LOGINNakaupo si Bean sa harapan ng study table, nakatingin sa kawalan at matamlay.
He wants to be away from other people once in a while so he can't overwhelm them. With his personality madalas niyang nakukuha ang mga salitang "You're too much", minsan kahit hindi ito sabihin ay pinaparamdam naman sa kanya.
Inabot niya ang electric guitar mula sa guitar stand tsaka padausdos na bumalik sa pagkakasandal sa swivel chair.
Ilang minuto siyang tumutugtog habang malalim ang iniisip. He's contemplating what Ran said to them until something crossed his mind. The rank game.
Kinuha niya ang phone mula sa study table at nireview ang laro nila noong isang araw. Is it already safe to assume that the person they played with was really John and not someone else?
Nag focus siya sa paglalaro ni John, kung ikukumpara ay pareho lang ang paraan ng paglalaro, mula sa items na pinipili, sa pagkakasunod-sunod ng skills na ginagamit nito, sa combo, sa level bago makipag clash at push, pareho lahat. Pero may isa siyang napansin na kakaiba bukod sa creepy chats. Ang rotation nito.
He saved the replay of their game bago tumayo at nagtungo sa bathroom.
***
Pinagbuksan ni Ran ang nasa pinto at bumungad sa kanya ang isang binatang naka-gel ang bangs paitaas, naka itim na t-shirt at jeans.
"Bean?" naniniguradong tanong niya. He has Bean's face but it's like he's a different person. He gives off that playboy energy.
"It's Montero for you," sabi nito.
Hindi naman nagi-English si Bean, she thought.
"A-hah! May kakambal pala si Bean," nangingiting aniya pero seryoso lang na nakatingin sa kanya ang binata.
Tumingin siya sa likuran nito at nakita ang papa nila ni John na nakatayo malapit sa gate na binibigyan lang siya ng malokong ngiti.
"Ba't ka pala nandito? May pasok pa kayo ah," tanong niya.
"Dumaan lang ako rito, luckily nandito ka." The man flashed a smile. "I came to see you to ask the address where John is staying, if you know. A visit from a friend wouldn't be so bad, right?"
"Hindi ko alam." She frowned.
Agad namang nagtanong ulit ang lalake na parang inaasahan na nito ang sagot niya. "Then what about the address where you stayed during your squad's vacation?"
Ran sighed and her eyes bore into the man's face. "Hindi ko alam. Si Lillian ang nag organize ng vacation namin, siya rin ang nag drive. Ask her. Personally."
"Ba't hindi nalang ikaw ang magtanong," mahinang bulalas ni Montero.
"Did you just rolled your eyes at me Bean?-- I mean Montero?" she asked, squinting jokingly.
Nawala ang kunot sa noo ng binata at sumilay ang ngiti sa labi nito. He took her hand and kiss the top of it. "Thank you."
'Trip neto?' tanong niya sa isip, pero kita pa rin ang pagkalito sa mukha niya. "Hindi ko alam trip mo, sinasakyan nalang kita. Montero," saad niya.
Then she heard him chuckled.
"Ako lang 'to. Wala ka kasi rito dati kaya yung simple na Bean na ang naabutan mo. You probably don't even remember me on our squads' exhibition game. I also play guitar in a band. Oh and..." Sumeryoso ulit ito at idinantay ang palad sa hamba ng pinto. "I know you're smart, pero nagtataka 'ko bakit hindi mo nakumbinse ang kuya mo na umuwi noon. At hindi mo rin siya hinahanap ngayon kahit nag-aalala na mga magulang niyo."
"I have my own reason," she said emotionless.
Nagpaalam si Montero at naglakad na paalis ng Golden Cross Road. Nasa iisang village lang silang magkakaibigan nakatira kaya naman dinaanan niya ang bahay nila John at buti nalang nandoon si Ran.
Tinignan ni Montero ang oras sa phone at bumalik muli ang tingin sa daan hanggang sa makaabot siya sa sakayan.
Kung sino man ang makakaintindi sa kanya sa kanilang magkakaibigan ay si Rove 'yon.
***
Papasok na sana siya ng McDonald's sa loob ng mall na walking distance lang sa university nila nang may tumawag sa kanya.
"I was about to ask if you're back in business kaso wala akong nakitang gitara sa likod mo," sabi nito.
