"Sinabi kong kaya ko na ang aking sarili at kahit kailan ay hindi ko kakailanganin ang tulong mula sa ibang tao."Wika niya."Marylane,ang kaniyang dibdib! May nagliliwanag sa kaniyang dibdib." Sigaw ni Lady Elia.Nang makita ito ni Marylane ay tila huminto ang kaniyang mundo.Inilabas ni Lady Elia ang kaniyang baston at iwawasiwas sana, nang muling magsalita si Jordan habang nakangiti ng may pang-aasar,"Gagamitan mo na naman ba ako ng iyong mahika,bruhang mangkukulam?""Aba talagang iniinis mo ako binata! Hindi ako isang mangkukulam,isa akong engkantada at kapag inulit mo pa ang salitang iyan ay puputulin ko na ang iyong dila." Banta niya dito."Mangkukulam ka talaga. Bruhang mangkukulam."Ulit nito sa kaniyang pang-aasar hanggang muling kumirot ang kaniyang sugat."Hayan,mabuti nga sa iyo!" Ganting asar ni Lady Elia at muling itinago ang kaniyang baston.
Last Updated : 2020-10-09 Read more