Share

Chapter 1

Author: clam11th
last update publish date: 2020-09-01 14:31:20

Numunguya at padukot-dukot sa BFF fries sila Eddie, Theo, Rove at Bean na magkakaharap sa isang mesa na naka pwesto sa gilid ng glass wall kung saan kita ang view sa labas mula sa itaas. Sa corner lang ng mesa nila ay ang mga kaninang ubos na pagkain.

Sa gitna ng mesa ay phone ni Bean na binabasa ang replies sa tweet niya.

"What if may nang-hold up kay kuya John no'ng pauwi siya? Tapos napatay at tinapon ang katawan sa ilog o kaya chinap-chop tsaka nilagay sa maleta o kaya tinapon sa basurahan?"

"What the..." si Eddie.

"Tang'na..." halos pabulong na aniya ni Rove.

Si Theo naman ay napangiwi. Napahilamos naman ng mukha si Bean gamit ang palad. May parte na sinisi ang sarili dahil sa pagiging impulsive nito kagabi at na-tweet ang tungkol sa pagkwala ni John na wala rin silang lead. John's family also keeps them in the dark. Dito nagre-report ang mga police.

They decided to read the replies from his tweet, which is already deleted, thinking that they may find something useful. Bean took screenshots before deleting the tweet. Inasar pa siya nila Rove dahil sa typo niyang 'asa' imbes na 'asa'n'. What can he do? He was drunk that time.

It's their break time and they are in McDonald's where their squad usually hangs out kapag may pasok.

"But she has a point..." Eddie said referring to one of the fans. "It could be John had some errands to run that night, like his part time job as a grab driver after the party so he didn't drive me home anymore," hinuha nito.

"Tapos na holdap siya ng pasahero niya? Bago yun ah. Diba mga driver yung mga nanghoholdap?" sabi ni Rove.

Natahimik silang apat. May mali.

Kung ano-anong pumapasok na senaryo sa isip nila tulad ng baka may nakisakay nga kay John tapos pinatay ito, o baka naman kinidnap, o baka may nangyaring mistaken identity at pinagbabaril ang kotse nito, o baka naman nabangga tapos dinispatya para hindi makulong ang nakabangga.

"O baka naligaw siya tapos hindi binaliktad yung damit kaya hindi na nakabalik," Bean said loudly.

All of them grunted.

"Basahin mo na nga yung next," ani Rove na itinaas ang hintuturo pagkatapos sumipsip sa soda nito.

"Baka naman nagtanan na."

They all expressed their disgust.

"Wala nga 'yong girlfriend, sino itatanan no'n? Yung kotse niya?" asik ni Rove.

Sumang-ayon naman sila Theo, Eddie at Bean. Alam na nila agad na hindi nila iyon tagasubaybay o kakilala dahil sa teorya nito.

"Naglayas," basa ni Bean. Iisang salita pero ramdam nilang lahat ang pagka-offend.

"Hindi gano'n si John..." komento ni Theo habang nakatulala sa ketchup.

Bean nodded. "Atsaka konti nalang graduate na tayo ba't naman niya gagawin 'yon?" he said trying to cheer Theo up.

"Naglayas... That's the common cover up for a missing person in media black out,"  Eddie sarcastically said.

"It doesn't make sense. Una, sa pagkakakilala na'tin sa kanya hindi siya gano'ng klase ng tao. Pero wala rin namang masama kung bubukod siya kung kaya niya na sarili niya, ang conflict lang ay hindi man lang siya nagsabi kahit sa'tin. At madalas sa mga naglalayas, sa mga kaibigan din nakikitira. But we have to cross all of that thoughts from our perception as his friend." Rove sighed. "We have to be open for all possibilities."

"Ibig mong sabihin iko-konsiderrr din na'tin 'tong naglayas o nagtanan siya?" parang napapagod na tanong ni Bean habang nakahalumbaba.

Rove nodded. "Eddie, ikaw ang nakasakay sa kotse ni John dahil hinatid ka niya. May nakita ka bang luggage o ano na magsasabing may plano ngang magtanan o maglayas si John?" Rove asked straightforwardly.

Hindi gumalaw si Eddie, inaalala at isinasa-imahe ang panahong nakasakay siya sa kotse ni John. Ang pink na barong nila na nakasabit sa hawakan sa loob ang nakita niya, kapagkuwan ay sumagot ito. "Wala. Pero yung sa trunk hindi ko nakita."

They let Bean proceeded to read the other replies.