He's right, he used to bring his guitar with him everytime. Siguradong naninibago ang mga nakakakilala sa kanya.
"Yeah, I won't play until we see him," makuhulugang sagot niya. Hindi siya tutugtog and have his fun habang nawawala ang kaibigan nila.
Kumakain siya habang naghihintay kay Rove para makausap ito tungkol sa natuklasan niya.
Pinagtitinginan siya ng mga tao sa ibang mesa, mga babae to be exact.
Maya-maya ay nakaramdam siya ng kung anong enerhiya, tumingin siya sa isang direksyon at doon mismo nakita si Rove na naglalakad palapit sa mesa niya na parang tamad na tamad sa buhay. Enerhiya ng isang bitter.
"You're back," sabi nito nang makaupo sa kabilang dulo ng mesa, kaharap niya.
"Huh?"
"Eddie and Tita Roberta must've triggered you yesterday. Ang tahimik mo kahapon. Hindi ka na kumibo no'ng sinaway ka ni Tita Robs na huwag kang humiga sa sofa," paliwanag ni Rove habang diretsong nakatingin sa kanya. "And Eddie being Eddie, he has low tolerance to your activeness."
As expected from Rove.
"I summoned you to talk about John's disappearance." Bean said.
They were looking into each other's eyes and suddenly both felt disgusted causing them to burst into laughter.
"Anyway, he's been kidnapped," sabi ni Bean at dumukot ng fries.
Rove smirked.
"AYO!" napatingin sila sa bagong dating. Si Theo na naka-akbay kay Eddie na pawisan ang noo at hindi makatingin sa kanila.
"Nakita namin si Rove kaya sinundan namin!" kwento ni Theo na mukhang nasa good mood.
"Pre, kailangan na'ting puntahan si Lillian para itanong yung address ng pinagi-stay-an nila sa Dutaw," nakatingalang sabi ni Bean kay Theo.
"H-huh? Bakit? Nandoon si John?" malalaking matang tanong ni Theo, worried and at the same time, relieved.
"Dala mo ba ang kotse mo? Do'n ko na ipapaliwanag," tanong ni Bean at agad na tumayo nang tumango si Theo.
Nagmamadali silang maglakad palabas nang may isang ginang na naka-salamin at may logo ng Golden Campus ang pang-itaas na damit.
"Oi, Montero. Bakit wala ka sa klase ko kanina?"
***
"Same," magkakasunod na sabi ng tatlo. Si Theo ang driver, si Eddie ang nasa passenger seat, magkatabi naman sa backseat sila Rove at Bean.
"And I'm also not convinced that the person we played with was our friend."
Napatingin sila kay Bean nang sabihin nito 'yon, pati si Theo na napatingin mula sa rearview mirror.
"Rove concluded that it was someone as madalas na naglalaro," panimula ni Bean.
"Teka... Kaya ba na'tin pupuntahan sila Lillian?" natitigilang tanong ni Theo.
"Nope. It's not them nor other famous ML players." Bumaling si Bean kay Rove. "You missed a point. It's not someone who plays on cam, it's someone who admires through their screen."
"It's a fan..." Kusang lumabas ang mga salita sa bibig ni Rove.
"Right." Bean nodded slightly. Tahimik pa rin si Eddie na lumingon sa kanilang dalawa.
"Pinanuod ko ulit kanina yung rank game na'tin. Gayang-gaya niya yung style ng paglalaro ni John, I thought of all the possibilities, naisip ko nga rin na baka isa sa atin yung gumamit ng account ni John, pero tinignan ko lahat ng screen niyo noong naglalaro tayo, you were all using your own accounts. Syempre ako rin!" biglang sigaw ni Bean. "Kaya hindi isa sa'tin, then it led me to someone who can imitate John's playing style... a fan. Someone who watches, learn, adapt and apply that knowledge," pagpapatuloy niya.
"Bukod sa creepy chats may nakita rin akong isa pang weird,"
Inabot ni Bean ang phone kay Rove, inayos naman nito ang pagkakahawak at nag focus sa replay.
"Look at the map and observe his rotation," Bean instructed. "Yung iba diyan pwedeng tignan yung replay sa sarili nilang phone," pagpaparinig ni Bean.
Kinuha ni Eddie ang phone para makasabay sa panunuod ng replay.
