LOGINCHAPTER 4
“Ayanella!” Nayayamot kong nilingon si Franco na ngayon ay tumatakbo na naman papunta sa direksyon ko.
Agad na nahampas ni Riley ang braso ko habang impit siyang napatili sa tabi ko. Kasalukuyan kaming narito sa octagon bench na nakapalibot sa puno ng acacia.
Parehas naming vacant ni Riley kaya napagpasyahan naming tumambay malapit sa field. Nakarating na rin sa kanya ang balita na ako ang kinukulit-kulit ni Franco. Kanina niya pa ako inaasar ngunit panay kibit balikat lang ang sinasagot ko sa kanya.
“Ayan na si fafa Franco, bestie!” Kinikilig na sabi ni Riley sa tabi ko kaya inirapan ko siya.
“Ma-issue ka rin ano? Para kang yung mga etchoserang froglets sa department namin.” Sagot ko sa kanya na ikinahagikgik niya.
“Well, bagay naman kasi kayo kaya okay lang ‘yan. Ship ko kayo.” Sabi niya pa na ikinailing ko na lang.
“Tse!” Saway ko.
Hindi na siya nakasagot nang makalapit na ng tuluyan sa kinauupuan namin si Franco. Saglit muna siyang hindi nagsalita upang maghabol ng hininga ngunit ngumiti siya sa amin. Dahil doon ay naramdam ko ang pasimpleng pagkurot ni Riley sa tagiliran ko.
Damn. Ang babaeng ‘to talaga, mapanakit lalo na pag kinikilig.
“Hi, girls!” Bati sa amin ni Franco at ang loka-loka kong bestfriend ay agad namang sumagot.
“Hello, Franco. Ako nga pala si Riley. Bestfriend ako ni Aya.” Naglahad pa ng kamay si Riley na inabot naman ni Franco.
“Ikaw pala ang bestfriend na nakwento ni Ayanella. Hello sa’yo. Franco here, new friend ng bestfriend mo. I hope you won’t mind.” Pakilala at sagot din ni Franco.
Natawa naman si Riley bago binawi ang kamay niya mula sa kamay ni Franco.
“Sure! Sigurado kang friends ka lang ni Aya? Hindi mo siya popormahan?” Tanong niya pa na ikinalaki ng mga mata ko.
“Riley!” Saway ko sa kanya na ikinatawa lang ni Franco.
“Well, as you can see, masyadong reserved at matigas ang bestfriend mo. Kakaibiganin ko muna. Malay mo lumambot.” Makahulugang sagot ni Franco na impit na ikinatili ni Riley.
Nilingon ko si Franco na ngayon ay nakangisi na sa akin at pinaningkitan siya ng mga mata.
“Ang ibig mo bang sabihin ay type mo ang kaibigan ko?” Tanong muli ni Riley na tila kinikilig pa na mas lalong ikinalawak ng ngisi ni Franco.
Hinarap niya si Riley bago sinagot.
“Kaibigan na’tin. Friends na rin tayo, ha?” Palihis na sagot niya ngunit hindi pa rin iyon naging hadlang upang kiligin ng husto si Riley sa tabi ko.
“Sure!” Sagot ng bestie ko bago inayang umupo sa tabi namin si Franco.
Mabuti na lang at hindi sa akin tumabi si Franco dahil paniguradong uulanin kami ng tukso ni Riley. Napailing na lang ako bago inilabas ang mga reviewers ko.
“Ano nga palang dahilan bakit nagpunta ka rito?” Tanong ko kay Franco pagkatapos.
Maging siya ay naglabas din ng notes bago sumagot.
“Nakita kasi kita, saktong naghahanap ako ng matatambayan para magreview.” Aniya na ikinatango ko.
At least alam kong hindi niya ako kukulitin dahil magrereview din siya.
“Makapagreview nga rin. Nakakahiya naman sa inyo. Review session pa ‘to.” Sabat ni Riley na nasa pagitan namin ni Franco kaya napailing ako.
Natawa naman ang lalaki sa sinabi ng kaibigan.
“You’re funny.” Aniya na ikinatawa rin ni Riley.
“I know right!” Anang bestie ko.
“Buti nag-click kayo ni Ayanella. I mean, kasi tahimik siya at parang palaging seryoso sa buhay.” Sagot ni Franco.
