Mag-log inCHAPTER 1
"Bestieeeee!" Napalingon ako dahil sa matinis na boses ni Riley, ang nag-iisa kong bestfriend.
Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko.
Kasalukuyan akong nakaupo isa sa mga bench sa hall way. Abala sa pag babasa ng reviewer ko sa Bioethics subject dahil may pre-test kami mamaya.
"Bakit parang hinahabol ka naman ng zombie kung makatakbo ka? Ano bang meron?" Tanong ko nang makalapit ito sa akin.
Ngumisi ito sa'kin kahit na hinihingal pa.
"Alam mo na ba ang balita?" Nag taas baba pa ito ng kilay.
Kumunot ang noo ko.
"Hindi pa. Hindi mo pa sinasabi, eh." Pambabara ko kaya naman napairap na lang siya sa akin.
"Tss. Ito na nga, girl! Ikaw ang napili bilang panlaban ng department nyo sa Mr. and Ms. St. Lauren University!" Excited nitong sabi, dahilan kung bakit nalaglag ang panga ko sa lupa.
What the heck? Seryoso ba? Baka naman prank 'to.
"Ako?" Hindi makapaniwalang tinuro ko pa ang sarili ko.
"Oo nga! Di makapaniwala?" Natatawang sagot nito.
Ang sarap batukan. Masyadong happy. Kakainis.
"Eh bakit mas nauna ka pang nakaalam kesa sa'kin? Eh, taga Engineering department ka." Pinanliitan ko siya ng mata. "Niloloko mo ba ako?" Mapanghinala ko siyang tinignan.
"Uy, hindi ah! Tingin-tingin din kasi ng announcement sa bulletin board ng SSC. Jusko, bestie. Yung mukhang 'to? Lolokohin ka? Aba, masyado ka yatang judgemental." Tinuro pa nito ang sarili at umiling.
Damn! Bakit ako?
Ngali-ngali kong iniligpit ang reviewer na hawak ko at ipinasok sa bag bago ako tumayo.
"Oh, saan ka pupunta?" Usisa ni Riley.
"Sa office ng dean namin. Magrereklamo ako. Hindi naman ako nagpanominate kaya bakit ako? Naka singhot ba sila ng katol?" Lukot ang mukha kong tanong.
Ayoko talaga. Promise. Pang quiz bee lang ako. I mean, sa quiz bee lang ako sanay lumaban at hindi sa pageant! Jusko! Nababaliw na ba sila? Gusto ba nilang matalo ang College of Nursing?
Humarang naman siya sa akin.
"Girl, bakit naman hindi? Maganda ka naman. Maganda pati ang katawan, maputi, at may utak. Aba, kahit sino hindi na magtatanong kung bakit ikaw. Wag ka nang maarte. Bawal nang palitan 'yon. Alam mo 'yan." Aniya kaya bumagsak ang balikat ko.
Totoo naman. May point siya doon.
Once kasi na nai-post na, bawal nang baguhin' yon. Napabuntong hininga ako.
I never joined any pageant kasi wala akong pera para sa mga gano'n. Mahirap lang kami. Scholar nga lang ako sa mamahaling university na ito kaya't wala pa man ay namomroblema na ako kung saan ako kukuha ng pera pambili ng ganito, pang-rent ng ganyan para sa pageant.
Argh! Bwiset!
Malaman ko lang talaga kung sinong nag nominate sa'kin naku! Gigilitan ko ng leeg gamit ang scalpel.
"Anong iniisip mo?" Napabalik ako sa realidad nang magsalita ulit si Riley sa tabi ko.
"Iniisip ko kung paano gigilitan ang leeg ng nagnominate sa'kin." Napabuntong hininga ako.
Natawa naman siya..
"Ang brutal mo talaga!" Pinalo niya ako sa balikat.
Kita mo, sino kaya ang brutal sa aming dalawa?
Napairap ako.
"Yung dean nyo daw ang personal na pumili sa'yo. Gigilitan mo pa ba?" Natigilan ako sa sinabi niya at napabuntong hininga akong muli para kalmahin ang sarili.
“Kumain na lang tayo para mawala ‘yang init ng ulo mo. Tara sa canteen.” Hindi na ako nakapalag pa nang hilahin niya ako patungo sa direksyon ng main canteen.
Nang makarating kami roon ay halos pigilan ko ang sariling ismiran ang mga ka-batch at ka-department ko nang makita nila ako at i-congratulate.
Hindi ko talaga alam kung bakit hindi na lang magpa-pageant ang department namin ng per batch at ang mananalo mula doon ay ang dapat ilaban sa Mr. and Ms. St. Lauren. Bakit kailangang inominate pa at pagbotohan? Weird din minsan ng sistema nila sometimes.
Hanggang matapos ang lunch break ko ay hindi maipinta ang mukha ko. Tinawanan pa nga ako ni Riley bago siya umalis dahil mas maagang natapos ang break niya kesa sa akin.
