Share

Chapter 6

Author: clam11th
last update publish date: 2020-09-03 23:28:44

Mga nakasandal lang sa kanilang headrest sila Rove, Eddie at Bean, blanko ang mga mukhang nakamasid sa dinaraanan.

Humikab si Bean. "Theo, patugtog ka naman oh."

Napaangat ng tingin si Theo na siyang nagmamaneho at agad tumalima. "Ah!" Umangat ang kamay nito at may pinihit-pihit sa harapan.

Maya-maya'y umalingawngaw na sa loob ng sasakyan ang musika.

Tanaw na nila ang Patid Road kaso ay alas nuebe palang ng gabi.

"Excited yata tayo masyado," komento ni Bean.

"Alas onse pa naman, kain muna tayo para makapag recharge," aniya ni Theo.

"Good idea. Snacks lang ang dala kong baon eh," sabi ni Eddie mula sa backseat.

Tumigil sila sa isang 7/11 para mag hapunan. Sakto namang may bakanteng table na kasya sila lahat.

Nang matapos mai-microwave ang pagkain nila nang staff ay nagkaroon muna sila ng sariling mundo, dala na rin ng pagkagutom.

"Bro, bitin! Dapat yata sa Mang Inasal tayo," daing ni Bean kay Theo. Pero wala silang choice dahil puro convenient stores lang ang mahihintuan nila.

Si Rove naman ay tapos nang kumain at nakahalukipkip ang braso habang pikit ang mga mata.

Si Eddie naman ay kumakain pa rin kaya tumayo sila Theo at Bean para bumili pa ng ibang pagkain na babaunin.

***

Napatingin sila kay Bean na mahinang tumatawa. Nakatingin ito sa labas ng bintana.

"Pre, nabaliw ka na ba sa gutom?" usisa ni Rove.

"Awit! Naalala ko lang kasi si Tita Roberta no'ng isang araw!" paliwanag ni Bean sa pagitan ng pagtawa.

"Bakit ganyan ka sa mga bata? Gusto lang naman nilang malaman ang nangyari sa kaibigan nila. Bakit nagagalit ka na parang kasalanan nila, kahit na ba ikaw talaga ang may kagagawan?" Ngumisi si Roberta si huling sinabi nito na ikinagulat ni Victoria.

"Ipina-blutter niyo siya, oo. 'Yon na 'yon? Daig ka pa ng mga batang 'to na concern sa... Oo nga pala hindi mo totoong anak si John. Kaya ba walang kang pake? Hindi niyo man lang pina-follow up ang pagi-imbestiga." Roberta scoffed. "Mukhang alam ko na kung bakit, gusto mo siyang mawala sa landas niyo. Para kayo nalang ni kuya pati si Ran. Happy family, walang anak sa iba. Diba?" Dumako ang tingin ni Roberta kay Ran. "Kaya nang mawala si John, dito mo na pinatira si Ran," she smirked.

Bumigay naman ang tuhod ni Victoria kaya napaupo ito sa sofa. Her breath is shaky.

"Hindi po yun totoo, tita." Nilapitan ni Ran ang ina habang may namumuong luha sa mga matang nakatingin kay Roberta.

"Ows. Pwes, ano ang totoo?" Nakataas ang isang kilay ni Roberta.

Hinintay nila ang sagot ng mag-ina pero nakatungo lang ang mga ito. 

"Pinalayas niyo siya?" Roberta asked in a matter-of-fact tone. 

"Parang nanunuod ako ng teleserye no'n eh." Hindi na mapigilan ni Bean ang pagtawa at maluha-luha na.

"Gutom lang 'yan. Oh." Nag-abot si Eddie kay Bean ng biscuit.

"Wow. Out of town. Dalawang sky flakes." sarkastikong sabi ni Bean nang makita ang isang sky flake sa pocket ng top ni Eddie at ang ibinigay nito sa kanya na galing naman sa bulsa ng pantalon nito. Inungusan ni Bean si Eddie pero hinablot pa rin niya ang biscuit.

Napangisi naman si Rove. "Lume-level up!"

"Hahahaha para kayong mag katipan," mapaglarong aniya ni Theo habang nakatingin sa daan.

Napatigil naman ang tatlo.