Ilang sandali pa ay napataas ito ng kamay. "Wait!"
Rove sighed and sits properly, nakita na rin nito ang tinutukoy ni Bean. "Nice."
"Look Theo, I mean, just drive. I'll talk," sabi ni Eddie na inangat ang phone. "The person who's playing using John's account repeatedly goes to the top lane, goes down and up towards mid lane to bottom lane then descended..." Eddie described the rotation more until he traced it with his forefinger.
"S-O-S," he finally said with a shaky breath.
***
"Ito nga yun," sabi niya nang makasigurado.
They stepped outside the car and headed towards the gate of the dormitory.
"Pa'no nga ulit tayo makakapasok?" tanong ni Eddie sa kawalan habang naglalakad sila palapit.
Narinig nila ang paglangitngit ng bumukas na gate at nagkatinginan sila. Napabaling sa kanila ang may edad na babae na may hawak na puting plastic bag.
"Anong hanap nila?" tanong ng ginang.
Bumukas ang bibig nilang apat pero wala silang maisip na sasabihin.
"Bisita sila, manang." Boses 'yon ng babae, matigas at malamig. Nang tignan nila ay na-recognize nilang si Lillian ito.
Sinara ni Lillian ang pinto ng kwarto. Malaki ang kwarto at may limang kama kaya malamang dito sila sama-sama ng Team nila Ran.
"Sinabi sa'kin ni Ran na may pupunta rito, hmmm...." Tinignan nito si Theo. "Pero hindi ko alam na lahat kayong apat." Dumako ang tingin nito kay Bean.
"Uhm, ano... Itatanong namin sana yung address ng tinuluyan niyo sa Dutaw," sabi ni Theo na parang nursery student, at si Lillian ang teacher.
"Sure." Hindi nila inaasahan ang mabilis na pagpayag nito. "Pero hindi kayo basta-basta makakapunta, you need to book a reservation kaso hindi naman kayo magbabakasyon. But don't worry, sasabihan ko nalang ang kakilala ko ro'n."
"First, don't use the other roads that are connected to Dutaw. Sa Patid Road kayo dumaan. Tapos, bandang 11pm kayo bumyahe do'n." Tumigil si Lillian sa pagsasalita nang makitang napalunok ang kaharap.
"Kaya pa ba?" pang-aasar niya. "Don't be scared. If you will follow my instructions, hindi kayo mapapahamak.
"You will see distortions and a change of your surroundings, but don't be scared. You just have to bear with it until you see a car." Lillian paused when she noticed the sudden change of emotion from the bitter boys.
"Oh, familiar, yes?" tanong niya.
Gusto sanang magtanong ni Bean kung totoo ba ang sinasabi ng babae kaso baka sabihin naman nitong bakit pa sila nagtatanong kung hindi naman sila maniniwala kaya itinikom nalang niya ang bibig niya.
Pakiramdam nila ay napaka-sensitibo ng babae dahil parang nabasa nito ang nasa isip nila. "Follow that car, it will lead you to the vacation house," sabi nito na nakatingin sa kawalan at marahang kumukurap ang mga talukap ng mata.
"Are you okay?" maingat na tanong ni Eddie.
"Yeah. I know it sounds absurd, but rest assured that I'm telling the truth," Lillian said, crossing her arms.
"Salamat," sabi ni Theo.
"Walang anuman" Bumaling si Lillian sa kanilang apat. "Imma tell you guys, wala roon si John."
Nagsimulang maglakad ang tatlo palabas ng kwarto at nang hawakan ni Rove ang siradura ng pinto, nakangiting humarap siya kay Lillian. "Thank you and no worries. Hindi si John ang pupuntahan namin doon."
Tuluyan na sana silang lalabas nang magsalita si Lillian.
"Speaking of John, hindi kayo ang unang pumunta rito. May babae ring nagtanong sa'kin," she said frowning. "She also wants to see John."
***
"I know we will go there for the fucking address but we should be mindful. Kapag pinuntahan ng lalake ang isang babae, anong naiisip agad ng ibang tao? We wouldn't want to trouble Lillian by helping us," pagkausap ni Rove sa kanilang tatlo.
"May kilala akong makakatulong sa'tin," said Theo, smiling while manouvering the steering wheel.