“Naks! Congrats, Aya. Pinapatawag ka nga pala ni Dean sa office niya after class.” Ani Shiela, ang Student Nurses Association secretary na kaklase ko nang makarating ako sa room namin.
Simpleng tango lang ang isinagot ko sa kanya at tipid na ngiti. Wala ako sa mood kausapin ang mga kaklase ko. Umupo ako sa usual seat ko kahit wala naman kaming sitting arrangement at tahimik na nagreview hangga’t wala pa ang prof namin.
At dahil sanay naman sila sa akin na hindi pala-kibo sa klase kung hindi talaga kailangan ay wala nang kumulit pa sa akin hanggang sa mag-uwian. Dumiretso ako sa office ni Dean at hanggang sa matapos ang briefing niya sa akin ay tila nakalutang pa rin ako sa ere at hindi ma-process ang mga sinabi niya.
Napabuntong hininga ako bago naglakad palabas ng office niya. Pakiramdam ko ay pasan ko ang daigdig kahit pa ang pangalan lang ng department namin ang totoong pasan ko. Totoo nga ang sinabi ni Riley kanina. Sagot ng department ang lahat, but still I am not confident enough to represent our college department.
Anong alam ko sa pageants? Ni hindi nga ako sanay maglakad gamit ang sapatos na may takong.
Napagpasyahan ko munang pumunta sa hepa stand ni Mang Esteban sa labas ng main gate ng university. Hepa stand ang tawag namin sa fishball cart niya dahil puro tusok-tusok ang mga tinitinda niya.
Hindi naman siya na-ooffend kahit gano’n kung tawagin sa department namin ang maliit niyang negosyo. Well, nursing students, eh. Kahit naman alam naming source of hepa ang mga pagkaing nabibili sa gilid ng kalsada ay panay pa rin kami bili sa kanya.
Agad na ngumiti sa akin si Mang Estaban nang makita niya akong papalapit sa cart niya. As usual ay dinudumog na naman siya ng iba pang mga estudyante mula sa iba pang mga department para magmiryenda.
“Ang pogi talaga ni Mang Teban. Dinudumog.” Biro ko nang makalapit ako sa kanya.
Natawa naman ito at napailing.
“Ikaw talaga, Aya..” Aniya bago ako binigyan ng dispossable na plastic cup.
“Halagang twenty pesos po, ha?” Sabi ko naman bago iniabot sa kanya ang buo kong beste pesos.
Tumango naman siya bago inasikaso ang iba niya pang customer.
Naging close namin ni Riley si Mang Esteban noong first pa kami. Suki na niya kami magmula noon. Dito ang tambayan namin every after class at minsan ay tinutulungan namin siya kapag dinadagsa talaga siya ng maraming parokyano.
Tahimik akong kumuha ng barbeque stick at tumuhog ng paborito kong kikiam at vegetable balls. Nang makakuha na ako ng halagang bente pesos ay sumalok ako mula sa lalagyanan ni Mang Teban ng sauce.
Hindi ko pa man nailalagay sa cup ko ang sauce na nasa sandok ay may malakas na pwersang sumagi sa likod ko, dahilan upang matapon sa puti kong uniform ang sauce. Napasinghap ako at ang mga nakakita.
Maging si Mang Esteban ay napatigil sa pagbibigay ng cup sa customer niya.
Naiiling kong ibinalik ang sandok at nilingon ang sumagi sa akin at doon ko nakita ang isang matangkad na bulto ng lalaki sa likod ko. Nakasuot siya ng daily uniform ng university ngunit nakita ko ang ID lace niya na may nakasulat na business management.
Bago ko pa man siya singhalan ay nakita na niya ang sauce na natapon sa harapan ng uniform ko kaya naman agad siyang napasinghap.
“Sorry, miss. Hindi ko sinasadya.” Aniya sa baritonong boses bago nahihiyang napakamot sa kilay.
Sa simpleng gesture at boses niya ay marami sa mga katabi kong bababeng estudyante ang napasinghap at impit na napatili.
Paanong hindi, eh gwapo ang nakabangga sa akin pero hindi pa rin siya absuwelto dahil lang pogi siya. Mahirap ang maglaba ng puting uniform! At isa pa, masakit ang parteng natamaan niya sa likod ko.
“Hindi malilinis ng sorry mo ang uniform ko. Sa susunod ay tumingin ka sa paligid bago ka maglakad para wala kang nasasagi. Akala mo hindi ka malaking tao.” Pagsusungit ko sa kanya bago kinuha ang panyo mula sa bulsa ko bago umalis sa cart ni Mang Teban.
Rinig ko pa ang pagsinghap sa gulat ng mga naroon ngunit wala na akong pakialam.
“Miss, wait!” Sabi pa noong lalaki pero hindi ko siya pinansin.
Bakit parang ang malas ko yata sa araw na ‘to?
