Se connecter
"EDDIE!!"
Naistorbo ang pagse-senti ng binata na nakahilata sa kama niya nang marinig ang ilang ulit na pagsigaw ng kaniyang nanay. Palakas nang palakas hanggang sa wala na siyang choice kundi bumaba ng kwarto.
Nagdilim ang paningin ni Eddie at nagpasuray-suray pa ng lakad dahil sa biglaang pagtayo niya.
May ilang baitang pa sa hagdan nang tumigil siya sa pagbaba nang makita ang kaibigan na nasa pintuan.
"Pre, ano na?" nakangiting bati ni John habang nakatingala sa kanya. Mukhang galing na naman sa langit dahil nakaputi ulit ito.
"Andito na sundo mo, ano 'yan na ba suot mo?" tanong ng mama niya na nasa likod ng bahagyang nakabukas na pinto katabi ni John.
Umakyat ulit si Eddie papunta sa kwarto para kunin ang gamit, phone at wallet lang ayos na. Humarap siya sa salamin at sinulyapan ang kulay pink na barong na naka-hanger at bumalik ulit ang tingin sa salamin. Naalala niyang naka-puting t-shirt lang si John at naka slacks kaya naisip niyang baunin nalang ang barong tsaka doon na mismo sa venue suotin.
***
Nang patayin ni John ang makina ng kotseng kinalulunan nila ni Eddie ay sinuot na nila ang barong bago lumabas. Nasa parking lot sila ng Golden Cuisine Philippines at si John ang nauna, ginigiya siya sa front door ng restaurant.
Pagka-akyat nila sa pinaka top floor ng Golden Cuisine kung saan hine-held ang mga events katulad ng birthday party ngayon ay sumalubong sa kanila ang eleganteng ilaw, pinaghalong tunog ng mga nag-uusap na attendants at ang background music, at ang traje de mestiza na pinagigitnaan ng mga lamesang gawa sa wood na halatang mamahalin. Mayroong red carpet sa gitna noon kung saan nakatayo ang birthday celebrant na nakasuot ng pinaka-maganda at pinaka-engrandeng traje de mestiza na na-aangkop sa barong nila ang kulay. Ang theme na color pink.
Golden Cuisine is a Spanish-Filipino themed restaurant, ang goal nito ay iparamdam sa mga customers ang tradisyonal na ambiance, pagkain, pati ang mga kasuotan katulad noong 1890s kaya naman ang mga kumakain dito ay nakasuot ng barong tagalog at baro't saya.
Nahihiyang binati ni Eddie ang birthday celebrant, debut nito ngayon at personal siyang inimbitahan nito. First-year college ito sa unibersidad nila at ang kuya nito ay fourth year kagaya nila ni John at classmate nila sa minor subjects.
Pagkatapos ng nakakahiyang pangyayari ay dumeretso na si Eddie sa mesa nilang magkakaibigan.
Nakaupo paikot ang mga ito kasama si John at nag-iinuman na. Mga nakasuot din ng mga barong at nakaayos ang buhok na parang sinaunang tao kaya natawa si Eddie.
“Ubos na chaser natin,” anunsyo ni Theo in the hairstyle of Jose Rizal.
“Oi chaser daw John!” pagpaparinig ni Bean na katabi ni Theo. Kahit naka barong na at lahat mukha pa ring gago.
“Bakit ako?!” naguguluhang bulyaw ni John.
“Dahil ikaw ang founder ng John Lemon,” sabi ni Bean na may blankong ekspresyon dahilan para mas mapahagalpak sila ng tawa.
“’Na mo,” natatawa ring sabi ni John.
Mayamaya ay nagt-table watching na ang magkakaibigan. Kahit si Eddie ay pasimpleng naghahanap ng matitipuhan. Ilang beses na niya itong ginagawa at isa lang naman ang ending, kay Medy pa rin siya bumabalik. At isa pa wala namang kaso kung tumingin siya o hindi sa iba dahil hindi naman siya nakatali.
Nagpabaling-baling ang ulo nila para hanapin si Bean, wala ito sa upuan niya.
“Asan na yun?” tanong nila sa isa’t isa.
“He’s hitting up on someone,” bigla nilang narinig ang malamig na boses ng kanina pang tahimik nilang kasama sa mesa.
Tinignan nila kung saan ito nakatingin nang mamataan nila si Bean na uma-attack sa isang babae, uma-attack ng kalandian.