Itinigil ni Theo ang sasakyan sa restaurant kung saan nag part time job si John dati at kung saan idinaos ang debut ni Annie.
Sinundan lang nila si Theo na mukhang alam naman ang ginagawa papasok sa loob ng Golden Cuisine pero nagkamali ata sila nang bigla nalang nitong kinawayan ang CCTV camera at magiliw na nakangiti.
"Ginagawa mue?"
Napanganga sila Bean, Rove at Eddie nang parang taong tumango ang camera.
"Tara!" aya ni Theo. Sinundan ulit nila ito at tumigil sila sa tapat ng isang pinto na may nakalagay na "Control Room".
Wala namang sumaway sa kanilang staff na nakakita sa kanila kaya walang kabang binuksan nila ang pinto.
"Pa'no naman kayo nakasigurado na hindi talaga si John ang nakalaro niyo?" tanong ni Yel, ang isa sa may-ari ng restaurant na nasa early twenties, ilang years lang ang tanda sa kanila.
Sinabi nila rito ang rank game, ang ikinuwento sa kanila ni Ran, ang message ng rotation nito, at ang balak na pagpunta nila ng personal kay Lillian.
"Base sa sinabi ni Ran, sumama si John sa babae, kung kusa nga niya 'yong ginawa bakit pa siya hihingi ng tulong? And why cut ties with us too? We're bitter over fake relationships but we're not bitter for each other's happiness," madamdaming paliwanag ni Bean.
"Aw, sweet." komento ni Yel.
"Senpai..." pangugulit ni Theo.
"Tutulungan ko naman talaga kayo," sabi nito.
Yel lent them four traje de mestizas and wigs. Ang isa rin sa mga kotse nito ang pinagamit sa kanila.
Binalik nila ang mga damit at wigs tsaka nagpasalamat kay Yel.
Lumabas na sila ng restaurant at ang kotse na ulit ni Theo ang ginamit nila.
At ang huli nilang gagawin bago pumunta sa Patid Road ay, ang magpaalam sa mga magulang nila.
"Anong sasabihin ko?" nag-aalalang tanong ni Eddie. Halatang sa gagawin nila ay hindi siya papayagan ng magulang niya.
"Sabihin mo yung totoo," Rove said nonchalantly while leaning his head on the headrest of his seat. Madilim na sa labas kaya mas naramdaman niya ang pagod.
Sinamahan nila si Eddie sa bahay nito para magpaalam.
"Bahala ka. Gurang ka na nga eh," sabi ng mama ni Eddie na parang gusto pa siyang umalis ng bahay.
"Grabe, twenty one years old lang ako, ma," reklamo ni Eddie.
"Brad, matanda ka na nga." Tinapik ni Rove ang likod niya.
Sa bahay naman ni Rove sila pumunta, pagkatapos ay kila Bean, at kila Theo ang pang huli.
Lahat sila ay walang kahirap-hirap na pinayagan.
"Pinaalam na tayo ni Yel," sabi ni Theo na nagmamaneho.
"What did she said?" tanong ni Eddie.
"Orayt!" hindi katulad kanina ay si Bean naman ang nasa passenger seat ngayon at may iginuhit ito sa papel na hiningi niya kay Theo pati ang gamit niyang pen.

"Let the adventure begin."
