"Katie, gising na." Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko nang maramdamang may tumatapik sakin. Nakita ko agad ang pagmumukha ni Andrei pag dilat ko. "Good morning," bati niya. "Good morning." Napatingin ako labas ng tent. Oo, may tent kami. May dala si Andrei at inayos niya 'to kagabi bago kami matulog. Ay, hindi ko pala alam kung natulog siya. Nauna kasi akong pumasok sa tent kagabi at naiwan siya sa labas para ayusin daw ang mga gamit namin. Medyo madilim pa sa labas. "Anong oras na?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa wrist watch niya. "5:30. Mamayang 6:30 ay aalis na tayo dito. Uuwi muna tayo tapos sabihan mo nalang ako kapag gusto mo na pumasok." Sabi niya. "Okay. Pagkauwi sa bahay ay maliligo lang ako para makapasok na tayo agad." Sabi ko.
Terakhir Diperbarui : 2020-07-28 Baca selengkapnya