"Nag vacation po si kuya hehe," basa ni Bean at nag-scroll ulit dahil katulad din naman ng kanina ang sinabi ng nag reply. 'Nag bakasyon eh konti nalang naman bakasyon na rin namin.'

Meanwhile, Eddie was frowning while looking at Bean as he read the replies. His chin resting on the back of his intertwined hands.

'It might not be that John just wanted to take a vacation away from school, it could also be from stress, toxicity that us youth experiences not only from school demands, but also from home, this city, or from peers... From us.'

Eddie snapped out from his reverie when he noticed someone taking a photo of him. Bean.

"Mukha kang yung meme na nag-iisip tapos may mga equations sa paligid," patawa-tawang sabi ni Bean.

"Penny for your thoughts?" nag-iintay na sabi ni Rove.

Sinabi naman ni Eddie ang naisip niya.

"Self-check," tanging sabi ni Rove na pinaalalahanan silang mag reflect sa mga sarili nila na posibleng maging dahilan ng naisip ni Eddie.

Ang pagiging straightforward at pagiging patas ang natutunan nila sa kaibigang si Rove kaya nagsimulang magbigay ng saloobin si Theo.

"Hindi ako komportableng pangunahan natin ang nararamdaman ni John, pero kung iisipin 'yon din ang ginawa ko kanina no'ng sinabi kong hindi gano'n siya gano'n, na maglalayas." Kahit na namo-mroblema rin ito sa pagkawala ni John ay hindi pa rin nawawala ang pag-ngiti nito na nakakapagpagaan sa mga tao. His smile that their fans craved for in every vlogs and streams.

Alam niyang ginagawa nila ang mag-assume para matukoy ang pagkawala ng kaibigan nila. Kahit si Rove na kilala nilang man of a few words ay nakarami ng salita ngayon ay dahil para maisa-isa nila ang mga posibilidad.

Naniniwala sila na walang katawan, hindi nila tatanggaping patay na ang kaibigan.

Tinignan sila ni Theo gamit ang nangangakong mga mata na gagawin nito ang makakaya para malaman ang dahilan ng pagkawala ni John kahit pa gawin ang bagay na hindi komportable sa kaniya, sa kanilang lahat.

"So what's your assumption?" tanong ni Eddie. Lahat sila ay nakatutok kay Theo.

"Tingin ko..."

***

"Adorable ka no?" tanong ng guard sa gate ng Golden Crossroad.

Automatiko namang ngumiti si Theo at tumango tsaka nagpatuloy maglakad.

Habang naglalakad pauwi sa bahay nila ay may naririnig siyang bulungan.

"Siya ba 'yon? O.M.G!"

"Teka tignan natin ng maigi!"

Nag-angat siya ng tingin at nakita ang dalawang babae na magka-angkla ang mga braso at napatigil sa paglapit sa kanya, napapahiya. Pabulong pang napamura ang isa. "Siya nga ghorl!"

"Hi... Theo! Pinapanuod po namin vlogs at streams mo hihi," bati ng dalawa at kumaway sa kanya.

"Ah!" May tunog pang ngumiti si Theo "Salamat, mga inaanak."

Nabitin sa ere ang kamay ng dalawang babae, nagpatuloy naman maglakad si Theo pagkatapos magpaalam sa kanila. Nakalayo na siya nang marinig ang pagtili ng dalawang babae.

Habang naglalakad ay napaisip si Theo. Because of those ladies, he realized that he's been on hiatus ever since John gone missing. Kasabay pa no'n ang pagiging hectic sa school kaya hindi na niya na talaga binubuksan ulit ang social media accounts. It's been more than two months...

Pagdating sa bahay ng mga Adorable ay naabutan niya ang magulang na kapwa nanunuod sa sala.

Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ng ina "Ma." Pabiro naman niyang pinalo ang likod ng tatay bago dumiretso sa kusina para kumuha ng pagkain.

"'Toy, hindi ka pa ba magpapagupit?" tanong ng mama ni Theo habang hinahaplos ang may kahabaang niyang buhok. Tumabi siya sa ina sa sofa at doon na rin kumain ng hapunan.

Napahawak si Theo sa sariling buhok. Hindi niya namalayang humaba na ang buhok niya, hindi niya na naaasikaso ang sarili dahil sa daming ginagawa sa paaralan, lalo na't graduating students sila.

***

"Kumusta mga pamangkin! Nandito na si Theo at may pasalubong sa inyooong..." nag V sign siya sa harap ng camera "VLOG!"

Naglakad siya papunta sa harapan ng pinto ng CR.