Mga nakasandal lang sa kanilang headrest sila Rove, Eddie at Bean, blanko ang mga mukhang nakamasid sa dinaraanan.Humikab si Bean. "Theo, patugtog ka naman oh."Napaangat ng tingin si Theo na siyang nagmamaneho at agad tumalima. "Ah!" Umangat ang kamay nito at may pinihit-pihit sa harapan.Maya-maya'y umalingawngaw na sa loob ng sasakyan ang musika.Tanaw na nila ang Patid Road kaso ay alas nuebe palang ng gabi."Excited yata tayo masyado," komento ni Bean."Alas onse pa naman, kain muna tayo para makapag recharge," aniya ni Theo."Good idea. Snacks lang ang dala kong baon eh," sabi ni Eddie mula sa backseat.Tumigil sila sa isang 7/11 para mag hapunan. Sakto namang may bakanteng table na kasya sila lahat.Nang matapos mai-microwave ang pagkain nila nang staff ay nagkaroon muna sila ng sariling mun
Nakaupo si Bean sa harapan ng study table, nakatingin sa kawalan at matamlay.He wants to be away from other people once in a while so he can't overwhelm them. With his personality madalas niyang nakukuha ang mga salitang "You're too much", minsan kahit hindi ito sabihin ay pinaparamdam naman sa kanya.Inabot niya ang electric guitar mula sa guitar stand tsaka padausdos na bumalik sa pagkakasandal sa swivel chair.Ilang minuto siyang tumutugtog habang malalim ang iniisip. He's contemplating what Ran said to them until something crossed his mind. The rank game.Kinuha niya ang phone mula sa study table at nireview ang laro nila noong isang araw. Is it already safe to assume that the person they played with was really John and not someone else?Nag focus siya sa paglalaro ni John, kung ikukumpara ay pareho lang ang paraan ng paglalaro, mula sa items na pinipili, sa pagkakasunod-sunod ng skil
Nagkampo ulit ang apat sa kuwarto ni Theo. Kanina pa nagpaparit-parito si Eddie, naikot na ata ang buong bedroom. Nag-iisip sila ng paraan kung paano makakausap si Ran."Pagtatabuyan lang ulit tayo ng mama ni John, 'pag pumunta tayo ro'n," sabi Bean."Naisip kong makisuyo kay Tita Roberta kung pwedeng sabihan si Ran na makipag-usap sa'tin, o kaya siya na ang magtatanong. I'm just afraid that we'll be asking too much," nahihiyang aniya ni Eddie."Walang hiya-hiya! Ang nawawalang kaibigan natin ang pinag-uusapan dito, ano ka ba?" Bean beamed animatedly, napatayo pa 'to sa kinauupuan at humaba ang nguso."Let's cross the road when and if we get there, okay?" Rove faced Eddie and smiled."Look at the time. Huwag muna na'ting alalahanin ang mga posibleng mangyari pagkatapos dahil hindi natin magagawa ang kailangan nating gawin sa ngayon at mauubusan tayo ng oras. Ayos ba?" sabi ni Rove sa dalaw
Team Theo vs. Team Lillian Exhibition GameNaghihiyawan at nagtatawanan ang mga audience habang pumipili ng hero ang team ni Theo.Game two out of three na sila ngayon. Ang nanalo sa unang parte ng exhibition game ay sina Theo."At binan ang Balmond!" sigaw ng commentator.Nagsitawanan ang mga audience, hinarap naman kay Theo ang kamera at maging siya ay tumatawa. Dahil si Balmond ang hero na ginamit niya kanina ay hindi niya na pwedeng gamitin ngayon."Sino naman kaya ang hero na gagamitin ni Theo ngayon, mga pamangkin?" panggagaya ng commentator sa tawag ni Theo sa mga manunuod sa streams nito.Tinutok ang camera sa mga audience, nasa isang mall sila ngayon. Ang iba ay may banners at nakataas ang phone na may nakalagay na "Bitter Sweet Men", mga pangalan nila Eddie, Theo, Bean, John at Rove. Mayro
"So what's your assumption?" Rove asked, eyes boring on Theo's face."Tingin ko buhay pa siya at kailangan natin siyang makita para matulungan siya."-----Eddie, Bean, Theo and Rove gathered around Bean's phone, still shocked at what's in the screen."Minumulto tayo ni John!" malakas na ngawa ni Bean na nakataas ang isang braso at sabunot ang sariling buhok. Mangiyak-ngiyak na."B-but, we can know what happened to him if we play with him," saad ni Eddie. "Maybe he wants to talk to us to tell who or what caused his death?" It's not like Eddie believe in ghost or such but they're taking all the possibilities."Pa'no kung killer ang may hawak ng phone?" suhestiyon ni Rove."Ma, sigurado na raw po bang si John 'yon?" baling ni Theo sa ina.Hindi sumagot ang mama ni Th
Numunguya at padukot-dukot sa BFF fries sila Eddie, Theo, Rove at Bean na magkakaharap sa isang mesa na naka pwesto sa gilid ng glass wall kung saan kita ang view sa labas mula sa itaas. Sa corner lang ng mesa nila ay ang mga kaninang ubos na pagkain. Sa gitna ng mesa ay phone ni Bean na binabasa ang replies sa tweet niya.