SA PANAGINIP NI MARYLANE.Namimitas si Marylane ng iba't-ibang uri ng bulaklak sa isang napakalawak na hardin. Aliw na aliw siya habang inaamoy ang mga ito. Hindi nagtagal ay tinawag siya ng kaniyang nakababatang kapatid na si Lothe."Ate.ate Marylane." Wika nito habang kumakaway sa kaniya. Tinanaw niya ito."Ate,handa ang pagkain, halika na upang makakain.""Oo, susunod na ako." Tugon niya habang iniipon niya ang kaniyang mga napitas na bulaklak. Nagsimula na siyang lumakad patungo sa kinaroroonan ng kaniyang mga kapatid at mga magulang. Ang kaniyang buong pamilya ay masayang nagkukuwentuhan sa ilalim ng isang malaking puno. "Oh, Marylane halika na dito at niluto ko ang iyong paboritong pagkain. Maupo ka na.""Opo ina. Maraming salamat po." Tugon niya at pagkatapos ay umupo. Tinanggap niya ang iniabot na pagkain ng kaniyang ina.Nakita ni Lothe ang mga pinita
Last Updated : 2020-10-29 Read more