"Istorbohin na'tin si Bean." Kumatok si Theo sa pinto ng CR.

"BEAN! Natatae na 'ko," he said nonchalanty then walked away like nothing happened.

Dumaldal pa si Theo sa harap ng camera nang bumukas ang pinto ng CR. Hinarap niya ang camera sa direksyon no'n at nakita sa video si Bean na topless at nakatapi ng tuwalya sa beywang, may bula-bula pa ang buhok nito pababa sa sa nakapikit na kanang mata.

"Sinong natatae?" tanong ni Bean na lumilinga-linga sa labas ng banyo gamit ang isang nakabukas na mata.

Naghagalpakan sa tawa sila Theo, Eddie, Rove at Bean. Sapo-sapo pa ni Rove ang tiyan sobrang pagtawa.

"Gago!" natatawa sa sariling aniya ni Bean.

Nasa kuwarto sila ni Theo at pinapanuod ang video nila sa laptop nito. Dumiretso sila sa bahay ng mga Adorable pagkatapos manggaling sa kani-kanilang tahanan mula sa school. Sa iisang village lang silang magkakaibigan nakatira.

"Kasama ba 'yan sa channel mo?" naniniguradong tanong ni Bean.

"Hindi ko sinama," nakangising sagot ni Theo.

Nang makumpirmang wala naman doon si John ay ibang videos na naka save naman sa laptop ni Theo ang pinanuod nila.

"Wala naman tayong makitang scandal--- este bullying issues, o whatever issues na sinabi nilang possibility kung bakit lalayo si John dito--" Napatigil si Bean nang makita nila ang hitsura ni Eddie. Hindi ito kumukurap at parang nawawala sa sarili.

"Guys... What's happening to us? We all know we're not bullying anyone. We're messing up our own minds!" nanlulumomg sabi ni Eddie, nanlalamig ang mga kamay.

Nadala sila ng mga replies ng mga tao sa tweet ni Bean at ngayon pinagdududahan na nila si John pati na rin ang mga sarili nila. They are starting to be unsure of their own actions, and of their friendship now. Rove thought.

Until Theo stumbled upon a video titled "Team Theo vs. Team Liliam Exhibition Game".

Theo clicked it and then they saw themselves at the other table with their mobile phones. Sa kabilang table naman ay ang kalaro nilang squad. It brings back memories.

"Nakaka-miss mag ML men. Hindi pa 'ko  naglalaro ulit simula no'ng mawasak poso ko kay Myra…" pagbabahagi ni Bean.

Alam nilang gusto nitong maglaro, NGAYON. Nilabas na ni Bean ang phone niya at pare-pareho sila ng naisip.

To divert their minds away from whatever the hell is happening with them right now for some time they took out their phones and opened the app.

Napunta ang atensyon nila sa pinto ng kwarto ni Theo nang may kumatok do'n.

"Ma..." aniya ni Theo nang mapagbuksan ng pinto ang ina. May halong lungkot ang mga mata nito.

"Mga hijo, si John...wala na siya," nahihirapang ani nito.

"Ma?"

"Tumawag sa'kin ang tita niya, ang sabi nakuha na raw ng mga magulang niya ang katawan niya." Pagkasabi no'n ng mama ni Theo ay siya ring pagsigaw ni Bean.

"Bean, bakit?" tanong nila kay Bean na nilalayuan ang phone nito at nagsusumiksik sa gilid ng pader.

Pinulot naman ni Rove ang phone ni Bean at tinignan ang dahilan ng pagsigaw nito.

johnceno

Invite you to take part in RANK

It was John's account.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • We Can't See You    Chapter 6

    Mga nakasandal lang sa kanilang headrest sila Rove, Eddie at Bean, blanko ang mga mukhang nakamasid sa dinaraanan.Humikab si Bean. "Theo, patugtog ka naman oh."Napaangat ng tingin si Theo na siyang nagmamaneho at agad tumalima. "Ah!" Umangat ang kamay nito at may pinihit-pihit sa harapan.Maya-maya'y umalingawngaw na sa loob ng sasakyan ang musika.Tanaw na nila ang Patid Road kaso ay alas nuebe palang ng gabi."Excited yata tayo masyado," komento ni Bean."Alas onse pa naman, kain muna tayo para makapag recharge," aniya ni Theo."Good idea. Snacks lang ang dala kong baon eh," sabi ni Eddie mula sa backseat.Tumigil sila sa isang 7/11 para mag hapunan. Sakto namang may bakanteng table na kasya sila lahat.Nang matapos mai-microwave ang pagkain nila nang staff ay nagkaroon muna sila ng sariling mun

