Pumasok si Mina sa kaniyang silid. Ipinatong niya ang kaniyang hawak na ispada sa ibabaw ng lamesa at umupo sa ibabaw ng kaniyang higaan. Nang akma na niyang huhubarin ang suot na sapatos ay natanaw niya ang isang baul sa sulok ng kaniyang silid. Napahinto siya at tinitigan ang baul. Lumapit siya sa baul at binuksan ito, sa loob nito ay mayroong isang makulay na bestida na may mga bulaklak na disenyo. Kinuha niya ito at ipinatong sa kaniyang mga tuhod."Ina.." bulong niya.Muling nagbalik sa kaniyang alaala ang kaniyang kabataan. Ang panahon kung kailan ibinigay sa kaniya ng kaniyang ina ang bestidang ito. Noong siya ay isang munting paslit pa lamang.Galing noon sa pamilihan ang kaniyang ina at nang makauwi na ay agad siyang tinawag."Mina,anak,halika.""Bakit po ina?" Tanong niya habang nakatago ang mga kamay ng kaniyang ina sa likuran nito.Ngumiti ang kaniyang ina,kumunot-noo na
Last Updated : 2020-10-09 Read more