LOGINCHAPTER 3
Mag-isa akong naglalakad sa corridors ng department building namin nang marinig ko ang chismisan ng isang kumpol ng sophomores sa gilid ng lockers.
“Hindi ba siya yung nilalapitan ni Franco ng B.A.? Shet! Nakakainggit! Sana all.” Anang babaeng nakasalamin.
Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa assuming ako or what, ha? Pero kasi ako lang naman yung dumaan malapit sa kanila. Ako ba yung topic nila?
“Maganda naman kasi si ate girl, kaya hindi malabong mapansin siya ni Franco.” Ani pa ng isang babaeng nakasuot ng kulay pink na hoodie.
Hindi ko napigilan ang lumapit sa kumpol nila nang hindi nila napapansin. Tignan na’tin kung anong magiging reaksyon nila.
“Anong chika? Sali naman ako.” Sabi ko nang makalapit sa kanila.
Nang sabay-sabay silang mapalingon sa akin ay para silang mga langgam na nagpulasan palayo sa kumpol.
“H-hello po, ate.” Anang naka-brace sa kanilang babae.
Halatang kinabahan siya sa biglang pagsulpot ko. Nginitian ko silang lima bago ako tumikhim.
“Hi.” Bati ko sa kanila. “Next time, hinaan niyo ang pagchichikahan para hindi kayo nahuhuli, ha?” Sabi ko bago sila tinallikuran.
“Ikaw kasi. Ang ingay mo!” Rinig ko pang sabi noong isa kaya napailing na lang ako.
Kasasabi ko pa nga lang ‘wag nilang lakasan. Hay. These kids.
Hindi pa man ako nakakabawi sa stress na limang sophomores ay nakasalubong ko naman si Franco sa entrada ng building namin. Agad siyang ngumiti ng makita ako. He jogged towards my direction.
Yung totoo? Runner ba siya? Hilig tumakbo. Napairap na lang ako.
“Ikaw na naman?” Nakaismid kong tanong nang makalapit siya.
At dahil nga bibihira ang lalaki sa course namin ay parang mababali na ang mga leeg ng mga ka-department ko na nasa lobby sa kakalingon at kakasilip kay Franco. Bakit ba kasi ang gwapo ng ugok na ‘to? Nachichismis tuloy ako.
Ngumiti lang siyang lalo sa akin kaya napailing na lang ako nang marinig ang impit na tili ng ilang mga babae malapit sa akin.
Kung makangiti naman ‘tong maputing kapre na ‘to, akala niya ba ay natutuwa akong makita siya?
“Ano na namang kailangan mo? Busy ako.” Sabi ko bago siya nilagpasan.
Ang makulit na kapre ay sumunod pa. Lintek. Hindi ba siya nakakaintindi na busy nga ako? Kailangan kong magpunta ng allied health library para magsearch ng reference para sa reporting namin sa isang araw.
“Lunch tayo.” Paanyaya niya na naman kaya napabuntong hininga ako bago huminto sa paglalakad at hinarap siya.
“Wala ka ba talagang friends? Sila na lang yung ayain mo. Busy nga ako. Kung hindi ka pa aware, always busy ang mga students sa department namin. Kaya maghanap ka ng ibang kaibigan na pwede mong abalahin.” Sabi ko bago muli siyang nilagpasan.
Napabuntong hininga ako nang sa wakas ay hindi na siya sumunod sa akin. Marahil siguro ay napahiya. Sa hitsura niya ay mukhang siya yung tipo ng lalaki na hindi sanay tanggihan ng mga babae.
Well, can’t blame him dahil gwapo naman talaga siya pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapagbibigyan siya sa gusto niya.
Dumiretso ako sa allied health library at kaagad na nag-log in ng ID bago pumasok sa loob. Pumwesto ako sa pinakasulok na mesa at iniwan ang gamit ko roon tsaka ako nagpunta sa shelves upang hanapin ang librong kailangan ko.
Nang bumalik ako sa table ay binuklat ko ang libro sa pahina at topic na kailangan ko at pinicturan ang mga mahahalagang bagay related sa reporting namin bago ko muling ibinalik ang libro sa shelf.
Madali akong natapos dahil hinahabol ko rin ang alas dose. Magsasara kasi ang library ng twelve noon at magre-resume ng one in the afternoon. Lumabas na ako at akmang maglalakad ako patungo sa direksyon ng gate nang harangin na naman ako ni Franco.
Mabuti na lang at kakaunti na lang ang mga estudyanteng nasa paligid dahil karamihan sa kanila ay nasa canteen para mag lunch.
Nakangisi niyang inagaw ang bag ko mula sa akin kaya nalukot ang mukha ko.
“Ano ba? Give my bag back!” Mahinang singhal ko sa kanya upang hindi kami makatawag ng pansin ng iba.
