LOGIN"Tingin ko buhay pa siya at kailangan natin siyang makita para matulungan siya."
-----
Eddie, Bean, Theo and Rove gathered around Bean's phone, still shocked at what's in the screen.
"Minumulto tayo ni John!" malakas na ngawa ni Bean na nakataas ang isang braso at sabunot ang sariling buhok. Mangiyak-ngiyak na.
"B-but, we can know what happened to him if we play with him," saad ni Eddie. "Maybe he wants to talk to us to tell who or what caused his death?" It's not like Eddie believe in ghost or such but they're taking all the possibilities.
"Pa'no kung killer ang may hawak ng phone?" suhestiyon ni Rove.
"Ma, sigurado na raw po bang si John 'yon?" baling ni Theo sa ina.
Hindi sumagot ang mama ni Theo, may kinapa-kapa ito sa damit.
Nagkatingin naman sila Rove at Theo at nagkaintindihan.
"Tanggapin mo pre," ani Rove kay Eddie na hawak ang phone ng takot na si Bean.
johnceno
Invite you to take part in RANK
Refuse Agree
Eddie tapped 'Agree'.
They gulped.
Ang ina naman ni Theo ay may tinawagan para itanong kung kumpirmado nang kay John ang katawang natagpuan.
"Andito mga bata, niyaya raw sila maglaro ng mobile legends gamit account ni John..."
Tumingin sila sa mama ni Theo na nakatingin din sa kanila habang nakikipag-usap sa phone nito.
Pagkatapos makapasok ni Bean sa lobby, sila Theo, Eddie at Rove naman ang nag agree. Nasa lobby na silang lahat.
"Bro, open mic" Rove sent.
Pero ilang saglit na ang nakalipas ay hindi 'yon sinunod ng kung sino man ang may gamit sa account ni John, hindi rin ito nag reply.
Nag-angat si Rove ng tingin sa kanila. It will be easier to know if it's really John if they hear their voice and talk with him.
"Ayaw niya..." magkahalong lungkot at takot ang tinig ni Eddie.
"Baka h-hindi talaga siya si John o kaya..."
"Introvert thing" dugtong ni Eddie sa sinabi ni Bean.
"O kaya hindi niya binuksan kasi hindi rin naman natin maririnig boses niya kasi kaluluwa nalang siya AAAAaaaaa!" pumapadyak-padyak na sigaw ni Bean na mukhang uod na nililiyad pa ang likod dahil sa kilabot.
Natawa sila sa hitsura ni Bean kaya gumaan ang tensyon kumpara kanina.
Nagsimula na silang pumili ng hero kasama ang kalabang team.
Balmond (Fighter/Tank)
BSM theorableFranco (Tank)
BSM monterobTigreal (Tank)
BSM rovemintEddie - Khufra (Tank)
BSM edgardodicarpioIt's John's turn to pick a hero, mahigpit ang hawak ni Rove sa phone niya pero unti-unting kumurba ang ngisi sa kaniyang labi. Sila Eddie, Bean, at Theo ay nag-aabang. Dito magkaka-alaman kung ang kasama nila ay ang kaibigan talaga nila.
"Granger"
Nagkatinginan silang apat. Kumpleto na sila.
Balmond (Fighter/Tank)
BSM theorableFranco (Tank)
BSM monterobTigreal (Tank)
BSM rovemintEddie - Khufra (Tank)
BSM edgardodicarpioGranger (Marksman)
BSM johncenoWhoever's using their friend's account picked Granger, a marksman. At hindi lang 'yon, lightborn skin ang gamit nito. WHITE.
"This is more like him," komento ni Eddie.
Sinadya nilang apat na tank hero ang piliin para subukan ang may gamit sa account ni John.
"There are four possibilities. Una, tank ang pipiliin no'n para maging all tank tayo. Pangalawa, kung tank ang pipiliin niya, he might pick Johnson just because it's closest to John's name and him being a driver because if someone isn't close with you then he only knows trivial things about you. Pangatlo, ngangawa siya na iba dapat ang hero na piliin natin. Pang-apat, ibang role ang pipiliin niya, at do'n natin makikilatis kung siya ba talaga si John," anunsyo ni Rove kanina bago sila pumili.