"Pre, si Eddie 'tong may makalumang pangalan pero ikaw 'tong nagsasalita ng ganiyan. Baka naman reincarnation ka kagaya ni Juanito Alfonso?" Bean squinted at Theo.

"Huh?" tanong ni Theo.

"Sa'n mo naman nakuha 'yan?" tanong ni Eddie.

Nag-iwas ng tingin si Bean. "Sa kakilala kong wattpader, bakit?"

Tila may dumaang anghel at natahimik sa loob ng sasakyan. They are now about to enter the Patid Road.

"I was curious about something," saad ni Eddie. He suddenly hugged himself and purrs.

"Anlamig!" Nangingilabot na sambit nilang lahat.

"Ano yun Eddie?" tanong ni Theo.

"Sabi ni Lillian, hindi raw basta-basta makakapunta sa vacation house. How about those who posted their confessions about the mystery of this road?" naguguluhang aniya ni Eddie.

Ilang segundo ulit silang natahimik nang magsalita si Rove.

"Kailangan munang mag-book para makapunta ro'n. You're asking why they were creeped out if they know that those illusions and such are the ways on how to get there. And based on what we've read, hindi nila sinundan ang sasakyan but at the end of the confession sa Dutaw sila nag stay. That means..." Unti-unti silang nagkatinginang apat.

"Ibig sabihin hindi sa Dutaw ang p--" Hindi natuloy ni Bean ang sasabihin nang halos sumubsob sila dahil sa pag preno ni Theo.

Nakanganga at natatakot nilang tinignan si Theo para alamin kung bakit nito hininto ang sasakyan sa isiping baka may nakita itong hindi na tao.

Nakatingin lang si Theo sa labas ng bintana habang ang mga kamay ay nakahawak pa rin sa manibela. "P-pasensya na." Lumingon ito sa kanila. "Ayos lang ba kayo?"

"Ikaw? Ba't ka huminto?" nag-aalalang tanong ni Rove.

10:50pm

"D-diba kotse raw ang magt-take over at susundan natin?" kinabahang tanong ni Theo.

"Oo, bakit?" Napailing-iling si Rove. "10:50pm pa lang. Pagkatapos magbago ang paligid tsaka palang natin makikita yung sasakyan."

May tinuro si Theo harapan bandang kanan.

Medyo foggy sa daan na 'yon at pilit nilang inaninag kung ano ang tinuturo ni Theo. Dumukwang pa sila Rove at Eddie sa pagitan ng upuan nila Theo at Bean.

Unti-unti nilang naaninag ang isang imahe.

"Motor?" naguguluhang sambit nila. Parang nagwawalang kabayo ang motor dahil umaangat ang harap na gulong nito.

Napaigtad sila at napaurong sa kabilang side ng kotse nang may gumagalabog sa kaliwang pintuan ng sinasakyan.

Bigla nalang may sumulpot na mukha sa bintana ng pinto ng driver's seat.

"AAAAAAA!"

The four of them were panting as they look at the face leaning on the glass, looking straight at them.

Maya-maya ay kumatok ang pigura gamit ang likod ng dalawang daliri.

The figure outside their car was speaking but it was muffled.

"Theo! Bean! Rove! Eddie!" rinig nilang tawag nito sa mga pangalan nila.

10:58pm

Hindi nila binuksan ang bintana at wala ring lumabas ng sasakyan. Nang makita ang oras ay umayos sila ng upo at tinuon ang pansin sa daan.

Ang motor naman ay nasa unahan nila. Tila may inaantay din.

10:59pm

Kumunot ang noo ni Rove habang nakatingin sa likod ng kung sino mang nakasakay sa motor.

11:00pm

"Woah woah woah." Napahawak si Bean sa kapitan sa dingiding ng kotse.

Unti-unting nagbabago ang paligid nila. It looks like a wave of illusion.

At sa isang iglap ay nasa gitna na sila ng malagubat na paligid. Madilim. Nakakapangilabot.

Parang ihip ng hangin dumaan sa gilid nila ang isang tunog. Nang sundan nila ng tingin 'yon ay nakita nila ang itim na kotse.

Mabilis na kinabig ni Theo ang gear stick at inapakan ang pedal para sundan ang itim na kotse. Habang sinusundan ang kotse ay nawala sa isip nila ang motor kanina.

