LOGINCHAPTER 2
Maaga akong pumasok upang hindi maiwan ng service papunta sa duty. Six AM ang call time ngunit five-thirty pa lang ay nasa parking lot na ako ng department namin. Sandali ko munang iniwan ang duty bag ko sa loob ng van bago ako nagpaalam na lalabas muna sandali upang bumili ng kape sa convinience store sa tapat.
Kailangan ko kasing magising dahil inaantok pa ako. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil tinapos ko pa ang pina-assignment sa aming case study kahapon na mamaya ipapasa sa duty sa aming clinical instructor.
Pagkalabas ko ng gate ay agad akong tumawid papunta sa convinience store na nasa baba lang ng katapat na condominium building ng university. Dali-dali kong hinanap ang kapeng gusto ko at nanghingi ng paper cup sa cashier kasabay ng pagbabayad ko sa biniling instant coffee at maging ang charge kasama ang hot water.
Saglit muna akong tumambay sa loob habang hinahalo ang kape. Hindi naman ako fan ng kape ngunit simula noong pumasok ako ng college ay naappreciate ko ang importansya ng cafeine sa sistema lalo na kung may pinaglalamayan kang school works.
Medyo inihipan ko pa ang baso ko nang lumamig ang kape para mainom ko na. Nasa gano’n akong posisyon nang may magsalita sa tabi ko.
“It’s you.” Anang baritong boses na pamilyar sa akin.
Upang makumpirma kung tama nga ang hinala ko ay tiningala ko ang matangkad na nasa tabi ko at hindi nga ako nagkamali. Siya nga yung lalaking nakasanggi sa akin noong isang araw sa cart ni Mang Teban.
Napailing ako at inirapan siya bago ibinalik sa baso ang atensyon ko. Hindi ko siya malilimutan dahil nagsugat-sugat ang kamay ko sa paglalaba ng uniform na natapunan ng sauce.
Blineach ko kasi para matanggal ang mantsa. Well, natanggal nga ngunit kamay ko namang bawal sa bleach ang nagsuffer.
“Ang sungit mo naman.” Rinig kong sabi niya pa bago kumuha ng cold coffee mula sa ref na medyo malapit lang sa kinatatayuan ko.
He’s wearing a black sweat shorts and white fitted dryfit shirt. Naka running shoes din siya na tila ba nanggaling siya sa pagjo-jogging dahil may nakasampay din na white towel sa balikat niya.
Bago pa man niya mahuling nakatingin ako ay itinigil ko na ang paghahalo ng kape sa baso ko. Paniguradong aware naman siya sa sarili niyang gwapo siya kaya’t lalaki ang ulo niyan pag nahuli niya akong nakatingin kahit hindi ko naman siya pinagnanasaan or what.
Akmang maglalakad na ako palabas nang bigla niya akong tawagin.
“Miss!” Aniya sa akin dahil imposible namang iba pa ang tawagin niyang miss.
Kami lang ang kasalukuyang costumer ng store at isa pa, lalaki ang cashier.
Tamad ko siyang nilingon at sakto namang naglalakad na siya papalapit sa akin.
“I am really sorry about what happened the other day. Hindi ko naman sinasadya. Naitulak lang din ako. Sorry talaga.” He apologized.
Medyo napaangat ang kilay ko. Okay?
“Let’s forget about that day.” Sagot ko bago muling humarap sa direksyon ng pinto ngunit ang makulit na kapreng pogi na ito ay muli na namang tumikhim.
“Sandali,” aniya kaya muli akong napalingon sa kanya at nagtaas ng kilay.
Oo nga’t pogi siya ngunit wala akong panahon sa mga tulad niya.
Saglit niyang tinignan ang name plate na nasa kaliwang dibdib ng uniform na suot ko bago naglahad ng kamay.
“I’m Franco. I hope I could treat you a meal, Ayanella. Pambawi sa uniform mong nadumihan.” Aniya kaya mas napataas ang kilay ko.
Lihim din akong napangiwi dahil ayokong tinatawag ang buo kong pangalan.