“Alam mo, since nakilala kita palagi kitang nakikitang mag-isa. Sa ating dalawa, mukhang ikaw ang walang kaibigan kaya halika, sasamahan kitang mag-lunch.” Sabi niya na ikanalaki ng mga mata ko.
Napaka-imposibleng sumuko ng taong ito. At ngayon ay parang utang na loob ko pa sa kanya na sasabayan niya akong kumain kahit in the first place ay siya naman itong nag-aya.
“Alam mo rin, kaya kong kumain mag-isa. Tsaka may kaibigan ako pero hindi nagkakatagpo ang sechedule namin kaya pwede ba, lubayan mo ako.” Sagot ko sa kanya na ikinatawa niya lang.
“Hindi ko ibabalik ang bag mo hangga’t hindi ka nagla-lunch kasama ko.” Sabi niya na yamot na ikinabuntong hininga ko na lang.
Grabe talaga. Pakiramdam ko ay puputukan ako ng batok sa pagiging makulit niya.
“Fine! Salamat sa pangba-blackmail.” Sarkastikong sagot ko sa kanya.
“Nice! Wala nang bawian ‘yan, ha? Sa Shakey’s tayo para malapit lang.” Sabi niya bago ako inakbayaan.
Nanlaki ang mga mata ko. Bakit may kasamang akbay? Nakadrugs ba siya? Close ba kami?
I shrugged my shoulder for him to get the signal that I am not comfortable. Agad niya namang naunawaan iyon kaya naman kumalas din siya.
“Sorry.” Kamot kilay niyang sabi bago naglakad kasabay ko.
Nang makarating kami sa Shakey’s na halos katabi lang ng main gate ay agad siyang umorder mula sa menu na ibinnigay sa amin. Hinayaan ko na rin na siya ang umorder para sa akin dahil siya naman ang nag-aya.
Tahimik lang ako hanggang sa dumating ang mga inorder ni Franco. Napansin niya iyon kaya naman tumikhim siya pagkaalis ng waiter.
“Usually ba talaga ay tahimik ka lang?” Tanong niya habang kinukuha ang utensils niya.
“Talent ko siguro.” Kibit balikat na sagot ko.
Hindi na siya muli pang nagsalita na lihim kong ipinagpasalamat. Ngunit hindi naman nagtagal ang katahimikan sa pagitan naming dalawa dahil tumikhim din siya makalipas ang ilang sandali.
“So, I heard ikaw daw ang representative ng department nyo for Mr. and Ms. St. Lauren. Congrats in adavance. For sure, ikaw ang mananalo.” Aniya na ikinabuntong hininga ko.
“Thanks but I doubt that. Pageant is not my cup of tea.” Sagot ko sa kanya bago isinubo ang lasagna na nasa tinidor ko.
“Oh!” Napatangu-tango naman siya. “But still, I am rooting for you.” Aniya bago ngumiti ng malapad sa akin.
Tinapos ko muna ang nginunguya ko bago tumikhim.
“Alam mo, hindi ko alam kung bakit nag-aaksaya ka pa ng panahon sa akin. I mean, nakikita mo namang hindi gano’n ka-friendly ang palagi kong approach sa’yo.” Sabi ko sa kanya na ikinatanngo niyang muli.
“Pansin ko ngang hindi ka friendly. Aloof ka rin. Pero friends na tayo ngayon kaya sa ayaw at sa gusto mo, kukulitin kita ng kukulitin hanggang sa maging friendly ka na sa’kin.” Sagot niya na ikinaawang ng bibig ko.
Talagang unstoppable din siya ano?
“Actually, hindi ko naman sinabing friends na tayo. Ikaw lang ang nag-assume no’n. Kinakausap kita, yes. But it doesn’t mean that we’re friends.” Sagot ko rin sa kanya.
Ungrateful man tignan dahil nanlibre na nga siya ng lunch pero siya ang nag-insist no’n. Hindi ako humingi ng pabor sa kanya.
He exclaimed dramatically before putting his hand on his left chest.
“That’s ouch! Ang savage mo naman.” He said dramatically before laughing.
Napailing na lang ako dahil mukhang hindi niya sineryoso ang sinabi ko.
“Chill ka lang dapat, Ayanella. Masyado kang reserved. Kahit sabihin mong hindi mo ako friend, friend pa rin ang tingin ko sa’yo. You can still count on me, you know.” Naiiling niyang sabi na ikinabuntong hininga ko.
“Bahala ka nga. Ang kulit mo.” Naiiling din na sagot ko bago ko ipinagpatuloy ang pagkain.