***

Napahanga sila nang makita ang kabuuan ng vacation house, hindi lang 'yon pati na ang paligid. It was a modern eco-friendly house. Black ang kulay ng bahay at maganda ang pagkakapatag ng damo ro'n. Black and green perfectly matched.

They were expecting a haunted looking house. Pero sino nga ba naman ang magbabakasyon kapag gano'n?

"Seems like the change of surroundings earlier was a work of technology then," sambit ni Eddie.

Napatango naman ang apat. Namamangha pa rin sa ganda ng vacation house. Tanaw din nila ang pool doon.

Nakababa na sila ng sasakyan ang pinapanuod ang driver ng itim na kotse na dire-diretso papasok sa loob ng bahay.

"Akala ko sinabihan ni Lillian kakilala niya rito? Ba't hindi tayo pinapansin?" aniya ni Bean.

"May number--shit. Sundan nalang natin." Niyaya sila ni Rove at nagsimula silang maglakad papasok.

Nakakakita sila ng maayos dahil sa linawanag na nanggagaling mismo sa bahay pati sa mga ilaw sa damuha. Halos magmukhang park ang labas no'n sa laki ng space. Kahit maganda ang lugar at maliwanag dahil ay hindi nila maiwasang kabahan dahil wala naman silang kakilala sa loob noon.

Sinundan nila ang driver ng itim na kotse na naka helmet pero hanggang ilong lang ang nakatakip sa mukha nito.

"Is he already guiding us?" naguguluhang sambit ni Eddie.

Alam ng apat sa sarili nila na rinig ang mga pag-uusap at tunog ng mga yapak nila pero tuloy-tuloy lang sa paglalakad ang lalake hanggang sa makapasok sila sa loob ng vacation house.

"Good evening--" naputol ang pag-agaw atensyon ni Eddie nang makita nila ang eksena sa sala.

There were people who's sitting on each chairs at may nakalagay sa mga ulo nito na natatakpan ang kanilang mga mata. They look like being experimented on.

Mas nabahala silang apat nang may lumabas na lalake at may hawak itong itak. Lumapit ito sa isang nakaupo at naramdaman nila ang pagbilis ng tibok ng sariling mga puso.

"HOY!" sigaw ni Bean para mapigilan ang balak ng lalakeng may itak.

Nag-angat ng tingin ang lalake at humakbang papalapit sa kanila.

"PINOY AKO!" natatarantang pagbawi ni Bean.

"Takbo!"

Nagkukumahog silang makalabas ng bahay at makalayo sa lalakeng may dalang itak na nagsimulang habulin sila.

Nauuna sa pagtakbo si Bean kasunod si Rove, Eddie at nasa likod sa Theo na nililingon ang humahabol sa kanila.

Pero napahinto si Bean nang may taong naka-itim ang sumulpot sa harap niya.

The four of them were looking side to side. They were cornered.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • We Can't See You    Chapter 6

    Mga nakasandal lang sa kanilang headrest sila Rove, Eddie at Bean, blanko ang mga mukhang nakamasid sa dinaraanan.Humikab si Bean. "Theo, patugtog ka naman oh."Napaangat ng tingin si Theo na siyang nagmamaneho at agad tumalima. "Ah!" Umangat ang kamay nito at may pinihit-pihit sa harapan.Maya-maya'y umalingawngaw na sa loob ng sasakyan ang musika.Tanaw na nila ang Patid Road kaso ay alas nuebe palang ng gabi."Excited yata tayo masyado," komento ni Bean."Alas onse pa naman, kain muna tayo para makapag recharge," aniya ni Theo."Good idea. Snacks lang ang dala kong baon eh," sabi ni Eddie mula sa backseat.Tumigil sila sa isang 7/11 para mag hapunan. Sakto namang may bakanteng table na kasya sila lahat.Nang matapos mai-microwave ang pagkain nila nang staff ay nagkaroon muna sila ng sariling mun

