Share

Chapter 2

Author: Maria Elena
last update publish date: 2020-07-28 16:14:59

My workplace is a paradise

Tumigil si Lyan sa isang bintana ng isang kotse upang tignan ang kanyang sarili. Inilugay nito ang buhok hanggang sa kanyang baywang. Naglagay siya ng konting pulbo at lipstick. Inayos din nito ang kanyang coat at skirt.  

"Kaya yan!" She cheered up. 

Mga ilang hakbang nalang ang kanyang inaksaya bago ito nakarating sa eksaktong adresss na ibinigay sa kanya. Nang sinubukan niyang magdoorbell sa isang malaking Gate ay nagulat siya at napaatras nang bigla bigla itong bumukas. 

May matandang babae na nagaabang sakanya sa loob .Ngunit saglit siyang napako sa kinatatayuan.

"This Way Maam. I'll drive you to the house" Alok naman sa kanya ng isang lalakeng naka suot ng black suit. Mga tipong Men in Black

Nag pinagbuksan pa siya ng pintoan sa kotse ay wala siyang magawa kundi sumama.

Wala ata sa katinuang sumakay siya sa loob ng kotse. Binuhat ng ibang body guard ang kanyang mga bagahe.

Nanlaki ang mga mata nito nang dumungaw siya sa bintana at may isang kotse pang nakasunod sa kanila.

Parang yung mga nasa drama na. Parang kinidnap yata siya ng isnag sindikato at bakit parang ang dami naman yatang body guards na nakasunod sa kanya?

Napansin niya  ang dinadaanan nila. Parang subdivision sa loob with a twist of paradise. May nakikita siyang ilang mga bahay na pagkalakilaki. Parang palasyo. Lahat ay may kanya kanyang kagandahan ng design. May isang bahay na lubos niyang kinamanghaan dahil gawa ang buong bahay ng Glass windows. Ang isa naman ay mula Brick at parang castle 

Lalo pang pinapaganda ang buong lugar ng mga Pine Trees. Para kang nasa Baguio. Medyo pataas ang dinadaanan nila at para bang nasa ibang bansa siya. Dahil mula disensyo at ang kabuan ng lugar ay may pagkahawig sa mga bahay at lugar sa Abroad.

"Ah, Pwede po bang magtanong?" Kinalabit niya ang matandang sumalubong sa kanya kanina

"Opo. Ano iyon ija?" 

"Saan po ang bahay nito, Sa pagkakaalam ko tama naman po ako ng pinuntahan eh." Ang sabi naman ni Lianne at iniabot ang isang papel kung saan niya isinulat ang address na ibinigay sa kanya ng Agency

"Ah. Ito ang bahay ni Mr. Buenavista." 

Napakunot naman ang noo nito sa sagot ng Matanda.

"Saan po sa mga ito?" 

"Lahat ito ay pagmamayari ni Mr. Buenavista"

"Po!!!" Hindi niya napigilan mapalakas ang boses niya. Ibinalik kaagad niya ang mga tingin niya sa mga bahay!

Napansin niyang Nagulat din ang mga kasamahan niya sa loob ng Kotse.

Mas Malaki pa yata ang sukat ng buong lugar na ito kaysa sa barangay nila.

"Ah.. Pasensya na po. Nagulat lang po ako..." 

"Ang buong lupang ito, mula pag apak mo sa gate ay pagmamay ari ni Mr. Buenavista" sabi ng Body guard na nakaupo sa front seat.

Iniikot niya ang mata sa buong paligid, Yung tipong kailangan mo pang sumakay para lang makapunta ka sa bahay niya. Iyon ang hindi niya kayang paniwalaan. Her eyes are enjoying such a beautiful view.

"Gaano ba siya kayaman? Ang dami niyang bahay tapos pagkalakilaki pa. Kailangan mo pang sumakay para makapunta sa bahay niya. Ano ba naman yan." 