***
CHAPTER 4“Ayanella!” Nayayamot kong nilingon si Franco na ngayon ay tumatakbo na naman papunta sa direksyon ko.Agad na nahampas ni Riley ang braso ko habang impit siyang napatili sa tabi ko. Kasalukuyan kaming narito sa octagon bench na nakapalibot sa puno ng acacia.Parehas naming vacant ni Riley kaya napagpasyahan naming tumambay malapit sa field. Nakarating na rin sa kanya ang balita na ako ang kinukulit-kulit ni Franco. Kanina niya pa ako inaasar ngunit panay kibit balikat lang ang sinasagot ko sa kanya.“Ayan na si fafa Franco, bestie!” Kinikilig na sabi ni Riley sa tabi ko kaya inirapan ko siya.“Ma-issue ka rin ano? Para kang yung mga etchoserang froglets sa department namin.” Sagot ko sa kanya na ikinahagikgik niya.“Well, bagay naman kasi kayo kaya okay lang ‘yan. Ship ko kayo.” Sabi niya pa na ikinailing ko na lang.“Tse!” Saway ko.H
CHAPTER 3Mag-isa akong naglalakad sa corridors ng department building namin nang marinig ko ang chismisan ng isang kumpol ng sophomores sa gilid ng lockers.“Hindi ba siya yung nilalapitan ni Franco ng B.A.? Shet! Nakakainggit! Sana all.” Anang babaeng nakasalamin.Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa assuming ako or what, ha? Pero kasi ako lang naman yung dumaan malapit sa kanila. Ako ba yung topic nila?“Maganda naman kasi si ate girl, kaya hindi malabong mapansin siya ni Franco.” Ani pa ng isang babaeng nakasuot ng kulay pink na hoodie.Hindi ko napigilan ang lumapit sa kumpol nila nang hindi nila napapansin. Tignan na’tin kung anong magiging reaksyon nila.“Anong chika? Sali naman ako.” Sabi ko nang makalapit sa kanila.Nang sabay-sabay silang mapalingon sa akin ay para silang mga langgam na nagpulasan palayo sa kumpol.“H-hello po, ate.” Anang na
CHAPTER 2Maaga akong pumasok upang hindi maiwan ng service papunta sa duty. Six AM ang call time ngunit five-thirty pa lang ay nasa parking lot na ako ng department namin. Sandali ko munang iniwan ang duty bag ko sa loob ng van bago ako nagpaalam na lalabas muna sandali upang bumili ng kape sa convinience store sa tapat.Kailangan ko kasing magising dahil inaantok pa ako. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil tinapos ko pa ang pina-assignment sa aming case study kahapon na mamaya ipapasa sa duty sa aming clinical instructor.Pagkalabas ko ng gate ay agad akong tumawid papunta sa convinience store na nasa baba lang ng katapat na condominium building ng university. Dali-dali kong hinanap ang kapeng gusto ko at nanghingi ng paper cup sa cashier kasabay ng pagbabayad ko sa biniling instant coffee at maging ang charge kasama ang hot water.Saglit muna akong tumambay sa loob habang hinahalo ang kape. Hindi naman ako fan ng kape ngunit sim
CHAPTER 1"Bestieeeee!" Napalingon ako dahil sa matinis na boses ni Riley, ang nag-iisa kong bestfriend.Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko.Kasalukuyan akong nakaupo isa sa mga bench sa hall way. Abala sa pag babasa ng reviewer ko sa Bioethics subject dahil may pre-test kami mamaya."Bakit parang hinahabol ka naman ng zombie kung makatakbo ka? Ano bang meron?" Tanong ko nang makalapit ito sa akin.Ngumisi ito sa'kin kahit na hinihingal pa."Alam mo na ba ang balita?" Nag taas baba pa ito ng kilay.Kumunot ang noo ko."Hindi pa. Hindi mo pa sinasabi, eh." Pambabara ko kaya naman napairap na lang siya sa akin."Tss. Ito na nga, girl! Ikaw ang napili bilang panlaban ng department nyo sa Mr. and Ms. St. Lauren University!" Excited nitong sabi, dahilan kung bakit nalaglag ang panga ko sa lupa.What the heck? Seryoso ba? Baka naman prank 'to."Ako?" Hindi makapaniwalang tinuro ko pa ang sari
PROLOGUEAll her life, ang gusto niya lang ay mahalin siya ng ibang tao. She grew up with fucked up family and she's hoping that someday, someone's gonna make her feel loved and treasured unlike what she had experienced during her childhood days.Naging masalimuot ang buhay niya simula noong iwanan sila ng kanyang ama. Akala niya sa telesersye lang nagyayari ang mga gano'n but she's wrong. She had a perfect family— at least that was how she sees it but it wasn't perfect actually. The things she thought to be true are different from reality. All was just a facade to hide the flaws of her so-called family.Simula noon ay wala nang ginawa ang mama niya kung hindi ang lunurin ang sarili sa kakatrabaho.Hindi sila mayaman—walang magarang kumpanya o kahit ano. Sakto lang ang kinikita ng ina niya para sa kanilang dalawa kaya todo kayod ito sa pagtitinda ng ga kakainin at iba pang uri ng panghimagas sa pwesto nila sa palengke.