***
CHAPTER 4“Ayanella!” Nayayamot kong nilingon si Franco na ngayon ay tumatakbo na naman papunta sa direksyon ko.Agad na nahampas ni Riley ang braso ko habang impit siyang napatili sa tabi ko. Kasalukuyan kaming narito sa octagon bench na nakapalibot sa puno ng acacia.Parehas naming vacant ni Riley kaya napagpasyahan naming tumambay malapit sa field. Nakarating na rin sa kanya ang balita na ako ang kinukulit-kulit ni Franco. Kanina niya pa ako inaasar ngunit panay kibit balikat lang ang sinasagot ko sa kanya.“Ayan na si fafa Franco, bestie!” Kinikilig na sabi ni Riley sa tabi ko kaya inirapan ko siya.“Ma-issue ka rin ano? Para kang yung mga etchoserang froglets sa department namin.” Sagot ko sa kanya na ikinahagikgik niya.“Well, bagay naman kasi kayo kaya okay lang ‘yan. Ship ko kayo.” Sabi niya pa na ikinailing ko na lang.“Tse!” Saway ko.H
CHAPTER 3Mag-isa akong naglalakad sa corridors ng department building namin nang marinig ko ang chismisan ng isang kumpol ng sophomores sa gilid ng lockers.“Hindi ba siya yung nilalapitan ni Franco ng B.A.? Shet! Nakakainggit! Sana all.” Anang babaeng nakasalamin.Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa assuming ako or what, ha? Pero kasi ako lang naman yung dumaan malapit sa kanila. Ako ba yung topic nila?“Maganda naman kasi si ate girl, kaya hindi malabong mapansin siya ni Franco.” Ani pa ng isang babaeng nakasuot ng kulay pink na hoodie.Hindi ko napigilan ang lumapit sa kumpol nila nang hindi nila napapansin. Tignan na’tin kung anong magiging reaksyon nila.“Anong chika? Sali naman ako.” Sabi ko nang makalapit sa kanila.Nang sabay-sabay silang mapalingon sa akin ay para silang mga langgam na nagpulasan palayo sa kumpol.“H-hello po, ate.” Anang na
CHAPTER 2Maaga akong pumasok upang hindi maiwan ng service papunta sa duty. Six AM ang call time ngunit five-thirty pa lang ay nasa parking lot na ako ng department namin. Sandali ko munang iniwan ang duty bag ko sa loob ng van bago ako nagpaalam na lalabas muna sandali upang bumili ng kape sa convinience store sa tapat.Kailangan ko kasing magising dahil inaantok pa ako. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil tinapos ko pa ang pina-assignment sa aming case study kahapon na mamaya ipapasa sa duty sa aming clinical instructor.Pagkalabas ko ng gate ay agad akong tumawid papunta sa convinience store na nasa baba lang ng katapat na condominium building ng university. Dali-dali kong hinanap ang kapeng gusto ko at nanghingi ng paper cup sa cashier kasabay ng pagbabayad ko sa biniling instant coffee at maging ang charge kasama ang hot water.Saglit muna akong tumambay sa loob habang hinahalo ang kape. Hindi naman ako fan ng kape ngunit sim
CHAPTER 1"Bestieeeee!" Napalingon ako dahil sa matinis na boses ni Riley, ang nag-iisa kong bestfriend.Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko.Kasalukuyan akong nakaupo isa sa mga bench sa hall way. Abala sa pag babasa ng reviewer ko sa Bioethics subject dahil may pre-test kami mamaya."Bakit parang hinahabol ka naman ng zombie kung makatakbo ka? Ano bang meron?" Tanong ko nang makalapit ito sa akin.Ngumisi ito sa'kin kahit na hinihingal pa."Alam mo na ba ang balita?" Nag taas baba pa ito ng kilay.Kumunot ang noo ko."Hindi pa. Hindi mo pa sinasabi, eh." Pambabara ko kaya naman napairap na lang siya sa akin."Tss. Ito na nga, girl! Ikaw ang napili bilang panlaban ng department nyo sa Mr. and Ms. St. Lauren University!" Excited nitong sabi, dahilan kung bakit nalaglag ang panga ko sa lupa.What the heck? Seryoso ba? Baka naman prank 'to."Ako?" Hindi makapaniwalang tinuro ko pa ang sari
PROLOGUEAll her life, ang gusto niya lang ay mahalin siya ng ibang tao. She grew up with fucked up family and she's hoping that someday, someone's gonna make her feel loved and treasured unlike what she had experienced during her childhood days.Naging masalimuot ang buhay niya simula noong iwanan sila ng kanyang ama. Akala niya sa telesersye lang nagyayari ang mga gano'n but she's wrong. She had a perfect family— at least that was how she sees it but it wasn't perfect actually. The things she thought to be true are different from reality. All was just a facade to hide the flaws of her so-called family.Simula noon ay wala nang ginawa ang mama niya kung hindi ang lunurin ang sarili sa kakatrabaho.Hindi sila mayaman—walang magarang kumpanya o kahit ano. Sakto lang ang kinikita ng ina niya para sa kanilang dalawa kaya todo kayod ito sa pagtitinda ng ga kakainin at iba pang uri ng panghimagas sa pwesto nila sa palengke.