Sa totoo lang, ang hitsura niya ay mukhang hindi kumakain ng street foods kaya’t nagtataka ako kung bakit nasa likod ko siya noong nakaraang araw. Mula ulo hanggang paa ay branded at mamahalin ang suot niyang pangjogging kaya hindi ko rin ma-gets kung bakit siya nagsasayang ng oras bumawi kuno sa akin.
Tinignan ko muna ang kamay niya bago naglipat ng tingin sa kanyang mukha. Masyado siyang matangkad kaya’t nakatingala ako ngayon sa kanya. Hanggang balikat niya lang ako. Tinanggap ko ang kamay niya upang makipagkamay nang tantatanan na niya ang kaka-sandali niya sa akin.
“Franco,” panimula ko bago bumitaw sa kamay niya. “Ayos na ‘yon. Hindi mo na ako kailangang ilibre pa ng meal. May pambili naman ako. Pwede na ba akong umalis? May duty pa kasi ako.” Sabi ko bago siya tinalikuran.
Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa at nagdire-diretso na palabas ng store. Ang supposed five to ten minutes na pagbili ng kape ay naging twenty minutes, kasama na ang paglalakad doon.
Maligamgam na ang kape ko nang makarating ako sa van at naroon na rin ang iba sa mga ka-duty mates ko.
“Hello, Aya!” Bati sa akin ni Vincent.
“Hello sa inyo.” Sagot ko na pangkalahatan na bago sumampa sa upuan ko dahil bukas naman na ang pinto.
Tahimik kong ininom ang kape ko habang hinihintay ang iba pang wala.
Nang maubos ko iyon ay saglit akong lumabas para itapon ang paper cup sa malapit na basurahan. Pagbalik ko ay nagsalpak agad ako ng earphones upang hindi na nila ako kausapin pa.
Madalas talaga akong walang imik lalo na kapag kasama ko ang mga kaklase ko. Not that may issue kami or what. Hindi lang kasi talaga ako sanay magsalita ng magsalita kapag hindi ako gano’n ka-kumportable sa isang tao kaya madalas akong natatawag na snob o masungit.
I can’t blame them though. Tanging si Riley lang ang nakakausap ko ng matagal kahit pa mostly hindi naman ako relate sa mga pinagsasabi niya. Well, Riley was my classmate in senior high kaya naman close talaga kami. Magiging bestfriend ko ba siya kung hindi?
Maging sa bahay ay hindi rin ako pala-kibo pag hindi ako kinakausap. Madalang akong magstart ng conversation. Naaalala ko noong bata ako ay madaldal ako ngunit nagbago ang lahat nang iwanan kami ni papa.
Naging aloof ako sa tao. Maging ang loob ko sa mga kalaro kong lalaki o kung sino mang lalaki sa paligid ay lumayo rin. Kay Mang Teban lang yata ako matino makitungo bukod sa mga lalaking professors dahil sobrang bait niya naman kasi.
Hindi nagtagal ay dumating na rin ang mga duty mates naming hinihintay. Saktong six ay pinaandar na ng driver paalis ang van.
Nang makarating sa ospital ay agad kaming tinipon ng team leader namin para i-assign kung sino-sino ang magkakapair at kung kanino kaming body nurse sasama. Nang matapos ay doon lang kami lumapit sa assigned body nurses namin para makireceive ng endorsement.
Mabilis na lumipas ang walong oras at namalayan ko na lang na lulan na kaming muli ng van at kasalukuyan na itong papasok sa gate ng aming university. Pagkahinto ng van sa harapan ng department building namin ay agad kaming nagsibabaan.
“Bye guys!” Paalam ni Janelle sa amin kaya naman nagpaalam na rin ako sa kanilang lahat bago naglakad palabas ng campus.
Wala na kasi kaming klase pa pagkatapos ng duty at required din sa amin ang umuwi agad kung hindi naman namin kailangan mag-i-stay sa loob ng campus para sa mahalagang bagay. Though pwede naman ang kumain sa canteen after duty or sa labas, basta huwag lang tatambay o mag gagala sa mall, o sa kung saan man dahil pupwede kaming magkalat ng pathogens na mula sa ospital.