“Kanina lang balak pa no’ng magpaka-wasted tapos ngayon may kalandian na agad iba!” ‘di makapaniwalang reklamo ng isa nilang schoolmate sa katabing mesa.
“Mabilis lang maka move on ‘yan ihh hehe,” paliwanag ni Theo habang nasa batok ang kamay. Nahihiya.
“Mahiyain ka pala sa personal. Pinapanuod ko streams mo,” puna ng schoolmate nila, napapantastikuhan kay Theo na puro kalokohan sa streams nito samantalang mukhang maamong tao sa personal.
Napatingin si Theo sa babae at nakangiting nagpasalamat dito pero naguluhan siya nang nag-iwas ito ng tingin.
Nakita naman nilang naglalakad pabalik sa table nila si Bean, nagtataka si Eddie kung bakit ito nakatingin sa kaniya.
“Pre! Kanina ka pa tinitignan nung chix do’n oh. Sabi sa’kin ni Karina crush ka raw no’n eh,” parang may pinapahiwatig na sabi ni Bean.
“Karina? Si Karinang Malandi? Bagay kayo,” natatawang sabi ni Rove, ang kanina pa nilang kasama pero ngayon lang nagsalita.
Naunahan naman ang apat na punahin si Rove nang mga tawa ng mga schoolmates nila.
“Grabe ka Rove, minsan ka lang magsalita pero…” sabi ng isang bisita mula sa ibang mesa.
Nagulat naman si Eddie nang makitang nasa likod na niya sa Bean,“Oy pre ano ayaw mo ba dun sa chix? Ang ganda kaya no’n!”
“Edi i-add to cart mo mag-‘sa mo!” pabirong bulyaw ni Eddie kahit nagsisimula na rin siyang mairita dahil sa pananalita ni Bean parang porket maganda kailangan na niyang patulan.
“Eddie Wyne!” biglang may nag komento mula sa kalapit na table. Narinig ng iba ang sigaw nito at sunod-sunod din silang sumigaw.
“Hashtag EddieWyne!” kantyaw pa ng isa kaya natawa nalang silang magkakaibigan.
Nagsimula ‘to kahapon nang isama siya ni Theo sa stream nito, at may nakapansin na netizens na katunong daw ng pangalan niya ang ‘Edi wow’ kaya halos mapuno ng puro ‘#EddieWyne’ ang comment section. Nanunuod din ang mga schoolmates, pamilya at kakilala nila kaya alam din nila ang tungkol dito.
“’Apaka loyal mo eh hindi ka naman gusto ng gusto mo” panloloko ni Bean kay Eddie, this time sinadya niyang lakasan.
“Oooohhhh!” kantyaw ng mga ibang bisita.
“Eddie Wyne!”
***
The vlog of Annie's 18th birthday circulated online because it's the last video and day where John Ceno, 20 years old was last seen.
Pagkatapos ng party ay nagpaalam ito kila Eddie, Bean, Theo at Rove tsaka umalis gamit ang sasakyan.
It's been two months but John hasn't come back, no text nor calls. Wala ring paramdam sa social media accounts nito.
So he's already declared as a missing person.
Hindi alam ng magkakaibigan kung anong nangyari kay John, if he was just missing or he is... already dead.
Until one day, Bean drunk tweeted.
Notification
Pogi
@BeanMontero: Joooooohhhhnnn asa kaaaa? Alam naming kapangalan mo si John Cena (Ceno ka nga lang) pero magpakita kaaa! We can't see you 😭
And this is when their fanbase and other netizens became more inflamed to start sharing their theories and what-ifs about John's disappearance which helped their squad, who's almost helpless gather ideas for John's whereabouts.
Dead or alive, they need to see him.