"Magsabi ka ng mga taong mayayaman na kilala mo." Biglang sabi ng driver

Napasip naman saglit si Lyan

"Si Albert Montenegro yung may ari ng Airport dito sa Gilberts. Si Henry Davinsy! Oo tama" 

"Kung kaya ni Mr. Montenegro ang magpatayo ng Airport dito sa Gilberts, Kayang kaya ni Mr. Buenavista ang magpatayo ng Airport sa mas marami pang lugar" 

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ng Driver.

"And Henry Davinsy? Yung may ari ng sikat na Mall sa Guanzons? Mr. Buenavista owns RosaKing. One of the most popular mall in Italy. Soon RosaKing will expand here in Gilberts. Tiyak na matatalo ang existing Malls ngayon dito 

Para nang nalaglag ang laman loob niya. May mga tao na ganon pala kayaman? His houses are a thing. But yeah, thats just a thing. Wala pa rito ang ibang business na pag mamay ari nila.

Baka naman gawa na sag into pati toile bowl ng taong ito?

"We're Here Ma'am" 

Tumigil sila sa harap ng isang bahay na kung ikukumpara mo sa mga nadaanan nilang bahay ay ito yata ang pinaka Malaki

She is like facing a real royal castle. May mga gwardya na sa paligid. May mga maid at butler siyang nakita na nakaabang sa kanya.

Parang Fairytale! Mukhang Big Time ang trabahong napasok niya!

Ang ibang bahay ay para sa mga bisita. This Mr. Buenavistas house. 

"Bahay ba ito? Parang Musuem eh!" 

"Tara na po sa loob..." 

Parang siyang baliw na hindi mapakali. Hindi matigl tigil ang mata nito sa pagsuri ng buong bahay. Parang Prinsipe ata ay may ari nito. May malaking fountain sa harapan nito. At aakyat ka ng ilang baitang upang makapasok sa front door. 

Sinalubong siya ng ilang mga katulong na parepareho ang damit. 

Maraming mamahaling dekorasyon ang bahay na kapag masira ay baka kulang pa ang sweldo niya sa limang taon ang bayad. 

Napatingala kami sa isang lalakeng pababa ng hagdan. Napakaayos ng porma. Parang men in black din ang isang ito. Medyo maamo ang mukha at hindi mo naman pwedeng itanggi na may kagwapuhan ang isang ito.

“You're Ms. Guevarra right?" agad nitong tanong nang makababa siya

"Ah Opo.." Napatango tango lamang si Lyan habang pinapakalma niya ang buong sistema niya.

"Nice to meet you. I'm Secretary Kim. Mag-usap muna tayo sa office

Sumunod si Lyan kay Secretary Kim sa silid na nasa ibaba. Mukhang dito ang office ng sekretaryang ito. Inilibot niya ang mga mata niya sa buong silid

Mas Malaki pa yata ang office niya kaysa sa bahay nila.

"I just want to discuss some things that you should know before you start." 

"Unang una sa lahat, Do not underestimate the Twins. May pagka pilyo ang mga bata at walang nakakatiis mag-alaga sa kanila.  Ang trabaho mo lang ay alagaan sila, bantayan, at ihatid sa school. My boss is generous enough to give you a first pay"

Napatingin si Lyan sa isang envelope na iniurong ng lalake sa kanya. Nang binuksan niya ang sobre ay nanlaki ang mga mata nito,

Jusko po!

Tumataginting lang naman na fifty thousand pesos ang nakita niya sa deposit slip na naglalaman ng sobre

"First pay palang yan, That is not counted as your first monthly salary. If you stay and be their Nanny. My boss will raise your salary too- "

"Ay. Tss wala pong problema. May Patience po ako. Pagtitiisan ko po sila. Bata lang naman po sila eh" Nagulat si Secretary Kim nang biglang hawakan ni Lyan ang mga kamay niya habang nagsasalita pa ito.