Saktong dadaan na ako sa gym na talagang madaraanan pag lumabas ng campus nang may tumawag sa pangalan ko.
“Ayanella!” Napakagat ako sa labi at napangiwi nang marinig ‘yon.
Sandali akong huminto upang lingunin ang talipandas na kapreng tumawag sa pangalan ko.
Nakangising pagmumukha ni Franco ang sumalubong sa akin. Hindi tulad kanina ay nakasuot na siya ngayon ng uniform habang nakasukbit sa balikat nito ang mamahaling backpack. May black strapped smart watch din itong nakasuot sa kaliwang palapulsuhan.
“Ano?” Taas kilay kong tanong sa kanya.
He jogged towards on my direction.
“Tara, miryenda tayo. Sakto, baka nagugutom ka.” Paanyaya niya.
At dahil hindi lang ako ang nakarinig no’n ay maging ang mga nasa malapit ay tulad kong napatingin sa kanya na tila ba hindi makapaniwala.
“Wala ka bang friends? Sila na lang yayain mo.” Sagot ko nang makabawi bago inayos ang pagkakasaukbit sa balikat ko ng Public Health Nursing bag ko.
Natawa lang siya at binaliwala ang pambabara ko.
“Sungit mo naman. We’re friends, right?” Anito na ikinaawang ng bibig ko.
Wala akong natatandaang nakipagkaibigan ako sa kanya. Sana okay lang siya.
“At kailan pa?” Muli ko siyang tinaasan ng kilay.
Well, siguro sa lahat ng scholar ay ako na yata ang pinaka ma-attitude. Hindi naman kasi ako yung tipikal na scholar na api-apihan. Sa mga teleserye lang gano’n. Sa totoong buhay, kahit nga may kaya ay nag-aapply pa rin ng scholarship o hindi kaya ay nag-di-dean’s lister para maka-menos sa bayarin sa tuition.
Pero siyempre, hindi ako kasali doon sa mga may kaya. Average lang kami. Nakakaraos pero minsan, kinakapos.
“Since this morning. Oh, come on! Let’s eat. Gutom na rin ako. Ngayon lang natapos ang klase namin. Hindi pa ako nagla-lunch.” Aniya bago ako akmang hahawakan ngunit agad akong umiwas.
Aware na aware naman akong pinagtitinginan kami ng mga tao kaya kahit hindi ako payag sa sinasabi niya ay um-oo na lang din ako.
“Mauna ka. Susundan na lang kita.” Sagot ko kaya’t may isang multong ngiti ang lumabas sa kanyang mga labi.
“Great! Let’s go.”
***
CHAPTER 4“Ayanella!” Nayayamot kong nilingon si Franco na ngayon ay tumatakbo na naman papunta sa direksyon ko.Agad na nahampas ni Riley ang braso ko habang impit siyang napatili sa tabi ko. Kasalukuyan kaming narito sa octagon bench na nakapalibot sa puno ng acacia.Parehas naming vacant ni Riley kaya napagpasyahan naming tumambay malapit sa field. Nakarating na rin sa kanya ang balita na ako ang kinukulit-kulit ni Franco. Kanina niya pa ako inaasar ngunit panay kibit balikat lang ang sinasagot ko sa kanya.“Ayan na si fafa Franco, bestie!” Kinikilig na sabi ni Riley sa tabi ko kaya inirapan ko siya.“Ma-issue ka rin ano? Para kang yung mga etchoserang froglets sa department namin.” Sagot ko sa kanya na ikinahagikgik niya.“Well, bagay naman kasi kayo kaya okay lang ‘yan. Ship ko kayo.” Sabi niya pa na ikinailing ko na lang.“Tse!” Saway ko.H