  • We Can't See You    Chapter 5

    Nakaupo si Bean sa harapan ng study table, nakatingin sa kawalan at matamlay.He wants to be away from other people once in a while so he can't overwhelm them. With his personality madalas niyang nakukuha ang mga salitang "You're too much", minsan kahit hindi ito sabihin ay pinaparamdam naman sa kanya.Inabot niya ang electric guitar mula sa guitar stand tsaka padausdos na bumalik sa pagkakasandal sa swivel chair.Ilang minuto siyang tumutugtog habang malalim ang iniisip. He's contemplating what Ran said to them until something crossed his mind. The rank game.Kinuha niya ang phone mula sa study table at nireview ang laro nila noong isang araw. Is it already safe to assume that the person they played with was really John and not someone else?Nag focus siya sa paglalaro ni John, kung ikukumpara ay pareho lang ang paraan ng paglalaro, mula sa items na pinipili, sa pagkakasunod-sunod ng skil

  • We Can't See You    Chapter 4

    Nagkampo ulit ang apat sa kuwarto ni Theo. Kanina pa nagpaparit-parito si Eddie, naikot na ata ang buong bedroom. Nag-iisip sila ng paraan kung paano makakausap si Ran."Pagtatabuyan lang ulit tayo ng mama ni John, 'pag pumunta tayo ro'n," sabi Bean."Naisip kong makisuyo kay Tita Roberta kung pwedeng sabihan si Ran na makipag-usap sa'tin, o kaya siya na ang magtatanong. I'm just afraid that we'll be asking too much," nahihiyang aniya ni Eddie."Walang hiya-hiya! Ang nawawalang kaibigan natin ang pinag-uusapan dito, ano ka ba?" Bean beamed animatedly, napatayo pa 'to sa kinauupuan at humaba ang nguso."Let's cross the road when and if we get there, okay?" Rove faced Eddie and smiled."Look at the time. Huwag muna na'ting alalahanin ang mga posibleng mangyari pagkatapos dahil hindi natin magagawa ang kailangan nating gawin sa ngayon at mauubusan tayo ng oras. Ayos ba?" sabi ni Rove sa dalaw

  • We Can't See You    Chapter 3

    Team Theo vs. Team Lillian Exhibition GameNaghihiyawan at nagtatawanan ang mga audience habang pumipili ng hero ang team ni Theo.Game two out of three na sila ngayon. Ang nanalo sa unang parte ng exhibition game ay sina Theo."At binan ang Balmond!" sigaw ng commentator.Nagsitawanan ang mga audience, hinarap naman kay Theo ang kamera at maging siya ay tumatawa. Dahil si Balmond ang hero na ginamit niya kanina ay hindi niya na pwedeng gamitin ngayon."Sino naman kaya ang hero na gagamitin ni Theo ngayon, mga pamangkin?" panggagaya ng commentator sa tawag ni Theo sa mga manunuod sa streams nito.Tinutok ang camera sa mga audience, nasa isang mall sila ngayon. Ang iba ay may banners at nakataas ang phone na may nakalagay na "Bitter Sweet Men", mga pangalan nila Eddie, Theo, Bean, John at Rove. Mayro

  • We Can't See You    Chapter 2

    "So what's your assumption?" Rove asked, eyes boring on Theo's face."Tingin ko buhay pa siya at kailangan natin siyang makita para matulungan siya."-----Eddie, Bean, Theo and Rove gathered around Bean's phone, still shocked at what's in the screen."Minumulto tayo ni John!" malakas na ngawa ni Bean na nakataas ang isang braso at sabunot ang sariling buhok. Mangiyak-ngiyak na."B-but, we can know what happened to him if we play with him," saad ni Eddie. "Maybe he wants to talk to us to tell who or what caused his death?" It's not like Eddie believe in ghost or such but they're taking all the possibilities."Pa'no kung killer ang may hawak ng phone?" suhestiyon ni Rove."Ma, sigurado na raw po bang si John 'yon?" baling ni Theo sa ina.Hindi sumagot ang mama ni Th

  • We Can't See You    Chapter 1

    Numunguya at padukot-dukot sa BFF fries sila Eddie, Theo, Rove at Bean na magkakaharap sa isang mesa na naka pwesto sa gilid ng glass wall kung saan kita ang view sa labas mula sa itaas. Sa corner lang ng mesa nila ay ang mga kaninang ubos na pagkain. Sa gitna ng mesa ay phone ni Bean na binabasa ang replies sa tweet niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status