“Since senior high magkaibigan na kami. Nasanay na ako sa kanya. Goal orriented kasi talaga ‘yang si Aya kaya may pagka-seryoso. Tsaka normal nang tahimik siya. Kapag nagsalita naman ‘yan hindi ka naman lugi dahil hindi naman siya tipid sumagot.” Pagkukwento ni Riley na tila wala ako sa tabi niya.
Napailing na lang ako sa bestie ko bago tumikhim.
“Kunwari wala ako rito.” Sabat ko na ikinatawa niya.
“Ay, nandiyan ka pala? Ang tahimik mo kasi.” Biro niya na ikinatawa nilang dalawa ni Franco.
Mulli akong napailing bago napabuntong hininga.
Ibinalik ko ang atensyon sa hawak kong reviewer at hinayaan na lang silang dalawa na maya-maya’y kapwa nanahimik na rin. Nang saglit ko silang lingunin ay nakita kong nagbabasa na rin sila ng kanya-kanyang notes at reviewer.
Mabuti naman dahil kailangan namin ang mag-aral ng seryoso at maigi para pumasa sa kanya-kanya naming mga quiz. Lahat ng course ay mahirap ngunit depende pa rin sa level of difficulty ‘yon at practice.
Sa department kasi namin ay uso ang pre-test and post test kaya required talaga ang mag-aral ng advance. Kila Riley naman ay madugo ang computations kaya kailangan niyang magkabisado ng formulas.
Ang kay Franco naman ay hindi ko masyadong alam ang practice ng sa kanila, gano’n pa man ay alam kong kailangan niya ring mag-aral ng matino. Kahit naman mukha siyang happy go lucky na tao ay naniniwala akong hindi niya ti-netake for granted ang course niya.
“Anong oras ang uwian nyo, Ayanella?” Napaangat ako ng tingin mula sa binabasa nang muling magsalita si Franco makalipas ang mahabang katahimikan.
“Bakit?” Pabalik kong tanong sa kanya.
“Ihahatid kita pauwi kung magkalapit lang yung oras uwian na’tin.” Sagot niya na ikinatigil ko.
“Ayie! Ehem! Dumadamoves!” Impit na pang-aasar ni Riley sa tabi ko ngunit hindi ko siya pinansin.
“No need. Kaya ko naman umuwi mag-isa.” Sabi ko bago ibinalik ang atensyon sa reviewer ko.
Sa higit isang linggo na palagi niya akong kinukulit ay ngayon lang siya nagpresintang ihatid ako. Hindi naman ako oblivious kung bakit niya ako kinukulit-kulit. May hinala akong may balak siyang magpalipad-hangin at pinatibay ‘yon ng naging sagot niya kanina kay Riley.
Sa totoo lang ay medyo tagilid ako sa kanya dahil sa mga naririnig kong babaero nga siya mula sa mga ka-department ko. Inoobserbahan ko lang kung totoo ba ang mga sabi-sabi na iyon. Tinitignan ko kung hanggang kailan siya magtatagal sa pangungulit niya.
At mukhang nagsisimula na siya sa pagdamoves na tulad ng sinasabi ni Riley.
“Okay. Pero pag nagbago ang isip mo, sabihin mo lang.” Ani Franco na tila ba hindi sineryoso ang pag-hindi ko sa kanya.
Napailing na lang ako. Hindi na niya kailangang malaman pa ang oras ng uwian ko dahil hindi rin naman ako uuwi agad. May meeting kami mamaya kasama ng pageant team ng department namin dahil kailangan daw nila akong ‘ihanda’ sa pageant na gaganapin may higit isang buwan na lang mula ngayon.
Lihim akong napabuntong hininga dahil mukhang ma-i-stress ako ng sobra sa mga susunod na araw. Idagdag pa si Franco sa stressors ko.