"Okay, The kids are in their room. Ihanda mo na sila dahil papasok sila ngayon. Goodluck" 

This just being a Nanny. Expert na siya dito at kayang kaya na niyang mag alaga ng mga bata.

This time, kailangan hindi na siya masesante!

Umakyat siya sa hagdanan at tinitignan kung saan ang kwarto ng kambal. Marami ang kwarto ngunit sa mga dinaanan niya ay wala namang tao. 

Naisip niyang buksan ang doble door na silid. Maingat niyang pinihit ang pintuan. 

Pagkalaking Kwarto ang tumambad sa kanya. Nakita niya agad ang isang malaking TV at malaking bintana. From here you could see the garden from the outside.

"Mabuti nalang at nagpunta ka dito I was about to callyou--" 

"Jusmiyo Santisima Purgatoryo Nanay ko!!!" 

Napasigaw kaagad si Lyan at napatakip sa mata!

Hindi naman niya inaasahang makikita ang isang lalakeng nakapants lamang at walang suot na pang itaas!

"Jusko! Pasensya na po mali po ako  ng kwartong pinasukan! Sorry po!" Ingat na ingat siyang nagtungo sa pintuan ngunit sa hindi niya lubos inaasahan ang pag higit sa kanya ng lalakeng iyon.

"Who are you?" 

Nakapikit siya na humarap sa lalake

"Ah. Bago pong Nanny..." Somehow he loosen up his grip and he  immediately put on some clothes

"The room is the next to this one." Ani naman ni Chase

"Ah.. Opo sige po.." 

"Wait me downstairs. Maguusap tayo.." Bago pa man tuloyang makalabas si Lyan ay nagsalita ulit ito.

Nang makalabas siya ay para siyang nagiinit. Napakawah siya sa mga pisngi niyang pulang pula na

"Grabe, Anong nilalang iyon? Bakit ganun kagwapo?" 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Boss and his Twins   Chapter 40

    You can't chase the ace"Kinompirma ng Philippine Pageant Association na ang final list ng Candidates para sa gaganaping pegeant na Miss Philippines"Habang abala si Chase sa pag-pipirma ng mga dokumentong natambak sa kanyang lamesa ng mga araw na nasa Ilocos sila ay pansin niyang nakatutok lamang sa TV si Kim."Hana is not on the final set" Narinig naman ni Chase na sabi ni Kim. Hindi ito pinansin ni Chase at tuluyan na lamang niyang tinapos ang mga papeles sa kanyang table. When he was done he arranged all of it. Namataan naman niyang si Kim na abala pa rin sa kanyang cellphone."Ano ang tinututukan mo diyan at kanina ka pa parang hindi mapakali" Napatanong naman si Chase."Hindi maganda ang feedback ng mga tao sa San Vidad dahil hindi kas

  • The Boss and his Twins   Chapter 39

    The Other KnightNagising si Lyan dahil sa sinag ng araw mula sa kanyang bintana. Kakaiba ang pag-sikat ng araw dito, Sobrang maliwanag. Mabilis lamang niya inihanda ang kanyang sarili. Naligo lamang siya at nagsuot ng polo blouse at naka palda hanggang tuhod. Naalala niyang ngayon ang kanilang huling araw at nakatakda na mag-tutungo sila ng Vigan ngayon.Nang lumabas siya ay napansin niyang tahimik ang Resort, kaya naman dumiretso kaagad siya sa Front Desk.“Miss Nasaan po sila Sir Chase?” Tanong naman nito.“Ay! Oo nga pala, Nauna na po sila kasama ang kambal at si Miss Hana. Hinatid mo sila ni Sir Kim. May katagpo daw si Sir Chase at hinahabol niya po iyon. Pero may susundo daw po sa inyo.”Napatingin naman si Lyan sa may entrance dahil mayroong Puting Kotse na tumigil doon. Inilu