CHAPTER 3Mag-isa akong naglalakad sa corridors ng department building namin nang marinig ko ang chismisan ng isang kumpol ng sophomores sa gilid ng lockers.“Hindi ba siya yung nilalapitan ni Franco ng B.A.? Shet! Nakakainggit! Sana all.” Anang babaeng nakasalamin.Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa assuming ako or what, ha? Pero kasi ako lang naman yung dumaan malapit sa kanila. Ako ba yung topic nila?“Maganda naman kasi si ate girl, kaya hindi malabong mapansin siya ni Franco.” Ani pa ng isang babaeng nakasuot ng kulay pink na hoodie.Hindi ko napigilan ang lumapit sa kumpol nila nang hindi nila napapansin. Tignan na’tin kung anong magiging reaksyon nila.“Anong chika? Sali naman ako.” Sabi ko nang makalapit sa kanila.Nang sabay-sabay silang mapalingon sa akin ay para silang mga langgam na nagpulasan palayo sa kumpol.“H-hello po, ate.” Anang na
CHAPTER 2Maaga akong pumasok upang hindi maiwan ng service papunta sa duty. Six AM ang call time ngunit five-thirty pa lang ay nasa parking lot na ako ng department namin. Sandali ko munang iniwan ang duty bag ko sa loob ng van bago ako nagpaalam na lalabas muna sandali upang bumili ng kape sa convinience store sa tapat.Kailangan ko kasing magising dahil inaantok pa ako. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil tinapos ko pa ang pina-assignment sa aming case study kahapon na mamaya ipapasa sa duty sa aming clinical instructor.Pagkalabas ko ng gate ay agad akong tumawid papunta sa convinience store na nasa baba lang ng katapat na condominium building ng university. Dali-dali kong hinanap ang kapeng gusto ko at nanghingi ng paper cup sa cashier kasabay ng pagbabayad ko sa biniling instant coffee at maging ang charge kasama ang hot water.Saglit muna akong tumambay sa loob habang hinahalo ang kape. Hindi naman ako fan ng kape ngunit sim
CHAPTER 1"Bestieeeee!" Napalingon ako dahil sa matinis na boses ni Riley, ang nag-iisa kong bestfriend.Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko.Kasalukuyan akong nakaupo isa sa mga bench sa hall way. Abala sa pag babasa ng reviewer ko sa Bioethics subject dahil may pre-test kami mamaya."Bakit parang hinahabol ka naman ng zombie kung makatakbo ka? Ano bang meron?" Tanong ko nang makalapit ito sa akin.Ngumisi ito sa'kin kahit na hinihingal pa."Alam mo na ba ang balita?" Nag taas baba pa ito ng kilay.Kumunot ang noo ko."Hindi pa. Hindi mo pa sinasabi, eh." Pambabara ko kaya naman napairap na lang siya sa akin."Tss. Ito na nga, girl! Ikaw ang napili bilang panlaban ng department nyo sa Mr. and Ms. St. Lauren University!" Excited nitong sabi, dahilan kung bakit nalaglag ang panga ko sa lupa.What the heck? Seryoso ba? Baka naman prank 'to."Ako?" Hindi makapaniwalang tinuro ko pa ang sari
PROLOGUEAll her life, ang gusto niya lang ay mahalin siya ng ibang tao. She grew up with fucked up family and she's hoping that someday, someone's gonna make her feel loved and treasured unlike what she had experienced during her childhood days.Naging masalimuot ang buhay niya simula noong iwanan sila ng kanyang ama. Akala niya sa telesersye lang nagyayari ang mga gano'n but she's wrong. She had a perfect family— at least that was how she sees it but it wasn't perfect actually. The things she thought to be true are different from reality. All was just a facade to hide the flaws of her so-called family.Simula noon ay wala nang ginawa ang mama niya kung hindi ang lunurin ang sarili sa kakatrabaho.Hindi sila mayaman—walang magarang kumpanya o kahit ano. Sakto lang ang kinikita ng ina niya para sa kanilang dalawa kaya todo kayod ito sa pagtitinda ng ga kakainin at iba pang uri ng panghimagas sa pwesto nila sa palengke.