***
CHAPTER 4“Ayanella!” Nayayamot kong nilingon si Franco na ngayon ay tumatakbo na naman papunta sa direksyon ko.Agad na nahampas ni Riley ang braso ko habang impit siyang napatili sa tabi ko. Kasalukuyan kaming narito sa octagon bench na nakapalibot sa puno ng acacia.Parehas naming vacant ni Riley kaya napagpasyahan naming tumambay malapit sa field. Nakarating na rin sa kanya ang balita na ako ang kinukulit-kulit ni Franco. Kanina niya pa ako inaasar ngunit panay kibit balikat lang ang sinasagot ko sa kanya.“Ayan na si fafa Franco, bestie!” Kinikilig na sabi ni Riley sa tabi ko kaya inirapan ko siya.“Ma-issue ka rin ano? Para kang yung mga etchoserang froglets sa department namin.” Sagot ko sa kanya na ikinahagikgik niya.“Well, bagay naman kasi kayo kaya okay lang ‘yan. Ship ko kayo.” Sabi niya pa na ikinailing ko na lang.“Tse!” Saway ko.H
CHAPTER 3Mag-isa akong naglalakad sa corridors ng department building namin nang marinig ko ang chismisan ng isang kumpol ng sophomores sa gilid ng lockers.“Hindi ba siya yung nilalapitan ni Franco ng B.A.? Shet! Nakakainggit! Sana all.” Anang babaeng nakasalamin.Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa assuming ako or what, ha? Pero kasi ako lang naman yung dumaan malapit sa kanila. Ako ba yung topic nila?“Maganda naman kasi si ate girl, kaya hindi malabong mapansin siya ni Franco.” Ani pa ng isang babaeng nakasuot ng kulay pink na hoodie.Hindi ko napigilan ang lumapit sa kumpol nila nang hindi nila napapansin. Tignan na’tin kung anong magiging reaksyon nila.“Anong chika? Sali naman ako.” Sabi ko nang makalapit sa kanila.Nang sabay-sabay silang mapalingon sa akin ay para silang mga langgam na nagpulasan palayo sa kumpol.“H-hello po, ate.” Anang na
CHAPTER 2Maaga akong pumasok upang hindi maiwan ng service papunta sa duty. Six AM ang call time ngunit five-thirty pa lang ay nasa parking lot na ako ng department namin. Sandali ko munang iniwan ang duty bag ko sa loob ng van bago ako nagpaalam na lalabas muna sandali upang bumili ng kape sa convinience store sa tapat.Kailangan ko kasing magising dahil inaantok pa ako. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil tinapos ko pa ang pina-assignment sa aming case study kahapon na mamaya ipapasa sa duty sa aming clinical instructor.Pagkalabas ko ng gate ay agad akong tumawid papunta sa convinience store na nasa baba lang ng katapat na condominium building ng university. Dali-dali kong hinanap ang kapeng gusto ko at nanghingi ng paper cup sa cashier kasabay ng pagbabayad ko sa biniling instant coffee at maging ang charge kasama ang hot water.Saglit muna akong tumambay sa loob habang hinahalo ang kape. Hindi naman ako fan ng kape ngunit sim
CHAPTER 1"Bestieeeee!" Napalingon ako dahil sa matinis na boses ni Riley, ang nag-iisa kong bestfriend.Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko.Kasalukuyan akong nakaupo isa sa mga bench sa hall way. Abala sa pag babasa ng reviewer ko sa Bioethics subject dahil may pre-test kami mamaya."Bakit parang hinahabol ka naman ng zombie kung makatakbo ka? Ano bang meron?" Tanong ko nang makalapit ito sa akin.Ngumisi ito sa'kin kahit na hinihingal pa."Alam mo na ba ang balita?" Nag taas baba pa ito ng kilay.Kumunot ang noo ko."Hindi pa. Hindi mo pa sinasabi, eh." Pambabara ko kaya naman napairap na lang siya sa akin."Tss. Ito na nga, girl! Ikaw ang napili bilang panlaban ng department nyo sa Mr. and Ms. St. Lauren University!" Excited nitong sabi, dahilan kung bakit nalaglag ang panga ko sa lupa.What the heck? Seryoso ba? Baka naman prank 'to."Ako?" Hindi makapaniwalang tinuro ko pa ang sari
PROLOGUEAll her life, ang gusto niya lang ay mahalin siya ng ibang tao. She grew up with fucked up family and she's hoping that someday, someone's gonna make her feel loved and treasured unlike what she had experienced during her childhood days.Naging masalimuot ang buhay niya simula noong iwanan sila ng kanyang ama. Akala niya sa telesersye lang nagyayari ang mga gano'n but she's wrong. She had a perfect family— at least that was how she sees it but it wasn't perfect actually. The things she thought to be true are different from reality. All was just a facade to hide the flaws of her so-called family.Simula noon ay wala nang ginawa ang mama niya kung hindi ang lunurin ang sarili sa kakatrabaho.Hindi sila mayaman—walang magarang kumpanya o kahit ano. Sakto lang ang kinikita ng ina niya para sa kanilang dalawa kaya todo kayod ito sa pagtitinda ng ga kakainin at iba pang uri ng panghimagas sa pwesto nila sa palengke.