That's the reason why they came up with the line up. May mga pagkakataon noon na naglalaro sila at ganito rin ang line up, four tanks at si John ang marksman. Johnson is a nice pick but Eddie reserved it for John's account's user. Parang under probation tuloy ang taong 'yon sa squad nila.
"Granger like the usual," sabi ni Rove ng may bahid ng ngiti sa labi at chill na sumandal sa kinauupuan.
"Pero hindi pa rin tayo sigurado kung siya nga to, puwedeng nakita niya lang sa account ni John," dagdag nito na tinutukoy ang history at favorite kung saan makikita ang hereos na ginagamit madalas ng user.
Nagsimula silang maglaro ng may kaba at pagdududa pero kalaunan ay humupa 'yon nang mapansin nilang in sync ang paglalaro nila. It's like the old days.
Nakakaramdam na sila ng kapanatagan nang mag chat si John. Nabalot na naman sila ng takot. Natatakpan ng hawak na mga phone ang mukha pero kita ang mga kunot na noo ng mga ito.
"Bakit parang natatakot kayo sa'kin?"
"Tayo ba kausap niya o kalaban?" nakangiwing tanong Bean.
Theo's eyes are fixated on John's chat. 'Kung sa kanila man 'to o sa kalaban, hindi naman nangt-trashtalk si John.'
"Binaback-stab niyo ba 'ko habang wala ako?"
"Shit! Ang creepy!" Mas lalong kumunot ang noo ni Bean na inilayo na ang phone sa mukha.
"Sino ka?" padala ni Rove.
"hahahaha"
Malalaki ang matang napatitig si Bean sa reply ni John-- o kung sino ang may hawak ng account nito bago tumili.
"VICTORY" rinig nila mula sa game.
"Ba't natapos?" nagulat at nagtatakang tanong ni Bean. Maging si Rove ay gulat din, hindi namalayan kung pa'no natapos.
"Nag push ako habang busy kayo," Theo explained innocently.
But they have to second look to see that Theo's actually serious.
Dahil natapos na ang laro hindi na sila sigurado kung makakausap pa ulit ang may gamit ng account ni John pero hindi nila masisi si Theo. It's rare to see him serious and even frowning. Natakot pa nga silang tatlo dahil mukhang galit ito.
"Si John ba talaga 'yon?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Eddie.
Napatingin sila sa pinto nang may kumatok.
"Is this the part where the killer breaks in the house and massacre us?" tanong ni Eddie na animong nagkakalkula pero kinakabahan naman.
Naglakad si Theo papunta sa harap nilang tatlo. Ang likod nito ang nakaharap sa pinto.
"Oh Theo! Ang aming orihinal na tank!" Inartehan ni Bean ang boses na parang pumupuri na yumayapos pa sa braso ni Theo.
Bumukas ang pinto at pumasok ang nanay ni Theo na iniwan sila sa kwarto kanina.
"Anong ginagawa niyo?" kalmadong tanong nito kahit nawi-wirduhan sa kanila.
They just awkwardly laugh. Napapatikhim at kamot ng batok.
"Wala pang balita kung nag match nga ang bangkay kay John," imporma nito sa kanila.
"Tita, sa'n raw po ba nila nakita yung bangkay?" tanong ni Rove.
"Sa Patid Road."
"PATID ROAD?!" sabay sabay nilang hindi makapaniwalang tanong.
Kapagkuwan ay nagtanong ni Bean.
"Sa'n ba 'yon?"
***
"Hindi pa rin pala siguradong kay John ang katawan," nagkukusot ng matang ani ni Bean tsaka humikab.
Based on John's aunt na nakikibalita lang din sa mga magulang ni John, who's thoughtful enough to share with them the informations about their friend's case. The body that was found at around 8pm today was mutilated and burnt. Kailangan pa itong isailalim sa autopsy para makumpirmang kay John nga ang katawan.