Mga nakasandal lang sa kanilang headrest sila Rove, Eddie at Bean, blanko ang mga mukhang nakamasid sa dinaraanan.Humikab si Bean. "Theo, patugtog ka naman oh."Napaangat ng tingin si Theo na siyang nagmamaneho at agad tumalima. "Ah!" Umangat ang kamay nito at may pinihit-pihit sa harapan.Maya-maya'y umalingawngaw na sa loob ng sasakyan ang musika.Tanaw na nila ang Patid Road kaso ay alas nuebe palang ng gabi."Excited yata tayo masyado," komento ni Bean."Alas onse pa naman, kain muna tayo para makapag recharge," aniya ni Theo."Good idea. Snacks lang ang dala kong baon eh," sabi ni Eddie mula sa backseat.Tumigil sila sa isang 7/11 para mag hapunan. Sakto namang may bakanteng table na kasya sila lahat.Nang matapos mai-microwave ang pagkain nila nang staff ay nagkaroon muna sila ng sariling mun
Nakaupo si Bean sa harapan ng study table, nakatingin sa kawalan at matamlay.He wants to be away from other people once in a while so he can't overwhelm them. With his personality madalas niyang nakukuha ang mga salitang "You're too much", minsan kahit hindi ito sabihin ay pinaparamdam naman sa kanya.Inabot niya ang electric guitar mula sa guitar stand tsaka padausdos na bumalik sa pagkakasandal sa swivel chair.Ilang minuto siyang tumutugtog habang malalim ang iniisip. He's contemplating what Ran said to them until something crossed his mind. The rank game.Kinuha niya ang phone mula sa study table at nireview ang laro nila noong isang araw. Is it already safe to assume that the person they played with was really John and not someone else?Nag focus siya sa paglalaro ni John, kung ikukumpara ay pareho lang ang paraan ng paglalaro, mula sa items na pinipili, sa pagkakasunod-sunod ng skil
Nagkampo ulit ang apat sa kuwarto ni Theo. Kanina pa nagpaparit-parito si Eddie, naikot na ata ang buong bedroom. Nag-iisip sila ng paraan kung paano makakausap si Ran."Pagtatabuyan lang ulit tayo ng mama ni John, 'pag pumunta tayo ro'n," sabi Bean."Naisip kong makisuyo kay Tita Roberta kung pwedeng sabihan si Ran na makipag-usap sa'tin, o kaya siya na ang magtatanong. I'm just afraid that we'll be asking too much," nahihiyang aniya ni Eddie."Walang hiya-hiya! Ang nawawalang kaibigan natin ang pinag-uusapan dito, ano ka ba?" Bean beamed animatedly, napatayo pa 'to sa kinauupuan at humaba ang nguso."Let's cross the road when and if we get there, okay?" Rove faced Eddie and smiled."Look at the time. Huwag muna na'ting alalahanin ang mga posibleng mangyari pagkatapos dahil hindi natin magagawa ang kailangan nating gawin sa ngayon at mauubusan tayo ng oras. Ayos ba?" sabi ni Rove sa dalaw
Team Theo vs. Team Lillian Exhibition GameNaghihiyawan at nagtatawanan ang mga audience habang pumipili ng hero ang team ni Theo.Game two out of three na sila ngayon. Ang nanalo sa unang parte ng exhibition game ay sina Theo."At binan ang Balmond!" sigaw ng commentator.Nagsitawanan ang mga audience, hinarap naman kay Theo ang kamera at maging siya ay tumatawa. Dahil si Balmond ang hero na ginamit niya kanina ay hindi niya na pwedeng gamitin ngayon."Sino naman kaya ang hero na gagamitin ni Theo ngayon, mga pamangkin?" panggagaya ng commentator sa tawag ni Theo sa mga manunuod sa streams nito.Tinutok ang camera sa mga audience, nasa isang mall sila ngayon. Ang iba ay may banners at nakataas ang phone na may nakalagay na "Bitter Sweet Men", mga pangalan nila Eddie, Theo, Bean, John at Rove. Mayro
"So what's your assumption?" Rove asked, eyes boring on Theo's face."Tingin ko buhay pa siya at kailangan natin siyang makita para matulungan siya."-----Eddie, Bean, Theo and Rove gathered around Bean's phone, still shocked at what's in the screen."Minumulto tayo ni John!" malakas na ngawa ni Bean na nakataas ang isang braso at sabunot ang sariling buhok. Mangiyak-ngiyak na."B-but, we can know what happened to him if we play with him," saad ni Eddie. "Maybe he wants to talk to us to tell who or what caused his death?" It's not like Eddie believe in ghost or such but they're taking all the possibilities."Pa'no kung killer ang may hawak ng phone?" suhestiyon ni Rove."Ma, sigurado na raw po bang si John 'yon?" baling ni Theo sa ina.Hindi sumagot ang mama ni Th
Numunguya at padukot-dukot sa BFF fries sila Eddie, Theo, Rove at Bean na magkakaharap sa isang mesa na naka pwesto sa gilid ng glass wall kung saan kita ang view sa labas mula sa itaas. Sa corner lang ng mesa nila ay ang mga kaninang ubos na pagkain. Sa gitna ng mesa ay phone ni Bean na binabasa ang replies sa tweet niya.