So iyon na nga, pagkapikit na pagkapikit ng kaniyang mga mata at tutuloy na sana ang kaniyang paglalakbay sa kaniyang pagtulog ng biglang may narinig siyang isang malakas na pag-uwak ng isang ibon, (Kwak! Kwak! Kwak!) Nagpaikot-ikot itong ibon na ito sa bahay nila habang patuloy ito sa pag-uwak. Nanlaki ang mga mata ni Amanda, hindi siya natakot sa sagupaan nilang mag-ina kanina, ngunit natakot talaga siya sa pag-uwak ng ibon na ito, masamang pangitain daw kasi. Naalala niya ang kasabihan ng mga matatanda na kapag nag-uwak ang ibon, may mamamatay daw. Syempre, naguuuwak itong ibon na ito palibot sa kanilang bahay, kaya naman labis siyang nag-aalala sa kaligtasan ng bawat isa sa kaniyang pamilya at sinabayan pa ng pagalulong ng kanilang mga aso. Nakakatakot at nakakagimbal kung tutuusin. Medyo tumaas ang mga balahibo niya sa katawan, hindi pala ‘MEDYO’, nagsitayuan talaga ang bawat buhok niya sa katawan,
Last Updated : 2020-08-05 Read more