'Imagine kung mumultuhin sila ni John na gano'n ang hitsura.' Napapikit ng mariin si Bean at umiling-iling sa naisip pero dahil sa pagpikit ay ang sunog na si John ang nakita niya.
"Sabi ng witness, galing daw sa puting kotse ang katawan na hinagis sa bungad ng Patid Road. Kasama ro'n ang mga IDs tulad ng student ID at driver's license ni John. John's car is white. Ang tanong siya ba ang katawang hinagis o siya ang sakay na naghagis? Hindi nakita ang plate number at sa mga palabas walang mga plate number ang kotseng gagawa ng krimen," sabi ni Rove sabay lagok ng mineral water.
"Pero kung siya ang katawan, pwedeng sa kanya talaga yung kotse tapos ninakaw lang," sabi ni Bean. Hindi siya sigurado pero naglalapagan nalang din naman ang mga kasama ng teorya, mahihiya pa ba siya.
"Hindi rin natin sigurado kung sino ba talaga kalaro natin kanina," napapagod na sabi ni Eddie.
Napalingon si Theo kay Eddie.
"Kung hindi si John 'yon, magaling pa rin maglaro ibig sabihin..."
"Ibig sabihin madalas na rin naglalaro yung gumagamit ng account ni John, hindi lang natin map-point out kung sino kasi marami namang nage-ML," sabi ni Rove.
'Madalas naglalaro...'
'Marami namang nage-ML'
'Marami namang nage-ML'
'Madalas naglalaro...'
Ginalaw naman ni Theo na nakaupo sa kaniyang gaming chair ang keypad ng laptop dahilan para magliwanag ulit ang monitor at tumambad sa kanila ang video kanina ng exhibition game na naka pause.
There was a long silence.
Pagkalipas ng ilang sandali ay sabay-sabay silang napatingin sa isa't isa.
Pareho ng naiiisip.
"I heard after the game they went somewhere the same day. Sabi nag bakasyon daw, thus the hiatus. May mga naka-recognize sa kanila na nakita sila sa Dutaw," sabi ni Eddie.
Tumango si Rove. "Tita was referring to Patid-Dutaw Road earlier."
"Yung game natin, ilang days lang din bago yung party ni Annie, tapos almost two weeks nung nakita ko sa newsfeed na bumalik na raw squad nila Lillian. Teka nambibintang na ba tayo?"
They scoffed at Bean.
"Ang gulo gulo na!" reklamo niya.
"Ibig niyo bang sabihin, sumunod si John magbakasyon sa squad na nakalaban natin?" tanong ni Theo.
"Oo," Eddie, Rove and Bean answered simultaneously.
"Ehh? Bakit? May ka-close ba siya ro'n?"
Mga nakasandal lang sa kanilang headrest sila Rove, Eddie at Bean, blanko ang mga mukhang nakamasid sa dinaraanan.Humikab si Bean. "Theo, patugtog ka naman oh."Napaangat ng tingin si Theo na siyang nagmamaneho at agad tumalima. "Ah!" Umangat ang kamay nito at may pinihit-pihit sa harapan.Maya-maya'y umalingawngaw na sa loob ng sasakyan ang musika.Tanaw na nila ang Patid Road kaso ay alas nuebe palang ng gabi."Excited yata tayo masyado," komento ni Bean."Alas onse pa naman, kain muna tayo para makapag recharge," aniya ni Theo."Good idea. Snacks lang ang dala kong baon eh," sabi ni Eddie mula sa backseat.Tumigil sila sa isang 7/11 para mag hapunan. Sakto namang may bakanteng table na kasya sila lahat.Nang matapos mai-microwave ang pagkain nila nang staff ay nagkaroon muna sila ng sariling mun
