Napakalaki ang pinagkaiba ng lugar na ito sa Lugar namin."
"I'm glad that you are having a good time.. kahit na mahirap alagaan ang kambal" Napasulyap naman ito sa dalawang bata na nakatingala sa itaas.
"Mas mahirap po ang ginagawa ninyo." napangiti naman si Lyan. "Imagine kung gaano kalaki ang negosyo ninyo, Ibig sabihin ay marami ring kayong empleyado. Bawat empleyado ay may pamilya. Parang nakasalalay na rin po sainyo ang kabuhayan nila. "
Chase responded with a simple laugh.
"Naisip mo pa iyon? Ni hindi ko iyan iniisip."
Nagulat naman si Lyan nang bigla siyang tignan ni Chase mula ulo hangang paa "Style mo talaga ang magpalda ng hanggang tuhod?"
"Nanay, Nanay ba, Sir?" saad naman nito habang tinitignan ang kanyang sarili.
"Tabi! Tabi!"
Nagulat na lamang si Lyan nang bigla siyang hinatak ni Chase palapit sa kanya nang may makita siyang batang nakasakay sa Bike at mukhang hindi niya alam i-galaw ng maigi ang manibela nito.
Napakapit naman si Lyan sa coat ni Chase nang kamuntikan itong matumba dahil sa biglaang paghatak nito sa kanya.
Mabuti na lamang at nasa Gilid ang mga bata at abala sa pagmasid sa mga Lights na hugis halaman.
"Are you okay?"
Mistulang nabingi si Lyan nang mag-salita si Chase. Para siyang nakarinig ng malakas na tambol.
"Ah.. Opo.." nauutal nitong saad nang maka kalas siya kay Chase.
"Let's Go home.. tawagin mo na ang mga bata.."
**
You can't chase the ace"Kinompirma ng Philippine Pageant Association na ang final list ng Candidates para sa gaganaping pegeant na Miss Philippines"Habang abala si Chase sa pag-pipirma ng mga dokumentong natambak sa kanyang lamesa ng mga araw na nasa Ilocos sila ay pansin niyang nakatutok lamang sa TV si Kim."Hana is not on the final set" Narinig naman ni Chase na sabi ni Kim. Hindi ito pinansin ni Chase at tuluyan na lamang niyang tinapos ang mga papeles sa kanyang table. When he was done he arranged all of it. Namataan naman niyang si Kim na abala pa rin sa kanyang cellphone."Ano ang tinututukan mo diyan at kanina ka pa parang hindi mapakali" Napatanong naman si Chase."Hindi maganda ang feedback ng mga tao sa San Vidad dahil hindi kas
The Other KnightNagising si Lyan dahil sa sinag ng araw mula sa kanyang bintana. Kakaiba ang pag-sikat ng araw dito, Sobrang maliwanag. Mabilis lamang niya inihanda ang kanyang sarili. Naligo lamang siya at nagsuot ng polo blouse at naka palda hanggang tuhod. Naalala niyang ngayon ang kanilang huling araw at nakatakda na mag-tutungo sila ng Vigan ngayon.Nang lumabas siya ay napansin niyang tahimik ang Resort, kaya naman dumiretso kaagad siya sa Front Desk.“Miss Nasaan po sila Sir Chase?” Tanong naman nito.“Ay! Oo nga pala, Nauna na po sila kasama ang kambal at si Miss Hana. Hinatid mo sila ni Sir Kim. May katagpo daw si Sir Chase at hinahabol niya po iyon. Pero may susundo daw po sa inyo.”Napatingin naman si Lyan sa may entrance dahil mayroong Puting Kotse na tumigil doon. Inilu
Take me, I’ll FollowThere is no time to rest. Ang mga limitadong panahon na nandito sila sa Ilocos ay nararapat lamang na igugol nila ito sa pag-lilibot buong province. The team went to visit the famous Sunflower field in Piddig Ilocos Norte. Patok ito sa mga bata dahil sa napakatingkad na kulay ng naglalakihang sunflower. Naging tourist destination din ito kamaikailan at nagtrending sa mga netizens ang iba’t ibang photography na kanilang pinopost sa pagbisita nila dito. It’s very wide and the place is almost covered by the beautiful sunflower.Walang tigil ang pag-kuha ni Lyan ng mga litrato ng mga bata. Game na game naman ang mga ito na mag-pose. Hinanda din niya ang outfit ng mga bata. Both of them are wearing floral clothes. Paghahanda na din ito para sa party ni Hana.“Hey.” Napalingon
A Sunset Confession“So we must part ways in here” Inagaw naman ni Chase ang bag na hawak hawak ni Ian na pagmamay-ari ni Lyan.Isang oras din ang inabot nila bago sila makarating dito sa Airport ng Gabu sa Ilocos Norte. The style of the airport is much more different from the airport they departed. Hindi mo masyadong pag-iisipang airport ang isang ‘to dahil ang mga pader at ibang buildings ay gawa pa rin sa Brick na mukhang disensyo pa noong panahon ng mga espanyol. But it’s still refreshing to look at it, it is an ancient beauty.“Saan ba kayo naka check-in?” Napatanong naman si Ian.“Sa Currimao yata iyon?” Bago pa man mapigilan ni Chase si Lyan ay nakasagot na ito kaagad sa kanya.“Saan ba doon? Doon din kase ako.” Lumawak naman ang ngiti ni Ian.“Sa Kadillian ba ‘yon Sir?
The Better OneIkinagulat ni Lyan ang biglaang pagdating ni Hana sa School ng mga bata. It was supposed to be their Lunch Break dahil mid-session ang klase ng mga bata. Nakaupo lamang sila Lyan sa VIP Room na nakasareserba sa mga bata habang pinagmamasdan si Hana kausap ang isang babaeng may hawak na camera. Mayroon din siyang kasamang stylist na kasalukuyang inaayosan siya ngayon."Just sit back and relax. I'll eat with them" bigla namang nagsalita si Hana, ang sinabi naman niyang ito ay walang iba kung hindi para kay Lyan."It has been so long since I updated on my page. People keep asking me to update them of my life after ko maipasa ang title sa iba. I'm still a public figure so I must do this" pagpapaliwanag naman nito."And since everyone should know that I am Chase's soon-to-be wife, Nararapat lamang na magkaroon ako ng bo
Distance is a must! "Ate Lyan!" Nagulantang naman si Lyan mang marinig niya ang biglaang pag-lakas ng boses ni Jana. Ngayon niya lamang napagtanto na kanin pa siya tinatawag ng bata.Kasalukuyan niyang binabantayan ang mga bata sa kanilang almusal. Today is their free day.And for today's breakfast is Champorado with tuyo flakes!Bagong flavor ang sumalubong sa umaga ng mga bata. Dahil sa pinaghalong tamis at alat na hahanap-hanapin mo umulan man o tirik ang araw."Why? Punasan na nga muna natin ang mg bibig ninyo" Kumuha naman si Lyan ng tissue para maalis ang namuong chocolates sa mga bibig ng mga bata."I want to go out pero I don't know where to go" Nakabusangot naman ang mukha ni Jana."Hmmm. Saan nga ba tayo pwede pumunta? At hindi naman tayo pwedeng umalis nang hindi nag-papaalam sa Daddy ninyo""Ate Lyan