  • We Can't See You    Chapter 5

    Nakaupo si Bean sa harapan ng study table, nakatingin sa kawalan at matamlay.He wants to be away from other people once in a while so he can't overwhelm them. With his personality madalas niyang nakukuha ang mga salitang "You're too much", minsan kahit hindi ito sabihin ay pinaparamdam naman sa kanya.Inabot niya ang electric guitar mula sa guitar stand tsaka padausdos na bumalik sa pagkakasandal sa swivel chair.Ilang minuto siyang tumutugtog habang malalim ang iniisip. He's contemplating what Ran said to them until something crossed his mind. The rank game.Kinuha niya ang phone mula sa study table at nireview ang laro nila noong isang araw. Is it already safe to assume that the person they played with was really John and not someone else?Nag focus siya sa paglalaro ni John, kung ikukumpara ay pareho lang ang paraan ng paglalaro, mula sa items na pinipili, sa pagkakasunod-sunod ng skil

  • We Can't See You    Chapter 4

    Nagkampo ulit ang apat sa kuwarto ni Theo. Kanina pa nagpaparit-parito si Eddie, naikot na ata ang buong bedroom. Nag-iisip sila ng paraan kung paano makakausap si Ran."Pagtatabuyan lang ulit tayo ng mama ni John, 'pag pumunta tayo ro'n," sabi Bean."Naisip kong makisuyo kay Tita Roberta kung pwedeng sabihan si Ran na makipag-usap sa'tin, o kaya siya na ang magtatanong. I'm just afraid that we'll be asking too much," nahihiyang aniya ni Eddie."Walang hiya-hiya! Ang nawawalang kaibigan natin ang pinag-uusapan dito, ano ka ba?" Bean beamed animatedly, napatayo pa 'to sa kinauupuan at humaba ang nguso."Let's cross the road when and if we get there, okay?" Rove faced Eddie and smiled."Look at the time. Huwag muna na'ting alalahanin ang mga posibleng mangyari pagkatapos dahil hindi natin magagawa ang kailangan nating gawin sa ngayon at mauubusan tayo ng oras. Ayos ba?" sabi ni Rove sa dalaw

  • We Can't See You    Chapter 3

    Team Theo vs. Team Lillian Exhibition GameNaghihiyawan at nagtatawanan ang mga audience habang pumipili ng hero ang team ni Theo.Game two out of three na sila ngayon. Ang nanalo sa unang parte ng exhibition game ay sina Theo."At binan ang Balmond!" sigaw ng commentator.Nagsitawanan ang mga audience, hinarap naman kay Theo ang kamera at maging siya ay tumatawa. Dahil si Balmond ang hero na ginamit niya kanina ay hindi niya na pwedeng gamitin ngayon."Sino naman kaya ang hero na gagamitin ni Theo ngayon, mga pamangkin?" panggagaya ng commentator sa tawag ni Theo sa mga manunuod sa streams nito.Tinutok ang camera sa mga audience, nasa isang mall sila ngayon. Ang iba ay may banners at nakataas ang phone na may nakalagay na "Bitter Sweet Men", mga pangalan nila Eddie, Theo, Bean, John at Rove. Mayro

  • We Can't See You    Chapter 2

    "So what's your assumption?" Rove asked, eyes boring on Theo's face."Tingin ko buhay pa siya at kailangan natin siyang makita para matulungan siya."-----Eddie, Bean, Theo and Rove gathered around Bean's phone, still shocked at what's in the screen."Minumulto tayo ni John!" malakas na ngawa ni Bean na nakataas ang isang braso at sabunot ang sariling buhok. Mangiyak-ngiyak na."B-but, we can know what happened to him if we play with him," saad ni Eddie. "Maybe he wants to talk to us to tell who or what caused his death?" It's not like Eddie believe in ghost or such but they're taking all the possibilities."Pa'no kung killer ang may hawak ng phone?" suhestiyon ni Rove."Ma, sigurado na raw po bang si John 'yon?" baling ni Theo sa ina.Hindi sumagot ang mama ni Th

  • We Can't See You    Chapter 1

    Numunguya at padukot-dukot sa BFF fries sila Eddie, Theo, Rove at Bean na magkakaharap sa isang mesa na naka pwesto sa gilid ng glass wall kung saan kita ang view sa labas mula sa itaas. Sa corner lang ng mesa nila ay ang mga kaninang ubos na pagkain. Sa gitna ng mesa ay phone ni Bean na binabasa ang replies sa tweet niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status