  • The Boss and his Twins   Chapter 38

    Take me, I’ll FollowThere is no time to rest. Ang mga limitadong panahon na nandito sila sa Ilocos ay nararapat lamang na igugol nila ito sa pag-lilibot buong province. The team went to visit the famous Sunflower field in Piddig Ilocos Norte. Patok ito sa mga bata dahil sa napakatingkad na kulay ng naglalakihang sunflower. Naging tourist destination din ito kamaikailan at nagtrending sa mga netizens ang iba’t ibang photography na kanilang pinopost sa pagbisita nila dito. It’s very wide and the place is almost covered by the beautiful sunflower.Walang tigil ang pag-kuha ni Lyan ng mga litrato ng mga bata. Game na game naman ang mga ito na mag-pose. Hinanda din niya ang outfit ng mga bata. Both of them are wearing floral clothes. Paghahanda na din ito para sa party ni Hana.“Hey.” Napalingon

  • The Boss and his Twins   Chapter 37

    A Sunset Confession“So we must part ways in here” Inagaw naman ni Chase ang bag na hawak hawak ni Ian na pagmamay-ari ni Lyan.Isang oras din ang inabot nila bago sila makarating dito sa Airport ng Gabu sa Ilocos Norte. The style of the airport is much more different from the airport they departed. Hindi mo masyadong pag-iisipang airport ang isang ‘to dahil ang mga pader at ibang buildings ay gawa pa rin sa Brick na mukhang disensyo pa noong panahon ng mga espanyol. But it’s still refreshing to look at it, it is an ancient beauty.“Saan ba kayo naka check-in?” Napatanong naman si Ian.“Sa Currimao yata iyon?” Bago pa man mapigilan ni Chase si Lyan ay nakasagot na ito kaagad sa kanya.“Saan ba doon? Doon din kase ako.” Lumawak naman ang ngiti ni Ian.“Sa Kadillian ba ‘yon Sir?

  • The Boss and his Twins   Chapter 36

    The Better OneIkinagulat ni Lyan ang biglaang pagdating ni Hana sa School ng mga bata. It was supposed to be their Lunch Break dahil mid-session ang klase ng mga bata. Nakaupo lamang sila Lyan sa VIP Room na nakasareserba sa mga bata habang pinagmamasdan si Hana kausap ang isang babaeng may hawak na camera. Mayroon din siyang kasamang stylist na kasalukuyang inaayosan siya ngayon."Just sit back and relax. I'll eat with them" bigla namang nagsalita si Hana, ang sinabi naman niyang ito ay walang iba kung hindi para kay Lyan."It has been so long since I updated on my page. People keep asking me to update them of my life after ko maipasa ang title sa iba. I'm still a public figure so I must do this" pagpapaliwanag naman nito."And since everyone should know that I am Chase's soon-to-be wife, Nararapat lamang na magkaroon ako ng bo

  • The Boss and his Twins   Chapter 35

    Distance is a must! "Ate Lyan!" Nagulantang naman si Lyan mang marinig niya ang biglaang pag-lakas ng boses ni Jana. Ngayon niya lamang napagtanto na kanin pa siya tinatawag ng bata.Kasalukuyan niyang binabantayan ang mga bata sa kanilang almusal. Today is their free day.And for today's breakfast is Champorado with tuyo flakes!Bagong flavor ang sumalubong sa umaga ng mga bata. Dahil sa pinaghalong tamis at alat na hahanap-hanapin mo umulan man o tirik ang araw."Why? Punasan na nga muna natin ang mg bibig ninyo" Kumuha naman si Lyan ng tissue para maalis ang namuong chocolates sa mga bibig ng mga bata."I want to go out pero I don't know where to go" Nakabusangot naman ang mukha ni Jana."Hmmm. Saan nga ba tayo pwede pumunta? At hindi naman tayo pwedeng umalis nang hindi nag-papaalam sa Daddy ninyo""Ate Lyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status