Nakaupo si Bean sa harapan ng study table, nakatingin sa kawalan at matamlay.He wants to be away from other people once in a while so he can't overwhelm them. With his personality madalas niyang nakukuha ang mga salitang "You're too much", minsan kahit hindi ito sabihin ay pinaparamdam naman sa kanya.Inabot niya ang electric guitar mula sa guitar stand tsaka padausdos na bumalik sa pagkakasandal sa swivel chair.Ilang minuto siyang tumutugtog habang malalim ang iniisip. He's contemplating what Ran said to them until something crossed his mind. The rank game.Kinuha niya ang phone mula sa study table at nireview ang laro nila noong isang araw. Is it already safe to assume that the person they played with was really John and not someone else?Nag focus siya sa paglalaro ni John, kung ikukumpara ay pareho lang ang paraan ng paglalaro, mula sa items na pinipili, sa pagkakasunod-sunod ng skil
Nagkampo ulit ang apat sa kuwarto ni Theo. Kanina pa nagpaparit-parito si Eddie, naikot na ata ang buong bedroom. Nag-iisip sila ng paraan kung paano makakausap si Ran."Pagtatabuyan lang ulit tayo ng mama ni John, 'pag pumunta tayo ro'n," sabi Bean."Naisip kong makisuyo kay Tita Roberta kung pwedeng sabihan si Ran na makipag-usap sa'tin, o kaya siya na ang magtatanong. I'm just afraid that we'll be asking too much," nahihiyang aniya ni Eddie."Walang hiya-hiya! Ang nawawalang kaibigan natin ang pinag-uusapan dito, ano ka ba?" Bean beamed animatedly, napatayo pa 'to sa kinauupuan at humaba ang nguso."Let's cross the road when and if we get there, okay?" Rove faced Eddie and smiled."Look at the time. Huwag muna na'ting alalahanin ang mga posibleng mangyari pagkatapos dahil hindi natin magagawa ang kailangan nating gawin sa ngayon at mauubusan tayo ng oras. Ayos ba?" sabi ni Rove sa dalaw
Team Theo vs. Team Lillian Exhibition GameNaghihiyawan at nagtatawanan ang mga audience habang pumipili ng hero ang team ni Theo.Game two out of three na sila ngayon. Ang nanalo sa unang parte ng exhibition game ay sina Theo."At binan ang Balmond!" sigaw ng commentator.Nagsitawanan ang mga audience, hinarap naman kay Theo ang kamera at maging siya ay tumatawa. Dahil si Balmond ang hero na ginamit niya kanina ay hindi niya na pwedeng gamitin ngayon."Sino naman kaya ang hero na gagamitin ni Theo ngayon, mga pamangkin?" panggagaya ng commentator sa tawag ni Theo sa mga manunuod sa streams nito.Tinutok ang camera sa mga audience, nasa isang mall sila ngayon. Ang iba ay may banners at nakataas ang phone na may nakalagay na "Bitter Sweet Men", mga pangalan nila Eddie, Theo, Bean, John at Rove. Mayro
"So what's your assumption?" Rove asked, eyes boring on Theo's face."Tingin ko buhay pa siya at kailangan natin siyang makita para matulungan siya."-----Eddie, Bean, Theo and Rove gathered around Bean's phone, still shocked at what's in the screen."Minumulto tayo ni John!" malakas na ngawa ni Bean na nakataas ang isang braso at sabunot ang sariling buhok. Mangiyak-ngiyak na."B-but, we can know what happened to him if we play with him," saad ni Eddie. "Maybe he wants to talk to us to tell who or what caused his death?" It's not like Eddie believe in ghost or such but they're taking all the possibilities."Pa'no kung killer ang may hawak ng phone?" suhestiyon ni Rove."Ma, sigurado na raw po bang si John 'yon?" baling ni Theo sa ina.Hindi sumagot ang mama ni Th
Numunguya at padukot-dukot sa BFF fries sila Eddie, Theo, Rove at Bean na magkakaharap sa isang mesa na naka pwesto sa gilid ng glass wall kung saan kita ang view sa labas mula sa itaas. Sa corner lang ng mesa nila ay ang mga kaninang ubos na pagkain. Sa gitna ng mesa ay phone ni Bean na binabasa ang replies sa tweet niya.