
RED FOREST
"Haze! From now on! Maghanap ka na ng tunay mong makakaibigan! Yung okay lang sa kanya na agawin mo ang boyfriend niya! Tandaan mo ito, Haze! Mahirap hanapin ang isang katulad ko na kayang damayan ka sa oras ng may problema ka sa lahat! Na kaya kang ipagtanggol sa magulang mo sa tuwing may ginawa kang kabaliwan!"
Ang huling mga nakakasakit na salita ni Hazielle na naririnig niya sa kanyang kaibigan bago matapos ang kanilang pagkakaibigan.
Kapatid na ang turingan ng dalawang magkaibigan na sina Jadhrie Mae Ocampo at Hazielle Kielle Monson. Simula mga bata pa lamang ay magkaibigan na silang dalawa.
Nang dahil kay Macky Marquesse- ang ex-boyfriend ni Jadhrie. May lihim na pagkagusto si Macky kay Hazielle, kaya ginamit niya si Jadhrie upang mapalapit sa kaibigan.
Isang trahedyang naganap ang nangyari kay Hazielle nang naging sila na ni Macky. Ang pinakatago-tagong sikreto ni Hazielle na dapat malaman ni Jadhrie, ngunit walang paraan para muling makausap ang dating kaibigan dahil matagal na itong nasira.
Tatlong taon na ang nakalipas, at bumuo ng isang group chat ang kanilang presidente nila sa klase na si Shelby Jimenez. Napagpasiyahan ni Shelby na muli silang magsama-samang lahat at para na din muling magkabati sina Jadhrie at Hazielle.
Sila'y tutungo sa tago, 'di kilala at mahiwagang kagubatan na sa tuwing gumagabi ay nagiging kulay dugo ang kalangitan, at babalik na lamang sa normal na nitong kulay kapag umaga. Ang Pulang Kagubatan (Red Forest) o ang dating tawag ay Baryo Matay.
Ang akala nilang masayang pagsasamahan, ay mauuwi sa madugo at brutal na mangyayari sa kanilang lahat.
Anong mga sikreto at misteryong bumabalot rito sa kagubatang ito?
Sino ang pumapatay?
Sila bang lahat ay maliligtas?
Magbabati kaya sina Jadhrie at Hazielle?
Masasabi kaya ni Hazielle ang sikreto nito kay Jadhrie?
Read
Chapter: Special Chapter[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
Last Updated: 2020-07-29
Chapter: Epilogue[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Last Updated: 2020-07-29
Chapter: Chapter 23Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Last Updated: 2020-07-29
Chapter: Chapter 14: Hidden ChapterGelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
Last Updated: 2020-07-29
Chapter: Authors NoteAs you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Last Updated: 2020-07-29
Chapter: Chapter 22: The Beginning (5)Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong
Last Updated: 2020-07-29